Ang dami kong kaparehas dito. Hahaha.. Hindi naman pala ako masyado kuripot.
1. movies, except for those "worth" watching in the big screeen
2. taxi, especially if yun taxi dadaanan din naman sa ruta ng jeep
3. wala kaming cable sa bahay, yun tv ginagamit lang for watching movies/tv series
4. expensive coffee, dati super hilig namin ni bf/now hubby na mag date sa starbucks, coffee bean, seattle's pero magmula nunn natry namin sa bahay dati magdate ayun no more coffee dates na, pag nagcrave kaming coffee while we're in the mall mcdo coffee okay na sa amin
5. wala din kaming landline tsaka dsl sa bahay, sun wifi okay na sa amin
6. super expensive toiletries, basta hiyag kami okay na
7. expensive restos, ayoko masyado ng fine dining sayang pera eh hindi naman kami mapili sa food, though I admit hubby and i love to eat at buffet especially those that have steaks and sashimi
8. designer clothes and shoes okay na ako kahit anong brand or kahit unbranded basta comfortable ako and alam kong tumatagal naman and as long as hindi fake/imitation, pet peeve ko pa naman yan. one time si hubby bumili ng prada sling bag hay naku i asked him talaga to donate or dispose it, pero I can't give up buying fitflop super comfy kasi talaga sa paa kahit maghapon kaming magmall maglakad hindi napapagod paa ko unlike flat shoes
9. designer bags, first wala pa ako pambili and second parang di ko maatim bumili ng isang bag na pwede ko ng ipangtravel abroad. mas gusto ko pang mag travel kesa bumili ng mamahalin bag, nine west, lacoste okay na sa akin na bags, at pag bumibili ako hanggang sa masira yan dun ko lang papalitan. usually every 3 years ako kung magpalit ng bag
10. jewelries and watches, okay na sa akin na may nagagamit na tig iisang item (1 earrings, 1 ring, 1 necklace, 1 watch) bibili lang ako pag sira na yun nagagamit ko
11. staycations on high end hotels, yun ipambabayyad namin dun pang out of town na lang namin, say 5k up na hotel room makakarating na kaming baguio nun, which is our favorite go to vacation place
12. magazine subscriptions, internet na lang ako magbabasa
13. perfumes in malls, suki kami ni hubby sa cash and carry
14. cosmetic enhancements, i don't have the money for it and im also not willing to change how i look
15. ATM fees, kay hubby na lang ako papawithdraw mag fund transfer na lang ako sa kaniya, mas madami kasing atm sa office nila kesa sa amin
16. regular price airline tickets, grabe when we need to go to the province last february super hinayang talaga ko sa 6k RT ticket ko, eh pag nakasale 2-3k lang RT na
17. Things/services that I can do, ayaw na ayaw ko nagbabayad ng travel agency, coordinator, etc, kaya ko naman gawin yun, in fact tuwang tuwa ako pag ako nagpplan ng mga lakad and events namin, gusto ko na ngang maningil ng professional fee. hahahaha
18. nail services na ubod ng mahal, ambiance lang babayaran ko sa kanila
19. mga kung ano anong gamit sa bahay, we are adopting a minimalist lifestyle so dapat lahat ng gamit sa bahay functional
20. latest smartphone - this year lang ako nagpalit ng phone, yun s3 ko mag 3 years kami