watch now

Author Topic: Boracay Thread 32  (Read 89475 times)

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #320 on: March 13, 2013, 10:07:12 am »
sis bakit sakin 2.2k? LSM Square Residence yan ba yun sis? anong date yung sinearch mo sa agoda?

October pa sis hehe kasi much better to book early para mas cheaper nag hahanap hanap na kasi ako kahit malayo pa yung event mag eexpire kasi yung points ko sa AGODA sayang =)

ellesor

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #321 on: March 13, 2013, 10:17:07 am »
^tumawag ako sa kanila para magpareserve. pag nagpareserve daw nasa 2000 kaso napakiusapan lang namin na gawin 1800.  pag walk-in daw nasa 1500 lang. mas mahal talaga yung rates nila ngayon kasi high peak na.  sis SOFIEMAE wala kasi sila room for 2 lang pero pag 2 lang kayo mas mura compared pag 4 kayo.

erriane

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #322 on: March 13, 2013, 01:31:30 pm »
kung gusto nyo po ng hassle free na byahe, i recommend Island Star Express..
pagdating sa Kalibo nakita lang namin sila doon sa airport..
P300/person ang bus and boat fare plus door to door talaga sa hotel..
hiwalay nga lang yung environmental at terminal fee na P175/person..
so bale P475/person..


yung pauwi naman, nagbook lang din kami sa boracay office nila..
P300 kapag sila din yung sinakyan nyo papunta P350 kapag hindi..
since sila yung sinakyan namin papunta P300/person kami..
then P100 terminal fee sa port.. hassle -free ulit kasi sinundo kami sa hotel..
wala ng hirap magbuhat at maghanap ng tricycle..


helmet diving i think P200/person
banana boat 250/person.. minimum of 4..
fly fish P500/person minimum of 3..
atv 350/person libre sundo hatid na sa station nila..
may libreng entrance pa sa trick 3d art museum nila and ride sa sky cycle..
i forgot the name pero sila yung may amusement park..
WARNING lang sa sky cycle.. especially when takot sa heights..
it's really scary.. swear..


and for partying or bar hopping.. sa epic 200/person kapag Friday and Saturday with
1 free drink na..
sa club summer place naman P300 Friday Saturday Sunday
the rest of the days medyo boring na..
sa Club Paraw and Guilly's Island naman, okay lang.. laging may mga tao..
pero andami kasing Locals as in Locals ng Boracay, yung iba nakakatakot pa
kasi parang naka-drugs..


try nyo din yung bar ng Boracay Regency kung mahilig kayo sa band..
as in Rock Band.. wala lang, ang galing lang kasi nila.. :))
hanggang 12midnight nga lang sila..


may acoustic/reggae naman na band sa may bom bom bar..


sa smoke resto (malapit sa D'Mall) try their bulalo, masarap and mura :) but still wala pa rin tatalo sa
bulalo ng bulalo point sa tagaytay..


sa zuzuni (Station 1) naman their Mati Chocolate Sin..


Jonah's of course.. Banana Choco Peanut parin as always..
pero okay din yung Melon Banana and Watermelon Banana nila..
kung gusto nyo ng mas frothy na shake,
make sure na laging may banana sa combination nyo. ;)


later na yung iba.. hehe

yinandyang

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #323 on: March 13, 2013, 04:30:09 pm »
erriane- hindi na din kami ng island hopping kasi nag puka beach na kami and solb na kami dun.
yung helmet diving parang snorkeling na din naman. :P
 
mas mahal pala rates namin compared sa nakuha nyo :( yung ATv same price pero wala kaming freebies!

sa club paraw kami gumimik nun kasi yun recommended ng friend namin na sa boracay nakabase. medyo
kailang kasi may mga locals na nadun pero party vibe ok lang naman.  wala namang drugs pero honestly
mesyo madaming ehem *escort*-ish looking girls

Lady Czarina

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #324 on: March 13, 2013, 07:46:59 pm »
You mean b sis [textspeak!] room na good for 2 person e pwedeng na pang 4? Do they allow it kaya lalo na kids naman ang kasama? Sa agoda nasa 1,300 ang base amount =) Another question sis near the white beach ba ang LSM? Thank you...

may I, nasa street na ang LSM tapat ng Crown Regency.. dinig mo na ang ingay sa labas.. mga 5mins walk to the beach, diko lang alam kung pag sa gabi meron ilaw yung dadaanan dun kasi lagi kami nag trike pag uwi.. Mga reklamo ng mga kasama ko sa LSM: 2 pillows per bed lang, meaning tig isa lang kayo ng katabi mo.. LOL! and they charge for extra pillows and blankets, need pa mag request if magpapalinis ng room (diba kahit sa ibang hotel naman??), matagal lumamig ang aircon (of course inverter ang aircon eh!).. oh well! t'was a budget trip, so sulit na rin ang price..maganda naman ang room nila..pero for me if vacation talaga i won't suggest LSM kasi parang di ka marerelax dun..

ibarra

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #325 on: March 14, 2013, 01:13:14 am »
mga sis ask ko lang, sino nakapag-try sa free dinner or lunch ng astoria? scam ba yun? kasi honestly na-hassle talaga ako sa kanila nung nagpunta kame ng wife ko for free dinner tpos sabe ipapakita daw nila yung mga rooms ng bago nilang hotel sa palawan. pero nung pagpasok namin dun sa isang room, may kumausap sa amin na manager daw kuno at kung ano-ano sinasabe. pero sa huli, hindi nila kame napa-member.

hun_nie08

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #326 on: March 14, 2013, 04:35:33 am »
natry to nung mga friends ko.. silang 4 ang libre kami ni hubby nagbayad kami.. tru mga 2 hours kang malolocked out sa room na yun para lang makinig sa kanila

erriane

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #327 on: March 14, 2013, 06:56:30 am »
sis yinandyang hehe onga di na kami nakapag-island hopping ang tatanghali namin magsigising


naloka lang kasi kami dun sa Club Paraw.. basta may local dun na parang sabog..
halata sa mata at sa galaw.. Friday night ata yun, sa may bar kami katabi ng stage


talamak talaga yung mga ganun escort-ish stuffs dun.. men, women and gay..


yung hotel pala namin, La Carmela first night then the rest Panorama na..
both booked via agoda.com
sobrang convenient lang kasi magpareserve at magbayad.. :)
i think almost the same naman ang rates..


yung sa Panorama we got the Standard room..
P1700 per night for 2 person..
sa agoda.com walang kasamang breakfast nung nagbook ako..
but before that nagtanong rin muna ako mismo sa Panorama kung
anong rates nila at kung may breakfast na..
Sabi ng owner may breakfast na daw yung P1700..
then nagpaalam ako sabi ko via agoda.com ako magbook..
pagdating doon, kahit walang breakfast na kasama
yung nakalagay sa voucher, may breakfast pa rin kami..
sa Boracay Uptown yung breakfast
sa Paraiso Bar and Grill..
P600 for extra person nga pala..


mura sya pero hindi kagandahan yung rooms..
at medyo maputik din yung daanan pauwi galing ng beach..


ang nagustuhan ko lang doon ay yung breakfast by the beach..
relaxing magbreakfast sa paraiso bar and grill..
and yung accessibility ng hotel sa beach, sa bars, sa mga resto at sa D'Mall..
pero hindi na ako magbobook ulit dun.. :(

and Tilapia N Chips pa nga pala.. the best and sulit yung promo nila
na creamy dory fish fillet with rice and coleslaw with iced tea pa..
P149 lang.. ang bait pa ng owner.. Canadian siya :)

nakakalungkot lang kasi napakamapagsamantala ng ibang mga tao doon..
pepresyuhan nila yung mga foreigner ng napakataas..
katulad ng banana boat 2500 daw..
kawawa naman yung mga German na nakilala ng kasama namin..
hindi sila nakapag-activities kasi ang mamahal..
nung nagcompare na ng mga rate maiyak iyak sila sa baba ng rates namin..
nadala na tuloy sila.. hindi na daw sila babalik.. :|
« Last Edit: March 14, 2013, 06:58:58 am by erriane »

bigdadis_girl

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #328 on: March 14, 2013, 01:02:35 pm »
^nakakalungkot lang talaga sis, napagsasamantalahan ang mga foreigners sa Boracay, minsan pati nga tayo na hindi mga lokals doon e napepresyuhan ng kamahalan talaga hay... sana ayusin nila yung pricing sa boracay, standard na lang kumbaga.  Nakaka irita lang din minsan gusto mo mag relax sa beach hanggang doon may lalapit sayo at kung anu2 inaalok :(   

re escort-ish girls hindi ko masyado napansin (oh well hindi kame magimik doon pag gabi) lumalabas kame pero para kumain lang and manood ng fire dance then balik hotel na para matulog. 

yinandyang

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #329 on: March 14, 2013, 03:24:35 pm »
yung mga escort-ish girls madami na yan opag gabi kasama na ang mga ladyboys haha.

i recommend Crafty's near D Mall. Naadik kami ng boyfriend ko sa Indian food nila. Its on top ng Craftys Supermarket
Matagal nga lang kasi pagkaorder saka pa lang lulutuin yung food.

For me, i really enjoyed SHIBAYA near Real Coffee. Food is ok but the ambiance was really good. May free kimchi pa
May Ok din yung Kolai Mangyan near Club Paraw. I didint enjoy Big Momma's kasi hilaw yung Chix Inasal ko. Pinaulit pa namin
pero hindi pa din masarap.

there's a drink pala in Club Paraw called Adios M*ther*****. Sweet and dangerous drink ;) Saturday night naman kami dun




mommyta

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #330 on: March 15, 2013, 12:59:35 pm »
hi...dun sa mga nag-avail sa Southwest Tours, same lang ba ang rate ng adult and kid? and would you know kung meron senior discount as well?  ;D

thank you.  :)

bigdadis_girl

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #331 on: March 15, 2013, 02:31:51 pm »
^i'm not sure lang sis if same rate adult and kids, better inquire with them directly and regarding the senior discount.  Puro adult kasi kame when we availed their service.  Pero the best service nila sis, mga bago pa vans nila and friendly staff :)

paopaosheila

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #332 on: March 16, 2013, 10:53:06 pm »
update naman sa boracay, sobrang daming lumot na ba? as in ndi na magandang maligo... 1st time ko pupunta eh, sayang naman kung hindi ako makapag swim.. sa march 21 kami nandun eh.


and ask ko lang yun sa puka beach? di ba pwede trike lang papunta dun? how much ba and gaano katagal yung byahe? and san ba masarap ang kainan dun sa buffet anong masarap ng restaurant?

tetet

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #333 on: March 16, 2013, 10:55:21 pm »
^Hi sis. Puka beach is accessible via trike too. 150 bayad papunta. siguro it's 10-15 minute trip from station 1.

Superjoie

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #334 on: March 17, 2013, 11:11:58 am »
kakagaling lang namin sa boracay this thursday to saturday sis. sa station 2 ka maligo, wala masyado seeweeds. ang sarap pa din magrelax sa boracay :) naenjoy namin magkakapatid.

bachoi

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #335 on: March 19, 2013, 04:15:08 am »
kababalik ko lang nung sunday from boracay. nagstay kami sa tonglen. malumot ngayon sa boracay. nakakabusog nga lang sa mata dahil ang daming pogi at sexy. hahaha. trinay namin yung parasailing - 800 per pax (diamond) at helmet diving - 700 per pax (white blue). super bait ng tour guide/photographer namin na si kuya jayde. highly recommended. hindi ko naenjoy ang porter house ng big mouth kasi ang tigas.

hakunamatata

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #336 on: March 19, 2013, 11:15:40 am »
hi sis bachoi sa tonglen din kami this april...puedeng makakuha ng feedback sayo from tonglen? musta ang service nila, rooms and food? nag avail ba kayo ng RT service nila?


Thank you

bachoi

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #337 on: March 19, 2013, 10:50:17 pm »
ok naman sa tonglen. sulit ang 2k per night na room nila. may mini ref, 32" na lcd, malambot [textspeak!] bed, may sabitan ng basang damit sa labas then may swimming pool. sa 2nd floor kami. ang naging prob lang namin is tumutulo yung bidet kaya nagbaha sa banyo pero inayos din naman nila agad tsaka marami palang lamok kaya make sure na laging sarado yung door ng room nyo or kung may kids much better na magdala ka ng insect repellent. every day din pinapalitan yung towel tska nagbibigay sila ng soap at nililinis yung room. hindi namin natry kumain sa restaurant nila kasi may mga nabasa kong feedback na mabagal daw. hindi na ko nag-avail ng service nila kasi madali lang naman magcommute at mas makakamura ka.

erriane

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #338 on: March 20, 2013, 03:39:42 pm »
sis riandrew.. kumusta magtravel via 2go? nakakahilo? natry mo magbyahe ng night and day? alin mas okay? hehe tia

Lady Czarina

  • Guest
Re: Boracay Thread 32
« Reply #339 on: March 20, 2013, 03:44:24 pm »
^i checked 2go's website, papuntang boracay always gabi ang alis.. 9pm lang..gusto ko na din to itry..hehe..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close