watch now

Author Topic: Inggit Sa Mga Facebook Friends  (Read 37578 times)

lovely_carrot

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #60 on: August 02, 2013, 03:47:19 pm »
this happened to me few months ago. glad to know i'm not alone.

actually what i discovered was its just a phase, lilipas din talaga and besides its also caused by too much babad sa facebook, so syempre lahat na halos ng pinopost ng former classmates, schoolmates nakikita ko kaya dun pumapasok yung envy.

i remember it happened when i was unsure if wanted to stay with my current job, if lovelife is a bit suck-y or if i'm going through a rough phase. one time feeling ko sobra na yung ginagawa kong comparison ko sa kanila, i actually prayed na linisin ni Lord yung isip and puso ko sa inggit kasi ayokong mabuhay sa ganun. i was able to overcome it  din naman thankfully, then ngayon less time sa FB more on forums like girltalk and pinoyexchange. :)

« Last Edit: August 02, 2013, 05:37:43 pm by lovely_carrot »

iamtine

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #61 on: August 02, 2013, 04:09:15 pm »
Subscribing.. I was once become guilty rin minsan sa pagiging feeling inggit, what I am seeing in FB.

But, not that much,,, I remember i saw my old friend's fb page, and read some comment's there, so yun nakaramdam ako ng slight inggit, but I took it as a challenge to strive more hard to fulfill my dreams.
Well, i know naman na what she posted is just what we wanted us to see..

superjuzh

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #62 on: August 04, 2013, 04:39:42 pm »
nararamdaman ko din to lalo na dun sa mga katulad ko na hindi rin naman college graduate pero dahil maganda sila ang ganda ng mga nagiging trabaho nila sa mga company. tapos kung ano ano pa yung mga natatanggap nilang freebies. pero naisip ko an lang ganon din naman ako dati. haha

iluvmysoldier

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #63 on: August 04, 2013, 09:34:01 pm »
Not naman inggit but more like "OMG pati ba naman yan she's posting pa on facebook". Annoying kasi to see pictures na purely kayabangan when you know naman that person is not rich talaga even if she thinks she's THERE na. But then again, it's her facebook page so deadma na lang. Tawa na lang sa isip.  ;D

pinkswirls12

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #64 on: August 04, 2013, 09:50:06 pm »
ang babaw ng kinaiinggitan ko sa fb friends ko ngayon. yung paggala gala or kain sa mall with the whole family or friends. simula ng nanganak ako hindi na ako nakagala. nakapunta na naman ako ng mall but naggrocery lang at madaling madali pa. yung simpleng simpleng pagmall mo nung dalaga ka, hindi na basta basta kapag may anak na. babawi na lang kapag malaki na si baby. 2 months pa lang kasi siya..

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #65 on: August 04, 2013, 11:18:32 pm »
Happens to me every once in a while, pero not as bad as before. :) Yung mga new stuff, mga shopping, eating in new restos, travelling, saka siempre meron yung may mga pamilyang sadyang may kaya sila talaga - so marami silang material stuff na na-aachieve na hindi namin basta-basta makukuha dahil we only have each other (hubby and I) to depend on when it comes to money. :)

Pero I learned to look at the wonderful things I have, and I try to harness the power of deadma and focus more on the amazing blessings I am given - ayun nawawala din ang inggit. Hindi sya kumbaga,nagseep into my skin, napapadaan lang.


qt_ben17

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #66 on: August 06, 2013, 01:27:35 pm »
dati kinakainggitan ko talaga yung magandang career ng mga fb friends ko. i have a good career right now. pero ang
kelangan ko eh yung rest, travel, leisure. kaya kinaiingitan ko talaga yung nakakapag road trip, white sand beach, party
at the beach and so on.. hayyyyy

miss resilient

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #67 on: August 18, 2013, 04:16:24 pm »
-wala akong baby, whenever i see pics of babies of fb friends..ni la like ko..
-hindi ako kagandahan...pero pag nakita ko pics ng college classmates ko na gumaganda lalo sila ...nila like ko
-may gadget gadgetan sila na nakadisplay..comment ako.
-nakakapagtravel sila sa abroad na di ko nagagawa..ni la like ko. nag ko comment ako.

it's just a matter of being happy for others..di man tayo yun at least sila...and thank God for that..i think yan ang remedy sa inggit..my two cents

KittiEKittiE

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #68 on: August 18, 2013, 04:30:15 pm »
Facebook somehow causes depression, kaya ako I don't check my newsfeed. I only check if may notifications ako. Napagdaanan ko din yung phase na nainggit ako sa mga friends ko, most of them may magandang work, yung iba kasal na but dumating din yung time na narealize ko I don't have to compare myself with them. I'm happy with my own life. And I'm grateful sa mga blessings na narereceive ko. We just need to appreciate the things that we have.

huggykaye

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #69 on: August 26, 2013, 04:01:26 pm »
sa ngayon mas affected ako pag nakakakita ako ng mga kinakasal o yung mga bagong panganak  :( kaya bihira din ako mag check ng FB ko, minsan naoopen ko na lang yun pag may ipopost akong pictures at nagpapatag yung mga nandun hahaha...

oshiawase

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #70 on: August 28, 2013, 10:34:32 pm »
Hi guys, help naman.

I just realized na naiinggit ako sa isang person. Hindi kami close. Hindi ko siya gaano gusto actually. Pero inggit ako sa kanya kasi super achiever siya. She's won several awards (local and international) na in what she does while I remain kinda low profile. I feel like napag-iiwanan ako. She is "nice" din naman, and marunong manamit, hindi din pangit.

Naasar ako pag nakikita ko awards nia on FB.

Ako, well, ako.

Ayoko ng ganitong feeling. Gusto ko maappreciate ko yung successes niya. Pero ayoko maiwan.

What do I do???

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #71 on: August 29, 2013, 12:44:38 am »
Naramdaman ko din yan kapag nakikita ko yun mga highschool, colleges friends ko na very successful sila. Tapos ako yun takbuhan at kopyahan nila nun college tapos ako pa yun napag-iwanan ngayon. Samantala sila yun nagmamakaawa sa akin na bigyan ko sila ng sagot. Tapos ako low profile din sila marami na achievements ngayon. Nagtataka nga ako bakit ganun sila swerte ako hindi. So unfair di ba?!  I ask my dad sabi nya sa akin yun ang kapalaran nila, kanya kanya tayo ng swerte ng buhay. eto ang swerte ko low profile simple life. Kaya wag ko daw isipin yun.

Minsan naman kase di naman lahat ng pinapakita sa fb eh totoo or  happy na sila may kanya kanya din yan problema. Behind that happy picture meron din yan kalungkutan sa likod ng lahat. Di lang inilalabas.



red_one

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #72 on: October 02, 2013, 03:54:19 pm »
im not sure if inggit bang matatawag yung pakiramdam ko. kasi may mga friends ako na ang naka-post every weekend ay "gora...gora...gora". I am wondering tuloy, ano ba to parang walang household duty at puro nalang gala ang ginagawa. hindi ba nakakapagod dun yung puro gala. naiinis tuloy ako sa mga post nya, lagi kasi ganun gora.
yung isa naman, super pa-pampam. naku kada kibot post. sabi busy daw sa ofis, pero nakakapag-post pa sa fb. at lahat ng drama sa buhay nakapost. minsan nga nagpost ng blurred photo ng private part nya, asking bakit daw sya may bruise in that area. hello! mag-consult daw ba sa fb. bakit di ka pumunta sa doktor. kaloka.
then yung iba naman, how come they manage to buy this and that, travel here and there, eh ni hindi nga sila maka-afford na bumili ng sariling house. parang mas priority pa ang luho. tapos pag nagipit uutang sakin.
nakaka-stress sila. kaya hanggat maari nililimit ko na rin ang mag-open ng fb eh. lalo na at makikita ko mga post ng mga taong yun. pero meron namang iba, natutuwa ako sa mga post or status nila. ewan ko ba.

miss resilient

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #73 on: October 12, 2013, 03:15:08 pm »
^sa lahat ng posts dito sa thread na ito sayo ako agree!

oo nga no maya't maya post ng gadget gadgetan..yun ngang isa pati ref na bagong bili pinost sa fb..hahahah..ano ba yun? pati mga gift ng foreigner niyang boyfriend hay naku. tapos pag ich chat ko sasabihin niya...ah wala mga regalo lang yun..ah wala sumabit lang ako sa pagtravel... :D

yung iba tama nga..lahat ng kadramahan ipinopost sa fb..yung ex ko nga hay naku nagpost ng video na sumasayaw ng sexy dancing mukha shang macho dancer! kahit ba maganda katawan niya eh pinangangalandakan talaga niya katawan niya. aun walang naglike walang nagcomment..

sabi nga face your problem. do not facebook your problem.

manhattanite

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #74 on: October 21, 2013, 07:12:05 pm »
Naku sis, social media is the easiest and best tool nowadays to project a happy/fulfilled/rich life.  Although I understand what you mean na merong initial inggit na mararamdaman kasi yun naman ang nature ng tao eh - to look for what we don't have.  Ako nun nainggit ako sa mga travels ng ibang friends, especially sa dream countries ko.  Pero naisip ko, nakapag travel na din naman ako ah.  Hindi lang kasing dalas nila sa isang taon and not at the same level of airlines, hotels and even shopping budget hehe, but I've been around, too, and at a younger age pa compared to when my other friends started to travel.  And even if they're richer than me, kampante ako sa fact that I have a great, close-knit family and a loving and faithful husband, and good health for all of us.  Kasi alam ko hindi lahat ng mga friends kong well-off at mahilig magyabang on FB and IG eh masaya at blessed sa ganyang aspeto.  And at the end of the day, what REALLY MATTERS to me are these blessings and not the material things.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #75 on: October 21, 2013, 08:01:17 pm »
Ako naman ang inggit ko lang un iba may baby na... Hays pero ang hilig ko lang mag like. Karamihan pictures ko tag lang sa akin... Before active ako mag post now days hindi na kakasawa rin.

traveltechie

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #76 on: October 21, 2013, 09:00:17 pm »
i guess nature naman talaga natin yung ma-inggit, specially that instant na makita mo yung pictures of your friends with the stuff you want to have / do yourself. nagiging unhealthy lang naman yan if it causes you to be unhappy na, pero if its just like "uy nice, i want to go there too or have that too", then i think it drives us to work harder to get the things we want. pangit lang din if you start wanting something just because others have it  ;)

lisse

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #77 on: October 21, 2013, 09:49:08 pm »
I agree! If yung "inggit" natin will be channeled in a good way, like instead of letting it ruin us eh we use it as motivation so we can also achieve what they have achieved, eh I'm all for it. Pero worse kasi, sometimes people will even wish ill pa dun sa taong "kinaiinggitan" nila. as in. that's a no-no, sama na kaya non. Kaya nasa tao din talaga kung panno niya iha-handle ang "inggit" factor sa buhay niya.

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #78 on: December 29, 2013, 02:54:35 am »
Sharing Lang mga sis may kilala ako post sya ng pic May condo daw sya sa fb. Nalaman ko Hindi naman pala sa Kanya yun.

Ewan ko ba bakit may mga Tao ganun... Bakit Hindi magpakatotoo.

Ang totoo mayaman simple Lang....

contentment is the best happiness.....

Makikita mo sa pics masaya sila un pala Hindi naman Puro away, utang etc. like they have brand new car di ko Lang masabi utang naman yan Mabuti Kung cash mo binayaran fully paid db. Bow ako sayo.


Kung sa couples naman it's normal na mainggit tayo pero tandaan natin there's no perfect relationship.

« Last Edit: December 29, 2013, 03:01:19 am by Filipinasadhart »

Soshipuffs

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #79 on: January 22, 2014, 11:18:06 pm »
Inggit is just like a failure.
We take failure as an opportunity to reach our goals.
Ganun din sa inggit. Mainggit ka lang ng mainggit and mare-realize mo
na mas nagpu-push forward/work hard ka para umangat sa buhay.
Actually nagf-facebook lang ako for my status, noti and photos.
Di na ko tumitingin sa newsfeed kasi nakakainggit nga naman pero
madalas kong iniisip na may mga pinagdadaanan sila and ang FB ay isa
sa way para maipakita nila ang nice image nila. For me, it's nice na din
na makita mo ang good side mo despite those bad side/problems na
hinaharap mo in life. May mag-like lang sa photos ko eh nakaka-motivate na rin ng konti.hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close