Author Topic: Random act of kindness you'll never forget  (Read 28462 times)

wahmproject

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 72
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #20 on: February 25, 2013, 12:32:10 pm »
Ang naalala ko lang ngayon is when my husband (then bf) and me were at the laoag airport waiting for our flight to manila. The flight was delayed and I was getting restless and hungry. I saw a mother with her husband and son eating the ilocos type empanada.  I asked where they bought it thinking that its nearby.  They said they bought it on their way to the airport. I just said "ah, kala ko dyan lang sa labas nabibili. salamat po. " I was turning to leave when the mother offered their remaining empanada to me. I was saying no, but they insisted. So kinuha ko na rin.hehe First time ko matry yung empanada ng laoag. I was touched by their generosity. Simple lang but meant a lot.

rics

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1134
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #21 on: March 02, 2013, 11:36:02 pm »
this happened yesterday and i thought its worth sharing.
on my way to work, i saw that the walkway was literally an ice skating rink, so although i was wearing snow boots, sobrang dulas pa rin. it was very difficult to walk and was thinking anytime soon, madudulas at babgsak ako. ang bagal ko umakad and thought for sure late ako dadating sa office. nagdadasal na nga ako lord tukungan mo ako then soon enough i heard someone honking, si officemate pala and told me to get in her car. nagulat ako since i always see her dumadaan tuwing umaga and hapon while im walking but she never offered me a ride. so i thank her and she said, kasi i saw that its so icy and you had difficulty walking. God bless her.
-- If the only prayer you say in your life is "Thank you Lord," that would suffice. --

greenwood05

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 118
    • N + A
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #22 on: March 03, 2013, 12:08:30 pm »
Yung isshare ko hindi talaga siya act talaga. I was in Ayala and about to go Mckinley to have dinner with my BF (effort lang) so I took a cab. Sobrang badtrip ako nun kasi di kami sabay uuwi so nakasimangot ako all the while. The driver was listening sa radio station na nagppreach and he was taking note of the verses. Nakinig rin ako, slightly enlightened pero I still felt down.

So nung time na pababa na ako, I had to pay. Ugali ko kasi na usually may sobra sa payment, average 20 pesos sobra, depende sa barya ko. And that time, I paid him 150 instead of 130. And he looked at me and said "Maraming, maraming salamat iha. God Bless you" and he genuinely smiled. For the many, many times na nagtaxi ako, first time na may nag-thank you sakin, e yung iba mas malaki pa yung tip na naibigay ko. With his small act of thanking, nawala lahat inis ko. And he made me realize, oo nga naman, ang dami daming bagay to be thankful for, tapos eto ako nagpapakadepress just because di kami sabay uuwi ng BF ko. hehe sorry ang haba

yukai

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #23 on: March 03, 2013, 02:32:06 pm »
hello mga gt sis! ang dami ko din ma share .. recent lang, sa isang donut chain super haba ang pila. yun bunso ko gusto nya kumain ng donut kaya nun nakita nya un store takbo agad un anak ko since 5 y. o. lang sya ang dali nya makasuot dun sa display area ng donuts. sabi ko sa anak ko na sa iba store na lang kasi ang haba talaga. i asked the guard kung 2 donuts lang e baka pwd umorder na lang sa me cashier. sabi mg guard di pwede pero sya na lang ang oorder at bayaran ko na lang dun sa coffee bar nila. gratefully, nakakain ang anak ko thru the help of manong guard at sinerve pa kami ng water.

gusto ko din magshare na madami dito sa gt sisters na talaga nag extend ng help if you ask advice or referral, openhanded kayo to give random act of kindness. i am so glad na this network helped me on my ups and downs.  God bless us all :)

wifeathome

  • Newbie
  • *
  • Posts: 17
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #24 on: March 08, 2013, 11:37:46 pm »
Nung nag aaral pa lang ako sa UST. From house in Cainta bumaba ako sa Vicente Cruz tapos pagbaba ko anlakas ng ulan at bumabaha na...nabasa na yung uniform ko at palda pati ang backpack ko na sobrang bigat dahil nabasa na rin ang mga damit ko. Tinawag ako ng isang tindera doon (Aling Grace) then pinasuot nya ako ng tsinelas para daw bitbitin ko yung sapatos ko na leather masisira daw kasi yun sa baha...sobrang kind nya, she even asked me to stay sa front ng house nila na may bubong para daw hintayin tumila...sobrang thankful ako na hindi ko ineexpect na may tutulong sa akin sa ganoong panahon.

Quite related din ito: When I was still a trainer, I talked to one of my trainees na sobrang ok ang performance sa training pero medyo challenged sa pagsasalita ng english kasi yung accent nya medyo napagpapalit yung e and i, p & f sounds. Sabi ko, I can give him additional exercises so he can improve on that aspect, otherwise baka hindi cia magtuloy sa next phase ng training. He did his best at nag improve naman yung points na naipaliwanag ko sa kanya last time at nakapasa cia then he became a call center agent for travel account.

One time hinanap pala nya ako and kinausap, thanking me for the help and support kasi daw dahil sa work nya nailuwas na nya ang mag ina nya from Leyte. Sama sama na sila sa Makati and yung mga basic needs nila covered ng commissions na nakukuha nya so he was able to save yung mga nakukuha nyang regular pay. He was in tears sabi nya hindi na raw cia magwowork ulit sa labas, nagbabahay-bahay para mag alok ng encyclopedia...salamat daw sa support ko...that made me feel really thankful for working as a trainer then...

wife2be

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 248
  • dazed and confused
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #25 on: March 11, 2013, 01:07:40 am »
Last year, I decided to lose weight. Nagdiet ako ng seryoso. From a size 22, naging size 10-12 ako. Since sa work ko walng uniform, haggard na talga damit ko sa akin. As in, sobrag lalaki na. Nahuhulog na pants ko.

One day, may isang big bag of signature office clothes na naghihintay sa akin. Anonymously sent by a parent of one of my students. Tapos, may note na "Good job on you weight loss! I hope you don't mind wearing used slacks and tops!"

Sobrang nakakatuwa! As in hindi mo mafi-feel na charity. Never in a million years could I buy those kinds of clothes. :) Plus, hindi ever sya nagpakilala. Sabi ng friend ko para naman hindi ako mailang if I wear those clothes to work.
whether you think you can or whether you think you can't, you're probably right. -Henry Ford

ladyfoxy

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 107
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #26 on: March 21, 2013, 01:20:47 am »
During the time na I was so depressed, parang walking robot na lang ako nun haha. A stranger suddenly greeted me "ang ganda mo naman" I didn't look at him kasi nga I'm so low. But after nun, I wanted to go back dun sa man and say my thanks. I really appreciated him. Kung alam lang nya what I'm going through.

Second, same day, a guy naman inalalayan ako sa LRT since there's a lot of people. This time, I was able to say my thanks.

Parang naiyak ako after what happened, normally parang sanay na tayo na may ganito, since mga guys naman usually ginagawa eto. But during that time simple gestures lang big deal na sakin. There's still a lot of good people pa din.

fodil

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #27 on: April 02, 2013, 08:53:19 am »
Months na ako di nakakasimba. I was going through a lot of problems and I guess I have mild anxiety symptoms. On Palm Sunday, I traveled to an old church and attended a mass. While I was about to end praying to Sto. Nino, a young girl gave me a long palm. She smiled at me and walked away. At the back of my mind, I was thinking that God spoke to me that time and gave me a feeling of relief.  :)

icee_star

  • Blessed
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 846
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #28 on: April 08, 2013, 08:25:34 pm »
There was a time na sobrang financially problematic ako, so I had to borrow money kahit sa mga hindi ko kaclose na tao. As in lunok pride na lang talaga eh kasi no choice naman talaga. Well, may mga nagpahiram sa akin and I was very grateful sa mga tao na yun. Sobrang pasalamat ko sa Diyos na may mga taong nakakaintindi at nagtitiwala.
Believing in God's perfect plans..

hippiechick

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1123
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #29 on: June 09, 2013, 02:13:16 am »
1) Maaga ako pumapasok sa work noon so I always ended up parking in the innermost part of the lot. Nung pauwi na ako one night, punong-puno ng cars yung buong perimeter (even where cars shouldn't be parked), as in I could not figure out how to maneuver my way out of my spot. Muntik ko pa nabangga yung car next to mine! Luckily, may guy din na pauwi na and before he got into his car, he went over and offered to take out my car for me. I was hesitant at first, pero it was an open space naman and imposibleng itakbo niya (hehe), so I agreed. In one go, nalabas niya. :P Nakakatuwa lang that he went out of his way pa to do me a favor.

2) I was in a shuttle ride home from Ayala. I was having a fight with my then-bf and I started sobbing quietly (di eskandalong iyak, pero may konting singhot singhot). The guy beside me started rummaging through his bag, found a small pack of tissues and handed it to me. Nakakatuwa lang din that he showed a bit of concern.

FOURever

  • My username does not fit me anymore :X
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2791
  • Anything could happen.
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #30 on: June 09, 2013, 06:57:45 am »
Umulan, nawala pa naman payong ko, nag aabang ako ng jeep sa may pasig plaza nun :( walang silungan. Tapos after a while, may nag payong sakin na guy :) parang familiar sya sakin. Schoolmate ko pala dati :)
I like games well played :)

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2102
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #31 on: June 09, 2013, 08:19:54 am »
Wow may ganito pa lang thread, marami na rin ak experinces na ganito, recently lang actual hind direct sa akin pero nakatulong sa akin. Nagtaxi ako from airport to terminal galing hk trip so trapik as usual, nag iisip ako nun un mga experiences ko sa hk lalo na sa mga chinese na sobrang sungit bigla huminto ang taxi tumirik nag over heat sa gitna ng kalsada matanda na yun driver so hindi nya kaya itulak ang taxi bigla na lang may tumakbo na mama at tinulungan si manong na mag tulak sa tabi ng daan then sabay sakay agad sa tumigil na dyip nakatingin lang ako since nasa loob ako ng sasakyan nasabi ko na lang ibang iba talaga sa pinas.. Hindi ko makalimutan un ginawa nung mama kay manong driver.

iamshiela

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 219
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #32 on: June 09, 2013, 09:21:32 am »
Ako rin may ishashare! This happened a few years ago, I was going to work then suddenly biglang umulan, ready na talaga ako na pagbaba ng jeep maliligo ako sa ulan kasi walang masisilungan, then suddenly nung pagbaba ko may nagpayong sakin papuntang work..kahit sa opposite building siya pupunta hinatid pa rin niya ako malapit sa office.

omneecka

  • ..glAmOrOUs..
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1062
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #33 on: June 09, 2013, 09:08:53 pm »
sobrang nakakatuwang magbasa dito and may mga nakakaiyak na mga kwento din.
thank u for sharing your stories sisses! :)

mine na tumatak talaga sa isip ko happened when i was still in college. i was
grounded that time and for some time, never received allowance from my
parents. that was my last year and thesis, research, and term paper time, so
kaliwa't-kanan expenses. i have this textmate na older than me so parang kuya-kuya
ko cia, i told him my situation and he sent me 2000 right away. i thanked him but
i never met him. he's aris from Batangas and i know, its impossible to find him now.
i lost na rin kc his number and its almost a decade now.

:)
..i jUst lOvE bEIng mE..

..eXPeCTiNG iS WHeN You aRe FiGHTiNG FoR SoMeTHiNG WHiLe HoPiNG iS WHeN You aRe DoiNG NoTHiNG BuT WaiTiNG..

chichi143

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 730
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #34 on: June 10, 2013, 05:39:09 am »
ang ganda ng stories. lakas maka good vibes!

hilbillywillie

  • Probationary
  • Posts: 8
  • Roughneck
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #35 on: June 10, 2013, 07:53:11 am »
When I was in high school, the whole class went on a camping trip.  It was a disaster because a storm came and we were so unprepared.  We got drenched by the rain and hardly had any sleep that night.   The next day, we climbed down the mountain all wet, muddy and hungry.  At the end of the trail there was this house serving brewed coffee for free!  It was a surprise, and to think that these folks were not really rich moneywise, yet have a generous heart.   

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2102
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #36 on: June 10, 2013, 08:36:12 pm »
Share ko lang ulit, kanina nag pacheck up ako ang lakas ng ulan kanina kaha nagpatila muna ako, may mag asawa na matanda na nagpacheck up din na nag offer na sumabay sa kanila kasi isa lang way namin sobrang thankful ako ang dami rin namin napakwentuhan.. Masarap talaga sa pakiramdam na may ganito pa ring tao kahit na dami balita na marami masasamang loob.

kikay9599

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 193
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #37 on: June 12, 2013, 08:26:27 pm »
Not my personal experience actually but I was a witness to it. It was Election Day. My hubby and I were so hungry after voting so we decided to buy food at the nearest burger stand, pampalipas gutom ba,lol!

I was waiting for our order to be served when I heard somebody behind me, "Manong, may nalaglag na pera sa inyo, 500 pa ata yan."  Then the old man answered, "Uy anak, salamat, pinagpaguran ko 'to ngayon maghapong botohan, kung nagkataon, masasayang lang ibiniyahe ko,magagalit pa misis ko. Salamat talaga." The man who saw the money pat him at the back then said, "wala po yun," with a smile.

It maybe a simple gesture yet it's so sincere. Good thing, the young man had a good heart and didn't took advantage of it. 
Kung nagkataon, uuwing luhaan si manong.
I saw kasi how grateful manong was to the other guy , can't imagine his panghihinayang kung nagkataon diba.

jayce_mom

  • llb, working mom, small-time businesswoman
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 61
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #38 on: June 14, 2013, 10:14:18 am »
Here's my experience:

Fourth year student pa ako nun sa CEU, bumaba ako sa gastambide then konting walk sa school. Kakatapos lang ng ulan at that time, I was wearing my OJT uniform na skirt at top with scarf at nakahigh-heels pa. Nadulas ako, medyo bad landing kaya hindi ako makabangon agad. Yung mga tindera sa sidewalk nakatingin lang sa akin. Then here comes a middle-aged man, sya ang tumulong para makatayo ako. He yelled at the tinderas, sabi nya, "Bakit hindi nyo pa tulungan to? Nadulas na nga, nakatunganga lang kayo!" Not only that, he helped me cross the street kasi ika-ika na akong maglakad. Walang hanggang thank you ang nasabi ko kay manong. Until now, hindi ko pa rin makalimutan yun. Marami pa akong naexperience na random acts of kindness pero mahaba na pag kwinento ko.

I also had my share of kindness:

It happened a year after that "dulas incident," I enrolled in Taft for a post graduate course. Galing pa ko ng QC so lagi akong dumadaan sa CR before going to the classroom. One time, may nakita akong 3210 na cellphone sa cubicle. I took the phone and reported it to the Dean's Offfice pero ayaw nilang kunin yung phone, I also told my classmates about it. Inuwi ko yung phone then kinalikot para matext ko relative nya pero walang load, hindi ko rin maloadan kasi hindi nakasave yung number nya dun. Kinabukasan, syempre routine ko CR muna then pasok na. Lumapit sa akin yung classmate ko, kasama yung janitress na si ate Rite, sa kanya pala yung phone. She was in tears nung binigay ko yung phone nya, pinaghirapan daw kasi nya yung phone na yun. Natouch din ako sa reaction nya, I said "Welcome ate."

Marami din akong acts of kindness sa iba, little things lang like pagbibigay ng upuan sa LRT for the elderly, paghawak sa mga elderly at may kasamang bata sa pagsakay ng jeep at pagtawid ng daan.

So, yun na. hehe.

 ;) ;) ;)

« Last Edit: June 14, 2013, 10:16:13 am by jayce_mom »

FOURever

  • My username does not fit me anymore :X
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2791
  • Anything could happen.
Re: Random act of kindness you'll never forget
« Reply #39 on: June 14, 2013, 12:23:07 pm »
Sa school, friends ko mahilig mag stay late at night. I went to dorm nag part ways kami nung friend ko. Tapos nagtext sya na nahulog sya sa overpass. Kaya dali dali akong pumunta kung nasan sya. Nakita ko sya nakaupo sa hagdan ng overpass inaantay ako kasi di sya makalakad totally. Tapos bumalik si manong. Tinulungan pala sya ni manong tapos naghanap ng pwedeng tutulong or magbabantay, eh walang makita, so bumalik sya kasi sobrang gabi na. Delikado na daw kasi..buti tinulungan nya friend ko. Binuhat namin papuntang pedicab.. Thank you manong!
I like games well played :)

 


Latest Stories

Load More Stories
Close