watch now

Author Topic: 2011 Brides, now 2011 Wives  (Read 76614 times)

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #520 on: March 16, 2012, 10:32:41 am »
kaice - kung gusto nila bumisita, let them para walang masabi. besides, hindi na sila bisita para magprepara ka ng bonggang food. kung may ihain ka, pasalamat sila. kung wala, just tell them na nagiisa ka lang at walang magbabantay kay baby. kung magutom sila, sila na bumuli ng sarili nilang pagkain.

kendi and 4g - try lang ng try.

mafia - hindika bad sis. you're just stating facts

carmi - pasilipin mo kami nyang rest room ba yan? hahaha..parte kasi ng resthouse eh. shet..ang korni ko na..hahaha

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #521 on: March 20, 2012, 03:58:08 pm »
mga sis!! bumili ako ng PT hahahaha...wala lang, kasi ngayon nakabili na ko ng di ako naunahan ni AF  ;D subukan ko mamaya :D

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #522 on: March 20, 2012, 04:17:37 pm »
baby dust 4g...goodluck

kaice

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #523 on: March 20, 2012, 04:22:56 pm »
hello! tapos na 1st month celebration ni kate. kala ko ok na ko mag-prepare ng meryenda na lang...
woke up 6 am to prepare pasta sauce, mga 8 am, i marinated the chicken for buffalo wings, syempre mommy duties in between. nagluto ng lunch for hubby and me na pauwi pa lang from duty. 11:30 nagtext si MIL, on the way na sila. natorete ako, i asked, dito po ba kayo magla-lunch? oo daw waahhh! pero may dala daw silang lumpiang shanghai. kaloka, anyway... masasanay din ako.

pero ang nakakaloka si BIL daw will get married this december... tapos pati sa mom ko sinabi ni MIL tapos may kasunod pang nasa tamang edad na naman sila eh... ewan na hurt ako na proud to announce sya na ikakasal si BIL na di ko talaga naramdaman sa min at may hesitation pa...oh well let's move on hehe!

good luck kai! will pray for you :)

kendi - puro ka na nga honeymoon eh haha! will pray for you too!

rio  - miss na kita! pag papasyal kayo ni gean sa SM manila or rob, text mo ko... sasama ko si kate, EB sila haha!

may yaya na si kate.. kararating lang... sana talaga ok ito hehe! :)

uyy.. may warning :)

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #524 on: March 20, 2012, 04:37:26 pm »
thanks kaice and rio! :D

@kaice baka sis feel ni MIL ala pa kayo sa "tamang edad" nung nagpakasal hihi..anyway shooo away na natin yang thoughts na yan at happy 1st month kay kate!! :D

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #525 on: March 20, 2012, 05:08:02 pm »
at syempre nagtest na ko dito sa office kasi ayaw ko sa bahay baka makita ni hubby...at ang result at isang line lang (negative) :( oh well, at least nakatry ako gumamit nun, ang hirap pala manghuli ng wiwi  ;D

kaice

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #526 on: March 20, 2012, 05:50:46 pm »
kai - pag di ka pa nagkaroon... try ulit after 2 days... ibibigay din yan sa inyo :) dont be sad...

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #527 on: March 20, 2012, 05:53:07 pm »
^haha onga sis e, saka sa next time bili ako ng mas madaling gamitin, yung mas madaling panghuli ng wiwi  ;D

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #528 on: March 20, 2012, 10:08:08 pm »
Update:

After ko mag-PT kanina, eto naman ngayon si AF! LOL grabe talaga ang timing nito haha :D

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #529 on: March 21, 2012, 04:28:04 pm »
eto pa isang update... kahapon nagpunta ako kay OB dahil wala pa rin si AF, though meron akong brownish na discharge. binigyan na ako ni dra ng provera... eh dahil good job ako, hindi ako nagtake ng nung meds ko nung binigay ni dra dati, at kagabi ko lang nainom. ayun, feeling ko dumating na AF dahil nakanapkin na ako ngayon...

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #530 on: March 21, 2012, 05:18:09 pm »
^haha ang weird nyang AF na yan nuh, nagpapakunwari pa kung dadating o hindi!

si AF pag gising ko kanina wala! as in akala ko tumigil lang ba or parang discharge lang ba yung kahapon kaya medyo umasa naman daw ako ng slight...tas nung paalis na ko ng bahay kanina, ayan na rin si AF haha ;D

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #531 on: March 21, 2012, 05:55:24 pm »
actually, parang ganyan nga sya ngayon sa akin eh... sabi ni dra, malamang "stagnant" daw yung estrogen ko (kung tama yung rinig ko) kaya aning si AF. Me and my super messed up hormones. oh well... sabi ni hubby tuloy ko na lang daw yung duphaston ko... at baka sakaling makatwins kami hehe

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #532 on: March 21, 2012, 06:03:48 pm »
para san yung duphaston sis? ako naman sabi ni hubby e this saturday punta na daw kami sa OB-Repro. actually ngayon lang naman nagkaganito si AF, dati laging on-time or minsan maaga pa ng 1-2 days. e sumakit na naman yung sa may tummy ko kagabi so ayun si hubby na ang nagsuggest na punta na at itry na namin si dr.sua-lao, butasan na naman ng bulsa LOL.

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #533 on: March 21, 2012, 08:03:58 pm »
progesterone sya sis, pwedeng hormone supplement, pwede rin treatment for endometriosis and menstrual disorders. wala naman sinabi si dra kung anong condition yung sa kin, pero possible daw kasi na na-stock up yung endometrium ko. *sabi ko sa sarili ko, ano ako, makina?  :o

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #534 on: March 21, 2012, 09:14:24 pm »
Haha natawa naman ako sa "makina" LOL..haaay sana e di naman yan tulad nung sakin na kailangan ko daw ma-preggy (na mahirap nga) para "magamot" yung sakit ko (yung endometriosis ko daw) na dahilan din ng problema ko (yung di ma-preggy nga) haha paikot ikot lang LOL

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #535 on: March 22, 2012, 03:19:06 pm »
actually sis, nireview ko yang endometriosis, yun nga, ginagamit nga daw yung duphaston for treatment nun. hindi ka ba binigyan ng meds ni OB mo? eto rin daw yung isa sa mga case na pagiging preggy ang solution. keri lang yan sis...

adik na naman si AF, light ang flow today, hindi rin masyadong heavy kahapon, ni hindi nga ako nakapuno ng isang pad. pero i guess, counted as day one yung kahapon. monitor pa rin, tapos balik ako kay dra maybe next week para sa hysterosonogram... (si hubby naman magpapasperm count, na hindi pa rin comfy para sa kanya yung idea)...


gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #536 on: March 22, 2012, 04:11:00 pm »
^hindi ako binigyan sis e, ang binigay lang sakin is folic acid. baka di sya masyadong aggressive sa treatment and sabi rin nya kasi masyado pa naman daw maaga kaya ok lang. sino pala OB mo sis? OB-Repro ba sya?
ako rin kahit discharge lang na sign na magkakaperiod na ko (usually 1 day before nung mas malakas na "light" flow) count ko na yun as first day e hehe

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #537 on: March 22, 2012, 04:51:37 pm »
oh, eh di ibig sabihin hindi pa kaylangan ng bonggang treatment yan. Dr Cardenas OB ko sa Delgado, OB Oncologist sya. keri lang sa akin magduphaston. may possibility kasing mag multiples pag naka duphaston eh, eh yun naman ang goal namin ni hubby. 


gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #538 on: March 22, 2012, 08:01:03 pm »
^yep sis mukhang di pa naman malalang endometriosis :D kaya pinapagbuntis na din ako ni doc para maagapan kasi daw hangga't nagkakaperiod ako, lumalaki lang daw ang endo cysts. pero itry ko rin sa OB-Repro para matest kami pareho ni hubby rin. Sa ngayon e natural treatment muna ko hanggang wala pa namang kailangan i-take na gamot, inom lang ng barley hihi, masarap naman lasang damo  ;D
gusto ko rin sana ng kambal kaya lang parang mabigat sa tyan at sa bulsa  ;D ok na kami sa isa muna hihi

babsbridda

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #539 on: March 22, 2012, 10:18:35 pm »
Sis 4G and sis mafia - goodluck! Enjoy lang sa paggawa.   ;) si sis kendi parang super enjoy na enjoy. hehe
I dont know if this might help, nabasa ko before na if ttc, gawa daw before ovulation and after ovulation. Minsan kasi maaga nagoovulate, minsan late, yung sperms naman daw is tumatagal ng 2 or more days pa, while yung ovulation 12hrs lang.

Bff - kamusta ang bagong yaya? Ok ba? Mukhang idadate nyo na agad si gean at kate ah. hehe

sis rio - musta ang bagong mommy?

Dito lang ko. Silent reader palagi.
« Last Edit: March 22, 2012, 10:26:18 pm by babsbridda »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close