hay! pilan days ku absent?
kahapon nagswimming kami ng maaga sa abu dhabi, tapos nagsi ligo na at nag aya sila mag dubai mall ulit. ayun, afterlunch lumarga na kami.
mga 3pm andun na kami sa mall. nakabili naman ako ng pants sa aeropostale 40% off, notebook na cute sa sanrio Dh10, tsaka maraming maraming items sa Daiso. hehe. si jing sa forever21 namili. si jade sa Hamleys at sanrio. si jay nag scout pa ng bibilhin niya. 1month pa naman ang sale e.

nakauwi kami dito sa bahay 9pm na. sakit sakit ng ulo ko. nasilaw kasi ako sa pool nung umaga, sumakit tuloy ulo ko nung hapon hanggang gabi, hanggat nakakakita ako ng ilaw parang kumikirot noo ko. kaya pagdating namin humiga agad ako, hindi na ako nakapagbihis.
mga 10pm nagising ako, ok na yung ulo ko kaya tumayo na ko. tulog na si jade, si jay pahiga na, si jing naglalaptop pa. kumain na ako tsaka nagbihis, nagligpit ng mga dala naming gamit. 1130 na ako nakatulog.
eto tambak ang labahin at plantsahin ko. dami ligpitin. hehe. pero ok lang, bakasyon na si jade.
ging,
last week nakailang beses kami nagsigang. sigang ribs, tapos sa abu dhabi nagsigang ribs nanaman tsaka sigang fish. parang gusto ko ulit magsigang kaya lang baka magsawa na sila. haha!
haha! nag enjoy ako sa kwento mo.
si jing naman nung first day sa kinder, jusko, pinapapasok siya ng teacher, pati ako hila hila niya sa loob. umiiyak pag lalabas ako ng room. binubuhat pa ng teacher pag papasok sa loob. 1 week yata ako sa loob ng room. tapos unti unti nagpapaiwan na. pero pag papasok sa tanghali, kadami alibi. kesyo, masakit daw tyan, may naiwan sa bahay! haha! yung mga palusot niya matatawa ka.
buti pa si jade e. nung first day niya kulang nalang palayasin ako sa school. sumisilip pa ako sa kanya nagbaba-bye e, pinapaalis na ako.

awa ng Diyos, natapos naman ang kinder1 niya ng maayos. kinder2 na ang berat next school year.
mommy,
si jade gusto punta sa toys r us, naka sale dun diba. hehe.
siguro this week makakahirit kami kay jay ng weekday mall. kaya uubusin ko na mga gawaing bahay ko.
baka next week kasi mag 1week kami sa abu dhabi. magli-leave daw si jay e. tsaka aasikasuhin namin renewal ng passport ni jade.
o siya!
