watch now

Author Topic: Cebu Thread 15 (check pg. 1 for Map/Ferry Scheds/Places to stay/Tourist Spots)  (Read 74590 times)

subzero

  • Guest
just got back from my 2nd cebu trip. we went to bluewater sumilon, and super ganda ng service nila at sulit ang glamping package.


rocky

  • Guest
nag-daytour ako sa alegre beach resort last week, 1500 yong entrance tapos 1000 consumable. nong time na nandon ako grilled buffet yong lunch. medyo nagkaroon lang ng miscommunication kasi una sabi plated lang daw yong lunch so naghintay ako don sa order ko. almost an hour na wala pa rin, nagtataka ako kasi yong iba na-serve na so nag-ask ako ng waiter sabay sabi sa akin na buffet daw. mabait naman yong waiter kaya kinuha nya ako ng food, sulit naman kasi may king prawn, squid & fresh fruits. :P maganda yong facilities nila lalo na ocean view resto, mga furniture nila kenneth cobonpue. yong pool nila maganda din & malaki. pero mas nag-enjoy ako sa beach, kasi white sand. hindi ganon ka-fine yong sand pero malinis. may mga staff na nagme-maintain ng beach kasi panahon ng lumot. may promo sila sa daytour minimum of 6 pax 1k/head kasama na shuttle mula sa city. :)

yikee

  • Guest
^ sis rocky kasama na yung transfers sa rate ng daytour? Kita ko ang pics mo, ang ganda ng beach nila!

rocky

  • Guest
^dahil mag-isa ako sis hindi kasama transfer. since malapit lang naman to sa haus namin, sobrang dali lang puntahan. yong promo nila na 1k dapat minimum of 6pax kasama na transfer don. kung mag-commute kayo from city by ceres bus (aircon) siguro 60 pesos lang tapos baba kayo sa kanto ng damolog (damog silent L ang basa, hehe). pagdating don may mga habal2x 25 pesos lang hanggang sa alegre. :)

junepets

  • Guest
^ sis saan ang alegro beach? mga ilang minutes from City?

rocky

  • Guest
^sa sogod, papuntang north. from city 1.5-2 hours. :)

junepets

  • Guest
^ thanks sis.. layo pala.. :(
baka ayaw ni hubby punta dyan...

rocky

  • Guest
^yong sa mactan kasi fake lang yong sand nila. kaya hindi ko gaanong bet. share ko sis yong pics ko baka magbago isip mo. hehe! ;)
https://www.facebook.com/media/set/?set=a.580227648669007.1073741829.100000453324614&type=1

yikee

  • Guest
Thank you sis rocky.. Madali dali lang din naman pala i-commute ang papunta don. Ganda ng mga pics mo e, nakaka engganyo! Hehe! Baka sa nov or dec pa naman kami kaya tamang pili pa lamg ng resort. Kung crimson o alegre ano mas ok? Pareho ba sila ng area?

purpleish

  • Guest
sis pret_ty68 ...sis meron palang iba't ibang crown regency sa cebu ;) yung Crown Regency Hotel & Towers Cebu (ito yung meron sky adventure) na located at Fuente Circle sa city, ito yung malapit sa Apple Tree Pension House, let's say kung sa MOA, from Blue Wave to Globe, mga 5-10mins walk lang... then yung Crown Regency Suites & Residences Mactan (baka ito yung sinasabi mo sis), nasa Mactan area siya, so malayo talaga kung lalakarin :P taxi lang sis kung coming from city..
« Last Edit: April 05, 2013, 11:35:02 am by purpleish »

tomatostellar

  • Guest
ah eto pala yung bagong thread haha na warning'an tuloy,, oh well

ask ko lang, masyado bang nakakapagod kung from mactan airport, pumunta na ng Danao then Camotes?


junepets

  • Guest
^yong sa mactan kasi fake lang yong sand nila. kaya hindi ko gaanong bet. share ko sis yong pics ko baka magbago isip mo. hehe! ;)
https://www.facebook.com/media/set/?set=a.580227648669007.1073741829.100000453324614&type=1

ahihi.. thanks sis..
sakin okay lang.
si hubby kasi ayaw ng masyadong malayo...

pili kami kung mag crown regency kami.. or mag beach..
sa november pa punta namin dun... pero plan ko na finalize IT namin para di ngaragski..

will check your photos sis..

--- edit ---
waaaah.. ganda nga sis...
need ko ligawan si hubby.

bale sis.. san yun pickup ng transfer from City to Alegre?
paano magpa book?

(bigla daw ako naging interesado) :D
« Last Edit: April 05, 2013, 10:03:43 am by junepets »

rocky

  • Guest
^sm or ayala yata di ako sure sis, tawag ka na lang din sa manila office nila may # don sa website.

sis yikee, yong crimson nasa mactan lang. alegre beach resort nasa sogod papuntang north. :)

sis tomatostellar, from airport 1 hour byahe papuntang danao then 2 hours ferry ride to camotes. sa mangodlong paradise resort kayo sis malapit na lang yon sa port, mga 10 minutes ;)

tomatostellar

  • Guest
hala ang ganda sa Alegre.. parang nagddalawang isip na ko >_<
ano baaaa

Alegre daytrip vs overnight at Mangodlong Paradise ??? 

rocky

  • Guest
^mas malayo alegre pero ang advantage hindi ka na sasakay ng ferry. yon nga lang babalik ka pa uli ng city after ng daytour. from danao, dadaanan mo pa yong carmen (town namin), catmon then sogod ;)

pret_ty68

  • Guest
sis pret_ty68 ...sis meron palang iba't ibang crown regency sa cebu ;) yung Crown Regency Hotel & Towers Cebu (ito yung meron sky adventure) na located at Fuente Circle sa city, ito yung malapit sa Apple Tree Pension House, let's say kung sa MOA, from Blue Wave to Globe, mga 5-10mins walk lang... then yung Crown Regency Suites & Residences Mactan (baka ito yung sinasabi mo sis), nasa Mactan area siya, so malayo talaga kung lalakarin :P taxi lang sis kung coming from city..

Thanksa lot sis :) Buti na lang nagtanong ako kasi kung hindi yung malapit sa crown regency sa lapu lapu ako naka pag pa reserve

pret_ty68

  • Guest
Mga sis pa suggest naman nang affordable hotel na malapit sa crown regency sa Mactan pa suggest na rin po kung ano ang magagandang puntahan sa Mactan.

rocky

  • Guest
^lapu2x shrine lang sis, mostly nasa city yong tourist spot :)

pret_ty68

  • Guest
^
Ganun ba sis. Mag a attend kasi ako nang convention sa crown regency sa lapu lapu city. Ano kaya ang magangang puntahan pag gabi sayang naman kasi kung mag i stay lang sa hotel.

tomatostellar

  • Guest
^ lapit lang naman city,dami kainan :)  pero IDK if keri mag tour sa gabi

 

Latest Stories

Load More Stories
Close