Hello CH, Hello fellow GTalkers,
Good afternoon.
Totoo ang kulam.
Gusto ko ishare yun naranasan namin ng family ko at gusto ko rin sana humingi ng tulong sa iyo CH.
Hihingian ko ng tulong ang lahat para maproteksyunan at maligtas ang mga anak ko at ang sarili ko...
Na-experience ko at ng mga anak ko na kulamin ng kabit ng asawa ko at according doon sa unang mangkukulam n hinuli at pinasapi sa akin nun manggagamot...hindi daw titigil yun kabit ng asawa ko sa pagpapakulam sa amin hanggat hindi kami napapatay na mag-iina dahil hadlang daw kami sa relasyon nila ng asawa ko. In short gusto nya masolo yun asawa ko.
September of last year, naconfine si bunso dahil sa ubo?t sipon sabi ng mga doctors upper respiratory tract infection. Negative naman results ng lab tests nya ihi at rcbc.
November of last year, naconfine ako dahil sa pagtaas ng blood pressure at biglang nagkaroon ng diabetes
January 2018, naconfine si Ate eldest daughter ko dahil sa sobrang sakit ng ulo sabi ng mga doctors tension headache
April of this year, I was confined sa hospital dahil sa paninikip ng dibdib ko. Lahat ng findings negative. Normal ECG at 2D ECHO ko. pero since March napansin ko na na hindi pantay mga hinliliit ko sa kamay. Lumabas ako ng hospital April 6 and was advised by my friend's mom na magpatingin sa manggamot na gumamot sa pamangkin nya. April 12 nagpatingin ako...dinala ako ni Tita sa manggagamot sa may Bacoor, Cavite. Tinawas ako gamit ang bond paper, sa tawas lumabas babae at pinasapi sa akin yun babae na nakita sa tawas (navideohan nun kasama nun manggagamot yun nangyari)
According doon sa video na pinanood ko sabi ng mangkukulam na binayaran daw sya nun babae ng 5k pinapapatay ako kasi hadlang daw ako sa knilang 2. Inutusan nun manggagamot yun mangkukulam na tanggalin lahat ng karayom n nilagay sa akin. at ako naman doon sa video simula ulo hanggang paa panay hagod ko sa katawan ko na parang may tinatanggal o binubunot ako tapos pati harapan ko hinahagod ko. walang humpay ang paghagod ko
Sabi nun kasama nun manggagamot pati harapan nitong kaibigan namin nilagyan mo ng karayom.
Pasigaw na sumagot yun mangkukulam na nakasapi sa akin "OO PARA DI NA SILA MAGTALIK NA MAG-ASAWA!!!" Ang tagal na nakasapi sa katawan ko yun mangkukulam mga 1 oras yun. Nahirapan din yun manggagamot kasi lumalaban nun una at tumatawa pa at sobrang daming karayom daw ang nilagay sa akin... marami sa dibdib ko, sa harapan ko, sa puso ko at sa ulo o utak ko para daw mabaliw ako sa kaiisip.
Sa awa ng Diyos natanggal yun kulam sa akin pero nagbitaw ng salita yun mangkukulam na kahit natalo daw sya at nahuli. Magbabayad at magbabayad ng bagong magnkukulam yun babae para ipapatay ako.
Binakuran ako ng dasal nun manggagamot at pinabili nya ako ng St. Benedict pangontra ko na dinadasalan ko 3x a day ng Our Father at I Believe in God?pagdating sa CRUCIFIED binabanggit ko yun latin na CRUZ SANCTI PATER BENEDICTI. advise ng manggagamot. Dasal laging magdadasal...wag makakalimot sa taas...donasyon lang binigay ko...
Then last month, May...something really terrible happened to my youngest daughter na 7 years old.
Yun asawa ko tumakbong Brgy Captain sa local elections last month at nanalo sya.
May 13-15 may fever anak ko.
May 14 election day my second daughter and I started texting yun kabit ng asawa ko kasi bigla na lang umalis asawa ko sa precint kahit di pa tapos official bilangan. Sabi namin sa kabit ng asawa ko papuntahin nya sa precint yun asawa ko kasi important. Nagsabi kami ng harsh words pero walang mura...Tinawagan ba naman ako ng asawa ko at galit na galit sa akin minura ako, tinawag akong bobo, ako lang daw may gusto na bumalik sya ng precint at kung sino sino daw tinetext ko sobrang paniwalang paniwala sya sa babae nya na parang api yun babae nya.
May 15 pumunta sa home namin asawa ko may dalang switzal baby cologne na dati nang ginagamit ng bunso ko. Binili daw nya sa Cavite kasi nasa field sya.
May 16 Ginamit yun ng anak ko yun cologne at ang dinner ng anak ko chicken joy. doon nagstart mgkaroong ng rashes anak ko na tipong allergy. that night dinala ko sya sa ER, at tinurukan ng anti allegy sabin ng doctor ang culprit ay yun manok?walang allegy sa manok anak ko pero alam kong may times na may pangyayaring ganyan.
May 17 puros pantal pa rin n katawan ng anak ko
May 18 1130am tinawagan ako ng eldest daughter ko kasi sumasakit daw tyan ng bunso namin. That afternoon dinala ulit sa ER si bunso this time kasama asawa ko. sinaksakan ulit ng anti allergy sabi ng doctor pag may allergy daw nagiging hypersensitive katawan ng tao kaya effect daw yun pagsakit ng tyan ng anak ko. binigyan kami ng gamot pra s sakit ng tyan. 1030pm patulog na kami nun nagsabi anak ko na masakit pa din tyan nya. tinignan ko hinliit nya sa daliri di pantay
May 19 130am...we sleep sa isang room lang ng mga anak ko (since di na doon sa house umuuwi husband ko...nagsasama na sila ng babae pero nagdedeny pa rin sya.) nagulat eldest ko sumigaw Sabi nya mommy si bunso natae..ang weird kasi for her age, gigising at gigising ang anak ko para dumumi. At laging matigas pupu ni bunso this time parang tunaw na ice cream?so si Ate inis-scoop sa higaan si bunso at dinala sa cr para hugasan nang biglang humangos pabalik ng room si Ate...sabi niya mommy si bunso sumuka may dugo kasing laki ng 25 cents at buo (yun parang buong dugo pag may period ang babae)...so ako biglang bumangon at dalidali kami pumunta sa ER. pinaconfine ko bunso ko. tinawagan ko asawa ko nagring lang ang phone...tinawagan ng kumare ko yun number nun babae sinasagot at pinakikingan lang ako.
Hindi makakain bunso ko...kahit isang kagat lang susuka sya...after nya sumuka kasunod nun dudura sya tapos laging may dugo. pag susuka sya walang dugo, pag dudura meron.
Lahat ng tests ng anak ko negative - urine, stool, blood, h-pylori pati platelet normal to rule out dengue. Tinignan throat, ipin at gums nya if may gasgas na pwedeng magcause ng pagdudugo wala...chinecheck lagi tyan nya sa stethoscope normal naman daw naririnig nila...yun gamot nya para sa sakit ng tyan na iniinject sa dextrose na ang effectivity ay good for 12 hours after 3 ? hours lang nasakit ulit tyan nya?yun gamot nya para sa allergy na ang effectiivty ay good for 6-8 hours lang, 2 hours lang ang effect. Daming pinapainom s anak ko na gamot 6 na oral at 2 sa dextrose pinapadaan?naubusan na ng explanation ang mga doctors na tumitingin sa kanya lalo nya yun attending pedia nya na 35-40years nang doctor.
Isa pang weird, yun pinto ng room namin laging may nagbubukas at nagsasara kahit walang tao.
May 20 afternoon Sunday Kinontak ko yun friend ko na nagpranic healing, nagsend sya ng energy at prayers para sa anak ko, I also contacted another friend na may kakayahan he said prayers for my kid at kinontak ko rin yun manggagamot from Bacoor na nanggamot s akin nun April buti n lang libre sya that day at willing sy magtravel to the hospital pero tinanong nya ako if na-injectionan na daw anak ko sabi ko oo..sabi nya mahihirapan n tayo hulihin kung sino gumawa nun sa kanya pero gagawin natin lahat para gumaling anak mo. Yung huling sinuka ng anak ko bago dumating yun manggagamot may buhok. kasing ikli ng buhok sa kilikili...nakita rin yun ng second daughter ko na kasama kong magbantay ke bunso?sobrang natakot na ako talaga.
May 20 7pm dumating hipag ko dinalaw pamangkin nya sa hospital..kasama nya yun isang pinsan ng mga anak ko at yun boyfriend nya. pinadala ko yun mga St. benedict medallions 6pcs yun na nilubog ko sa holy water sa Quiapo Church at nilagay ko sa lahat ng doors at windows ng hospital room namin...nasa cr ako nun tinawag ako ng hipag ko...tinanong nya ako kung ganon ba matulog si bunso...NAKATIRIK MATA puti lang yun makikita mo sabi ko hindi nakapikit sya talaga pag natutulog tapos yun kamay nya n may dextrose tinataas nya n parang gusto nya abutin tita nya nakaupo sa bed nya. Sabi nun boyfriend ni SIL baka nangalay na siya kasi may dextrose sya. Umupo si boyfriend sa kabilang side ng hospital bed at hinaplos haplos ang kamay ni bunso n may dextrose (btw, si boyfriend super favorite si bunso ko) tapos biglang umuungol sya magigising tutulog ulit tapos titirik ulit mata tapos habang nakatirik mata nya sinusuntok nya tita nya...bumaba ako para sunduin yun manggagamot sa lobby...di ko alam na habang naghihintay ako sa manggamot na nagkaligawligaw sa paghanap ng hospital ganun ng ganun ginagawa ni bunso na parang nilalabanan nya kung ano yun meron o gustong sumapi sa kanya?pag-akyat namin nakatirik pa rin mata ng anak ko this time nakatayo na yun hipag ko na para nang natatakot sa nangyayari at tinuturo sya ni bunso kahit saan pumunta hipag ko ng nakapikit.
Walang sinayang na oras yun manggagamot, ginising ko si bunso sabi ko anak may bisita ka...sabi nun manggagamot anak ano nakikita mo..sumagotnaman yun anak ko...sabi nya ?BABAE?. Ginawa ko inalalayan ko na makaupo anak ko habang ginagawa ko yun biglang umiyak bunso ko sabi niya..."MOMMY YUNG BABAE NI DADDY NASA LIKOD KO BUMUBULONG SA AKIN PAPATAYIN KA DAW NYA AT NAIINIS SYA KAY TITA TRAYDOR DAW SI TITA" SAGOT KO SA ANAK KO "HINDI NYA MAGAGAWA SA AKIN YUN ANAK DAHIL MAS MAKAPANGYARIHAN SA KANYA SI GOD.." (si SIL ko at yun babae fb friends at dinadala ng asawa ko sa bahay ni SIL yun babae last year at gumigimik sila; si sil at bf, asawa ko at yun kabit nya) pero SIL already asked for my forgiveness at pinatawad ko na sya sa nagawa nya
Tinawas agad nun manggagamot si Bunso gamit ang bond paper na dala ni SIL na nilapat nya sa noo ni bunso...
Tinapat nya sa ilaw sa ulo ng hospital bed. tapos tinanong nya kaming mga andoon. Ako hipag ko, bf ng hipag ko, yun second daughter ko, yun pamangkin ko kung ano nakikita namin. nun una wala akong nakita kasi nasa gilid ako ng bed. yun sumagot yun hipag ko na nasa dulo ng bed ng bunso ko...sabi ng hipag ko demonyo...babae...babaeng demonyo...tapos tumingin ako sa bond paper this time nkita ko n talaga. pinalapit ng manggagamot yun hipag ko at pinaturo pa sa bond paper yun itsura...pinalapit nya yun kasama nyang medium at ginamot nila yun anak ko. bale 3 silang gumamot sa anak ko...ang problem nahuli lang nila yun engkanto na isa sa mga nakagiliw sa anak ko. yun ang binote nya...after sya bigyan ng dasal nun medium at pangontra....nawala na yun dugo....yun tyan nya kinabukasan pa naging ok. Bilin sa akin ng manggagamot, ilabas na yun bata at dalhin agad sa bahay nya sa bacoor pagnakapagpahinga ng 2-3days...
May 21 Monday back to normal na si bunso kahit nakadextrose?the usual makulit parang kitikiti, inaaway na si Ate. Bumalik na gana sa pagkain. Naglalaro na sa labas ng hospital room nya?tinataguan ko at gugulatin ako.. gusto ko na siyang ilabas that day sabi ng doctor pwede na daw? hindi ko malaman dito sa asawa ko bakit ayaw pa niyang palabasin anak ko sa hospital ang daming dahilan...dapat daw sure na sure na ok na?may go signal na ang doctor gusto nya ilabas ang anak ko ng thursday pa...dami nya reasons...ginawa ko. Wednesday nilabas ko na yun anak ko kahit di nya alam
May 26 Sunday - dinala ko mga anak ko sa Bacoor sa manggagamot hindi ko lang naisama eldest ko na lalake dahil nasa antipolo sya at nagwowork...tinawas ulit ako gamit bond paper this time babeng may katabaan yun nakita. Pinasapi sa akin nun manggagamot yun nakita sa tawas.
Vinedeohan ng eldest ko yun ginawa sa akin.
Noon una nalaban pa yun pinasapi sa katawan ko?tumatawa..3 silang humahawak sa akin at kita na nahihirapan sila kasi pumipiglas ako pero magaling yun manggagamot..
Napaamin nya yun pinasapi sa akin..binayaran daw sya ng kabit ng asawa ko ng 30k para ipapatay kaming 5. Ako at ang apat kong anak. denescribe pa nun mangkukulam yun picture na pinadala sa kanya nun kabit ng asawa ko yun family picture namin last Christmas n nakared karamihan sa amin. Sa fb lang daw sya kinontak at binigay nya yun pangalan nun kabit ng asawa ko n syang nagpagawa sa kanya.
Sinabihan nun manggagamot yun nakasapi sa katawan ko na hindi k aba naawa sa mag-iinang eto mga inosente at walang nagawang kasalanan saiyo..ang sagot nun magkukulam??BAKIT AKO MAAWA SA KANILA? nagalit yun manggagamot sinabihan sya na ?AH PATI BATANG 7 TAONG GULANG GUSTO MO PATAYIN!? Hindi ko maintindihan pero sakit na sakit ako sa video at ang lakas lakas ko kasi 3 na silang humahawak sa akin samantalang ang ginawa lang sa akin nun manggagamot at mga kasama nya at lagyan ng mga posporo at 1ng balahibo ng manok yun mga daliri ko sa kaliwang paa at hindi naman mahigpit pagkakahawak sa paa ko pero parang may nakapako sa paa ko na bakal na nagbabaga sa apoy at sa kanan palad ko, St. Benedict Medallion, sa kaliwang palad, 7 Angels Medallion at sobrang baon n baon yun mga medallion sa palad ko hindi ko maibuka yun mga palad ko para etong nakalock.
Sabi nun mangkukulam ginamitan daw nya kami ng 5ng manyika at karayom isang manyika bawat isa...pero yun manyika ng bunso ko nilagyan nya ng buhok sa tyan / bituka kasi yun daw ang pinakapaborito ng asawa ko at ang dahilan kung bakit everyday pumupunta sa amin ang asawa ko. Tinadtad din nya ng karayom yun 5ng manyika. natalo naman ulit nun manggagamot yun pangalawang mangkukulam. Binakuran ng dasal mga anak ko at may mga St. Benedict medallion na rin sila?
Yun asawa ko for 22 years, married kami. Parang bigla na lang nya tinapon yun 22 years namin at pag kinakausap ko siya lagi syang nakasigaw, naiinis at laging mapula mata at parang di man lang nya namimiss yun mga anak nya?pag andon sya sa amin?lagi sya nakatulala parang malalim iniisip at parang laging sinisilihan ang pwet pagdating sa amin lalabas agad ng bahay at doon magstay sa labas hanggang sa makaalis sya. Galit sya sa 2ng anak naming na parehong minors, 17, 16 wala daw respeto sa kanya?mas pinaniniwalaan nya yun sinasabi ng babae nya?minsan sasabihan nya na pinagtriripan nun anak ko yun babae tinatawagan daw eh it?s the other way around nasa fiesta anak ko nun kasama mga kaibigan niya?madaling araw tawag ng tawag yun kabit ng asawa ko sa anak namin nagpapanggap na pulis woman na naniningil daw ng utang sa daddy nya. May mga damit pa rin asawa ko sa amin at andoon sya almost everyday pero sabi nila ginayuma yun asawa ko?
Gusto ko lang bumalik sa dati ang lahat?
Gagawin ko lahat para maproteksyonan at maligtas ko mga anak ko sa mga demonyong gawain nun kabit ng asawa ko.
Nacopy ko na lahat ng instructions at prayers na pinost mo dito sa forum CH?
Gagawin na po naming eto sa lalong madaling panahon?pero di ko alam If paano ko mapapagawa sa asawa ko yun SALT BATH?
Ano pa ho gagawin ko para di na kami tablan ng kulam dahil mukhang di talaga titigil yun kabit ng asawa ko hanggat di kami nawawala ng permanente.
Wala naman akong finances para makapagpatingin sa magagaling talaga na healers...
Tulungan nyo po sana kami.
Maraming maraming salamat sa tulong mo.