watch now

Author Topic: re: euthanasia for pets  (Read 9557 times)

ycel0612

  • Guest
Re: re: euthanasia for pets
« Reply #20 on: March 30, 2015, 07:02:32 am »
Ako rin di pa rin naniniwala sa euthanasia. Kasi for me, pag yung may katawan lumalaban pa, ilalaban ko rin sya till the end. Yesterday we lost our baby due to kidney disease. I can see him suffering, di na makalunok at nahihirapan na gumalaw. I talked to him at sabi ko, sige na magpahinga na sya. After a few minutes, ayun he let go na. Naniniwala ako na kapag kinausap mo na pwede na sya mag let go, mag let go na sya. Pero kung ayaw pa, tuloy laban namin syempre.

j.adore

  • Guest
Re: re: euthanasia for pets
« Reply #21 on: March 30, 2015, 01:23:02 pm »
Hindi nagwork sa amin ang kausapin at tuloy ang suffering, hindi laban. So good for you if it turned out the way you believe it should be.

Queen Chokolah

  • Guest
Re: re: euthanasia for pets
« Reply #22 on: March 30, 2015, 02:40:13 pm »
Nakaka iyak ang mga stories nyo :( I have had this experience 3++ years ago. Our dog was dying due to old age (I assume). She was 12 years old. She was doing fine, until one day bigla na lang syang bumagsak at di na makagalaw. Her whole body was in pain, kasi every time na hinahawakan sya, humihiyaw sya talaga. We were in province at dun sa province namin, hindi uso ang vet. Hindi talaga. Super layo pa ng kelangan ibyahe for the vet. Actually dun pa lang, we knew she was dying na talaga. My heart broke kasi hindi ko sya madala sa vet. Sobrang galit na galit ako bakit walang vet doon samin. Pano pag hindi pala old age at pwede pa maagapan?

Anyway, the people around me are suggesting na to let her go. And by letting her go, they mean killing her the mano mano way. Like hahampasin ng malakas ng tabla, or lalasunin, or whatever. Hindi ako pumayag. Pinagalitan ko pa sila. Paano mo magagawang hampasin hanggang mamatay ang isang aso? So she suffered for 10 more days. Sobrang heartbreaking na marinig ang aso mong naghuhumiyaw sa sakit. She would only stop pag andun ako sa tabi nya, gusto nya kinakausap ko sya. So kahit madaling araw, I get up every hour or two to be with her. She couldn't eat anymore so pinapainom ko na lang sya ng gatas and water. Tapos kinukumutan ko din sya. Sobrang kawawa talaga, pero hindi ko pa rin kaya ang euthanasia kahit pa sa vet. Kung may ilang minuto pa na makakasama ko syang buhay, ilalaban ko yun. For the whole time di ako umaalis ng bahay, until this one day na may kailangan akong puntahan overnight. The next day nung umuwi ako, pagpasok ko pa lang sa bahay iba na ang feeling ko. Nag prepare ako agad ng gatas para sa kanya, kahit kakaiba na, in denial pa rin ako. Tapos nung pagpunta ko sa kusina kung nasan sya, ayun, wala na sya  :'( sobrang iyak talaga ko nun, I mean, oo natanggap ko naman na na mawawala na sya, pero sising sisi ako bat pa ko umalis. What if she has been waiting for me the whole time? Namatay sya nang wala ako. How sad was she when she drew her last breath? Baka inisip nya pinabayaan ko sya  :'( until now hindi ko makalimutan yun and sising sisi pa rin ako. Kahit man lang sana sa pagkamatay nya nandun ako.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close