Just came from Bohol last week. Thank you sa lahat ng mga sis natin na nagbigay ng tips and suggestions. Anyway, here's my share of review:
Accomodation:We booked our accomodation at
Alonaland Resort, hindi cya beach front pero may pool naman sila. If you want to go to alona beach, it's about 10 mins walk from the resort or ride their free hourly shuttle from the resort to the beach and vice versa.
I recommend this resort for families or big groups. House # 13 yung kinuha namin, 2 rooms yung house with 2 double beds in each room kaya pwede up to 8 persons. Both rooms have aircon units. May sala, may kitchen with complete cooking and dining utensils kaya makakamura kayo kasi you can cook your own food. Pwede rin kayo kumuha sa front desk nila ng 5 gallons na water since may dispenser na provided sa cottage. May mga grill areas din sila. Or kung ayaw nyo magluto, ang daming kainan within walking distance from the resort.
Very prompt sila sa mga inquiries through text. And para silang serviced apartments, they clean and make up the house habang nasa labas kayo at nagttour. Nagulat nalang kami pagbalik namin from island hopping, nalinis nila yung house, inayos mga beddings, pati mga pinagkainan namin nahugasan na, mga shoes at bags, nakaayos sa tabi ng room. Nirefill yung tissue and tinapon yung laman ng mga basurahan. Very satisfied kami sa service nila.
Yung house na kinuha namin is 2,500 per night. For small groups, may iba rin silang mga cottages on the same compound ranging from 1,500- 1,700.
Tour:I DO NOT recommend Jun Ombay, and dami ko kinontact na mga suggested tour guides dito sa Gtalk and PinoyExchange pero cya yung pinakamura.. Well that was what I thought.

When I was inquiring about his rates through text, and sabi nya sakin 2K and rate ng island hopping kapag sa dumaluan part ang accomodation nyo and 1,800 kapag sa alona part kayo magsstay since ang jumpoff point ng mga tour pag island hopping e sa shoreline ng alona. Sinabi ko sa kanya na sa alonaland kami magsstay. Buong akala ko 1,800 lang ang babayaran since isang tawid lang naman mula sa resort e nasa shoreline naman na kami ng alona. Nagulat nalang ako after ng tour e bigla nalang nya kami siningil ng additional na 200 dahil daw nanggaling pa sa dumaluan yung bangka na kinuha nya. E kaya nga sinabi ko nung naguusap palang kami sa text na sa Alona kami nakabook, bat sa Dumaluan mangagaling yung bangka?. Kung di lang ako nagadvance ng 500 sa kanya, sa resort nalang ako kumuha ng tour since pag kadating namin sa resort nagoffer sila ng island hopping samin 1,500 lang ang rate.
Nakakainis pa yung boatman namin, di man lang magkusa na tumulong samin magbuhat ng mga gamit. At kung di ko pa sinabi sa kanya na dalhin kami sa virgin island e sa balicasag lang kami ddalhin.
Sumunod na araw sinundo uli kami ni Kuya Jun sa resort para sa countryside tour. Nung naguusap kami sa text sinabi ko ng diresto kami sa Tubigon port after ng tour since pupunta kami ng Cebu, nagagree sya naman cya at 2,500 ang rate na sinabi nya para sa rental ng van sa buong tour at hatid sa port after. Nagulat nalang ako nung nakaupo na kaming lahat sa loob ng van, bigla nyang sinabi na plus 1,200 daw kung ihahatid kami sa Tubigon port dahil madadagdagan daw ng 1 hour yung travel time nya paguwi sa kanila sa Tagbilaran kung ihahatid nya kami sa Tubigon port. E kaya nga sinabi ko beforehand nung nagnenegotiate kami sa text na didiretso kami sa Tubigon at umoo naman cya. Kung alam ko lang talaga na maniningil cya ng extra naghanap nalang sana ako ng ibang mas mura ang singil. Inis na inis talaga ako sa kanya. Haaay, buti nalang nagenjoy ako ng todo nung nag punta kami sa Cebu after ng Bohol kaya nabawas-bawasan banas ko sa kanya.