watch now

Author Topic: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)  (Read 165680 times)

izzahh d iguana

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #40 on: September 21, 2012, 05:21:01 pm »
"PWERA USOG!" ang usog ay isang halimbawa ng kulam?

kung lumaki ka kasama ng matatandang dalaga, siguro hindi na bago sa inyo ang ganitong kwento. natatandaan kong sabi ng lola ko sa akin, meron kaming isang kamag anak na bigla na lang namilipit ang tiyan, nagsusuka sa sobrang sakit. wala naman siyang nakain, nainom. dinala na rin siya sa hospital pero sa hindi maipaliwanag na dahilan walang makitang sakit ang doktor.  dun nila naisip na tanungin yung pinsan nila kung sino ang huli niyang nakausap o nakita. pagkatapos daw nilang malaman kung sino, pinapunta nila yung tao sa bahay ng pinsan nila at sinabi yung nangyari. pagkatapos nilawayan niya yung may sakit. mga ilang minuto lang daw, bigla nalang siyang nadumi ng sobrang mabaho at maitim (pasintabi lang po). at parang walang nangyari after niya ma dumi, naginhawahan na daw yung pinsan nila.

sabi ng matatanda sa amin, pagod daw ng isang tao yung naipapasa niya kaya ka nauusog at ito ay kinoconsider nilang isang example ng kulam...

precious_me

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #41 on: September 21, 2012, 06:46:00 pm »
to mr. city hunter. sir i badly need your advice. please help me for the sake of my baby.. i want to talk to you in private. i'm here in abroad. if you don't mind me asking may i know your contact number.. please.. thanks in advance.
« Last Edit: September 22, 2012, 05:59:09 pm by precious_me »

precious_me

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #42 on: September 21, 2012, 07:34:31 pm »
nag simula kasi to last week.. ang pagkakatanda ko po kasi nung sept.07 nung umaga bago po ako pumasok sa work naka kita ko ng mariposa yung maliit na paro2x na kulay brown apat na ganun po nakita ko. nga taka na agad ako kasi saradong sarado bahay namin dito po kasi sa japan madalang makapasok ang mga insekto kasi talagang sarado mga bahay dito. yun din pong araw na yun pag pasok ko sa work naka kita po ulit ako nun sa trabaho ho dalawa naman po na kita ko. tapos nung pauwi na po ako at susunduin ko na anak ko nursery naka kita po ulit ako nun sa labas naka sund nanaman saakin.. pag dating ng sept.08 and sept.09 weird na po madalas ako makakita ng black shadow...( bata pa lang po ako nakakakita na ko,and bale wala na po saakin yun,kaya ko din makipag usap sa mga ligaw na kaluluwa. and minsan lumalabas na lang sa bibig ko yung mga mangyayari,alam ko kung may mamatay sa side ko or sa side ng asawa ko alam ko din kung may mabubuntis,bata pa lang po ako ganto na ko. kaya parang natural lang saakin yung ganto..alam ko din kung nababarang ang isang tao o hindi. mailap po ako na tao hindi ako nakikipag usao kahit kanino kasi madali kong maamoy kung may gagawin na hindi maganda ang isang tao sakin.. ang pinagtataka ko bakit hindi ko makita kung sino gumagawa sakin nito ni hindi ko makita kung sino yung black shadow na yun., back to topic) sept.10 nag kasakit anak ko dinala namin sya sa hospital(hindi pa nabibinyagan po anak ko) okay naman po may lagnat at sipon lang po sya madalas talaga sya magkasakit.. sept.11 ng gabi masakit na masakit ulo ko feeling ko lalagnatin ako,pag dating ng sept 12 nilalagnat na ko balik ulit kami sa hospital 38.9 ang lagnat ko pero walang makita kahit ano sakin binigyan lang ako ng gamot. yung baby ko naman magaling na.. sept 12 ng gabi hindi na ko makakain sumasakit sikmura ko ni hindi ako makalakad kasi masakit nga. sept 13 balik kami hospital wala parin findings. limang doctor na tumingin sakin. na dextrose na ko kinuhanan ng dugo,MRI and CTscan walang makita binigyan lang ako pain reliever. kinagabihan ng sept 13 nag babad ako sa bathtub namin nilgyan ko ng holy water and rock salt feeling ko gumaan pakiramdam ko.. medyo ok na ko nakakain na ko simula nun pero may lagnat lagnat pa din ako.. sept 16 nagbabad ulit ako. pag tapos ko maligo parang wala lang nany yari ang sigla sigla ko. pero bago ko matulog kumati na buong katawan ko. hirap na hirap ako matulog as in buong katawan pati ulo,mata,lalamunan,palad and talampakan wala naman ako maalala na kumain ako ng kung ano. sept 17 ng gabi around 7pm naka tulog ako pag tapos ko manood pag gising ko nainis ako sa asawa ko mga around 8:30pm ako nagising sabi nya kasi sya ang magluluto e pag gising ko tapos na sila kumain sabi ko bat hindi nya ko ginising takang taka sya kasi magkasabay daw kami kumain habang nanonood daw ako tinawag daw nya ko hindi daw ako nag salita pero kumain daw ako kasabay nila,nakakamay daw ako kumain naka yuko lang tapos sinasabi ko daw ang baho ng pagkain, tapos hinahagis ko daw sa plato yung ulam namin pag katapos ko kagatin,hindi na lang daw nya ko pinansi kasi baka nga daw masama pakiramdam ko.. pero wala talaga kong maalala alam ko talaga na tulog ako. maliit lang naman tong apartment namin para hindi nya ko makita and kung natutulog ako makikita nya ko agad..nag away pa nga kami nun kasi akala ko niloloko lang nya ko. hindi naman nya ko pwedeng takutin kasi hindi ako takot sa multo. simula nun weird na ko parang laging may bumubulong sakin madalas ako makarinig nga kung ano ano pero hindi ko maintindihan. laging may black shadow sa paligid ko. kinakausap ko na mag pakita sakin and magpakilala pero wala talaga.. hindi maganda yung mga naiisip ko may bumubulong sakin sa saksakin ko asawa ko o sakalin anak ko.. ngayon ayoko maiwan kami ng anak ko na dalawa lang kaya 2weeks na halos kaming hindi pumapasok ng asawa ko. nung bata ako expose na ko sa ganto.. naalala ko nung bata ako lagi akong dinadasalan ng lola ko lagi akong may hawak na panyo ng el shadai and may suot akong rosary hindi ako makaktulog pag wala akong suot na rosary. laging sinasabi ng lola ko na wag na wag ako makikipag usap sa mga kaluluwa wag na wag daw ako titingin sa mata ng tao kasi mauusog ko daw. kaya lumaki ako na konti lang kaibigan ko kasi nga bantay sarado ko ng lola ko.. naalala ko pa nung bata ako madalang akong lumabas ng bahay kasi may mga nangyayari sa mga kakalaro ko pag nag away kami ng mga kalaro ko nagkakasakit sila parang laging may nag babantay sakin nung bata ako madalas ako makakita ng laruan sa damitan ko pga binigay ko yun sa lola ko galit na galit sya sinusunog nya yun. hanggang nag dalaga ko nakasanayan ko na yun hindi ako marunong matakot kahit saan. hindi ako nakikipag away kasi laging may hinding magandang nangyayari sa nakakaaway ko.. bago ko mag high school kinuha na ko ng mama ko dito madalas hindi kami magkasundo kaya nagkaron ako ng tampo sakanya simula nun lagi syang dumadaing sa masasa pakiramdam nya para daw laging may sumasakal sakanya isang beses nagising ako nun pumunta ko sa mama ko para kumuha ng gamot sa sakit ng ulo nakita ko sya natutulog may sumasakal saknya si liza. nung bata ako may naalala ko na kalaro na itim na babae yung bahay kasi namin sa pinas malaking bahay na luma sya tapos sabi ng lola ko yung liza daw na yun nag pakamatay kasi iniwan sya ng pakakasalan nya hindi sya sinipot. ganun nga pag ka kwento sakin ni liza nun. pag kakita ko nun sa mama ko nagalit ako kay liza alam ko sinabi ko saknya tigilan nya na ko layuan na ya ko kasi may buhay na ko. simula nun hindi ko na sya nakita ulit. ..kinasal na ko normal na sakin makakita ng kung ano2x. pero natatandaan ko nga bago ko magkasakit nakita ko sya sa panaginip ko galit sya. yun lang tapos wala na..   kahapon sept.20 tanghali natutulog ako sa sofa nanaginip ako ng dumudura daw ako kaya bigla akong bumangon pag bangon ko nakita ko katawan ko sa sofa natutulog nag lakad ako sa gitna ng sofa namin kasi nga nagulat ako,tapos biglang nag bago yung paligid naging gubat. tapos nakita ko ulit sarili ko nakahiga ako sa parang kama ng punong puno ng bulok na dahon. nakahubad ako tapos umuusok yung mga dahon para kong nilalaga.ganun tapos mag mga taong gubat na parang nag dadasal nag sasayaw yung iba paikot saakin para silang may ginagawang ritual tapos ako kusa ko daw dinuduran sarili ko hanggang sa nagising na ko.. ngayon parang mas lumala yung mga nadiding ko kahapon hindi talaga ko makatulog sa sobrang kati ng katawan ko puro sugat na. kagabi tinawagan ko lola ko pero wala matanda na talaga sya may pag ulyanin na sya. sabi naman ng tita ko ang dinadasal daw sakin ng lola ko yung apostol creed and salmo 91. malakas ang paniniwala ko sa itaas pero lately puro hindi maganda ng yayari sa buhay namin masipag kaming mag asawa wala kaming kaaway pero parang lagi may dumadating nga mga problema parang humina na pananampalataya ko. ngayon pag nagdadasal ako parang wala lang hindi ko maintindihan parang nag babasa lang ako hindi pumapasok sa isip ko.. natatakot ako para sa anak ko kasi baka kung ano magawa ko saknya. takot ako na kami lang dalawa magkasama.. sana makausap kita asap.. please.. pasensya na kung mahaba post ko sana mabasa mo..salamat
« Last Edit: September 22, 2012, 05:59:26 pm by precious_me »

CityHunter

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #43 on: September 24, 2012, 11:35:04 am »
Hi, precious me.

Sorry for the late update as was busy the past few days handling some really serious cases.  Simply PM me na muna as its not my habit to bring along often my celfone nor attend to it when in the middle of a meeting or in meditation. 

You can PM me sa FB.  Hanapin mo lang yun Richard Yu na may Pikachu na avatar.  I check there often naman rin.

Butterflies are said to be representations of departed people we know or linked to.  More so sa Japan as their culture is steeped on this.

Worry not as to why you find it difficult to locate sino ang maaring gumawa sa iyo nito as you need to channel your chi differently to do that.  I learned that the hard way rin.

You're aware of the dangers but you've none of the measures to defend yourself against such.  Yun parts you mentioned na naging makati ay yan yun areas that are openings to psychic attacks kasi kaya yan yun pinapa-defend ko often.  Your bath also helped pero as it was not the correct solution ay it wasn't that helpful.

Yun Apostles Creed are you capable of reciting it in Latin and try mo instead Psalm 23.  I check more often yun feng shui thread kasi than here so post mo na lang queries mo doon or PM me.  Do forgive me if I don't check often in this thread as I do have to balance my time so I could work on the paid requests rin to answer for our needs.

Rosary mo ba wood?  Plastic o metal will not suffice for a need like yours kasi.  Kapag gem ay ibang usapan na yun and I usually charge by the ounce na for those who can afford those.

Share mo what measures you've enacted pa or have adapted lately.  Weird as tapos na ang Ghost Month but as nasa Japan ka there are rituals done there to help cleanse one from such effects.  If you could ay visit a temple there and meditate grounded sa soil ha.


precious_me

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #44 on: September 26, 2012, 08:55:17 am »
Mr. City Hunter hindi po kita makita sa fb.  :'( i really need help. nagiging worst na po ako. last sat. po nag umpisa.pag papasok na ko ng room ko sobrang antok na antok na ko na hindi koo talaga mapigil. tapos sabi ng hubby ko sinasapian daw ako. kung ano ano daw sinasabi ko. and nananakit daw ako. pero wala akong maalala. minsan naman laging may bumubulong sakin talagang tapos parang kusang gagalaw yung kamay ko para manakit kaya tinatali namin ni hubby..  :'( alam ko na kung sino sya. nung bata ako akala ko imaginary friend ko lang sya pero hindi pala. sya pala yung gumagawa sakin nito. gusto ka po talaga namin tawagan ng hubby ko. ilang araw na kaming hindi natutulog kasi maidlip lang po ako nag iiba ako sabi ng asawa ko.

CityHunter

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #45 on: September 29, 2012, 09:40:58 am »
Hi, precious me.

Will PM you my FB link as not sure if its allowed here in the open forum - though I think naka-connect na ako to you recently sa FB not unless there's another one in Japan with a case quite like yours.

Give me an update on this when you could.  I've uploaded Skype on my system na though have to figure out pa how to use it plus have to locate where I placed my videocam rin :P


CityHunter

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #46 on: October 02, 2012, 06:44:19 pm »
Hi, precious me.

I sent you a PM.

I have to agree with kutingpie's assessment that your defenses are down.  Though hindi ko ma-picture yun form she mentioned as right now handling several SOS cases rin and had to detox a bit just so I can continue on.

May Bible or any holy book ba kayo na properly blessed?  Open it sa Psalm 23 and recite it out loud from the heart sa may bedroom ninyo.

We may need to opt for Level 3 rin but considering that really requires professional checking for best effectivity ay we resort to something else.  Salt bath na extra potent ang mix then application of sampaguita oil sa top ng head, nape, forehead, throat, chest especially over the heart area, tummy, back where the spine ends, palms and soles.  Best kung whole body syempre but that is kung magkasya yun oil.  Extra attention sa top part ng head ha.

Whatever it is if its orange and/or red yun aura seen ay its some base elemental sucking you dry and wanting to control you.  Backtrack to a few pages back for the prayers though I believe you may be best to seek help with the church on this than with me. 

Sa San Carlos Seminary may office of the exorcist and I believe the same too mayroon sa Manila Cathedral but your local priest can help facilitate matters so sa kanya kayo lumapit.  This applies even if subject is abroad though sa local priest kayo lumapit best as each country should generally have access to such.

If this is still not an option do let me know.  I'll see what I can do to help.
« Last Edit: October 03, 2012, 07:33:13 am by CityHunter »

krisle703

  • Guest
Gayuma
« Reply #47 on: October 17, 2012, 11:44:29 am »
Hi City Hunter, Nagpm po ako sa inyo before sa case ng husband ko pero hindi ko nagawa sa kanya yung salt bath although sa sarili ko nagawa ko po. Simula po kasi nung bumalik sya , gusto nya sya lagi ang nasusunod hindi ko rin alam kung paano nya ako napapasunod pero siguro dahil narin sa takot na mawala sya ulit.

Summarize ko narin po ulit nangyari sa kanya: Nagloko po ang aking asawa nung asa africa sya nakakilala sya sa internet ng taga Nueva vizcaya na mas matanda sa kanya. Nagpanggap sya na single at nagsama sila ng six months. maunang uuwi ang babae sa pilipinas kaya nung nkauwi na ito ay sinabi na nya ang tunay nyang pangalan at estado sa buhay. Nuon ay balak na nya makipaghiwalay sa babae kaya nya sinabi pero ang kwento po ng aking asawa pagkatapos daw po nuon ay lagi na nya naiisip ang babae. Sa pagkakadescribe nya daw po ay parang hindi na normal, halos hindi na daw sya makakain makausap lang yung babae. Sabi nya nung bagong dating daw sya sa Sudan ay winiwish nya madeport dahil sa sobrang pagkamiss nya sa aming anak na sya ang mismo nagalaga simula ng ipinanganak. Pero wala daw po yun sinabi sa naramdaman nya para sa babae hanggang sa umuwi sya.

Nawala po sya ng ilang araw pagkatapos nun akala ko ay patay na sya pero bumalik po sya at inamin nya lahat. Hindi po talaga ako naniniwala sa gayuma dahil taga manila talaga kami. Pero lahat ng kamaganak nya sa cavite ay iniisip yon. Kasi daw nagiiba daw itsura sa litrato parang laking galit ang mata, nag iiba ang ugali, at laging pabago bago isip.

Tiniis ko po yun lahat at pinagdasal ko na lang na bumalik sya. Noong araw na bumalik sya sabi nya lagi nya kami naiisip pag kasama nya ang babae pero pag kasama nya kami sya naman ang lagi nya iniisip. Naniwala ako noong sinabi nyang magbabago na sya. Kahit na nung binasahan sya ng tita nya ang sabi e mukang hindi titigil ang babae sa pagtratrabaho sa kanya o kulam.

Marami syang butlig butlig sa katawan na hindi natatanggal kahit ipaderma. minsan mawawala pero babalik ulit. Isang araw mahal na mahal nya ko pero sa susunod hindi na naman. Hanggang sa hinayaan ko nlang sya umalis at tumigil sa kanila dahil narin sa pabago bago nyang isip.

Last week nagpaalam sya sya na pupunta samin at susunduin daw kami. Pero hindi sya dito nagpunta at simula noon hindi na sya ulit macontact. nalaman ko lang nung thursday dahil kinamusta sya sakin ng tita nya. Nag worry na naman ako pero dahil paulit ulit na nya nagawa d ko na alam ang iisipin ko.

Nagsimba ako sa quiapo nung sat at may matandang nagsabi na ang aura ko any parang byuda. Muka po akong bata at walang asawa. Nagpabasa ako sa kanya at sinabi nya na ang barahang lumalabas sa asawa ko ay tomb, mystery rescue. Lumalabas lang daw yun kung wala na ang isang tao, o nasa panganib sya. Hindi ako naniwala masyado dahil narin marami manloloko sa quiapo.

Naisip ko ivisit ang thread dito tungkol sa mga FT at nakakuha ako ng session kay Jade Martin.

Parehas sila ng sinabi at mukang ginagayuma o sinisira na ang ulo ng aking asawa. Pinapalimot kami at ni hindi na daw nya alam kung pano bumalik.

Ako din daw po ay kinukulam daw o palipad hangin hindi rin pantay ang aking hinliliit may isang linggo na pero wala ako amsyado mararamdaman [textspeak!] kasi lagi din ako nagrorosary.

Ako po ay alalang alala na sa kanya. Gusto ko sya iligtas pero hindi ko alam kung papaano. SImula ng dumating sya nagiba sya ng ugali.. tumapang sya at hindi na sya nagsisimba. Ni hindi nya hinahanap ang aking mga anak na kabaligtaran noon. Bago sya umuwi ay panay ang email nya na hinding hindi na sya mawawalay saming magiina at hinayang na hinayang sya sa isang taon na nawalay sya samin.

Kung may alam po kayo kung paano ko sya pagagalingin o matutulungan parefer po.

Sabi po nung nkausap kong FT ay kelangan pa nya tignan kung kaya nya or walang balik sa kanya ang pagpapauwi sa aking asawa pero sa marunong daw po sa kulam ang kayang magpatanggal sa kanya nuon dahil patong patong na daw po ang ginawa sa kanya.

CityHunter

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #48 on: October 21, 2012, 05:21:46 pm »
Hi, krisle703.

Sorry for the late reply as was out in the boondocks for several days and I don't really visit this thread often.  Noted yun posted updates mo and how much worried you are about your husband.  My first question would be ay when did you last went to confession?  Did you do so when you visited Quiapo Church?

Leila_Marie

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #49 on: October 29, 2012, 10:17:49 am »
Hi Sis Rianne_mallows, pls pm me the name and address ng manggagamot sa dampalit malabon, at  i badly needed one kc now...maraming salamat...
« Last Edit: October 29, 2012, 10:40:39 am by mama squeak! »

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #50 on: October 29, 2012, 11:18:13 am »
i think totoo to. back when i was in gradeschool up to highschool lagi kami nagdadasal and we're praying for the same people lang. na sana gumaling na daw tong mga taong to. sabi nung isa naming teacher, yung mga lagi daw naming naririnig eversince, mga nakulam daw yun. so aiun.

france0220325143

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #51 on: October 29, 2012, 04:52:40 pm »
been reading this thread nung thread 1 pa. yung officemate ko noon, palagi syang may sakit na palipat-lipat lang. sore throat, pagka galing nya, ubo naman, tapos back pain naman, tapos kung ano ano. palagi syang may sakit. sabi ko sa kanya, baka kinukulam sya dahil nababasa ko yun dito sa thread. pinagtabi ko yung pinkies nya and hindi nga pantay. syempre, di sya naniniwala. but i adviced her na magpatawas. paiba-iba na din kasi ang doctor na pinupuntahan nya and advise lang sa kanya lasi eh rest saka mga gamot. ayun na nga, nagpatawas si friend and nung nagkita kami sa work ulit, pantay ng daliri nya! wala na din syang sakit. ^^ yung result nga pala nung patawas nya eh maliliit na tao sa garden ng MIL nya. mahilig kasi sya magtanim and may nasagi daw sya.

CityHunter

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #52 on: October 29, 2012, 05:32:16 pm »
Which reminds me na as most of us will be visiting our deceased love ones sa cemeteries or so ay ingat lang ha.  Lalo na sa  mga kung saan saan lang umiihi o such pati na sa mga litterbugs.  Don't come crying here as hindi nagkulang ng reminders on that.

jj01

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #53 on: November 03, 2012, 03:42:51 am »
sis, precious_me, hope you're ok sis, parang butas na ang protective shell mo from head to your shoulder and a female figure is embracing you, weird coz her hands are in orange red in color, parang apoy. kung puwede lang kita padalan ng salt (for exorcism) that was blessed by a priest. sana makauwi ka sis sa atin.

pano nyo po nalaman yun? ganyan din po case kase ng gf ko... baka pwede nyo po matulungan. sugat sugat buong katawan. nagpunta na kame sa ibat ibang healers pero hinde sya napapagaleng. na confine din sya twice pwer lahat ng tests nya ay normal. sobrang dame na ng sugat ng katawan and anit nya. palageng basa at nagdudugo. help please

1Dgotmealready

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #54 on: November 03, 2012, 06:36:16 pm »
Paano nyo palalaman kung mag nag gayuma yung friend nyo sa isang tao? Because I found this paper na may cross and written inside the cross was 'Egosum Jesus' and there was a lot of words na di ko maintindihan. Is this what you called 'Gayuma'? Please reply.

CityHunter

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #55 on: November 07, 2012, 08:00:32 am »
Correct na do not assume that what you found that may be of good is really good.  Isipin mo bait yan.

krisle703

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #56 on: January 19, 2013, 11:20:16 am »
^^^^ hi city sorry din ngayon ko lang nabasa ulit tong thread. anyway sice october super dami nangyari. about your question: medyo matagal na po i intend to go on confession that time sa quiapo pero hindi natuloy kasi tinetext ako ng sister ko na walang bantay babies ko and i need to go medyo mahaba pila so umuwi na ako.

I dont know pero parang nagchange narin feelings ko since then bumabalik husband ko pero everytime kasama ko sya kinakausap nya [textspeak!] girl kasi lagi nya naiisip. Minsan gusto ko na lang pumatay tao sa sobrang pain. saka parang yung worry ko napunta na sa hate. Ganon pala pag sobra na. Ngayon dinala na naman si hubby sa province lang money at work si hubby so sustento sya girl. btw nagpost ako sa isang thread ng pics nung girl. hehe

almost every week namgmemessage si hubby na isave sya kesyo tumatiming lang sya ako na naman lagi daw nya isip. i stopped replying. I plan to go abroad with my kids and left him for good. Like he always do with us.

Miss Charcoal

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #57 on: January 19, 2013, 10:57:47 pm »
Naniniwala ako dito pero puro sa probinsya yung kwento. Common rin ba to sa metro manila?

janeblaze,project

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #58 on: February 25, 2013, 02:39:40 am »
I  was back reading and now ko lang nalaman na may  part 2 pala yung thread, I really wish  someone could help us right now sa problem namin sa dad ko , please pm me mga sis if you  can refer us to  someone na magaling na mangkontra or manggamot ng taong kinukulam.

Really really getting desperate here .... :'(

and ang sagot ko  sa tanung if naniniwala ako sa kulam, barang at gaway , my answer is OO
naririnig ko na yang word na kulam since bata pa ako pag umuuwi kami sa province namin ( parents are from Ilocos sur ) and they are called, MANG-GAGAMUD in Ilokano. Parang masamang panaginip lang na I wish hindi  totoo  na may  mga creatures that exist na wish to harm others, pero  sadly meron talaga.

CityHunter

  • Guest
Re: Do you believe in kulam or barang or gaway? (Thread 2)
« Reply #59 on: February 25, 2013, 10:06:55 am »
Hi, janeblaxe project.

If I'm correct ay all areas naman ng bansa natin have such - mga practitioners of the dark arts.  Its not really the creatures o elementals who are the pasimuno but tao rin.  Contain o neutralize those and the matter is resolved.  The only other possibility if the subject has weakened his or her faith na thus creating an opening for these.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close