Good afternoon BBBs! Nakaka-miss ng makipagchikahan sa inyo. hehe... Kaya lang di na ako makahabol. LOL. Ang hirap ng magbackread. Di rin makapagcheck regularly since dami pang inaasikaso. 6 Days to go na lang for us! Excited and a bit nervous. Hooo!!!
Sis
akin_dc, ang romantic nga nung place kaya nag-decide kami ni h2b na doon na lang muna. hehe...

Re Fabfoto, isa ata ito sa nasa shortlist namin. Pero we got Pose and Print na kasi yun ang mas gusto ng aming mga friendlalus. Eh since sila nga ang magbabayad, gora na! LOL. Re backdrop, pwede po kayong magrequest nito sa kahit sinong photobooth supplier, as well as the picture layout.

Sis
cerenity, honga at busyness ever na kami ni h2b. Super na-sad talaga ako sa shoes.

Kasi pinaghirapan kong i-design. I'm lovin' the shoes na din naman from figlia. Mejo alanganin lang talaga yung sukat. Pero bumili na ako nung parang silicon gel na inilalagay sa loob para sumikip at para mejo comfortable din sa paa. Sana lang ma-keriboom boom ko na suotin ng matagal. Wala naman kasi akong pang palit na iba. hehe... Magbabaon na lang me ng tsinelas. LOL. Tsinelas talaga eh. Mukhang on-track pa ddin naman ang preps mo ah! Good job!

Sis
blueflame, sis halabshue talaga!

Super thanks sa ginawa mong table names at placement cards. hehe... I'll wait na lang for the menu cards.

Yung escort cards, kahit sa TOE ko na lang ipagawa. Re Joaquin's, kinikilig nga ako pag tinitingnan ko yung website nila LOL. Kung ano2 na ang naiisip ko. LOL. Naghanap din kami actually ng resort sa Batangas, yun nga lang, ang mamahal din pala. LOL. Kaya sabi namin, magipon na lang kami sa susunod for Bohol or Palawan.

Ayyy, di pala kayo natuloy yesterday. Anyways, happy happy birthday sa iyong daddy dearest!

Really? I look blooming? Dinamenmeshado! LOL. Umarte arte pa. hehe... Ngaragers mode talaga ako sis. Kung ano2 ang napapanaginipan ko. LOL. Dami pang tumatakbo sa utak ko kaya parang minsan, wala ako sa sarili. hehe... It's good to see you talaga. Nabawasan ang stress ko. Tomorrow pa ba ang balik mo? Bukas na lang kita iistorbohin. hehe.

Sis
lanna, honga eh. Nakak-stress ng bongga! As in kaloka pala lalao na pag super papalapit na yung wedding day. And yun nga, soooo sad talaga yung nangyari sa kanila. Di pa rin alam kung kelan dadating kaya di na talaga sila makaka-attend sa kasal.

Sis
Marigie, naku, di ko talaga ire-recommend ang Abbylyn's dear. Sobrang stress ang idinulot nya sa amin. Imagine, 5 times na na-move yung pickup date. Tapos di pa rin gawa nung huli naming pinuntahan at mukhang minadali pa kaya di na pulido yung yari.

Ayun, heels kung heels na lang tuloy ako. Malayong malayo yung design nung nabili kong shoes sa design na talagang gusto ko.

Pero I'm lovin' the shoes na din naman from figlia. Need to put silicon gel sa loob para mas maging comfortable at para sumikip. hehe...

Sis
katrinac, honglopit na nga. Waah! Excited pero lakas ng kaba. LOL. Ganda ng Joaquin's no? Gora na dear! Balitaan kita if okay ang service nila. hehe... Congrats naman sa mga accomplishments. Keri na din yung flowers sis. Sayang din kasi ang corkage fee. Excited much naman ako sa STD video nyo!
Sis
chubbycheeks, super sad talaga ako that time. With matching pagluha pa nga. LOL. Pero tama, let go na nga lang. Love ko na yung shoes na nabili namin sa Figlia. Hopefully lang, makatagal ako. Heels kung heels kasi. Eh wedge lang talaga ang keri ko. Laki kasi ng binti ko. hehe... Excited much na kami ni h2b sa honeymoon. LOL. Nag-shopping nga ako ng "outfit" LOL. Excited na daw si h2b na makita ang aking collections. tee hee!...

And thanks sis. Prayers talaga ang kailangan ng family nila. So sad talaga kasi biglaan.

Congrats naman sa backup photog. I voted na rin sa monogram mo. Love it!
Sis
mawchan, wow! Congrats sa mga accomplishments! Share your prenup pics huh!
Update sa preps: Dami pang need tapusin like guest list, RSVP, playlist, program, DIYs, etc. etc. Good thing at naka-leave na ako from work. hehe...

Share ko lang pala yung layout ng aming guestbook by treasured memories:
http://www.momentville.com/michbaet/galleries/show/138805#984335Unique daw ang concept kaya nagpaalam sila to have a copy for their sample. hehe... Kaya nakadisplay ang guestbook namin malamang sa bridal fairs. LOL.

Okay, lagare mode na ulit. Dami pang gagawin.

Happy preps everyone!