Sige check ko si Lilac and Styled Celebrations, salamat!
I looked up sa internet and saw Antipolo Wedding Belles.. Malamang based sila sa Antipolo.. Any feedback/experience with them? Parang first choice ko kasi sila.. Or meron pa ba kayong ibang recommendations na Antipolo based coordinators?
Hi Sis,
Coordinator ko si Antipolo Wedding Belles. We got the "turn over package". Tapos na yung wedding namin so I can share with you our experience with them.
On the day of the wedding ok naman yung flow ng ceremony and reception program, maayos naman. Medyo na stress ako sa kanila in planning hindi ko na feel yung "turn over" gusto ko sana 2 weeks before plantsado na yung flow para relax na ko. pero hindi nagawa, Ako lagi nag eemail kung ano na yung gagawin at nag fofollow up.
A night before the event dun pa lang kami nag final meeting kase busy yung head coordinator. so hindi ko gusto yung planning stage namin. Dapat "stress free" na once na turn over ko na sa kanila yung wedding details. A day before the event sobrang stress ako kase hindi pa nga kami nag memeeting

Sa akin na dumederetso yung caterer ko kapag my tanong. I feel like hindi naalagaan ng mabuti yung event namin tipong basta mairaos nila, ganun na lang.
Another thing na hindi ko nagustuhan, late sila sa call time sa hotel i think 10am dapat, 11am na sila dumating, nauna pa photo and video na kasabay din ng call time nila, kaya pag dating nila nagmamadali at ngarag na ang lahat lalong lalo na ako.
Sa program, yung host ko na gumawa sinundan na lang nila yun at wala ng suggestions or what, nagbabase sila sa amin, which is for me sana my mga suggestions din sila sa ikaka improve pa ng program pero wala.
Hindi ko din gusto yung uniform nila. pants and polo shirt lang, to think na ang wedding semi-formal or formal ang attire nyan, photographers ko nga naka longsleeves at neckties, naka suit pa yung isa which is very good to the eye. Sana improve nila yung uniforms nila kase what if formal attire yung wedding tapos nakapolo shirts lang sila?
Advise ko lang, masusi talaga dapat pag pili sa coordinators. Mag invest tayo dun kase if hindi, stress at bridezilla ang peg mo sa wedding mo. at ayaw natin ng ganyan.. Dapat nag eenjoy na tayo from the preparation to reception. Wala namang perfect coordinators, lahat yan may flaws. Kaya bonggang basa kayo ng reviews talaga at maginvest, kung mahal wag magtipid kung magagaling naman dba, If makakita ka ng Manila base go wag manghinayang sa out of town charge

I'm about to write a review na on my wedding blog about them, then i saw your post. I posted din on my blog kung bakit ko sila kinuha