mommy, okay naman kasi kami talaga these past few months, simula nung nanggaling kami sa bakasyon sa pinas. hindi na siya nangengealam, ako naman wala na rin reason mabwisit sa kanya kaya good mood din ako palagi sa kanila. may times na naiirita ako kay mr muscle kasi maingay talaga siya, pag andito sila, puro boses niya nadidinig ko, e ayoko talaga yung maingay. pero so far, okay pa din kaming lahat.
lately lang talaga, mukang nagsisimula ng maexpire ang pagtitimpi ni mil na wag makialam samin. hehe.
yung sa pagbukod naman namin, as usual, postpone nanaman. ngayon pa na nag aaral na din si jade, talagang nasasagad kami sa gastos. tsaka ayaw kami paalisin ni f i l, baka pinagsabihan niya si mil na wag na ako bwisitin para hindi na ako magpumilit na umalis dito. tsaka pinakiusapan din siguro si jay, sino ba naman ako para magmatigas. basta hindi ako binubwisit, okay ako.
nako! bwisit na bwisit nga sa kanya si jade kahapon. pasok kasi ng pasok si mil dito kung anoano nga sinasabi na baka daw may ganito ganyan. naku po si jade nag iiyak, "labas ka!" sabi ba naman. naiirita din siguro dahil hindi maganda pakiramdam. :-)
last week, hindi siya nakapasok nung wednesday thursday dahil nga paubo ubo at sipon, pero walang lagnat kaya pumasok din nung sunday. this week naman, 2days ulit. kahapon dahil mataas lagnat, tsaka ngayon pahinga nalang para makapasok na ulit sa sunday.
ayaw nga mag absent e.talagang gusto niya sa school. ang dami na niyang alam na songs with action. hehe.
habang tinatype ko ito, pumasok nanaman si mil. ano daw kaya ang lulutuin niya para makakain ng madami si jade. sabi ko katatapos lang kumain, bacon at rice, madaming rice. hehe.
e ano daw kaya kung painumin namin ng mga chocolate drink tsaka mga milk na naka tetra box. ay sabi ko ayaw niya yun. si jade kasi hindi kamuka ng ibang bata na mahilig sa mga chocolate drink at milk drinks, juice lang ang gusto niya kahit maasim pa yun. si jing nun mahilig, namamakyaw ako ng chuckie sa pinas, at galaxy na drink nung napunta kami dito. etong si jade kahit tambakan mo
ng ganun, masasayang lang. tutusukin niya ng straw, titikman tapos iiwan na. ayaw niya yung lasa. pero mahilig naman siya sa chocolate.
samutan daw namin ng lactum yung pediasure ni jade. ay baka naman po kako mas lalong hindi na dumodo kung malasahan na may iba sa gatas niya.
puro palpak nanaman ang suggestions nilang mag ina. konti pa mag ooverheat nanaman yata ako.