watch now

Author Topic: unsupportive mom....  (Read 10556 times)

prettygurl00001

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #40 on: July 06, 2012, 01:31:25 pm »
^alam mo sis sa mga pinagsasabi nya nga sa akin parang sya ang tinakasan ng bait at hindi ako. para lang maiwasan nya yung issue ng pagkukulang nya sa akin bilang ina and para mapagtakpan nya lang ang sarili nya eh kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi nya sa kin. Sya kasi yung tipo ng tao na never tumanggap ng pagkakamali. Khit pag nagtatalo sila ng papa ko, para sa kanya si papa ang laging mali at sya ang palaging tama. Kahit noon pa madalas din kami magtalo kahit sa maliliit na bagay, kasi talagang iinsist nya yung sa tingin nya na tama, kahit minsan eh mali naman. For her isa syang perfect na tao na never nagkakamali.

Princess_Chill

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #41 on: July 07, 2012, 05:05:00 am »
@pretty

sis ano ba yang nanay mo! to the highest level! tama si sis honey change number..totally detach yourself na...sobrang sagad sa buto naman iyon...

wag mo nalang siya intindihin baka makasama pa sa iyo pag nag iisip ka kasi nga preggy ka...

hindi mo siya kailangan...(sorry ah kung ganyan lang din better na wag na ma attach sa kanya)

prettygurl00001

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #42 on: July 13, 2012, 02:00:01 pm »
i changed my number na kaya mejo nakakahinga na ko ng maluwag. I also blocked her sa FB baka kasi duon naman sya magpost sa wall ko ng kung ano-ano nakakahiya naman sa mga makakabasa. Minsan nadedepress pa rin ako lalo pag naaalala ko sila ng dad ko. Pati kasi si dad galit sa akin, ni-brainwash ng mom ko at siniraan ako. Pati mga kapatid ko nga kampi lahat kay mom kasi kung ano-anong kwento ang inimbento nya para makuha sympathy nilang lahat. Haaay... kaya eto para na kong nawalan ng isang buong pamilya...   :'(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close