booked 2 roundtrip tickets for laoag next year. total was less than 2.6k, ok na ba yun?
4 days, 3 nights kami, will that be enough to cover yung tourist spots? any suggestions sa iti? thanks! 
@Sis purple_girl mura yung ticket na nakuha mo. Ok na yung 4 days and 3 nights. Kahit 3 days and 2 nights kaya. Suggestion ko mag DIY na lang dahil dalawa lang kayo .
Unahin mo yung
laoag tour so sa laoag ka kumuha ng hotel. I recommend
balay de blas ok sya at #1 sa trip advisor. Sobra babait mga staff niya. Ok din yung rooms (pero we prefer the new building kesa sa old style building ayaw ni hubby ng mumu vibes

) Yung restaurant nila na Saramsam . Ang sarap!!! I love their pinakbet with bagnet or kahit yung bagnet, Basil Iced Tea. Ang ganda pa ng ambiance. Classic and homey. Breakfast nila masarap din (tinapa bangus fride rice egg coffee) sa garden kami kumain (pwede rin naman sa resto nila). Pwede magtrike nalang kayo para magikot (mahal yung mga rent a car for 2 or unless may makasabay ka na tour).
Dont forget to try
La Paz sand dunes , nagustuhan namin ang Ilocos tour namin dahil dito kung wala ito,naku malamang so so lang ang reviews ko sa Ilocos. I think kahit 30 mins lang pwede na for 1,500. iikot kayo while riding 4x4 (fun and exciting pang roller coaster ride) plus sandboarding. Buti nalang yung nakuha namin 4x4 sa kanya yung pinakacool at pinakamagandang 4x4 don. Maganda for photo op. May contact number ako if you want. Hindi lang ito pwede sa may mga heart condition. or kahit sa mga oldies unless sabihin niyo wag dumaan sa mga malaroller coaster ride.
The next day pwede magpagudpod tour na kayo.Sasakay kayo ng bus. Maganda magstay sa resort. I prefer Saud Beach than Blue lagoon. Overrated ang Blue lagoon para sa akin. Mabato at hindi fine ang sand. Malakas ang alon. Magsakit magswimming. May seaweeds din. Mas crowded dito. Tapos yung creek na galing sa Hannah's resort dumadaloy hanggang sa dagat.
Unlike sa
Saud beach walang ganun kaya sure ka na malinis kahit na maraming seaweeds na lumulutang. Clear pa rin ang water. Actually pag may seaweeds na nabubuhay ibig sabihin malinis talaga ang dagat. ito talaga yung parang Boracay of the North kasi super fine ang sand pero syempre iba pa rin ang Boracay. Yun nga lang mahal ang mga resort. mas mura ng konti ang homestay pero kung maghohomestay kayo i suggest makitulog nalang kayo kay Kuya Joseph dahil mas maganda na man hamak ang bahay niya at mas mukhang safe tumira. 350/ head kahit dalawa kayo sa aircon room nila kayo magstay. Yun nga lang its 5 mins drive from Saud beach pwede magtrike 120 papunta don then kung susunduin another 120. tapos wag kayo don sa Saud municipal beach. Maglunch/dinner nalang kayo sa Apo Idon resort. Maganda dito sosyal dahil beach front siya. Pwede pa gamitin yung shower room nila basta don ka kakain pero sobrang tagal magserve kaya pwede magswimming muna kayo or photo op
Kung gusto niyo naman magtour sa
pagudpod P1,200 ang bayad sa trike. north tour ( hannah's beach resort sa Blue lagoon, Bantay abot, Timantang Rock. patapat Viaduct, Saud beach ) south tour ( bangui windmill, kapurpurawan rock, Cape Lighthouse).
Then the next day pa
Vigan naman kayo. Magbabus ulit. Ito ang ihuli nya kasi mas maraming pwede bilhin dito na pasalubong. I recommend
Metro Vigan Inn. Kaso outside Vigan heritage village siya P30 ang trike mula don pero 3 minutes ang drive. But the place is really nice,new, cozy at comfortable ang beds at walang mumu vibes. Sobrang lamig ng aircon with cable tv and wifi sa room. Gustong gusto ng mga anak ko dito. Ito raw yung pinakafab na tinulugan namin budget hotels bukod sa may WIFI pa. The breakfast is good pero small serving lang. Hindi nga lang masarap yung coffee. Pwede magkalesa tour ( 150/ hour) or trike tour (not sure with the price) makakalibot ka na sa mga tourist spots.