watch now

Author Topic: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]  (Read 111977 times)

princess_jane

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #200 on: May 03, 2012, 01:01:37 pm »
sis dalawa lang kaming pupunta, so yung boat 1000 talaga, tapos yung entrance sa VI 100/each. Kaya ba kayo nag-utensils dahil dun kayo kumain? Paano yun namalengke ba kayo? Tapos sa Hilatagan kayo unang pumunta saka kayo ng stay sa VI?

foruiz

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #201 on: May 03, 2012, 03:28:42 pm »
^Nope sis tig-225 kayo kasi 550 talaga ang fee up to 5pax. Ang mahal naman ng bangka niyo, we got it in a much lower rate pero maybe because it was off season kasi after Sinulog kami nagpunta.

rocky

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #202 on: May 03, 2012, 03:31:41 pm »
^sis, yong mga kasama ko kasi ang nakipag-usap don sa staff ng budyong. mas mura sana kung sa labas ka kukuha ng boat kasi malamang may patong na yon. eh nakakahiya naman din kay kuya eddie kung magbackout pa. :-\

^^kung dalawa lang kayo mas maliit yong bangka nyo baka 500-800 lang. yong entrance magulo eh, pag marami yata 100 per head lang kasi nong unang punta ko don dalawa lang kami tapos siningil sa amin 300. don kami nag-lunch & wala kaming dalang gamit kaya nagrent na lang kami. namalengke muna kami, may malapit naman na palengke don sa resort. hilantagaan muna, since may bayad na rin saglit lang kami don nagpapic lang tapos derecho na ng VI. :)


princess_jane

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #203 on: May 03, 2012, 05:00:50 pm »
ah ok sis thank you talaga, may ginawa pa la akong iterenary. Patingin naman ng ITI ko if possible ito:
Day 1 Manila to Cebu City (Aug 19, 2012)
1-   10:05 Pm - 11:15 PM   Flight Manila to cebu
2-   11:15 PM - 11:45 PM   Cebu Airport to Sugbutel
3-   11:45 - 12:00 PM   Check in at Sugbutel
4-   12:00 AM - 1:00 AM   Grocery at 24/7 convenient store
5-   1:00 AM - 3:00 AM   Rest at hotel

Day 2  Oslob to Malapascua (Aug 20, 2012)
6-   3:00 AM - 3:30 AM   Transportation going to South Bus terminal
7-   3:30 AM - 6:00 AM   Transportation going to OSLOB
8-   6:00 AM - 7:00 AM   Whale watching
9-   7:00 AM - 8:00 AM   Preparing for going back
10-   8:00 AM - 11:00 AM   Oslob to Cebu City
11-   11:00 AM - 11:30 AM   South Bus Terminal to North Bus Terminal
12-   11:30 PM - 3:30 PM   Cebu City to Maya
13-   3:30 PM - 4:30 PM   Maya to Malapascua
14-   4:30 AM - 5:30 AM   Check in at Malapascua _________
15-   5:30 PM - 6:30 PM   Swimming time
16-   7:00 PM - 9:00 PM    Dinner and beach walking
17-   9:00 PM - onwards   Rest at resort

Day 3 Malapascua to Bantayan (Aug 21, 2012)
17-   5:00 AM - 6:00 AM   Free Breakfast at resort
18-   6:00 AM - 10:00 AM   Snorkling
19-   10:00 AM - 12:00 PM   Check out
20-   12:00 AM - 1:00 AM   Malapascua to Maya
21-   1:00 AM - 3:00 PM   Travel from Maya to Bogo (jeep)
22-   3:00 PM - 3:30PM   Travel from Bogo to Hagnaya
23-   3:30 PM - 4:30 PM   Hagnaya to Bantayan
24-   4:30 PM - 5:00 PM   Check in at Bantayan ________
25-   5:00 PM - 6:00 PM   Swimming time
26-   6:00 PM - 7:00 PM   Preparing for dinner
27-   7:00 PM - 9:00 APM   Dinner and beach walking
28-   9:00 PM - onwards   Rest at resort

Day 4 Bantayan (Aug 22, 2012)
29-   5:00 AM - 6:00 AM   Free Breakfast at resort
30-   6:00 AM - 10:00 AM   Island hoping
31-   10:00 AM - 12:00 PM   Preparing for Lunch
32-   12:00 PM - 1:00 PM   Lunch
33-   1:00 AM - 4:00 PM   City Tour
34-   4:00 PM - 6:30 PM   Swimming time
35-   6:30 PM - 7:30 PM   Dinner and beach walking
36-   9:00 PM - onwards   Rest at resort

Day 5 Bantayan to Cebu City (Aug 23, 2012)
37-   4:00 AM - 5:00 AM   Breakfast/Preparing/Checkout
38-   5:00 AM - 6:00 AM   Bantayan to Hagnaya
39-   6:00 AM - 10:00 AM   Hagnaya to Cebu City
40-   10:00 AM - 10:30 AM   Cebu City to Mactan Airport
41-   10:30 AM - 12:00 PM   Check in and waiting at the airport
42-   12:05 AM - 1:32 PM   Flight to Manila
43-   1:32 PM - 3:00 PM   Transportation going home


rocky

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #204 on: May 03, 2012, 06:06:16 pm »
^sis, from sugbutel wala ka ng mabibilhang convenient store kasi hindi uso 7/11 sa cebu. :-\

day 2
mukhang nakakapagod. dulo sa dulo ng cebu sis pupuntahan nyo. gayahin nyo na lang yong ginawa namin na whaleshark watching tapos breakfast para makapagpahinga then tumalog falls. sa city na kayo mag-lunch then rest ng konti, city tour kaya naman halfday yon eh. ;)

day 3 & 4
to malapascua/bantayan. mamili na lang kayo sis ng isang island kasi hindi nyo maeenjoy yong place kung pipilitin nyong puntahan pareho. :-\

day 5
dapat nasa city na kayo kasi baka magkaroon ng hassle & maiwanan pa kayo ng plane :-\

foruiz

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #205 on: May 03, 2012, 06:14:02 pm »
^^ Tama si sis rocky, kaya noon sa SM nalang kami tumatakbo. Hehe!

princess_jane

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #206 on: May 04, 2012, 11:51:55 am »
Ah i see wala pa lang bukas na conveniet store, sige isisingit ko na lang ng next day. Baguhin ko na lang yung pauwi namin bali sa city na lang kami matutulog ng last night.

Problema ko sis pangalawa na kasi namin ito sa cebu kaya ayaw na namin mag city tour ulit, kaya puro beach pupuntahan namin. Kasya naman bang pumunta sa malapascua at bantayan ng ganyang sked?

ldrwifey

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #207 on: May 04, 2012, 12:02:58 pm »
^sis dont push your luck n magbyahe from bantayan or malapascua to cebu city and flight niyo pabalik ng manila ng same day. based sa experience ko walang fixed schedule ang byahe mahirap na.

princess_jane

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #208 on: May 04, 2012, 12:05:35 pm »
sis papalitan na namin yung sked namin ng last night, bali babalik na kami from bantayan to cebu city ng gabi tapos kinabukasan pa yung flight namin :)

ang iniisip ko e yung papunta ng malapascua kung possible ba yun?

rocky

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #209 on: May 04, 2012, 12:20:09 pm »
^possible sis pero sobrang ngarag yan. imagine buong araw kayong nasa byahe. ginawa namin nong holy week yong bantayan to camotes, grabe pagod na pagod ako wala pang activities yon ha. :-\

city to oslob - 3 hours
oslob to city - 3 hours
city to malapascua - 4 hours by bus & 30 mins. by boat

princess_jane

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #210 on: May 04, 2012, 12:29:17 pm »
ah i see, thanks ok lang carry naman namin yung ngaragan :) saka aventurous naman kami :)

ldrwifey

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #211 on: May 04, 2012, 12:58:29 pm »
sis kami ito naging IT namin last month:

day 1: manila-cebu city-bantayan
day 2: bantayan-lapu lapu city
day 3: cebu city tour
day 4: imperial palace waterpark then back to manila

overnight lang kami sa bantayan, and im telling you, kulang n kulang yun para mafeel mo talaga yung place. saka masyadong timed yung IT mo, i know guide lang yung time pero gaya ng laging sinasabi ng husband ko "we're on vacation... were supposed to relax, hindi yung naghahabol ng oras"

saj

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #212 on: May 04, 2012, 01:48:15 pm »
hi mga sis!

question lang, our eta in cebu is 5am..so balak ko sana dumiretso na kami ng oslob..kaya lang may mga bitbit kaming mga bag..meron kaya kaming mapagiiwanan doon kapag magsnorkle kami, tipong lockers..kasya kaya dun mga luggages o pang back pack lang?keri din kayang mag osmena peak nun?

thanks!

princess_jane

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #213 on: May 04, 2012, 02:11:34 pm »
^sis sabi ni sis rocky pwede daw magiwan ng bag sa Sogo hotel, pero hindi ko lang sure kung pwede pa din mag-iwan kahit hindi kayo dun nakacheck-in.

Sa SM pwede din mag-iwan nagawa ko na yun nung last kaming nagpunta. yun nga lang 10AM pa sya nagbubukas.

rocky

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #214 on: May 04, 2012, 02:39:53 pm »
^sis, korek ko lang sugbutel yon hindi sogo hotel. baka ma-confused ibang sis natin :)

princess_jane

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #215 on: May 04, 2012, 03:12:26 pm »
ay oo nga sugbutel pala tee hee! :) pwede ba dun mag-iwan kahit hindi ka dun nagcheck in?

foruiz

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #216 on: May 04, 2012, 03:40:35 pm »
^When I stayed there last January the person in the front desk asked me if I was an in-house guest... I arrived early morning kasi and I got the shared rooms so I asked to just leave my luggage with them for the meantime.

rocky

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #217 on: May 04, 2012, 04:09:12 pm »
^yon ang hindi ko sure sis. kasi kami don lagi nag-stay pag matutulog lang sa city, sayang din kasi kung mag-hotel pa. :)

fern18

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #218 on: May 05, 2012, 12:49:18 am »
Hello guys! first time ko lang mag post dito sa FN, ask ko lang po if my ma-recommend kayo sakin na tour guide sa cebu? for city lang po siguro kasi cebu-bohol trip namin sa august. baka hindi na namin mapuntahan ang oslob or bantayan.
bale 9 pax po kami..

Thanks in advance! :)

beijhing

  • Guest
Re: Cebu/Mactan/Bantayan Guide [Thread 13]
« Reply #219 on: May 05, 2012, 10:23:11 am »
ako rin mga sis ask ng help for a possible tour guide sa Cebu. kahit yung mga taxi drivers lang na pwedeng gawing tour guide. the usual tourist spots (Magellan's cross, Basilica Sto. Nino, Taoist temple) lang naman pupuntahan namin kasi sa Bohol na kami after. please po help. eto na lang ata kulang sa things to do/checklist ko for our trip  :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close