watch now

Author Topic: Bitter and pathetic moments  (Read 34716 times)

martyrdamn16

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #80 on: May 31, 2012, 04:15:55 pm »
- may ex ako na iniyakan ko ng bongga. kinulit ko sa fone. tinawagan ko, naka roam pala sya, he told me na nasa ibang bansa sya, (work related) , kinulit ko pa rin. ayun, kamusta naman ang phone bill namin nun...  :D

- another ex. naging 3rd party ako, pinaasa. until d ko na kaya, i texted his gf, and told him may babae bf nya  :D


--wahahahaha..adik ka..ang kulet mo!!! :))

khayzee

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #81 on: June 02, 2012, 09:42:42 pm »
haha. actually d kasi ako naniwala nung sinabi nyang wala sya dito sa pinas. haha totoo naman pala, na prove ng phone bill. dko na alam kung anong palusot ko nun sa parents ko. pag lukaret ka na sa love, keber  na talaga sa lahat..  :D

trishnottrash

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #82 on: May 17, 2014, 01:23:22 pm »
Bitter moments : more curse ako sa kanya kase nag cheat siya saken nung kame pa. Nagpost pako sa fb about dun sa gurl haha.

Pathetic moments: nagmakaawa sa ex at pinuntahan ko sa bahay 4 times tas hinde ren ako kinausap, maid lang nakausap ko na ayaw ako.kausapin tas iniyakan ko yung maid sabi ko "babae naman po kayo sana naiintindihan nyo ako sabi nya "ay ati, wala si koya dito suri talaga" habang busy siya kunware nagtetext at hinde makatingin saken.  :(

Saklap talaga mejo fresh pa sana makamove on na ako.... :( balak ko pa syang abutan ng gift sa bday nya this week. Stupid me.

pumpkin13

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #83 on: June 19, 2014, 12:27:50 am »
Gumawa ng playlist ng lahat ng heartbreaking songs. Feeling ko they were all composed for me. LOL.
I sent him a letter through mail sa office nya kasi he wasn't responding sa text and call and e-mails. This was way back early 2000. Pumapasok ako sa class na naka-shades kahit sa night classes. Bigla na lang iiyak habang nagdidiscuss ang prof. Tumatambay sa labas ng library at nagsusulat ng kung ano ano, gumagawa ng letters para sa kanya then babasahin ko paulit ulit without sending them. Tapos iyak ulit. Pag uwi sa bahay magkukulong at magrereminisce ng good and happy memories, sabay tugtog ng playlist. Kumuha ng minor course sa college na related sa work nya, hoping that in the future magccross paths kami sa work and hindi na nya ko maiiwasan kasi work-related na relationship namin. Hindi naman nangyari. Lol! All of this helped me heal anyway. :)

Yamski

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #84 on: June 20, 2014, 08:27:35 pm »
Hmmm.. nung nakipagbreak sya sa'kin, okay lang sa'kin kasi gusto ko rin naman maging single muna since masyadong umikot yung mundo ko sa kanya in the last 9 yrs. After a week of our break up, kinontak ako kasi 'di sya maka-move on. Tapos dine-date ulit ako - feeling ko ang ganda ko lang kasi hindi sya maka-move on. Tapos nung nalaman ko na may jowa na pala sya habang naglalandian kami, nagtago ang gag*. Sabi ko pabayaan ko na, bahala na karma sa kanya. Pero nung nakita kong ang pangit ng pinalit nya sa'kin, bitter talaga ko. Hindi ko matanggap na ganun ka-cheap yung pinalit nya sa'kin. Kaya kahit hindi ko ginagawa nuon, pumunta talaga 'ko sa Mommy nya para magsumbong with matching iyak and dialogue "Tita, hindi ko talaga alam kung saan ako nagkulang. Kung ano man yun pwede naman nyang sabihin sa'kin, hindi nya kailangan hanapin sa iba." Pati yung pics and text messages nung cheap na girl pinabasa ko sa Mommy nya. Ayun, mega sermon yung Mommy nya sa kanya. Hinihingi rin ng Mommy nya yung number ng babae para awayin nya. Ang cheap kasi talaga, may threats pa sa'kin na masasaktan ako at magkakagulo pag hindi ko daw tinigilan yung bf nya. Sa sobrang inis ko dun sa babae at sa fact na pinagsabay pala kami nung gag* kong ex, ginagawa ko lahat ngayon para iwan nung ex ko yung babaeng yun.

The pathetic part? Handa kong patawarin at tanggapin si ex sa kabila ng mga ginawa nya.
« Last Edit: June 20, 2014, 08:30:51 pm by Yamski »

simang

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #85 on: June 21, 2014, 08:33:03 pm »
I told him (my ex) sasabay ako umuwi ng province (madami pa kong imbentong story para lang pumayag sya na sumabay ako). So I waited na matapos class nya and we traveled together pauwi ng province, that was almost midnight, habang nasa bus kame i was crying like hagulhol talaga. We were seated sa 3-seater na side, 2 lang kami nakaupo and we were at opposite ends, i was sitting sa may window and sya sa may isle. Then he started explaining things to me, umiyak din sya. Nauna ko bumaba sa kanya ng bus then the next day he called me and we got back together. We were together for mga 3 yrs yata after that bus encounter.

Another one, nagbreak kami 2011. Come my birthday nung 2012, he invited me for dinner, so umoo naman ako since gusto ko din makibalita. We met and after dinner, we checked in, made out, almost had sex, and slept the night. Pagkagising ko, i seriously can't look at him in the eye and hanggang sa makauwi kami di na kami nagusap.

Pag naalala ko, i feel sorry for myself. At least on my standards sobrang pathetic ko nung mga time na yan.

piatos

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #86 on: July 03, 2014, 11:20:34 pm »
super nagmakaawa ako dati kay ex na balikan niya ako.. lagi ko sya kinukulit hehe.

naging kami na nung gabi tapos kinabukasan ayaw na haha amputik siya sarap sunugin ang bahay ahahahaha!

super emote din ako kahit sa church umpisa pa lang ng misa umiiyak n ako hahaha.. nakow ayaw ko na maulit lol  ;D

SarSi_Em

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #87 on: July 04, 2014, 05:33:44 am »
kahit sinabi na nya too late na, kahit sinabi na nya may bago na sya nililigawan, di ako tumigil kaka message sa kanya, tapos one time pumayag sya mag meet kami, syempre may nangyari, akala ko magiging kami na pag uwi ko nag text ako sa kanya di sya nag reply, after ilan oras, reply nga sya pero ang sakit naman, "impossible na maging tayo".
ang sakit grabe. feeling ginamit lang katawan ko.

tapos for 2 weeks try ko pa rin i message saka nya inamin na sila na nung babae at may nangyari na sa kanila, wala na ko nagawa hagulgol na lang ako, pero that day nagkita uli kami, at syempre may nangyari uli, engots ko kaka gamit lang nya sa gf nya two days ago at nag pagamit pa ko, kasi di daw ok sex nila at ako pa rin hinahanap nya. un lang sex lang talaga gusto nya sakin, masakit pa nito nag kwento pa sya sa sex nila, date nila. akala ata bato ako. kahit nakita na nya umiiyak ako.

pag uwi ko, umiyak na lang ulit ako, feeling ko ang dumi ko na, ilan days naman nag message sya sakin pag may prob sya sa gf nya, para ako engots na nagbibigay pa ng payo, sinabi pa nya jackpot sya sa new girl nya. lahat ng wala ako..  :'(

naawa na ko sa sarili ko, kaya kahapon. sinimulan ko na wag pansinin o i message pa sya ulit..
tama na ang katangahan.

blocked ko na sya sa lahat. yoko na. kahit mahal na mahal ko pa sya. tama na.

Yamski

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #88 on: July 05, 2014, 12:01:11 am »
Sis SarSi_Em, I can so relate. Ganyan din nangyayari sa'kin. Pati tungkol sa sex nila vs sa sex namin sinasabi niya. Ang pinagkaiba lang may mga empty promises siyang binibigay sa'kin. Like babalik daw sya pag okay na yung babae na makipaghiwalay sa kanya. Wtf lang eh. Hanggang ngayon may communication pa rin sila nung babae. Pero wala daw ibig sabihin yun, naaawa lang daw siya at kung [textspeak!]-ano pang dahilan. Kaya kagabi, nagdecide na 'kong bumitaw. Ni hindi ko na  ipinaalam sa kanya kung bakit bigla na lang ayoko ng makausap sya. Basta bigla ko na lang pinutol communication namin. Blocked na sya sa lahat, fb, text, calls. Wala na eh. Wala na siyang tinirang respeto para sa'kin. Wala na 'kong pakelam kahit sabihin niya na ako nanaman ang unang nag give up. Wala na rin akong pakelam kung tumanda akong dalaga kaysa ganito. Akala ko unlimited yung patience ko dahil sa love ko for him. Buti naman at naubos din.

SarSi_Em

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #89 on: July 09, 2014, 05:29:25 am »
heto pathetic pa rin, ginagawa nya ko bff, nagsasabi ng problems nila ng new gf nya, ako naman si engot payo ng payo, kahit nasasaktan na ko, kinakausap ko pa rin sya.
iniisip ko parin sana maging ok na sya at maging happy sa new girl nya, bago ako mag simula lumayo, pero engot ko lang din talaga, sya parin iniisip ko, di ko man lang isipin sarili ko, nasasaktan na nga ko to the point di na ko nakakatulog, hindi na ko umiiyak pero feeling na cho choke naman.

tanggap ko na hindi na kami pwede, dahil pinili na nya un bago. di ko sya ma block, dahil hinahanap hanap ko pa rin sya, parang kahit na kaibigan tanggapin ko, wag lang sya mawala sakin. di rin ako hoping na maging kami, dahil napaka impossible na talaga. mas ok magiging future nya sa new girl nya na di ko kaya ibigay.

di nga nya ko ma add as friend sa fb, natatakot sya makita ako ng gf nya, at ayaw na rin nya ko i add sa viber dahil nagkamali na sya minsan ng send sa gf nya. ayaw din nya mag load sa sim na ginagamit nya before pang text sakin, dun lang kami sa fb nag uusap, kahit di nya ko add, d ba napaka pathetic ko na.

alam ko naman ano dapat gawin, anong tamang gawin pero di ko pa kaya gawin lahat, di ko pa kaya lumayo. mas nasasaktan ako, umikot na buhay ko sa kanya, pero unti unti naman binabago ko na lahat, pero di ko kayang totally mawala pa sya.

sana sana matapos na to, napapagod na rin ako, stagnant na buhay ko dahil sa kanya.

piatos

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #90 on: July 14, 2014, 09:40:01 pm »
^hi sis,ansakit naman na kinikwento pa nya ang sexlife nila ng new gf nia.. tigil mo na sis ako nasasaktan sa iyo.. alam ko sis kung gaano kasakit.. naging faithful ka tapos ganyan.. kapalmuks na ng bf mo kasi hinahayaan mong sabihin sa iyo na naksjackpot siya sa new gf nia.. sorry sis ha masukista lang ang peg mo..

sis, isipin mo na lang panu kung mabuntis ka niya mas malaking prob pa yan.. gaya din sau naging bff niya ako at kinikwento pa niya problema nang new gf niya hahaha. Kaya happpy ko nung natauhan ko.. 8 months bago ko nakamove on.  Akala ko nga dati wala nang katapusan.

Ang inisip ko lang dati wala na akong karapatan sa kanya.
« Last Edit: September 05, 2014, 09:41:44 pm by piatos »

SarSi_Em

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #91 on: July 20, 2014, 12:55:01 pm »
sis piatos thanks, oo sobra engot ko lang talaga, pero 2 weeks na kami di nagkikita and one week lang na no communication,

sinabi ko na sa last pm ko na ayoko na maging bff, yoko na may malaman about  them nahihirapan ako especially today, Sunday alam ko mag kasama sila, kaya better wala na ko alam, wala na maglalaro sa utak ko. ang hirap hirap, ramdam ko un pain at durog ng puso ko pag nag play sa mind ko na magkasama sila, ano ginagawa nila, kaya better na wala na ko alam, para sa ikaka tahimik na rin ng utak ko, basta last sabi lang nya sa pm, goodluck sana maging happy na rin ako, gusto ko sya murahin.. sinabi rin nya never na nya ko kakausapin, di na sya sasagot pa, at di na nya basahin mga messages ko at, and yun last na message ko na di nya binasa.


right now, nasa stage pa rin ng moving on at agony, super effort na bumangon, at struggle matapos ang days na di sya papasok sa utak ko.

mag birthday pa naman next month, sana maging ok na ko.

thanks sa GT at mga sissies na nag popost, laking help mabasa mga na experience nyo, laging tulong lalo na pag ganito time na eemo ako, magbabasa ako dito. gumagaan naman. thanks sa inyo.


Romina

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #92 on: July 20, 2014, 03:09:19 pm »
Pathetic- he broke up with me over skype so I fly to his city right away to try to fix things. It didn't work. I was alone in an unfamiliar city.

Bitter- I stalked him on Facebook for a while.

lady luck

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #93 on: August 12, 2014, 09:28:35 pm »
pathetic moments:
1. pumunta sa house nila hanggang nakatulog na ako sa kakahintay dahil super late na sya dumating tapos ipagtatabuyan ka lang
2. paulit-ulit na pumunta sa house nila para suyuin sya... tapos ipagtatabuyan ka lang ulit..
3. pumunta ulit sa house nila at nagtago ako sa loob ng cabinet nya... pinagtabuyan ulit ako...
4. nag-agawan kami sa swiss knife sa sobrang desperado na ko gusto ko na saktan sarili ko para lang bumalik sya sa akin.. lalo lang syang nagalit..
5. umiyak, itext at kinausap ang nanay nya para sabihin lang kung gaano ko kamahal ang anak nya...

hinding-hindi ko na gagawin ulit yan...promise!!

estelle21

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #94 on: August 29, 2014, 11:21:46 pm »
1. nag resign sa work sa isang magandang company at nag-apply sa work nya ngayon. ayan magka-work na kami ni ex pero di ko pa rin malapitan hate pa rin nya ko.

2. inabangan sya isang umaga palabas ng bahay. andun lang ako sa may kanto for 2 hours ata. paglabas nya sinabayan ko. sabi ko "uy sabay na tayo pumasok." ang bilis nyang maglakad. sumakay jeep (sa harap at may katabi na sya run) karipas ako ng takbo sa loob ng jeep hinahawakan ko bag nya kasi baka bigla bumaba

3. tinatadtad ko ng texts. walang katapusan. mga 100 texts a day,nagmamakaawa na ayusin namin.

4. iniyakan ko mga common friends namin. boss namin. mga ka work namin, mga kaklase namin. gumawa na nga lang ako ng account dito kesa maubos dignidad ko sa totoong buhay.

5. bingyan ko ng gifts yung ka work nya (subordinate) at yung tinutuluyan nyang apartment. para di nila ako itaboy tuwing kinukulit ko sila about him.

6. ginawan ko ng calamansi juice, sinulatan ko paulit-ulit. di ko tantantanan. iniistalk ko. sinoli  ko gifts (baka sakali ma rekindle memories at balikan ako) pero walang effect.

7. inabangan ko ilang gabi sa may apartment na tinutuluyan nya. minsan pinapasok ako nung kasambahy. inantay ko mga ilang oras. dumating. deretso sa kwarto nya. ayaw ako labasin. pumanik ako sa pinto nya tas nagmamakaawa ako lmabas sya. lumabas sya pero galit na galit.

8. pinipilit ko yakapin. sineseduce ko. pero wa epek. galit na galit pa rin. sanay ako na iba yung galit na galit sakin e. hay.

marami pa e. kinakalimutan ko na nga lang.

di ko na ulit gagawin sa sarili ko ang mga ito. juice ko binaba ko yung sarili ko ng sagad sagad e hindi naman sya gwapo, hindi naman sya ganun kastable (lagi nya sinasabi sakin na madami syang responsibilidad sa family nya), hindi naman sya ganun katangkad, hindi rin malaki katawan. haha.

ay aywan!
« Last Edit: August 29, 2014, 11:25:51 pm by estelle21 »

zy

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #95 on: September 06, 2014, 11:20:19 am »
Gumawa ng playlist ng lahat ng heartbreaking songs. Feeling ko they were all composed for me. LOL.
This! Hahaha! Ako naman, since hindi pa uso ang playlist noon, I turn on the radio, hanap ng love songs na nakakaiyak, kunin photo ni ex tapos sabay hagulgol. Pag natapos na ang song, back to step 1 then repeat everything. Hahaha!  :D

gharz412

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #96 on: September 24, 2014, 09:00:28 pm »
I did this ;D . I went to my inlaws house, (hubby 's there) after shift 11pm. I called him and texted him asking him to talk to me but he didn't mind me. I was outside. I know that he was there. And to think na I need to travel for an hour to reach our house. Wala padin that's the time that I realized I have to let him go... :o

ArtemisChie

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #97 on: October 04, 2014, 03:23:38 pm »
nagmakaawa habang umiiyak sa daan para lang hindi nya ko iwan
sabi nya need daw nya ng space and time para makapagisip
eventually binigay ko na din sakanya..

duchessxspeaks

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #98 on: October 09, 2014, 03:00:52 pm »
yung mga goodbye texts na coming from a "good" place (naka save sa draft at ilang beses na-edit to sound just right), pero may pinaghuhugutan dahil baka sakaling ma-realize nya how great you are for saying kind things pa  -_-

purple.strawberry

  • Guest
Re: Bitter and pathetic moments
« Reply #99 on: October 15, 2014, 05:23:34 pm »
Nagpost ako dito about our breakup and then asked for advice and reassurance na pwede pa kaming magkabalikan. Hahaha yikes. Tapos ang inintindi ko lang e yung mga positive posts haha. :p

I was in a major in denial stage back then. Pag naaalala ko natatawa na lang ako.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close