watch now

Author Topic: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?  (Read 112698 times)

mamichula

  • Guest
Hola!

   I tried searching for an existing topic about this one and I couldn't find one so i started this nalang.
Anyhoo have you guys experienced toothache during pregnancy? Howcome I've gotten cavities when I got pregnant?I think I've visited the dentist more than 8 times na in 3 months kasi sunod sunod nasisira ang ipin ko. It started during my 5th month. I've had temporary tooth fillings na hindi naman tumatalab kasi natatanggal . I need to have the teeth (5 in all!) extracted but since I'm pregnant no dentist would want to touch 'em. Hintayin nalang daw manganak. But oh my diko na kaya the toothache! Baka mapaanak pa ako ng maaga nito!

Are there safe painkillers I can take for toothache? Or maybe home remedies? I tried bawang and its stinky. It would work forawhile pero mamaya bumabalik din haay

« Last Edit: August 24, 2012, 11:24:11 pm by mamichula »

__x_X_x__

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #1 on: August 25, 2012, 10:12:49 am »
naku sis same tayo.. nung nag5months na yung tummy ko nun biglang parang sumakit mga ngipin ko..
at first tolerable pa.. pero nung pumatak na ako ng 6months, sabay-sabay na ang sakit so nung nagpacheck ako sa OB ko.. i asked him kung pwede akong magpabunot ng ngipin.. at sabi nya pwede daw kasi nasa 2nd trimester pa naman daw ako..

so go naman kami ni boyfie sa dentist kinabukasan kasi nga sobrang sakit nya kapag gabi..
sabi nung dentist safe daw magpa-extract ng ngipin kapag nasa 2nd trimester ka besides hindi naman major anesthesia ang gagamitin kundi local lang.. nagpa-tooth filling ako ng dalawa tapos isang extraction nga.. so ok na  ;D


yun ang akala ko >:( >:( :(


nung tumungtung ng 8months ang tummy ko.. jusko may sirang ngipin na naman ang nadevelop  :(
as in hindi na ako pinapatulog.. yung sakit pa naman nya eh kasama pati yung ulo.. so ang ginagawa ko nun inuumpog ko ulo ko sa pader ;D iyak na ako ng iyak nun para na akong luka-loka! even si boyfie inaaway na ako kasi baka makasama daw kay baby yung ginagawa ko na pag-iyak at pag-untog sa ulo ko sa pader! hehe

so go na naman kami sa dentist..
this time ayaw na ako bunutan :(
even tooth filling or pa-cleaning ayaw na nila kasi maselan na daw yun..

so ang ginawa namin ni boyfie, bumili kami ng toothache drops.. ayun ang sumagot sa problema ko.. hahaha..
bumili pa nga si boyfie ng salom pass & pau ointment.. natatawa ako kapag naaalala ko yun.. kasi kapag nakita nyang miserable na naman ang itsura ko sa room alam nya na masakit na naman yung ngipin ko, kaya ang gagawin nya lalagyan nya ng salom pass yung part na masakit tapos pati sa ulo ko lalagyan nya ng salom pass after nya mahilot ng pau ointment! hahaha!!

try mo toothache drops sis.. effective :D

mamichula

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #2 on: August 25, 2012, 12:38:38 pm »
^ Yay yay thank you! I'll buy one na now :) Toothache drops lang sasabihin ko sa mercury? :)


Grabe this is common pala! Mine din started during my 5th month eh ay teka actually 4th ata nagstart masira pero minor lang. Tapos nung 5th month gumrabe. I went to the OB who talked to this dentist sabi bunutin when I got there ayaw ng dentist talaga nilagyan lang ng temp pasta :( may isa pang dentist na tinanggihan din ako bunutan :'( Yung others naman ayaw galawin hanggang temp pasta lang daw sila haaay

Grabe the pain! As in sumisigaw ako sa gabi kala mo nanganganak na ako pumapadyak ako sa floor sa sobrang sakit! Tapos nagwawala talaga ako kasi nga un masakit buong head haaay

nanahimik sya onti nung 7th month ko. Now im on my 8th may bago nanaman :'( Kala ko tapos na may pahabol pa palang isa. I went to the dentist kahapon to have the others fixed kasi nagtanggalan na yung temp pasta tapos paguwi ko may isa palang bagong masakit so I have to go back today..

Nakailang visit na ako sa dentist I think more than 8 na in 3 months :'( Yung temp pasta ko paulit ulit kasi natatanggal sya agad :'(

__x_X_x__

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #3 on: August 25, 2012, 12:45:05 pm »
yes sis toothache drops lang.. sa generics pharmacy kami nakabili nun ni boyfie kasi out of stock nun sa mercury drug..

lagyan mo lang yung bulak na kasya dun sa butas ng ngipin mo.. tapos ipasok nyo dun..

hay naku!!
ako nga nun toothbrush pa ako ng toothbrush tapos kulang nalang inumin ko ang mouthwash! hahaha


sabi ko pa nga nun sa sarili ko.. mas gugustuhin ko pang manganak nalang kesa maramdaman yung sakit ng ngipin.. hehe

khriseeee

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #4 on: August 25, 2012, 02:07:29 pm »
It's important that you take in enough calcium during your pregnancy, if you don't, your baby will start taking your calcium stores from your body affecting your teeth. Try drinking up on calcium + walking in the sun for better calcium absorption.

__x_X_x__

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #5 on: August 25, 2012, 02:46:31 pm »
It's important that you take in enough calcium during your pregnancy, if you don't, your baby will start taking your calcium stores from your body affecting your teeth. Try drinking up on calcium + walking in the sun for better calcium absorption.

i agree to that sis.. kasi ako nun umiinom ako ng 4glasses of milk everyday.. hehe!
pero may mga time na minsan kinatatamaran ko or nasusuya ako sa lasa..

mamichula

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #6 on: August 25, 2012, 06:15:29 pm »
@__x_X_x__ I got rhea toothache drops. I've been asking lang my OB kung okay sa kanya the brand and the formulation. Tagal lang nya magreply haay sakit na ng ipin ko. Did you ask ba din your OPB before using it? Natatakot kasi my hubby baka msama daw although im on my 3rd tri naman na malaki na my baby. Ang delikado ata sa ganyan 1st tri eh. 

Nanganak ka na ba? I wonder kung mas masakit pa din ang pain ng panganganak kesa dito hehe

@khriseeee Been taking caltrate plus twice a day since my 2nd month. Each tab has 500 mil ata or 600 I wanted to take another kaso baka maoverdose na ako :'/ Ewan ko bakit kulang pa din.

« Last Edit: August 25, 2012, 06:25:18 pm by mamichula »

__x_X_x__

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #7 on: August 25, 2012, 10:02:06 pm »
@mamichula yeah nagtanong ako sa OB ko before ako gumamit nun.. and yes nanganak na ako last month lang :)
kung makikita mo sa label ng TD makikita mo yung contents nya.. safe yan sis..  ;)

mamichula

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #8 on: August 26, 2012, 11:40:29 pm »
^ nagreply n din si OB i used it na :) parang mas mabgal effect nya for me kasi mine's under the old pasta so may nkatkip pa n psta. There's a crack [textspeak!] n the old pasta kaya sumasakit. Went to the dentist yesterday and they dont wanna touch it haaay pero parang my relief naman bec of the drops :) thanks! Parang gumagalig na sya hindi n as msakit as yesterday :) baka there's gamot in the drops hehe

Haay hirap ng buntis. Congrats on your baby! Be giving birth next month konting tiis nalang with toothache

a2007

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #9 on: August 28, 2012, 05:35:55 pm »
I'm 26weeks pregnant and have the same concern, my tooth are aching to death as in!!! I cant even work because of it. I called my OB and informed me that toothache drops are not advisable. Biogesic or paracetamol lang. huhuhuh :( ano ba ingredients ng toothache drops na bad sa buntis? huhuhu :(

__x_X_x__

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #10 on: August 28, 2012, 09:31:43 pm »
@a2007 : ganun ba sis? kasi yung OB ko pumayag na gumamit ako ng toothache drops..

@mamichula : ano sabi sayo ng OB mo about toothache drops?

mamichula

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #11 on: August 28, 2012, 11:30:12 pm »
^Sabi nya its okay. I texted her the brand and the formulation. Although isang araw ko lang maman nagamit kasi nawala na my toothache. Or baka kasi im
On my 3rd tri na kaya okay lang?

^^ naku did u go to your dentist na? Di na sakin tumatalab ang paracetamol
Kasi eh :,( and the pain's horrible like parang feeling ko mamamatay na ako sa sakit kaya kinulit ko na tlg mg ob about toothache drops.

a2007

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #12 on: September 02, 2012, 09:02:45 pm »
May clove oil daw siya na not advisable sa mga pregnant. Nag-sswell na ngayon gums ko and hurts like hell padin. hayst. Nag-pacheck up ako kay OB ulit then ni-refer nia ko sa dentist nga, si dentist ayaw nia mag-pasta or mag-extract though pwede na daw. Nag-prescribe na lang siya ng biogesic, na pwede i-take every 4hrs at ampicilin 500mg 3x a day. Yung biogesic effective siya, kahit papano. Tinitake ko pag malapit nako matulog.. Tsaka sabi ni Dentist, tiis-tiis nalng daw, 3 more months na lang naman daw. hay nako, if only they can feel the pain  :-X
« Last Edit: September 02, 2012, 09:14:43 pm by a2007 »

mamichula

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #13 on: September 03, 2012, 08:37:07 am »
^nakailang palit na din ako ng dentist wala talagang gusto gumalaw. Although [textspeak!] mga una kong dentist pumayag naman ipasta na temp [textspeak!] sumasakit para lang mawala. Pero ayaw tlg ng bunot.

a2007

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #14 on: September 05, 2012, 12:42:25 pm »
ayaw talaga nila sis i-extract, after nalang daw. Yung dentist ko ayaw talaga nia, kahit na pasta na temp or anything alike, kasi may nangyari daw once, nagkaron ng miscarriage, pinasta ng dentist @ 5months. scary talaga. So biogesic at antibiotic nalang muna talaga ako. Ayun.

mamichula

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #15 on: September 06, 2012, 12:03:09 pm »
^ Hala ang reason daw yung pasta? Di naman masakit ang pasta eh :( Baka may ibang reason bakit nalalag her baby wala nalang ibang maisip kaya [textspeak!] dentist ang nasisi.

Grabe paano pag sobrang sakit kagaya sakin before hindi na ako nakakatulog. Sabi nga ng OB ko mas malaking risk pag pinabayaan na hindi nagagamot kasi [textspeak!] pain may cause premature labor.

Bawal din sayo toothache drops? Hmm na try mo na lagyan ng bawang? Sometimes sakin nagwowork crushed bawang sa root ng tooth na masakit. Pag hindi naman major [textspeak!] sakit gumagana pa ang crushed bawang. stinky nga lang. It kills bacteria kasi ata and nagnunumb [textspeak!] area parang gamot :)

a2007

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #16 on: September 07, 2012, 01:32:14 am »
Di ko din naman ma-sisisi si dentist. I understand her din naman. Good thing is, nag-prescibe siya ng antibiotic sakin which really help me alot, una di na sumasakit tooth ko and second hindi nadin siya ng-swell. Sana nga di na umulit ito..

28 weeks na ko ngayon and [textspeak!] mom ko super afraid din na galawin [textspeak!] mga ngipin ko. Ayun.

Naalala ko last week nung sobrang sakit, ng ba-biogesic ako every 4hrs. Putol-putol din talaga tulog ko non, napag-leave tuloy ako nun ng 6days. No matinong sleep, no matinong kain.

Sana talaga wag na muna siya maulit. Ngayon, tinutuloy ko ang antibiotic kong Ampicilin at 2-4 glasses of milk everyday. Ayun.  :) ;)

__x_X_x__

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #17 on: September 13, 2012, 09:12:56 pm »
^^ grabe naman yun! nagkamiscarriage dahil sa pasta? nagpapasta din ako nung 4 months at 6 months ang tummy ko.. nothing ok naman sya..

sabi nga nga OB ko mas maganda kung mattreat yung teeth mo kasi nga may bacteria dun.. kapag hindi nawala yung bacteria or na-treat may possibility na ma-adopt ni baby sa tummy mo yung bacteria..

Mommy•Shey

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #18 on: September 16, 2012, 12:00:13 am »
Nung 7months preggy ako dun sa bunso ko, naranasan ko din ito. Mataas ang pain tolerance ko pero hindi ko kinaya yung sakit ng ngipin ko. Nagulat din ako kasi wala namang sira ang teeth ko. Lahat ng pwedeng gawin ginawa ko na. I texted my OB and she allowed me to take Paracetamol.

snowyice

  • Guest
Re: Toothache during pregnancy: Any safe painkillers for pregnant women?
« Reply #19 on: September 16, 2012, 12:00:55 am »
Paracetamol

 

Latest Stories

Load More Stories
Close