I've finally met a guy friend just a week ago. Nagkakilala kami sa isang forum tapos add sa Facebook, until dumating yung isang araw na nagkachat kami ng matagal tapos niyaya niya ko na visit ko siya sa place nila. Since nagkapalagayan na kami ng loob, pumayag ako. Siguro nagchat kami for 3 weeks everyday before ako pumunta sa kanya at parang sobrang close na namin kung mag usap sa chat. Parang feel na feel na namin ang isa't isa. Then dumating yung time na nameet ko siya personally. Kumuha siya ng hotel where we could stay. I was supposed to stay sa place nila for 2 days and 1 night. But it changed when he begged me to stay for at least another day. Sa first day pa lang na meet namin we have this strange feeling na sa isa't isa. Sobrang palagay na kami, maybe nakatulong yung communication namin.
On the first day, gala mode kami in the morning til afternoon, then we took a rest sa hotel. And believe it or not, single bed lang yun, and first day pa lang yun ng pagkikita namin. When we both lie on our bed, nagsabi na siya na pa-hug daw, hindi ako tumanggi and I don't know why. Siguro I'm starting to fall na din sa kanya kaya ganun. This is the moment na tumigil ang mundo ko, yung feeling na sana wag nang matapos. Hug lang naman ang ginagawa nya, so I felt na respect naman niya ko. On the evening, dumating sa hotel ang bestfriend niya, as in pinakilala niya sa kin. Then we took a dinner outside the hotel. As in parang bf gf na kami at share pa kami ng ulam. Then after some gala and drinks, we went back to the hotel, while we were having a rest, tumabi siya sa kin sa bed at niyakap ako then he begged me to stay there for a week. I said, "pag-iisipan ko." His bestfriend slept in our hotel since malakas ang ulan that time pero sa carpet siya tapos tabi kami ni guy friend sa bed. You know that moment na paghiga ko sa bed we suddenly hugged each other then he suddenly kissed me. Stupid me, I gave in. It was an intimate kiss though.
On the second day, pagkagising ko pa lang nag kiss na kami agad, it wasn't just one kiss. As in parang kami na habang si bestfriend nya mahimbing ang tulog. We took a breakfast sa hotel, habang kaming 2 lang ang nasa loob, he again tried to convinced me to stay there kahit one more night lang. Then I said yes. He got happy na talagang sinabi niya pa sa best friend niya about it. Then nag check out na kami sa hotel, we did some strolling sa mall. After that dinala nya ko sa house nila. Ipapakilala nya daw ako sa grandparents niya but unfortunately, wala sila that time. Pinatulog pa niya ko sa bed niya while he was fixing his things. Tapos nag check in ulit kami for me to have a place to stay in kasi nahihiya ako mag stay sa house nila. Then we kissed and hugged again then natulog na kami but we both couldn't sleep. So nangyari ang hindi inaaasahan. We made love siguro we both have this feelings of intimacy.
Third day morning, when we both woke up, nagsabi siya na pananagutan daw niya ko if ever mabuntis ako. Then nagpakita pa siya ng interest na gusto niya mameet ang parents ko. He even convinced me na maganda ang place nila at dun na lang ako magstay if ever then he even told me na wag na ko mag abroad at parehas na lang kami mag online job. It was those things na masarap pakinggan but sad to say, we were both in a relationship that time. I told him "pano yan may gf ka?", so he replied, "ikaw din naman eh." So I told him na malabo naman na kami and I was breaking him up na unlike si guy friend na no signs of on the rocks relationship with his gf. So he told me na di pa daw niya yun nakikita at virtual lang. So this made me really confused. I was supposed to leave at 11 am that time pero mukang mahihirapan so another extend ng stay ko.
We met his bestfriend again sa mall and told the news and he showed to me naman na masaya siya na magstay ako dun sa kanila. They even joked na mag expat na ko sa kanila. I felt the warmth welcome of his bestfriend as in sinasabi pa niya na bumalik ako dun. Then my time to leave came, nabigla ako sa sinabi ni guy friend na "naiiyak ako sa 3 days na magkasama tayo parang sobrang tagal na nating magkakilala." Habang nasa biyahe na ko, he texted me na sobrang naiiyak daw siya at mamimiss daw niya ko and he promised me na pupuntahan niya ko sa place namin. Honestly, ako din naiyak that time.
I don't know if you can already call this love but we don't show any signs na in love kami though sobrang vocal kami sa isa't isa na we can't resist being together at sobrang namimiss na namin ang isa't isa. It's very confusing talaga. Sana ma enlighten niyo ako mga sis. Madami pa kong gustong ikwento about our situation pero next time ulit. Sobrang haba na ng post ko.