here's my birth story...although it's my second child, iba pa rin pala ang labor pains. 39 weeks and 1 day based on first TVS. paranoid nga tayo if hindi pa lumalabas si baby.
February 9, no pains pa rin, meron man hindi ganun kaintense and nawawala pa. While waiting for the D-day, naglaba pa ako ng damit ko kasi nakakainip na sa bahay.
February 10, friday. Naghatid pa ako sa anak ko sa school, 10 am. after ko kasi maihatid sya sa school i do my walking routine, pero that day feeling ko hindi ko na kakayanin maglakad at baka mapaanak na ako. so i stay sa school until 12 pm. Hindi na rin pumasok si hubby sa office kasi uuwi na kami sa house ng parents ko after school and if hindi pa rin nanganak this day magpapainduce na sana ako. Afterlunch, while watching tv and preparing para umuwi sa house ng parents ko sa fairview, naramdaman ko
[textspeak!] parang iniiscrape bandang puson, the pain is not so intense pa, mga 20 seconds every 20 - 30 minutes interval that's 1:30 pm.
Habang nasa taxi on the way to fairview, sumasakit sya, pain interval ganun pa rin, pero pinagpapawisan na ako sa sakit.
3:00 nasa lying in na kami ni hubby for check up, naglakad pa kami going there. i was 3-4 cm pa lang daw, and ang contractions hindi pa intense, baka umabot pa daw ako kinabukasan, balik daw ako ng 6 pm to check the progress. so uwi kami ulit, malapit lang naman sa amin yung lying in, pagdating sa house, sumasakit pa rin, naligo and nagpashave na rin ako kay hubby. i want to sleep pa sana pero hindi na ako pinapatulog sa sakit, parang kinakayod talaga ang puson. may discharge ako pero sabi ng midwife parang white mens lang daw.
5:00 pm nasa lying in na ulit kami ni hubby, dala na namin mga gamit namin. IE, 5-6 cm na daw, mabilis daw ang progress ko, mga 8-10 pm manganganak na ako.
6:00 pm IE ulit, 6-7 cm na, sobrang sakit na, but no blood or no signs of waterbag has broken, gusto ko pa matulog pero hindi na daw ako papatulugin ng sakit na nararamdaman ko sa balakang at sa puson. sinasabi ko na lang kaya ko to, mas malakas ako sayo. pero tinatanong ko na yung midwife if matagal pa ba, and if pwede na bang magpa CS na lang, sabi nya kaya ko daw magnormal.
7:00 pm, pinahiga na ako sa delivery room, 8 cm na. sabi ko pwede pa ba nila akong induce para mas bumilis na
[textspeak!] contractions,. 7:20 injected the 1st shot sa dextrose. 8:00 pm 2nd dose ng gamot, sabi ko pwede na ba umire kasi sobrang sakit na, sabi nila sige ire ka lang if feeling ko natatae daw ako, eh wala na akong ibang nararamdaman kung di yung sakit sa puson ko. mga 5 times na try na ilabas si baby bago sya lumabas.
after tinanong ako if napagod daw ba ako, sabi ko wala yata akong naramdamang pagod. tawanan kami ng 2 midwife and my mom. pinapasok si hubby nung icucut na ang umbilical cord.
labor pains are worth it if nakita mo na si baby.
