watch now

Author Topic: unsupportive mom....  (Read 10555 times)

Princess_Chill

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #20 on: May 24, 2012, 02:26:39 am »
my dad is deceases na....well i think she don't hate me naman she's just not being a mom saakin..well maybe's not ready that time...

hai ayaw ko nalang din pasamaain loob ko kaya hindi ko nalang pinapansin bakit ganoon...
 

AnneGEAM

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #21 on: May 24, 2012, 05:06:23 pm »
Aww Princess_Chill, sorry to hear that you are going through that :(

Yes some parents are that way, sad to say. But here are important things to remember:
- that you are there for your own child no matter what... I think you are doing that now
- you are your own person so you don't need anyone to make you feel good :D

Sorry to say this, but focus on people who treat you well. As for your mom, she is still your mom, but you can live your life separately naman :) Hugs to you!

Princess_Chill

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #22 on: May 24, 2012, 11:53:54 pm »
@anneGeam

Thanks for the hug sis! true...lahat ng hindi ko naexperience na pagmamahal from my mom binubuhos ko lahat sa anak ko..don't want her to feel iyong nadaanan ko...

looking at the brighter side im a better person and independent because of my situation...nakakalungkot nga lang minsan kasi wala ako maasahan :(

Buti nalang ayos din hubby ko..

justin3

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #23 on: May 25, 2012, 01:07:39 am »
^you have my vote as "GT's Greatest Mommy of the Year!" keep it up.

maitanong ko lang sis. have you asked your mom? yung usapang babae sa babae... why di sya naging "mommy" as you expect her to be?

malamang pahamak si Cindy Lauper nun. Girls Wanna Have Fun kasi eh. paano nga naman sya magkaroon ng "fun" kung akay-akay ka nya?
tapos dumating pa ang Menudo nun, ang Duran Duran. di pwede ang mga mommies sa fans club nila. ;D

prettygurl00001

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #24 on: May 25, 2012, 09:26:00 am »
pa-share lang sisses. I just want to vent out my feelings... hirap kasi wala ako mapaglabasan ng sama ng loob eh.  I'm pregnant for 11 weeks now, and this is my first pregnancy. Since my mom learned the good news, wala man lang pangungumusta regarding my pregnancy, kung maselan ba ko magbuntis, or whatsoever.

Actually eversince I was young, ganito na sya, parang bato... walang pakiramdam. Hindi marunong magexpress ng feelings. Ni minsan wala akong maalala na sinabihan nya ako ng i love you, or even hugged and kissed me. Pag may sakit ako, parang nagagalit pa sya, and kulang na lang sabihin nya na nag-iinarte lang ako. Sa amin magkakapatid ako yung least favorite nya, kasi I've seen how she treats our youngest sister and also our one and only brother. Hindi pantay-pantay treatment nya sa amin. Pero as I was growing up, never ako nagtanim ng galit. Instead, I still understand her and loved her dearly. Masasabi kong ako pa nga yung naging pinaka-thoughtful and pinaka-caring nyang anak na tipong when she needs us ako yung laging anjan agad. Pero I keep asking myself why... pag ako yung may kaylangan ng attention, care and love from her... hirap syang iparamdam 'to sa akin. Hindi naman ako ampon coz kamukha ko mga kapatid ko.

I feel so alone now... lalo na ngayon preggy ako and I expect her to be there for me... to give me tips and advices on how to be a good mother to my first child. Pero wala sya... ni text wala man lang. Tapos iniinvite namin ni hubby na pumunta dito sa house, andami nyang excuses. Haaay.... sobrang nakaka-depress lang na para bang palagi kong kaylangan magmalimos ng attention from her. Samantalang pag mga kapatid ko isang tawag lang kandarapa agad sya pagpunta doon. Hindi ko talaga maintindihan... mahirap ba kong mahalin? Sobrang hirap ng nafi-feel ko right now.......

i.love.siomai

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #25 on: May 25, 2012, 01:46:22 pm »
me,simple thing lang naman kinakasama ko ng loob sa kanyan.di pantay-pantay treatment nya sa amin mga girls puro mga kuya ko pinagtutuunan ng attention.to think na kami mas nagcare sa kanya.. hindi man kami pinamimili ng mga material things like those personal needs..kapag mga brother ko agad- agad nagbibigay..but through this naman i've learned to have on my own..yung mga baon ko sa school iniipon ko para makabili ng mga personal things.minsan yung ate ko binibigyan ako so nakakabili ako ng damit..I'm planning to work this june kasabay ng pag-aaral.sana makaya ko.
heto pa, she never prepare breakfast for us when going to school..di rin kami pinagplantsa ng uniforms nung highschool days.sabi nya wag na daw namin yun hanapin kasi busy na sya sa paglalaba -_-
« Last Edit: May 25, 2012, 02:17:44 pm by i.love.siomai »

Princess_Chill

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #26 on: May 26, 2012, 05:39:38 am »
@justin3

thanks sis for voting....well before nagkaroon ng ganoong usapan casual lang but i didn't ask her na bakit ganoon siya sakin...ang lumalabas hindi malapit loob niya saakin kasi hindi siya nagpalaki saakin...parang ganoon..e ang saakin naman bakit naman hindi ka man lang bumawi diba?

well mom ko kasi never grew up..hanggang ngayon naka asa lang siya sa mga uncle and aunts ko sa states...kasi daw sa mga magkakapatid siya mahirap..paawa effect ang dram noon sa buhay...sa lahat ng sitwasyon siya ang kawawa kaya hindi ka mananalo dun...ayaw ko nalang patulan..kasi if before sinabi ko na ganoon ang ending siya parin ang api e..

@prettygurl

sa mga ibang kapatid mo ba parang bato din siya? baka naman ganoon lang mom mo i mean sa mga reaction...

sis hold on magiging mommy ka narin...kung anong ayaw mo na mga ginawa sa iyo ng mom mo you can improve it so that hindi maramdaman ng magiging baby mo ang naramdaman mo...un nalang lagi kong nilalagay sa isip ko...

prettygurl00001

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #27 on: May 29, 2012, 02:11:41 pm »
@prettygurl

sa mga ibang kapatid mo ba parang bato din siya? baka naman ganoon lang mom mo i mean sa mga reaction...

sis hold on magiging mommy ka narin...kung anong ayaw mo na mga ginawa sa iyo ng mom mo you can improve it so that hindi maramdaman ng magiging baby mo ang naramdaman mo...un nalang lagi kong nilalagay sa isip ko...


hindi sya parang bato sa iba kong kapatid. Pag may kaylangan sila, kandarapa pa mom ko sa pagtulong sa kanila. Ni hindi na nga nila kaylangan magsabi... kasi anjan sha agad for them. Sa akin lang talaga iba ang treatment nya. Ako yung laging nanjan for her pero ako pa yung balewala sa kanya. Pag masama loob nya sa mga kapatid ko, ako yung nanjan para makinig sa mga sentiments nya. Twice naoperahan and na-confine si papa, yung mga kapatid ko ni hindi man lang nagawang magbantay sa hospital... ako lang kasa-kasama ni mama. Nung bata pa ko ako yung kumikilos sa house pag nasa work sila, ako yung naaasahan nila. Tapos pag ako ang may kaylangan... wala sila. Pag nagkakasakit ako, parang nagagalit pa, bakit daw maysakit na naman ako. Madalas ako mahimatay nun and mauntog ang ulo pero ni minsan never nya ko pinacheckup man lang sa doctor.... haaay! ang dami-dami ko pang mga sad experiences where na-prove ko na iba talaga treatment nila sa akin... pero ni minsan never ko yun sinumbat. Pero ngayon lang... kung kelan i need her the most, na nasa difficult stage ako ng pregnancy pero wala pa rin sya.

Umabot na ko sa point na pagod na ko... sawang-sawa na ko maghintay and mamalimos ng affection. Eto, nag-away kami sa text ng mom ko. Sinabi ko sa kanya lahat ng tampo ko... lahat ng hinanakit. As usual she did not accept her fault. Sabi pa nya "Ano pa bang gusto mo? Matanda ka na para maghanap pa ng affection... its too late! Is your husband not enough? Bakit mo isinusumbat mga nagawa mo  kabutihan sa amin? Hayaan mo babayaran kita, magkano ba?" ............ grabe, sobrang sakit to receive this kind of text from your own mom. Para akong ibang tao sa kanya......  :'(

Princess_Chill

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #28 on: May 30, 2012, 12:32:29 am »
aww masakit nga iyon sis....

almost same din tayo sitwasyon...pakiramadam ko nga mahal lang din ako ng nanay ko pag may pera ako e....

sis noong buntis din ako, wala din ako kasama but my hubby...i just ask advice sa mga friends mga ibang cousins na may mga anak na about tips sa pagbubuntis...

kagaya ng sinasabi ng mga ibang sissies natin let's not expect nalang...mas masakit kasi....let's be a better mom sa mga anak natin...

lonelymiss28

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #29 on: June 03, 2012, 04:17:58 am »
^totoo, hwag na hwag mag-expect sa mga mom natin and since mom na rin tayo ang pinaka magandang maibibigay natin sa mga anak natin ay yung mararamdaman nilang pinapahalagahan natin sila.

kasi kung iisipin nyo sa mga sitwasyon natin pare-pareho tayong di nakaramdam ng pagpapahalaga.


Amphitrite

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #30 on: June 05, 2012, 06:17:40 am »
sis princess chill & pretty gurl...

Similar situations natin, pero yung sa akin, kaya nila magpakitang-tao kapag may okasyon. Kunwari close kami kahit hindi. Proud daw sila sa accomplishments ko kahit nasabi na niya noon na kung hindi siya nabuntis sa akin ay maganda na buhay nya sa ibang bansa.

The key is to detach yourself. Throw away any feelings that you may have. Especially pity, don't ever let yourself pity them because then it will turn into caring. If you start caring then you might start expecting that they will care for you also.

Ayan ang ginawa ko kaya naka-get-over ako sa mga pangyayari sa buhay ko noon. I have a friend na hindi pabor sa ginawa ko, well, opinyon nya yun kasi hindi naman nya dinanas ang dinanas ko diba. Love yourselves and your family, especially your children para matigil sa mama nyo yung pagiging unsupportive.

I still see my biological family sometimes, lalo na kapag request ng lola ko. I just treat them like I treat clients or co-workers that I don't really like, civil lang. Ako kasi kaya ko maging chika-chika kami for a while, pero the moment the party stops, I stop the show. Sabi nga ni hubby, plastic ko daw, sabi ko iniisip ko na lang na nasa trabaho ako, kahit bwisit ako sa kausap ko ngiti pa rin kasi kelangan.

Good luck mga sis.

prettygurl00001

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #31 on: June 05, 2012, 09:20:49 am »
^ Ganun nanga sis. I've come to the point na napagod na ko umasa. Ayaw ko na mag-expect ng anything from them. Pag may family gatherings sila like outing or birthday hindi na lang ako pupunta. Tutal naman happy naman sila even without me. Nag-swimming nga sila lately lang, nitong May, hindi ako sumama kasi nga masama pakiramdam ko sa pagbubuntis ako. Ayun mega-post ng pictures sa FB na ang saya-saya nila. Tapos ni wala man lang isa sa kanila nagtext sa akin para kamustahin ako kung bakit hindi ako nakasama.
From now on nga nag-mindset na ko na parang wala na kong pamilya. Pag nanganak nga ako I don't even expect them na sisilip man lang para makita ang baby ko.

Margaritabythebeach

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #32 on: June 05, 2012, 02:39:40 pm »
hi mga sis...wala akong malabasan ng sama ng loob so dito ko nalang i share...

lola ko nagpalaki saakin kasi 18 lang mom ko noong pinanganak ako...ever since bata ako hindi ko naramdaman pagiging nanay niya saakin...

lulong sila sa sugal ng dad ko so pati mga alahas na binibigay ng mga kamag anak ko sakin pinapakuha nila sakin para maisangla nila...hindi nila binibigyan ng pera lola ko para sa mga pangangailangan ko...ang sustento ng lola ko from my aunts iyon ang ginagamit niya para pang tustos saakin...

graduation ko walang pumupunta...never experienced family day....then pinanganak brother ko then sa puder nya lumaki bro ko...then mas mahal niya bro ko.....(btw sa pampanga sila naka base na)

i still remember a time na naospital ako since super anemic ako no ome would take care of me so pinasuyo ng lola ko na bantayan ako sa ospital...then she talked to me "pag may tinanung ang doctor kung may masakit pa sa iyo sabihin mo wala na kasi kawawa naman kapatid mo wala magbabantay  (e andun naman mga auntie ko sa pampanga)....

now im a mom na...i can't imagine na pwede pala matiis ng magulang ang anak..e ako hindi ko matiis baby ko....tapos kahit sa anak ko wala siyang pakelam...wala kasi ako yaya then my aunts told her na siya nalang mag alaga sa apo niya (which is only apo ah) ang sabi niya lang...anak ko nga di ako nag alaga alangan naman ako mag alaga ng apo ko...

now mothers day is coming ang i feel that she doesn't deserve to be greeted or masabihan ng greatest mom...naiiyak ako na di ko malaman... i thought na pag naka anak na ako...babawi siya saakin sa mga hindi niya nagawa for me as a mom kaso hindi....

i feel so down mga sis na wala akong makuhang support from my mom...kaya nakakainggit ang iba na andyan ang nanay nila para sa kanila...

Hi Princess_chill. Talagan may mga Nanay na ganyan. I was laso a neglected child. Andaming sakit na ginawa ang nanay ko sa akin pero di ko pa ready ishare yun.

One thing I can say is: Di mo kasalanan na ganun ang nanay mo. She lost the opportunity to take care of you and once again she lost the opportunity of getting to know your baby. Siguro dapat di na natin asahan na magbabago pa siya. kung ano man ang issues nya sa yo, problem nya yun.

 
sis princess chill & pretty gurl...

The key is to detach yourself. Throw away any feelings that you may have. Especially pity, don't ever let yourself pity them because then it will turn into caring. If you start caring then you might start expecting that they will care for you also.

Ayan ang ginawa ko kaya naka-get-over ako sa mga pangyayari sa buhay ko noon. I have a friend na hindi pabor sa ginawa ko, well, opinyon nya yun kasi hindi naman nya dinanas ang dinanas ko diba. Love yourselves and your family, especially your children para matigil sa mama nyo yung pagiging unsupportive.


Tama si Amphitrite, ganun din ang ginawa ko. I detached myself at nabuhay ako na parang walang ginawa sa akin ang nanay ko.

I hope you feel better.  :)
I still see my biological family sometimes, lalo na kapag request ng lola ko. I just treat them like I treat clients or co-workers that I don't really like, civil lang. Ako kasi kaya ko maging chika-chika kami for a while, pero the moment the party stops, I stop the show. Sabi nga ni hubby, plastic ko daw, sabi ko iniisip ko na lang na nasa trabaho ako, kahit bwisit ako sa kausap ko ngiti pa rin kasi kelangan.

Good luck mga sis.

Princess_Chill

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #33 on: June 06, 2012, 05:47:38 am »
@sis Amphitrite

totoo na detach is the key...i learned to detach myself sa mom ko...pero dumating din ako sa point na "why not give it a shot" nung nagka anak ako iniisip ko kasi mga naririnig ko na kaya tiisin ng magulang ang anak pero pag apo na hindi na nila kaya tiisin..hindi din pala...kaya i detached myself again..civil nalang and plastikan nalang pag may family gathering....

@sis Margaritabythebeach

trus she missed the opportunity to know me and my daughter...sayang..but its her loss kasi siya naman ang hindi nagbigay e....

Amphitrite

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #34 on: June 06, 2012, 08:11:17 am »
@prettygurl... Ganun din naman ako hindi na sumasama sa family gatherings. Although last easter napilitan ako sumama kasi nag-request ng bongga yung favorite ko na pinsan saka yung lola ko. Inimbitahan pa nga ako ng little sister ko sa party nya, sabi ko i-pm sakin yung exact time, date & address kapag natuloy ang balak nya na party. Nakita ko na lang may pics na sa fb nung party nya, kahit anong message di rin naman ako nakatanggap. Ok lang naman sakin, di naman kawalan.

@princess chill... Ako rin ilan beses ko na sinubukan na ilapit ang sarili ko. Napagod na rin ako bilangin kung ilan yun. Siguro hindi rin nila ako natitiis kasi kapag nagkikita kami ang dami nila tanong pero konti lang sagot ko. Lalo na yung anak ko lagi nila tinatanong pero naloloka sila lagi sa mga sagot.

I hope everything is great with you mga sis.

Princess_Chill

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #35 on: June 06, 2012, 11:01:21 pm »
sis ako naman ok naman mga kamang anak ko sa mom ko lang talaga walang pakelam...

mas madalas pa nga kamustahin ng mga auntie at pinsan ko anak ko kesa nanay ko kamustahin anak ko e...

lonelymiss28

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #36 on: July 02, 2012, 02:22:32 am »
alam nyo nga sis, sabi ng asawa ko our past mold us to what we are now. then naisip ko kung naging ganito buhay ko ngayon because of my experience in the past then it's worth it na rin.

prettygurl00001

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #37 on: July 04, 2012, 02:06:41 pm »
Alam nyo ba sisses, text pa rin ng text sa akin ang nanay ko ng mga hate messages. Ang nakakaloka pa, ako itong may hinanakit sa kanya at inilabas ko lang. Pero instead na maka-realize sya at mag-apologize... aba kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi sa akin. Sayang lang daw ang hirap at pagod nila ng dad ko sa pagpapalaki sa akin, kesyo nagkandahirap pa daw sya na ipanganak ako tapos ganito lang mapapala nya. Sana daw lahat ng mga binigay nya sa akin ibinuhos na lang nya lahat dun sa sister ko na favorite nya.

Tapos nung sinabi ko na, bakit nung bata ako madalas ako mahimatay at mauntog ang ulo, ni hindi nya man lang ako nagawang ipacheckup sa doctor, baka may nangyari na kung ano sa ulo ko. Aba ang sabi ba naman... "Aha, yun pala kaya pala kung ano-ano na pinagsasabi mo kasi may sira ka na sa ulo, may sayad na yang utak mo at baka nababaliw ka na!"

Tapos ni-blackmail pa ako, kesyo dati pa daw nya alam na hindi na ako virgin dun sa ex-bf ko nung college. Ipapaalam nya daw yun sa hubby ko para magising ang hubby ko sa katotohanan na 2nd hand at pinagsawaan na ang napangasawa nya. Then nung sinabi ko na wala na syang dapat ipaalam kasi alam lahat ni hubby ang past ko. Aba sabi ba naman, "eh isa rin palang baliw yang asawa mo at pinagtiyagaan ka pa kahit 2nd hand ka na! Bagay nga kayo magsama, parehong sira ang ulo!"

Pati yung baby sa tiyan ko idinamay pa nya, sabi nya hindi daw nya ako titigilan kaka-text ng masasakit na salita hanggang lumuha ako ng bato pati ang baby ko idadamay nya daw. Sana daw magdusa din ang baby ko sa mga pinaggagawa kong pagbastos sa kanya. Bobo daw ako at kawawa naman ang baby ko kasi sigurado lalaking bobo din gaya ko. Hindi na daw nya ako itinuturing na anak, wag na wag na daw ako makikisali sa happy family nila. Isa daw akong mapagkunwari at bastos na anak kaya hindi daw ako bagay sa family nya...

Haaay... sobrang worst ng mga sinabi nya. Yung self esteem ko nung bata ako na sobrang baba... eto at bumaba na naman ulit ngayon. Daig ko pa ang sinaksak ng paulit-ulit sa puso. parang hindi isang ina ang nagsalita sa akin ng ganun. Ngayon ko na-realize, meron pala talagang mga masasamang ina sa mundo. Sana pinamigay nya na lang ako noon pa kung ayaw nya sa kin.

lonelymiss28

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #38 on: July 04, 2012, 06:22:04 pm »
sis, isa lang masasabi ko your mom needs to see a psychologist...i don't think na kahit na sabihin hate ka nya ay masasabi ng isang taong matino yan.

don't let those words put you down sis, oo masakit na nanay mo sya and all. pero hindi na taong matino ang nagsasabi noon sa ibang tao lalo na magkadugo kayo...ayoko ng sabihing anak ka dahil mas masakit aminin yun di ba but the fact na tao ka like her and sasabihin nya yun then idadamay pa anak mo di na tama yun. dedmahin mo na lang sis although mahirap gawin pero for now yun lang pwede mong gawin and if malayo bahay nyo hwag mo na sya kausapin ever or if malapit naman gawa kayong mag-asawa ng paraan na lumayo at hwag ka na makipag communicate sa kanya not just for you but also for your baby.

honey-ecclaire

  • Guest
Re: unsupportive mom....
« Reply #39 on: July 04, 2012, 07:12:29 pm »
hala grabe naman ang nanay mom sis,nagda-drug ba yun?... :o
I mean may kasabihan na di matitiis ng isang magulang ang anak pero daig mo pa ang pumatay ng isandaang katao ah...

di nya ba nararamdaman ang mother's instinct?ang lukso ng dugo towards you?..ang mga lola is over excited pagmanganganak ang babae nilang anak...

ay naku sis,if you can change your number better do it kesa naman mapatulan mo pa ang mama mo,
mas masakit talaga kase nga nanay mo,eh kaibigan mo nga sabihan ka ng ganyan masakit na,sarili mo pang laman at dugo,

then even your baby,OMG don't worry sis GOD will protect your baby...bawal ka pa naman ma-stress...
even the virginity issue ha,she thinks you're bastos sorry ha but she is...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close