Been married for 2 years and a month.

Sa una mahirap talaga, kasi cyempre nung una ok lang sa inyo ang gawi ng isa't isa pero ang mahirap na is yung magkasama na kayo sa iisang bubong.

Sa aming dalawa ni hubby, ako yung OC. Natawa ako sa toothpaste issue kasi ako naman yung ganon, gusto ko sa dulo i-squeeze.

Pero hindi naman ako yung tipong ipipilit ko na yun dapat, pag nasabi ko na, ok na sa akin yun. Your choice kung gusto mong sundin o hindi.

Hubby naman hates all my stuff. Sobrang dami daw na feeling nya hindi naman lahat nagagamit. Actually, tama cya. Marami akong gamit na old na pero di ko ma-let go. Sa sobrang sinop ko mga sis, di ba yung carton na support ng shirt pag naka-fold when you buy sa shop, hindi ko yun tinatapon. Hindi ko cya kailangan that time pero feeling ko magagamit ko cya in the future.

Pero siguro nasanay na rin si hubby. He doesn't mind na, hindi naman kasi nakakalat, yun nga lang nag-ooccupy ng spaces sa cabinet.

Sa food, maselan ako. Marami akong di kinakain pero bf/gf pa lang kami alam na nya yun, so hindi na naging issue. I don't cook, so cya ang in-charge pag may gusto cyang food. Hindi naman din cya madalas magluto since may helper din kami.

Money matters naman, he voluntarily surrender his income to me. Aminado kasi cya na hindi cya magaling pagdating sa finances. Feeling nya mas kaya ko maghandle. I'm giving him allowance lang para sa work nya then extra din kung biglaang may kailangan cya. If may gusto cyang bilhin, he would tell me then I'll give him money. Last year, I resigned kasi nga nabuntis ako, tinuruan ko cya kung paano ko hinahandle yung finances namin. I'm using excel file to budget. Natuwa naman ako kasi natuto naman cya agad and since magiging parents na kami, nakita ko naman na nag-mature na cya on handling our expenses.

Same with sis
ayami, pareho kaming hindi sanay matulog na may katabi kaya nag-invest talaga kami sa malaking bed. Unlike other couple na magkayakap pag natutulog sanay kami na magkatalikod hanggang ngayon.

Ang weird nga namin, after we make love, magkikiss lang kami sabay talikod sa isa't isa.
Marami pang ibang adjustments, but most of them I think are so petty. When you marry a person, pinakasalan mo din lahat ng negative sides nya. It's ok if you can change him/her the way you wanted him/her to be. Pero kami ni hubby, mas naniniwala kasi kami na mas mabuti na tanggapin namin yung isa't isa (worst and best) than changing each other the way we wanted.