Author Topic: Money Set Up When Married  (Read 53381 times)

EllaBratin

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #120 on: September 10, 2013, 11:28:53 am »
Pareho din kaming nagtatrabaho pero mas malaki ang income ko. Dati, ako ang naghahawak ng buong sweldo siya tapos binibigyan ko lang siya ng allowance. Pero hindi nagwork out ang ganung sistema sa amin kasi napansin ko na mas malaki na ang nahihingi niya sa akin kaysa sa kinikita niya. Ngayon, siya na ang nahawak ng pera niya, basta siya ang bahala sa food, gatas, diaper, baon sa school ng eldest namin, basta yung basic needs. Ako naman sa kuryente, tubig at konting pasyal...  :D Kaya ngayon ko naramdaman na bukod sa nagagawa niya ang responsibilities niya, nagkaroon pa kami ng savings, bukod ang savings ko at savings niya. Pati tuloy yung panganay namin natutong mag-save, gumawa siya ng sarili niyang coin bank.

graZiousa

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #121 on: September 11, 2013, 12:19:35 pm »
As of now, kanya2x muna kami since LDR naman.. Pero if I have needs na di na kaya ng budget ko Il letting him know so mabudgetan nya rin.. Hindi rin ako humihingi ng para sa kung [textspeak!] ano lang kahit mag asawa kami.. Pero pag nagsama na kami sa iisang house syimpre dapat mabago ang set up..

angeleigh

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #122 on: September 11, 2013, 01:08:49 pm »
Im not yet married pero napagusapan na namin yan, I handle all our finances. Mas magaling kasi ako maghawak ng pera, mas may control ako over impulse to buy. At mas mahigpit ako sa pera. Masyado kasi mabait yun.
Yan din ang advise ng mom niya sa akin, that i get his ATM. Kahit ngayon na hindi pa kami kasal, ayaw hawakan ng mom niya. Ako daw ang humawak at magpractice na raw ako.

Para sa akin, wala naman problema kung bumili man siya ng kung ano ano for as long as:
1. Nabayaran na lahat ng bills
2. Savings for future
3. Additional funds for emergency money
4. Nakabigay na sa parents
5. Investments

Pag okay na yan, yung tira, i let him do whatever he wants with it. Gusto ko naman maenjoy niya yung pinaghirapan niya.

nicole_shinji

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #123 on: September 11, 2013, 01:41:28 pm »
Nasa akin ang atm, binibigyan ko na lang sya ng allowance. wala kasing control si hubby pag may hawak na cash.

thistimearound

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #124 on: September 12, 2013, 09:35:57 am »
Mga sis, nabanggit ko na sa asawa ko na ako na ang hahawak, last week sinabi ko. Sabi niya "ok [textspeak!]... pero paano ako? San ako kukuha ng pera?" sabi ko, bibigyan ko siya ng allowance. Then he said "ok". Uumpisahan pa lang namin yan sa sunod na sweldo niya which is this coming sept15. Hmmm lets wait and see kung ibibigay nga sa akin.

Pero mga sis, when you say allowance, ano and how much ibibigay ko sa kanya? He drives a car and do fieldwork. How can I gauge kung enough na ba yun or not? Please help me

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #125 on: September 12, 2013, 11:37:18 am »
^ sis, you have to discuss that with your husband. Like, ano ba and how much usual ginagastos nya on a daily/weekly basis (toll, gasoline, parking, meals, snacks,, etc), me credit card ba sya and can some of those expenses be paid through cc or dapat cash, and kung ano-ano pa. Then dun mo ibase ang ibibigay mong allowance.

Mama G

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #126 on: September 13, 2013, 12:03:04 am »
Kami ng husband ko toka toka  sa gastusin kasi sa tingin ko parang di na masyado uso yung iniintrega sa babae yung kita tapos babae nagbubudget kasi parang ganon din naman. Atleast kapag toka toka, kung bayad mo na lahat ng nakatoka sayo, kaw na bahala sa perang natira sayo.

Pero meron din naman akong mga kakilala, guys pa man din sila na intrega talaga tapos binibigyan lang sila ng daily allowance ng misis nila. Napapaisip tuloy ako kung baka may nagawa sila in the past para pa rusahan sila ng ganon hahaha! Kasi since daily ang allowance nila, di sila basta makainom kailangan munang magpaalam kay kumandar para bigyan ng extra pera. Kunsabagay, iwas inom at iwas pambababae yun kasi wala silang hawak na pera. :)

kookai88

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #127 on: September 13, 2013, 05:17:50 pm »
sa case namin ng hubby ko, siya ang nag-babduget ng income namin. aaminin ko na mas magaling siya sa akin kasi medyo maluho din kasi ako. mahilig kasi akong mag-shopping. siya ang pumipigil sa akin na gumastos ng gumastos. pero kapag gustong gusto ko talaga ang isang bagay, ibinibigay niya naman. pero pag hindi talaga kaya ng budget, hindi ko na ipinipilit. siya rin ang nag-bibigay sa akin ng allowance, okey lang sa akin ang set up namin na ganun.

thistimearound

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #128 on: September 15, 2013, 08:58:55 pm »
^ sis, you have to discuss that with your husband. Like, ano ba and how much usual ginagastos nya on a daily/weekly basis (toll, gasoline, parking, meals, snacks,, etc), me credit card ba sya and can some of those expenses be paid through cc or dapat cash, and kung ano-ano pa. Then dun mo ibase ang ibibigay mong allowance.

[textspeak!] sis. Pagusapan namin. We dont use CC kasi eh. Iniiwasan kasi naman baka maging root pa ng financial problem namin iyon eh. Pero iniisip ko nga na kung kukuhanin ko ang pera niya, paano kung emergency? Dapat may cc sya dba?

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #129 on: September 15, 2013, 11:44:20 pm »
^ not necessarily. If you're not used and not comfy with cc, then don't get one. You can just give him a reasonable amount of extra cash for those emergencies.

Disclaimer: actually,  di tayo same ng financial arrangement. Just giving suggestions on how you can go about it. :)
« Last Edit: September 15, 2013, 11:47:24 pm by bagaholic_chewy »

thistimearound

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #130 on: September 17, 2013, 10:14:34 am »
Ok [textspeak!] sis! Kausapin ko na si hubby.

Thanks!

twinkle belle

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #131 on: September 17, 2013, 10:32:09 am »
We combine our money and every month rotation kami sa pagbu-budget and palakihan ng mase-save.  ;D

Beng01

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #132 on: September 17, 2013, 10:44:28 am »
sa case namin ng hubby ko, siya ang nag-babduget ng income namin. aaminin ko na mas magaling siya sa akin kasi medyo maluho din kasi ako. mahilig kasi akong mag-shopping. siya ang pumipigil sa akin na gumastos ng gumastos. pero kapag gustong gusto ko talaga ang isang bagay, ibinibigay niya naman. pero pag hindi talaga kaya ng budget, hindi ko na ipinipilit. siya rin ang nag-bibigay sa akin ng allowance, okey lang sa akin ang set up namin na ganun.
hahah sis kookai88, ganyang ganyan din ang set up namin ni hubby.
Magastos kasi ako lalo alam ko na may pera ako sa wallet ang tendency nagagastos ko keso 20pesos o 1000pesos pa yan.
Kaya napag usapan namin na i-combine sweldo namin siya magba budget at hahawak ng cash on hand.
Binibigyan niya na lang ako ng allowance, at pag may gusto or request ako binibigay naman agad :-)
Pero may mga times din na hindi nya ko pinagbibigyan, kaya hindi ko na lang din pinipilit :-D

louiesmom

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #133 on: September 17, 2013, 02:59:54 pm »
kami naman ni hubby, he gave majority of his salary to me tapos ako na lahat nagba-budget. He has a quarterly incentive na hindi ko alam kung magkano yun buong amount na nakukuha niya but it's okay kasi pinaghirapan niya naman yun so he deserved it and besides i also have my incentives to spend.  ;D

ayami

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #134 on: September 18, 2013, 11:20:57 pm »
Dahil nakapagtapos na kami at may trabaho na si hubby, by May 2014 di na kami bibigyan ng monthly family allowance ng parents namin. Dahil malaki ang mawawala, nagsimula na kaming magkasundo sa pagbabudget. Natuwa ako sa kanya kasi willing siyang ibigay ang buong sweldo niya with minimal allowance, pero dahil ayokong mafeel niyang di niya mahahawakan yung pinaghirapan niya, nirequire ko na lang siya ng isang amount monthly na ayon sa computations ko ay sustainable. Whatever the excess kung may US/Philippine holiday at bonuses man siya kanya na basta mabigay niya yung napagkasunduan. Nasa sa kanya na kung isesave niya pa rin for us or isspend niya sa kung anong bet niya. Ako naman, may minimum din na dapat kitain mula sa online job ko. Dahil budgeted na ang groceries namin, pag may nagkulang, mag extra hours pa ko kung kinakailangan. Yun kasi kagandahan sa online raket, pwede kong ma-gauge kung gaano pa karaming hours ang dapat kong ipagtrabaho to reach a certain amount. Kung gusto ko rin ng extrang money for myself, dadagdagan ko lang din ang working hours ko. Hindi naman kami maluho sa mga materyal na bagay kaya sana magwork ang ganitong sistema.

kookai88

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #135 on: September 19, 2013, 01:27:15 pm »
hahah sis kookai88, ganyang ganyan din ang set up namin ni hubby.
Magastos kasi ako lalo alam ko na may pera ako sa wallet ang tendency nagagastos ko keso 20pesos o 1000pesos pa yan.
Kaya napag usapan namin na i-combine sweldo namin siya magba budget at hahawak ng cash on hand.
Binibigyan niya na lang ako ng allowance, at pag may gusto or request ako binibigay naman agad :-)
Pero may mga times din na hindi nya ko pinagbibigyan, kaya hindi ko na lang din pinipilit :-D

wow Beng01, pareho nga tayo! hehe! musta na check up mo? nakapagpa-HSG ka na ba?

caterpillar-girl

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #136 on: September 19, 2013, 07:33:34 pm »
Sisses, sorry if mejo dumb question, but when you say your husbands give you their salary, as in literal your husband hands you cash? Or kayo yung may hawak ng ATM nya? Or he gives you a check, or what.  Iniisip ko kasi paano set up namin ng fiance ko when we get married next year. My fiance said ako bahala sa finances namin, which is what I want din, but I'm thinking of a set up na I don't have to ask my husband every time may bayarin AND I don't have to give him an allowance. We have our own jobs and our own bank accounts. Kumbaga what I want is I will just get whatever we need to pay for our bills and some savings. Paano ba yun, napupunta ba his salary sa joint account nyo? Di ko palang maimagine now.  Thanks ladies :)

ayami

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #137 on: September 19, 2013, 08:09:06 pm »
^ We do online banking sa BPI. Transfer sa checking account lahat. or transfer sa account ko.

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #138 on: September 19, 2013, 08:37:00 pm »
^^ same with ^, we mostly do online transactions. Very convenient. Husband transfers money to my personal account, to checking account and to joint account. Then I withdraw as needed. Our bills are also paid online (either auto-debit sa credit card or online payment thru bank). Bottomline, it depends sa inyong dalawa. Nasa sariling diskarte nyo, whichever arrangement you are more comfy with.

JINJIN:*

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #139 on: September 19, 2013, 08:56:14 pm »
pano pala kung hindi ako comportable na combined ang sweldo namin? Mas malaki ang sweldo niya sa aken, pero mas malaki ang gastos niya dahil siya ang nagbabayad ng bahay plus other expenses, pero ang pinaka masakit sa bulsa eh ang pag papaaral niya sa anak niya na umaabot 400,000 per year, ang laki nun diba. Pag kase nag combined kami ng income at nakita ko na hindi siya nakakaipon, baka po panghimasukan ko ang pagaaral ng anak niya sa unang asawa, kase kung ako ang pamimiliin, i would rather transfer her daughter sa Filipino school na mas mura kesa sa british school. Eh kung tutuusin mas maganda ang turo sa Filipino school, pero dahil sa gusto ng late wife niya na sa isang british school pag aralin ang bata ehdi hindi ako nakiki-alam. Ang point ko is, mabuti magkanya kanya kami ng pera at siya nalang magbayad ng necessecities namin at bahala na siya kung me ipon siya o wala. Kase ayaw kong panghimasukang mga bagay na hindi ako kasali tulad ng pagaaral ng anak niya sa unang asawa.

maybe you will think, conjugal property yan. Yun na nga eh, pinili niya na pag aralin sa mamahalin na school ang anak niya sa una ehdi wag na niya ako idamay dun. Ngayon iisipin nyo, selfish ko naman diba. Ang totoo hindi po, mas pinili ko na wag maki-alam kaya mas gusto ko na kanya kanya nalang kami. and please Dont question me about how much I love my partner, kase hindi naman sa pera nasusukat yan. Para saken pag dating naman ng panahon na mangailangan siya ng pera at lumapit siya saken dahil wala nga siyang ipon, of course bibigyan ko siya, after all he is paying for my food and my our house.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close