Went to El Nido a couple of weeks ago for 5D/4N. Kumuha kami ng package sa
Hadefe.
Inclusion: airport transfer from/to Puerto Princesa, A/C accommodation with complimentary breakfast, tours A, B and C with lunch, and van service for pasalubong shopping in PP.
P8,500/person. Dalawa lang kasi kami. Nagpa-quote ako sa kanila for 5pax, papatak daw ng P7,500/person.
Not included ang snorkeling mask. P150/day ang rent. Pricey siya for me so kung mahilig kayo gumala at mag-snorkel, buy na lang kayo ng sarili ninyong snorkeling gear, around P850 lang sa Chris Sports. Mahirap nga lang siya i-empake

Kagaga*han ko naman, hindi na ko tumingin ng reviews ng Hadefe sa TripAdvisor or sa mga blogs, kasi nirecommend lang siya ng friends ko. Nakalimutan ko 'yung factor na medyo maarte ako sa accommodation at 'yung mga friends ko ay backpacker level

So ayun, I was really disappointed sa unang room na binigay kasi ang liit and sobrang luma na. I think ito 'yung Duplex sa website nila, which is P1,100/night. Nag-text ako sa coordinator and asked if meron pang available rooms na iba, kasi kung wala aalis talaga kami at lilipat sa iba

Arte lang haha. Buti na lang merong non-beach front cottage na good for 3 pax, di hamak na mas malaki at mas bago. Pero very basic lang din. P1,300/night ang rate niya based sa website pero hindi na nila kami siningil pa ng dagdag na bayad. In short, wala talaga akong karapatang magreklamo,
we got what we paid for :p After the first couple of nights, nasanay na rin kami sa room haha.
So anyway, mababait naman yung staff nila so keri na
Medyo malayo 'yung resort sa town, pero kayang kayang lakarin. Maliit lang ang town eh kaya lagi kami naglalakad, maliban na lang kung pauwi na kami kaya nagpapasundo kami lagi sa tryk ng Hadefe kasi walang ilaw sa daraanan.
As much as I hate to admit it,
El Nido is "touristy" na. I felt like "nahuli" na ako sa balita hehe. More than 50% of the islands in El Nido ay pag-aari na ng mga Ayala so merong mga lugar dati na kasami sa mga tours pero ngayon ay hindi na. Tapos
the corals are damaged na in most of the places that we visited. Dahil na rin sa araw araw na pag-dock ng mga tourist boats (i.e. anchor) kaya nasisira ang mga corals. Sana makaisip ng mas magandang paraan ang local government kung pano mag-dock ang mga boats without damaging the corals. Or kahit Department of Tourism na bilang ganito naman sa mga tourist spots sa buong bansa.
So anyway, majority of our stay okay naman ang weather

Nung Tour A lang medyo inulan 'yung lunch namin pero keri pa rin. In general, maganda pa rin naman ang El Nido. It still has its own charm. Kahit hindi ganun kaganda ang underwater sa El Nido compared sa Coron, "complete package" kumbaga ang inooffer niya. Kasi kapag pupunta ka sa isang isla, kumpleto 'yung:
limestone rock formations, white sand beach, and snorkeling area. Available lahat 'yan sa halos lahat ng mga pupuntahang lugar. Well maliban na lamang sa mga lagoons syempre, which by the way didn't really impress me that much? Not sure why, dahil na rin siguro makulimlim ang panahon noon kaya hindi naman nakita ang full beauty niya haha.
Plan kong bumalik ng El Nido bandang March, siguro two years from now. Tapos 'pag babalik ako,
mag-hihire ako ng private boat. Mas may freedom kasi to choose the places that we want to visit. Maraming isla sa El Nido but some of them medyo "redundant" na. Haha. Bibigyan ko pa ng isang chance ang mga lagoons and babalik ako kapag tirik na tirik ang araw haha. And I'll deifinitely visit these again:
Hidden Beach, Matinloc Shrine, Snake Island and Entalula beach (half of the island ay pagaari na ng Ayala, baka soon buong island na bilhin nila). Magaganda ang beaches ng El Nido, no doubt - Seven Commandos, Pinagbuyatan, Star Island and Helicopter Island.
Mga hindi namin napuntahan na gusto kong puntahan sa susunod: Twin beach and Taraw cliff.
Sorry napahaba na
