Just want to share my experience - After 9 years childless, PCOS & Diabetic, i got pregnant but only for 10 weeks, pregnancy was terminated, wala na kasing hearbeat si baby Angel, i still remember, Dec 21 2010. I think that's the saddest Christmas of my life. I had D&C 2 days after Christmas. I was in mourning, day 1 when i learned that i lost my first baby. Night shift si hubby that night, i prefer to be alone, daming carolers noon, galit ako! ginawa ko pinatay ko ilaw ng bahay namin, i walk around the house ng walang ilaw. iyak lang ako ng iyak, i screamed my lungs out, covering my mouth with pillow. I was in pain, yung pain na hindi mo mahawakan, yung hindi mo alam kung saan masakit. so much pain, tulo lang ng tulo ang luha ko. i started to pray, sabi ko Lord, gawin Nyo po akong manhid kasi ang sakit-sakit, tulungan Nyo po ako makalimot, matapos na po sana ang paghihirap ko. I go to church, iyak pa rin ako. Helpless ang mga tao sa paligid ko. Ang husband ko, tuwing nakikita nya ako naiyak sa kwarto, hihiga lang sya sa tabi ko for a few minutes, yakap-yakap ako. Sabay kami umiiyak. 1 year ako nagluksa, halos araw-araw din umiiyak. Dumating ako sa point na ayaw ko na mag-attend ng children's party o binyag. Dahil ayoko mag-explain bakit nawala ang baby angel ko. Nov 2011, i got a call from a friend. Kung gusto ko daw mag-adopt, yung Nanay nagmamadali mapa-ampon yung anak kasi babalik na sya sa work. After ng fieldwork ko sa Roxas City, pinuntahan namin ni hubby ang baby boy, walang tatay yung baby, ang nanay itinakwil na ng magulang nya dahil 2nd time na nya nagpa-buntis ng walang tatay yung bata. Bago ako umalis ng bahay nung araw na yun, nagdasal ako, Lord kung ito na po ang sagot sa aking tanging hiling, Kayo na po ang mag-guide sa amin. I met the mother of the baby boy, gumawa sya ng hand written waiver sa bata, at ipinagkatiwala nya sa akin ang pagpapalaki, pagaaruga sa bata. I saw the crying baby boy, sleeping on a duyan made of kumot, nilagyan lang ng tali sa magkabilang dulo. The room they are staying in is so small, walang kisame kaya the room is so humid. iyak ng iyak ang baby. Asked the mother kung kailan ko pwede kunin ang baby, she answered, Ngayon na po! she handed me the baby, he is a beautiful, healthy 2 month old baby boy, miracle part is, the baby stopped crying and he smiled at me, that is the moment our Baby Twilight is born from my heart. The mother said, its the first time she saw the baby smiled. I went home with a baby on my arms, with no centavo involved, the mother even gave me the milk, bottles and all the clothes. That moment, my mourning left me, the prayers i've been repeatedly saying, all answered. I have no more pains, no more sadness. If you will ask me how many times do miracles happen to a single person on its lifetime, i say endless, as long as your faith is strong, it will come.
I do have intentions of making things legal, marami kasing maapektuhan. Record ko sa work, hindi ko sya pwede declare and other documents and benefits sa office, na sana ay pwede ko ma-claim, specially when i retire from office. I approached a DSWD Representative, asked about my situation, she said hindi naman na daw kukunin sa akin yung baby pero kailangan ko pa rin daw daanan ang legal process, more or less 100k nga daw ang possible expenses. Right now, ito ngayon ang pinagiipunan ko at pinaghahandaan. My father's advice to me - mag-ampon kayo kapag handa ka na at ang asawa sa sitwasyon, hindi pwedeng isa lang ang handa, dapat yung mag-asawa. kasi ayaw nating mangyari na kapag tungkol na sa needs ng bata ang paguusapan ng mag-asawa ay may sumbatang mangyayari.