watch now

Author Topic: Newborn Care thread 5  (Read 209686 times)

daveigh

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #120 on: March 12, 2013, 04:49:51 pm »
mga sis, when did you introduce pacifiers to your babies? or are you even gonna introduce it to them?

my baby started using it mga 2 1/2 months sya, kasi panay subo ng kamay. tsaka minsan after dede nya gusto pa nya magsuck.

funky f

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #121 on: March 12, 2013, 05:00:55 pm »
At around 6-7 weeks.  Though di naman sya super user ng pacifier.  Up to when can nipple confusion happen ba? Based sa LATCH, parang up to 2 months or younger yata.

imagodei082990

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #122 on: March 12, 2013, 05:33:04 pm »
ayaw ni pedia magpacifier mag cause ng colic

funky f

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #123 on: March 12, 2013, 06:05:11 pm »
sa pedia ko naman, ok lang basta ipapa-burp after  :)

tamarind26

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #124 on: March 12, 2013, 06:30:04 pm »
After 1 month na namin binigyan si baby ng binky. Only at times na sobrang fussy niya kahit bagong feed, bagong palit ng diaper and umiiyak na sa sobrang antok, pang last resort. I noticed malakas din siyang magsuck ng binky kaya when she's in deep sleep na, dahan dahan kong tinatanggal ang binky. We control her use of the pacifier, ayaw kasi namin maging dependent siya dun.

Madelskie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #125 on: March 12, 2013, 06:56:25 pm »
^sobrang aga nagpacifier ng baby ko. 3rd day pa lang nya pinag-pacifier na cya. For the reason na naiinom na nya yung maximum na dapat intake nya ng gatas pero umiiyak pa rin cya. Parang to comfort him lang kasi kung sobra naman ibibigay na gatas sa kanya, isusuka lang nya. Pinagpa-pacifier ko lang cya after nya magmilk tapos umiiyak pa rin. Ang hirap din kasi nung hinayaan kong magmilk, suka naman cya ng suka tapos nasasamid pa. Pero nililimit ko lang din. Saka I'll see to it na nagbuburp cya after. :)

cerelina

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #126 on: March 12, 2013, 07:11:00 pm »
baby use her paci only when shes sleepy pag tulog na sya na nag aalis ng paci nya

marssie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #127 on: March 12, 2013, 07:15:27 pm »
Binilhan ko rin si baby ng TT pacifier, sayang lang ayaw niya gamitin. Madalas kasi kahit tapos na magmilk sinisipsip niya yung kamay niya, as in buong kamao gusto ipasok sa mouth, ayaw ko naman iguide siya sa thumb niya para yun ang isuck niya, kaya binilhan ko ng pacifier, kaso ayaw naman niya.

daveigh

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #128 on: March 12, 2013, 07:29:14 pm »
^ baka masyadong malaki yung nipple ng Tomee Tippee? Try mo yung Pigeon sis, may small lang ng nipple nun, good for newborn. 150 pesos lang.
May avent naman ako galing sa hipag ko, ayaw din nya, masyadong malaki kasi. Baka pag mas may edad na sya.

tamarind26

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #129 on: March 12, 2013, 07:36:28 pm »
^^ hiyangan din sa pacifier sis marssie. Unang gamit ni baby yung Dr. Browns na medyo flat. Inayawan niya. Then nitry namin yung Avent na padala ng cousins ni hubby. Yun ang nagustuhan ni baby. :) Babies kasi find comfort in sucking. Limit lang talaga natin mga mommies para di sila maging dependent sa binky.

Madelskie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #130 on: March 12, 2013, 07:55:05 pm »
baby use her paci only when shes sleepy pag tulog na sya na nag aalis ng paci nya

pareho tayo sis. minsan kasi matutulog na cya tapos gusto pa nyang magsuck, kapag tinimpla ko ulit cya ng milk ang tendency, matitira nya yun, so tapon na, sayang lang :( Nakikita ko na lang wala na cyang pacifier tapos tulog na. :)

imagodei082990

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #131 on: March 12, 2013, 10:46:41 pm »
si baby Z ko ayaw nya talaga magpacifier nung dati akala ko kase kailangan nya kaya bumili me nung mumurahin .. Then tinanggal ko kase colicky sya kaya kamay nalang nya ginagamit nya pero now hindi na

purple29

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #132 on: March 12, 2013, 10:59:23 pm »
I'm still thinking if i will buy a pacifier for my 2 week old baby. Lagi kasi siyang umiiyak even after feeding and 2 days na sumosobra yung milk intake niya kasi iyak ng iyak. I'm not sure if this ok or bigyan na lang siya ng binky para hindi maging fussy. Sa 1st baby ko kasi, we never gave her a pacifier and never din naman siyang nag thumbsuck.

maika14

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #133 on: March 12, 2013, 11:25:26 pm »
Problem ko kasi with my 4 weeker baby, she loves sucking herself to sleep. To the point na busog na busog na, dede pa din. Nakikipag away sya sa breast ko kasi may lumalabas na gatas.  ;D As in, nakasubo, pero umiiyak na parang galit na galit. Eh kakatapos nya lang lumungad. Oha, ang takaw diba? ;D We gained 1.1 kg in 4 weeks. Good job baby ko. Well, I fed her round the clock kasi coz she still has jaundice due to her Cephalhematoma and she was also a bit small to start with.

So sometimes nate-tempt ako na isubo na lang yung kamay nya para hindi sumakit yung tyan sa kabusugan. Feeling ko, maeempatso sa kakasuck eh. Hehe Ok lang kung slow flow yung breastmilk ko, problem ko, ang lakas din kasi ng let down ko. Kaya siguro sya nagagalit.

Since I do EBF, I don't use the sterilizer. So you mean mga sis, if I let her use her pacifier (which I have 3, btw. ;) ) I sterilize it all the time? Parang sayang naman yung power ???

How do you clean your pacifier/dummy/binky?

daveigh

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #134 on: March 12, 2013, 11:33:54 pm »
^ may cap naman ang pacifiers sis, so i have strerilized every linis ng bote (once a day).

but since bf ka, you can clean it using a baby bottle cleaner tapos babad mo sa mug with hot water. the hot water i use, yung ginagamit namin pangcoffee para sure na malinis.

maika14

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #135 on: March 12, 2013, 11:54:09 pm »
^ Thanks sis. Although, hanggang ngayon, parang 50-50 ako sa pagbigay ng pacifier...  :-\ Nakakaawa kasi minsan na kahit anong dumikit sa pisngi nya, isusubo. Kesehodang leeg ko pa yan kasi naka burp position na kami.  :o Hay..

m_lim

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #136 on: March 13, 2013, 08:23:46 am »
ako ayoko bigyan ng pacifier baby ko at baka magka kabag pa. yung pagsubo subo ng kamay, ok lang yun for me basta malinis ang kamay ni baby.

for me, part kasi yun ng pag explore nila ng senses.

imagodei082990

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #137 on: March 13, 2013, 08:53:17 am »
normal lang yung pagsubo subo ng kamay ..

khriseeee

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #138 on: March 13, 2013, 02:44:53 pm »
my baby took on a pacifier since she was 4 weeks old and so far she's never had kabag. She only uses it to soothe herself to sleep, then once she's asleep she spits it out na

marssie

  • Guest
Re: Newborn Care thread 5
« Reply #139 on: March 13, 2013, 03:27:50 pm »
sis tamarind26 and daveigh thanks sis. Parang nanghihinayang na ako bumili ng another pacifier baka ayawin din siya. yung TT pacifier na nabili ko maliit din naman, parang hinliliit ng daliri ko na pinalad ng konti ;D eto pa naman yung nabasa kong features niya kaya ako na-enganyo:

Open shield is kind to skin
Shaped for a perfect fit
Designed by a leading pediatric dentist
Truly orthodontic silicone nipple for natural fit
Helps support safe and healthy oral development
Choice of colors and sizes for babies 0 – 18 months
BPA-free

Hindi rin nagpacifier ang panganay ko, ngayon gustong magpacifier nung nakita ang sa kapatid niya ;D Ang cute pa naman tignan ng baby na nakapacifier, beybing-beybi tignan :D

« Last Edit: March 13, 2013, 03:29:58 pm by marssie »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close