andami na hindi ko na kilala, hihi.. hello po sa lahat!

sis
chubbycheeks, ano nga yung kissing ball?

haha! nacurious naman ako dun..

makiki-update na rin ako since nandito nalang din ako:
Caterer AE - finally meron na pala kami AE. Wahaha! Ewan ko ba bakit ang tagal naihandover nun sales rep ng Hizon's yung event namin sa AE. Kinailangan pa yata magreport ng WC namin sa nakakataas bago umaksyon.. (yun ang sabi..) but happy to know meron na rin. need to schedule nalang our detailing, probably August na yun
Florist - confirmed with Ysabela na kami

met them sa Gateway last March, super bait nilang mag asawa. At parang ang lambing ni Ms. Wheng.

Tas nakailang revisions na kami sa contract, at may nalilimutan pa rin ako lagi. Hahaha! Nakapag DP na rin kami, we're still thinking if magpapa mock up pa kami
Cake/Cupcakes - confirm Lil Cupcake Shop na rin.

Super bait ni Ms. Jacqui and masarap pa ang cupcakes. She also has good ideas for the setup kaya go go go na!
Invitations - finally meron na rin kami supplier aside from my DIY. For VIPs we got Global Invitations, as referred by WC din. Dami nila choices sa invitations, ang gaganda nun nakita ko, may parang book type pa na hardbound! kaso ekpensib na yun eh.. hihi, anyway, we got the draft na, may slight changes and kelangan na namin ifinalize ASAP kasi it will take almost 2 months daw to make the invitations. And I need to get some of it before I leave on August at may mga pagbibigyan dito
DIY bouquets - for my ento, nagawa ko na, final touches nalang

hihi..
DIY boutonnieres - for the gents, i need to make some more pa kelangan ko na rin tapusin itey..
BMs dresses - hay may progress na rin kahit papano, okay na measurements, isang tao nalang yata ang hindi pa nasukatan. hihi..
Suit - h2b's suit is ready na daw for pick up pero they would like him to fit it first to see if it requires any adjustments. June 8 uwi si h2b for the weekend, so masusukat na nya.. hihi. My dad's suit ay tapos na rin! nakuha na nya at naisukat na nya! so bilis! hahaha!
Flower girls, secondary sponsors - nasukatan na rin ang flower girls namin, and the 2 secondary sponsors, yung isa icoconfirm pa kasi baka sa iba sya magpagawa ng dress since she's also getting married next year, may gusto sila itry na dress maker.
Photobooth - okay na rin ang photobooth namin, sent the DP na and naconfirm ko na kay Ms. Shirleen of Fabfoto

nakakaloka lang after magconfirm sa kanila, saka nagkaron ng promo ang ibang photobooth sa Ensogo etc. Laking tipid din sana!

waiting for the layout nalang ng print out.
PS gifts - wala ako maisip na souvenirs pa..

nahihirapan kami magdecide kung anong ibibigay sa kanila.. wahh..
Ento gifts - for the ladies, I have some stuff na

nagkaron kasi ng magandang offer ang h&m last week of april, i got some kikay stuff for them. hihi..
Ento boys - wala pa rin gifts, I'm thinking to give them beer mugs sana. hihi.. we got their ties nga pala, from divi

maganda naman, kaso parang kulang pala yata yung nabili namin.. ack!
Strings - trying to get Stradavarius rates.. hihi nag imagine ako kung sila ang kakanta during my bridal march, parang type ko.. i've heard them play, magaling sila..

To be continued nalang yung iba, nakakalimutan ko kung ano pa eh.. hihi..
