Hi mga sis! Let me share our Bohol trip last thursday-sunday.

On time naman ang alis ng plane dito sa Manila kaso nakatatlong beses kaming ikot sa ere nung nasa tagbilaran na kami, busy airport daw. Nahilo ako kakaikot! Haha. Pagbaba namin andun na si Kuya Naldix para sunduin kami and proceed na sa Panglao Tour. Kaaliw yung guide namin sa Hinagdanan cave, si JB. Justin Bieber daw! Galing nya kumuha ng mga pictures and kaaliw yung mga jokes nya. Dito sa hinagdanan cave yung pinakamurang tshirts, Php99 lang. Pero syempre depende padin sa tela at design yung iba. Last stop namin for the day ay Bohol bee farm, dito kami ng dinner. Yung buffet pala nila, nagaapply lang for 11pax and up. Sayang.. Super like ko yung lemongrass juice nila. Sana meron dito sa manila. Hehe. After dinner, deretso na kami sa Whites and Greens. Sobrang nakakarelax dito.
On our second day, Countryside tour na kami, si Kuya Jun and inassign na driver samin ni Kuya Naldix, okay naman si Kuya Jun pero tahimik lang. Nagexpect pa naman ako na parang sa mga nababasa ko dito sa GT na kwela yung mga driver, pero okay lang kasi nakakapagod bumaba at sakay at lakad kaya pagdating sa sasakyan, tahimik lang. Hahaha. Sa sobrang ganda ng bohol, gusto ko na kagad bumalik

Third day namin ay Island hopping and PINR Day tour. Hindi na kami nag dolphin watching kasi ang aga, hehe. First stop namin ay Balicasag Island, medyo taga nga ang price dito ng puddleboat, P150 per head at P50 yung aqua shoes. Nung una sana hindi na kami magboat pero naisip namin na walang magbabantay sa gamit namin. So go na sa 150, pero hindi na kami nagrent ng aqua shoes, nag slippers nalang

Okay naman kumuha ng puddleboat kasi yung mga bankero sila magaalalay sainyo and sila na ang bahala sa pictures nyo. Yun nalang ang isipin. Hahaha. Next stop ay yung Virgin Island, ang ganda dito. Nakakaamaze yung formation nya

Aliw din sila Ate na kukuha ng pictures nyo with starfish, wala itong bayad. Pero may buko stand sya, kayo na bahala kung bibili kayo sa kanya

After ng Island hopping, balik na kami sa resort para magbihis papunta sa PINR. Saturday na kami nung nagpunta pero parang amin yung buong resort e, walang katao tao. Naenjoy namin yung infinity pool and Jacuzzi

Dami ko pa sana ishare, kaso ang haba na. Hahaha. Ang babait ng mga tao sa Bohol. Mula Airport, sa tao sa labas, tour guide, vendors, food servers, lahat lahat ang babait

Gusto ko na ulit bumalik
