watch now

Author Topic: One Cafe and Events Place  (Read 64826 times)

rogz888

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #60 on: July 24, 2013, 02:32:33 am »
We went there last April and spoke with Wheng.  Sya yung available na AE nung time na yun.  Yun yung sinabi nya smen ni Hubby.  Wala raw bayad.  We can set up as early as we want as long as walang event before us. 

Hay naku, I will call her nga this morning.  Magpapa sked na rin ako ng food tasting.

Nhetskii

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #61 on: July 24, 2013, 10:14:01 am »
PM me your email add, sis :)

sis funky ako din! pa email package package ni sweet creations... thanks thanks  :)

maurice

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #62 on: July 24, 2013, 11:26:21 am »
^rogz888, siya rin yung sumagot sakin once while Anniel was away. Kaya lang yung mga sagot niya nun sa email medyo incomplete. Also, when I asked if pwede ba maglagay ng welcome decor/standee sa main lobby, sabi ni Weng hindi daw. But when I checked again with Anniel, pwede naman daw (standard size and only on one side). Check mo na lang ulit yung early set-up plan niyo :)

blueghurl

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #63 on: July 24, 2013, 08:06:04 pm »
Naka book rin ako sa OneCafe for next month. A little advice lang sa inyo, lalo na at si Weng ang kausap nyo, siguraduhin nyo mabuti ang mga details dahel based on my experience, sumablay na yan si Weng sa akin. Kung may time pa sana talaga ko maghanap ng ibang venue ginawa ko na.

Ang event ko for August pero April pa lang nagpunta na ko don para magpabook nung Function A, nag down payment na rin ako. The following month (May), nagdecide ako na kunin na rin yung Function B so tinext ko sya sabi ko kukunin ko na, ipencil book nya ko tutal may dp na ko. So nag OK sya. Nitong last month, magfood tasting na sana ko at tinext ko sya at pinaalala ko na yung Function B ha kukunin ko na sure na. Aba! Ayun, ibinigay sa iba, may nagbook daw! E d nahighblood ako! Tapos aminado sya na kasalanan nya, parang siguro hindi nya nailista. Badtrip lang ako lalo dahil kahit nagsosorry sya, hindi naman mukang apologetic ang dating nya!

Nireport ko sa GM nya, since "wala na daw magagawa", bibigyan na lang daw ako ng 20% discount sa final bill.. Hayyyy badtrip talaga. Kaya ko gusto kunin ang function B para sure ako na walang kasabay ang event ko, kasi kung nakita nyo, magkatabing magkatabi ang A at B, parang may divider or something. E d magsasapawan na lang kami nung kasabay kong event kung sino mas malakas? Ayun ang point.

Sorry ang haba lang.

maurice

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #64 on: July 24, 2013, 11:10:57 pm »
^blueghurl, salamat sa tip. Actually, nung siya ang sumagot sa email ko dati kay Anniel, medyo doubtful na ako sa mga sagot niya kasi nga incomplete ang details. Buti when I followed-up again eh si Anniel na ulit yung sumagot.

rogz888, i-double check mo na lang :)

Napapaisip na naman tuloy ulit ako kung kukunin ko na rin ba ang Function Hall B.

rogz888

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #65 on: July 25, 2013, 04:46:05 am »
thanks sa reminder sis blueghurl.  naku, kinabahan naman ako bigla.  A & B din kinuha ko pero nung una afternoon sinabi ko tapos nagpa change ako ng lunch. tapos ibinalik ko sa original na schedule.  baka hindi nya na take note. pero sbagay, si Anniel ata yung sumagot nung tumawag kami na ibalik sa original na sked. hays!

when sa August party mo? nakapag food tasting ka na? pa share naman ng napili mo.

blueghurl

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #66 on: July 25, 2013, 07:51:58 am »
August 18, 1st bday ng baby ko. Sa Aug 1 pa ko mag food tasting.

ava_camille

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #67 on: July 25, 2013, 09:22:22 am »
Thanks for the headsup Blueghurl, may bayad nga ba ang ingress at egress?

blueghurl

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #68 on: July 25, 2013, 08:39:15 pm »
^ ang set up time daw kasi 2-3 hrs before ng event mo. Pero kung mas maaga pa dun, yun yung magbabayad ng 500 para sa early manning.

rogz888

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #69 on: July 26, 2013, 02:31:54 am »
^^^August 18??? Sino Party Planner mo sis? August 18 kami mag food tasting kasi me event dun yung partyplanner ko.  What time party mo? Naku, baka magkita tayo. =)

Balitaan mo kami sis sa mapili mong food ha?  Ano nga pala package kinuha mo?

maurice

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #70 on: July 26, 2013, 09:53:02 am »
Meron na po bang nakapag-inquire tungkol sa parking slots? :)

blueghurl

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #71 on: July 26, 2013, 01:14:57 pm »
@rogz888, Wala ko party planner. Pero ang venue decorator ko si Party Boosters. 2pm-6pm event ko.

@maurice, about sa parking, sabi ni Weng pwede raw sa basement parking nila kasi Sunday naman yung event ko, walang pasok office so pwede magpark don, then kailangan lang ipa validate ang parking ticket para 30pesos lang ang bayad. Meron din naman open parking sa likod nung building. Pag weekend d naman mahirap mag park dun kasi walang opisina.

blueghurl

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #72 on: July 26, 2013, 01:18:04 pm »
@rogz888, yung kinuha ko pala Package 4. August 1 pa ko mag food tasting. Pero d ako magaling magsabi kung ano ang masarap eh. Hehe.. Sorry naman.

maurice

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #73 on: July 26, 2013, 02:44:17 pm »
^Thanks blueghurl! :) Limited kaya yung slots sa bldg. or we can take up as many as we need? Haha Check ko na lang rin yan with them.

rogz888

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #74 on: July 27, 2013, 04:46:38 am »
@blueghurl - ay ang saya!!! baka magkita tayo.. si partybooster din ako.  asked ko kasi sya when next event nya sa one cafe para same day kami mag food tasting.  nagkataon palang event mo yun. =)
kami package 2 lang nag kukunin.

parang ganun nga din ang tanda ko.. sa basement parking pwede magpark..

blueghurl

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #75 on: July 27, 2013, 09:03:42 am »
@rogz888, hehe! Ano oras ba food tasting mo?

rogz888

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #76 on: July 30, 2013, 04:50:56 am »
^hindi pa sure sis.  mga after lunch siguro.  late kasi nagigising si baby.  malapit na food tasting mo. =)

blueghurl

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #77 on: August 01, 2013, 09:41:18 pm »
Nag food tasting na ko kanina, eto na ang final na mga food na napili ko:


Cream of Vegetables Soup
Roast Beef with Alumettes
Hickory Pork
Honey Pepper Chicken
Pan Fried Fish Fillet with Lemon Butter Sauce
Linguini Alfredo
Mongolian BBQ Vegetables
Panda Rice 
Fruit Gelato
Assorted Pannacotta
Cookies and Cream
Mango Sago
 
KIDS MENU
Spagehtti Sweet Style
Chicken Fingers
Hotdog on Stick
Fries and chips
Ice Cream on cups

Btw, yung desserts & kids menu hindi kasama sa food tasting.

Si Anniel na mismo ang nag attend saken. Mas ok na kung sya ang ka-deal. Secretary nya pala si Weng.

About sa parking, 30 pesos flat rate sa basement ng bldg basta ipavalidate. Tinanong ko yung guard don kung ilan slot ang pay parking, 23 slots daw, pero pag weekend naman pumapayag sila ipagamit yung ibang slot kasi wala naman office non.


maurice

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #78 on: August 01, 2013, 09:49:25 pm »
Wow! Thanks, blueghurl! :) 30 nga daw flat rate ng parking nila. Anong food package yang in-avail niyo? :)

blueghurl

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #79 on: August 01, 2013, 11:12:02 pm »
^ package 4

 

Latest Stories

Load More Stories
Close