watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)  (Read 116621 times)

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #100 on: March 01, 2012, 06:17:46 pm »
@mommy cass: dati pa ako binigyan ng request kaso ask ko yung nurse sabi nya di pa naman daw need so hindi muna ako nagtake hahaha low budget kasi that time so yung mga importante lang inuna namin like urine, etc. so far gang ngayon di pa din sinasabi ng OB ko yung about dun pero baka pag bumalik na ako eh e require nya na kasi usually yun sa mga may diabetes di ba tapos ooperahan di ko pa kasi alam kung CS or VBAC ako.

@sis geri spice, ako din automatic 5am kahit na 1am na ako nakakatulog. kala nga nga asawa ko di ako natutulog kasi biglang bangon ako hahaha!

sardonyx

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #101 on: March 01, 2012, 06:23:57 pm »
mga sis, sa 2nd to 3rd trimester, every check up nyo ba nag-uultrasound kayo?

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #102 on: March 01, 2012, 06:56:17 pm »
^hindi naman sis,naka-2 ultrasound pa lang ako(tvs & fetal biometry),im 28weeks tomorrow :)
likot - super na din ngayon kasi feeling ko napuno na nya ang space sa tyan ko..hehe..may wiwi feeling din minsan kasi siguro nasisipa nya yung puson..
tulog - ang hirap na din kasi ang bilis mangalay tapos parang sisipain ka pa :D left side,tihaya,then right side,ganyan din cycle ko..
ogtt - schedule ko this sat kasi medyo mataas nga daw result nung ogct ko :( sana naman ok ang result..
3d/4d - plan namin sana around 29weeks pero sabi ni ob mga 32weeks na lang daw,para makita na din siguro yung position ni baby :)

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #103 on: March 01, 2012, 08:29:58 pm »
galing ako sa baby company sale. Naku wala naman masyadong sale talaga.

Hindi pa ko nagdoppler velocimetry, sa sabado nalang daw kasi may emergency si doc.

sardonyx

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #104 on: March 01, 2012, 11:50:53 pm »
^^  yung iba daw sis, as in every check up may ultrasound?  kami, ever since we signed up for the antenatal package, wala ng ultrasound.  doppler na lang ang ginagamit ni ob to hear baby's heartbeat and she measures my tummy with a tape measure.  pero case to case basis din.  because i have a friend who also signed up for the antenatal package with my ob, sa first pregnancy,  ultrasound was not always done from 2nd to 3rd trimester.  but in her latest pregnancy, since lagi siyang nag spotting, lagi minomonitor ni ob thru ultrasound daw.  i'll have a repeat CAS on my 32nd week though to monitor baby's growth.

btw, need ba talaga ang breastfeeding pillow mga sis?
« Last Edit: March 01, 2012, 11:58:21 pm by sardonyx »

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #105 on: March 02, 2012, 08:42:37 am »
Depende sa ob and condition ng mommy and baby yun pag ultrasound every checkup.

Breastfeeding pillow helps pero kung madami ka pillows keribels na din yun.

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #106 on: March 02, 2012, 12:01:18 pm »
depende siguro sa mga OB. Kasi sa akin sa clinic ni doc may ultrasound. Kaya every checkup tinitignan niya. Wala naman bayad kasi tingin lang naman and hindi naman nagpiprint ng result.

Breastfeeding pillow - may nakita ako sa sm. Pero mas okey na siguro ordinary pillow lang. Keri na siguro 'yan sis. Pinapaarte lang. :)

sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #107 on: March 02, 2012, 12:07:09 pm »
Boppy Pillow/bf pillow helps a lot sis! isa yan sa pinakasulit na meron kami. May nakita ako sa landmark 200++ more or less ata. Sa SM meron ding bigger and nice ones.

naughtyjosa

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #108 on: March 02, 2012, 07:17:45 pm »
Mga sis, [textspeak!]-ano mga documents na kelangan dalhin sa hospital? Thanks.

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #109 on: March 02, 2012, 11:26:34 pm »
grabe ang sakit ng likod ko at balakang, hindi ako halos makatayo. pero yung tyan ko di naman sumasakit. naglaba kasi ako kanina ng mga things ni baby, madami kasi at gusto ko ako maglalaba.. at kahapon naman, nag divi din pala ako.. siguro pagod lang to! hirap tumayo..  :(

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #110 on: March 02, 2012, 11:43:39 pm »
im 29 1/7 weeks na.. mag take narin ako ogtt by next week. may ecg and urinalysis din,, do you feel palpitations? na fefeel ko kasi to lalo na pag relax mode lang..

sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #111 on: March 03, 2012, 02:10:37 am »
nag pa chiropractor and PT ako yesterday kasi sakit ng pelvic area and back ko

sis slovy rest rest ka muna then warm compress sa likod, yan ang sabi and ginawa so far ng PT sa akin and nakaka relax sya

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #112 on: March 03, 2012, 11:59:41 am »
thanks sis sarahsensible sa tip.  :)


hubby insisted na magpa BPS or NST na lang daw ako now kasi napansin ko mula pa kagabi hindi masyado magalaw si baby, tapos consistent pa rin sakit ng balakang at likod ko. nag-alala kami baka stress si baby. update ko kayo mamaya sa result ng u/s ko.

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #113 on: March 03, 2012, 09:35:46 pm »
update ko lang mga sis..

nakapagpa BPS na kami. thanks God, baby's doing okay naman pala. 8 nga score nya eh. ok ang breathing, fetal tone, intact pa rin amnio ko at ok na rin ang movement nya, magalaw na sya ulit, kahit ngayon na nagtatype ako, malikot.  :)   kinakabahan lang kasi ako, medyo matagal tagal din syang tahimik, simula last night hanggang kaninang tanghali. eh usually, mga 1am likot likot nya na at mga 8am din. pero kagabi talagang di ko sya nararamdaman tas sabayan pa ng pelvic pain at lower back pain. nagworry din ako baka naglabor na pala ako kasi napakasakit ng balakang ko talaga at sa singit, hindi ako halos makatayo tapos sobrang sakit maglakad, pinilit ko lang umalis kanina para magpaultrasound for my peace of mind. ayun sa awa ng Diyos ok naman si baby pala. Yung lower back pain daw maaaring natagtag lang daw body ko, kasi this week panay gala ko, tas the other day nakuha ko pang magdivisoria hehe kahit ika-ika na at yesterday naman sobrang napagod ako sa paglalaba ng gamit ni baby. kaya sa ibang mommies jan, wag po kayo masyado magpakapagod at ng di kayo matulad sa akin.  ;)

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #114 on: March 03, 2012, 09:46:08 pm »
buti at ok nman si baby mo sis. meron talaga times na di naglilikot yung sa akin ng parang 2 days ata dati konti lang ang movement unlike ngayon na sobra na talaga.

higa lang ang katapat ng backpain sakin sis kaso yung sakit sa singit ko medyo tumitindi na. Naisip ko due ko na pala last week next month to May parang di ko pa din feel hahaha. Tumitigas na tummy ko after ilang minutes lang na nakatayo at minsan pati pag upo uncomfortable na ako pero need pa din magwork kaya yun hanap nalang ng pwesto na medyo di naiipit yung singit. Next time nagwowork na ako kahit nakahiga nito malamang hahaha buti nalang medyo maliit pagbubuntis ko now.

btw, yung fetal heartrate ba ng baby nyo bumababa? kasi dati nasa 145bpm ata pero the last time 130bpm nalang yung na record ng nurse

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #115 on: March 03, 2012, 10:37:01 pm »
^ yup sis, buti na lang at ok nga si baby. before nakakaexperience ako hindi sya masyado magalaw pero pinakamatagal na 5 hrs, tas yun nga, may lower back pain kasing kasama at sasabayan din minsan ng paninigas ng tyan. hindi sya magalaw pero naninigas ang tyan. unusual talaga, nasabi kasi ni OB sakin na pag may ganun daw, it might be a sign of labor. kaya para sure nagpa bps na lang kami. takot ko rin dahil di pa kami term hehe. 34 wks pa lang ako. kaya buti na lang false alarm pala.


anyway, about your question naman, heart rate din ni baby ko bumaba. Nung TVS ko, 157bpm, nung CAS  naman, 150 at itong BPS 143bpm na lang.

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #116 on: March 04, 2012, 08:47:15 pm »
ah so most probably normal lang kasi lumalaki na sila sa tummy natin, ewan ko ba nalimutan ko naman itanong since yung sa BP ko lang nag comment yung nurse na bumaba daw pero wala naman sinabi si OB. Nasa 31 wks palang ako pero ganyan na din nararamdaman ko sis naninigas yung tyan lalo na pag naglalakad kahit ilang hakbang lang. ilang weeks ko na din nararamdaman yung backpain kaya minsan hinihiga ko nalang. sabi ko baka sa kakawork eh laging nakaupo. kaya pag nagtatrabaho ako may unan na sa likod ko at pa slant na ako umupo hehe. ask nga ni OB kung humihilab daw ba, sabi ko ano po ba pakiramdam nun hahaha eh kasi CS naman ako nung una, pramis di ako nahirapan dun as in wala akong matandaang sumakit ang katawan ko or something to think na ang taba at ang laki pa ng tummy ko nun unlike ngayon aware ako sa lahat.

GeRi Sp!cE

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #117 on: March 04, 2012, 10:35:05 pm »
OB check-up- Grabe na-stress ako sa sinabi ng OB na by Mar. 26 daw possible manganak na ako! First baby ko to and all along I thought yung due date kong april eh dun pa lang ako start mag-wait. Hindi pala! Kaya ayun. Pumunta na ako agad sa SM para magpa-gift registry for my baby shower.

Baby shower- Registered na ako sa Gift Registry sa SM. Sakto nataon sa sale hehe. Suwerte talaga ni baby. Need ko pa bumalik para magdagdag ng items kasi paspasan yung pag-choose ko last saturday may mga nakalimutan pa akong items. And hindi pa nga kasi determined ang gender ng baby ko. Kaya wala akong gana pumili ng clothes. :(

34 weeks na kami bukas!  :)

sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #118 on: March 04, 2012, 10:40:59 pm »
^may chance talagang 2 weeks in advance pag 1st time sis  ;)

ako din 33-34 weeks na every week na checkup ko.. pinapahanda na rin sa akin ni OB ang philhealth papers ko.

Mag papa perineal massage na ako kay hubby

GeRi Sp!cE

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #119 on: March 04, 2012, 10:50:31 pm »
^sis ano kailangan i-prepare na philhealth docs? :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close