watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 11*  (Read 106503 times)

Marigie

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #220 on: January 15, 2012, 10:28:07 am »
hi mga sis meron ba dito na July bride this year?ok Lang kaya garden style ang reception ko...worried ako Baka umulan pero sabi naman ng nkausap na venue for casa espanyol they have tents incase.what do u think mga sis?supposed to be October kami kaya Lang we moved it to July kasi special request ng family ko kasi vacation daw ng mga bata yun sa states.

Sis, July ang birthday ko at talagang maulan yun :( kaya much better kapag ganyang season ang suggestion ko lang sayo indoor dapat kasi kawawa naman ang mga guest mo sa lamig at lahat ng preparation mo masasayang lang.

Marigie

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #221 on: January 15, 2012, 10:43:56 am »

Marigie – sis, yun back-up rate ni nez is 7K pero since nag-haggle ako ng discount for his 5K oot, he’ll give us an album na lang. so pumayag na rin kami. hahaha.  ;D mahal din kasi ang album eh and besides, wala naman talaga kaming kinuhang album sa package naman namin with imagine nation so we think it’s a real steal. ahmmm… 15 tables naman smen + 1 vip table. mahal nga ang quote sau sis. styling lang ba ito or included na rin ang entou + church? oo, sis, search search pa for affordable suppliers. sis, sa bridal fair pala, nakita rin namin na nag-styling na rin ang holland tulips. you might wanna check them. eto pa pala ang ibang stylists sa fair:
7 lily inc.
2171 floral creations
eve & co floral design
flowers and design station
flowers and events by teddy manuel
king louis flowers by nikki chatto
notes and flowers
rocky blooms flowershop
scenta creations
i did check with serge before pero parang ang gulo ng communication namin so hindi ko na pinursue.



About Nez good deal na yun sis mahal talaga ang album kaya conratulations ;). Naku sis ang pina-quote ko lang 15 tables for guest, Presidenatial table and yung bachdrop ng sofa  :( at may oot pa nga daw dapat at waived na lang daw additional 1k for gas na lang :(. Naghahanap na nga ako somewhere Cavite na lang. Si Yhoa-an magaling sa mga bouquet arrangement at sa simbahan sa mga table setting hindi ko type :-\. Mas maganda pa mag-setup ang rcjc pero ang mahal nya talaga. May kausap ako ngayon millieflowershop medyo ok ang ayos at affordable nanghihingi ako ng quotation ko sa mga needs ko sana lang mura. Si Serge medyo diko din maintindihan padadalhan daw ako ng quote pero wala pa din.

Marigie

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #222 on: January 15, 2012, 10:45:55 am »
sis marty actually ka-text ko si Miss Blessie kanina kasi hindi pa nga ako makapag-decide siya na ang nag-haggle para saken...sabi niya pwede niya daw ako bigyan ng tawad hehe.I will meet serge kasi tom so compare ko muna sila limit ko na lang choices ko sa kanilang dalawa

sis lanna_dyan try this link ng CCME
http://www.homemadefoodstuff.com/Welcome%20To%20Homemade%20Food%20Stuff-food%20items.html
http://www.homemadefoodstuff.com/menu2.php

Congratulations ang mahal kasi ng quote sa akin ng everlasting flowers  :( sana i-haggle nya din ako ;D

Marigie

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #223 on: January 15, 2012, 10:55:22 am »
hello po.. siguro busy mga sis sa fair ngayon :)

@ Marigie naku sis, ganun talaga si h2b, mapangamba sa mga bagay bagay, gusto nya kasi yung sigurado.. :D hehe.. re guest count.. naku, ang hirap kasi talaga din magcut sa guest list.. alam mo na, baka may magtampo diba..


Sigurista  ;). Mahirap talaga sis pero nag-iisip na talaga ako kasi ayoko naman ng madaming tao sa kasal ko kasi 130 pax lang ang capacity ng tao sa loob ng rosemont mapipilitan talaga ako maglagay sa baba if ever >:(. Kapag sa baba since morning ang kasal ko problema nanaman ang init so kailangan nanaman ng tent in other words dagdag gastos nanaman  :'(. Sabi ko nga sa mama ko kasal ko ito hindi family reunion kaya please lang diko lang mag-isa ang moment na ito kailangan ko din i-consider ang mapapangasawa ko family nya at gusto nyang bisita. Sabi ko magalit na sila dedma lang kasal ko ito so ang gusto ko masusunod maghahanda naman sa bahay di dun sila pumunta ;)

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #224 on: January 15, 2012, 03:15:51 pm »
@ chubbycheeks17 hehe ang kulit kasi ni h2b eh, ako pa pinahirapan magtanong.. haha! may nagreply na rin sa kabilang thread na catholic din yun client ng Ysabela so okay na ko dun :) wow andami palang nasa fair na suppliers ng flowers.. isa yang Eve & Co sa nagustuhan ko ang styling based sa nakitang kong portfolio nila online.. sa March uwi kami sis, last week of March sa pinas kami, week prior that, mag ring hunting muna kami sa Sg. Hahaha.. :D Actually pwede naman WC ko ang maghanap pero ayaw ko rin kasi ng nakatunganga lang and asa lang sa kanya lahat.. so I do my own research.. kung may magustuhan ako na referral nya, go na.. pero kapag may hesitation pa, I try to ask her for another option and I do research myself. wait ko lang yung feedback from ysabela, kapag hindi pa okay, hanap ulit.. target ko na mafinalize most ng suppliers by March, para yung small details nalang ang kababaliwan ko. hahaha! ;D SMX kayo nagpunta sis? :) btw, Amaranthus pala sila gogreengorgeous? :D di ko pa sila natry kausapin eh.. hindi ko rin maalala kung nagsend ako ng email sa kanila or hindi.. :D hehe.. re trial make up.. wow! Playboy Phils.. bongga ha :D how much ang rate nya sis? :)

@ Marigie oo sis, siguristang tunay.. haha! ;D oo nga sis, pwede naman sa house nalang yung iba.. Mas sulit pa yung ganun saka mas comfy hindi na kelangan magbihis ng ayos na ayos etc. diba? :D


lanna_dyan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #225 on: January 15, 2012, 04:00:29 pm »
sis marigie.. yes.. i love her na nga eh. i love the sms i received from her na "sis good news, we got K by C.. o smile ka na :D" something like that.. so sweet.. haha. yung ae na kasi yung kinulit nya, at pumayag naman. correct sis.. kasi yung food, pwedeng magside comments ang mga tao (like my mom pag umaattend ng handaan.. mga oldies talaga).. tapos yung setup, kasi yun ang nakikita sa photos kaya importante din talaga. regarding kay yho han haha.. ganun din ako. mahihiya nga ako sa florist ko sabi [textspeak!] ni h2b ang gulo ko daw kausap. haha buti na lang mabait si ms blessi at ayos kausap. baka oot kasi kaya mahal ang quote ni ms blessi sa iyo although oot din si sis chubbycheeks.. regarding sa styling budget. ganyan din problema ko nung una sis nung i thought di ko makukuha kbyc. kasi i can them a budget to work with pero di mo alam kakalabasa after. some kasi nung nakausap ko can easily say "yes we will on it, pero mas simple", or "yes kaya namin tulungan dyan since ganyan lang naman" pero nakakatakot kasi yun nga, di mo alam outcome hehe


sis tboupt yes super happy :D lalo na pag akala mo di mo nakuha todo disappointment tapos biglang makukuha mo na uli. correct sis, kanya kanyang trip talaga yang gown haha.. nacontact mo na si nikko? ako kasi i really wanted ms v pero grabe over pang maharlika sya e haha so nung una gusto ko na kay nikko kaya lang sa spam dwa napunta message nya at nakadown na ako kay von nun :( pero ok lang, i love von din naman hehe

sis chiklet.. dapat always have a plan b pag garden wedding ha hehe.. lalo na july.. sa Light of love kasi, ok lang kasi they can move to other venues pag nagbabadya na ang ulan. 5 venues kasi ata anf 3 per day lang pinapagamit nila. hassle lang kasi imomove pa..

thanks sis cristal :D korek sis.. good feeback din daw ang eloquente. good luck sa caterer hunt :D

sis chiclet! yehey. i'm so happy for you!! pareho pala tayo ng dream caterer. welcome to the club :D andun ba si macy? haha nakakatakot baka nakalimutan nya deal nila ng WC ko eh. magkano package na nakuha mo sis? kasi food and venue sakin and mukhang kailngan ko mag-add-on. hehe magkano sis yung starbucks cart? although di ko alam kung san sya ilalagay sa venue ko masikip na e..

sis cerenity, ok, yung mga super vip na lang ang pagsasamahin ko sa table yung asawa. ako din papakita kay h2b ang gown although di ko pa alam kung ipapafit sa akin ni von yung buong gown..

sis akin_dc haha actually wala din ako makita sample of works ng amaranthus kaya nakakatakot. although we're consdering them for the drapes kasi as usual may corkage fee from non-accredited drapes.. at tama si sis chubbycheeks, good reviews sila from gogreengorgeoues. sya nga pala sis, parang gusto kasi ni h2b lagyan ng drapes e kasi too plain daw. kayo? yung couturier ko si von of carmen lazaro naman, same, parang thrice na sya nagmiss sa deadline pero ok lang, di ko naman sya minamadali kasi sa may pa ang first fitting namin at ayoko rin naman madaliin kasi baka pumalpak.

nice one sis reservoirdogs :D our theme is dark and light gray, nice this ang blue gray sis i like

sis ava_camille.. di ko pa naresearch si alex franco pero i like joy san gabriel. try mo rin hearts and bells sis, ok yung rates nila and ganda rin ng cake designs, regarding sa emcee,, try missy ferrer litao.. don't know her very well pero super recommended ng wc ko. di rin pwede si sweet sa wedding day ko kasi di daw muna sya tatanggap ng december weddings eh.

sis chubbycheeks.. thanks uli :D di pa kita nareplyan sa kabila. may sinend ka ba sa akin na theme? i think i missed it. or yun yung asa wedding theme thread? hehe anyway, wala pa rin akong theme up to now haha.. baka ganun na lang din gawin ko sa PS. yung mga super VIP sama na asawa sa table, pero yung mga may kamag-anak naman sa iba na lang.. baka adobo na lang din sa akin (haha kawawa naman sila gian and fidji lol) at least di madaling mapanis. binook mo na hmua mo? pwede pala yun? buti ka pa you know what you want sa makeup mo. ako kasi wala ako maisip na pabawasan or whatever, yung parang tipong bahala na si hmua. although i trust her naman hehe. sa hairstyle din, andaming comments ni h2b pero di ko pa rin maisip ano ipapagawa ko..

sis judessec thanks sa link ng CCME :D

updates: wala pa naman so far.. i'm wating for the bank details of missy ferrer litao to book her na rin. ang tagal nya magreply in fairness. kaya pala ang asa email nya ay "enjoy the rest of the week" kasi monday yung message na yun at mukhang di sya nag-online for the whole week. ganun ba talaga pag sumisikat na hahaha.. nadala na kasi ako sa kbyc and soon i must book na the emcee and strings before i lose them. inggit ako sa mga nakapunta sa bridal fair hehe :D enjoy the rest of the weekend mga sis :D

carmichael18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #226 on: January 15, 2012, 07:11:32 pm »
haller gandang gabi!!

nasa fair din ako kahapon... nakita ko si ava sa booth ng alt-x.. :) hehe ayun nag meet na rin sila.. at si glitters nameet ko rin... lagare ako kahapon eh.. hehe

if you need crew meals, my best friend who is also a dietitian and is good at cooking (she owns diet-to-go - packed food din for those wanting to lose weight), makes crew meals po... P150/meal - one course, P180/meal - 2 courses.. 2 rice na lahat yun... PM niyo na lang ako for her number.. :) if your budget is lower, meron din naman.. :)
 
hello na lang po sa lahat!!!  ;)

faye-tea

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #227 on: January 15, 2012, 07:55:04 pm »
chubbycheeks nako sis! baka nga magka-wavelength tayo..  behave na tayo.. baka brief na lang suotin ng mga hubbies natin kapag hindi tayo nagdahan-dahan..

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #228 on: January 15, 2012, 08:10:48 pm »
Happy Sunday ladies! :) Ang hirap na talagang makahabol sa thread, hehe... Anyways, so glad at mejo dami kaming na-accomplish this weekend. 

Update sa preps: Friday night, we went to Monumento to pick up our orders na wine holders. Super affordable kasi we got them for 30 pesos per piece. ;) Next agenda is to design the holders na. ;) 
                     Saturday naman, gora kami ni h2b sa Divisoria together with his pamangkin na little groom namin, FFIL and FMIL. Schedule kasi ng pick up ng mga barongs sa Cherry's Bridal sa may Cluster Building. Guess what??? After the horendous first fitting, grabe ang changes sa finished product! As in PERFECTION! hehe. :D Super okay ang fitting kay h2b ko! Natuwa naman siya ng bongga sa finished product. Yung kay little groom, they nailed it! First fitting pa lang eh swak na swak na. Ang may adjustment lang is yung kay FFIL. Mejo malaki kasi ang tummy. tee hee!. So nung sinuot si barong, nagmukhang bitin. Then nasasakal daw siya sa Chinese collar, so iaadjust din. Yung kay Tatay ko at sa brother ko, ako lang ang nag-measure at sinubmit ko sa Cherry's. Super hassle pa kasi kung isasama ko sila from Cavite. Kaya super pray ako na sana, swak sa kanila yung mga get up nila, hehe. Ayun, okay din! Yung sa Tatay nga lang, mejo bitin yung pants. Pero malaki pa naman ang sobra sa laylayan kaya ako na lang mag-aadjust. Hahabaan lang ng one inch. ;) 
                      Next na lakad, sa Abbylyn's. Ang akala ko, ready for pick up na. Kasi ang usapan, Jan10. Na-move ng Jan14 kasi may adjustments pa daw. Pero pagdating dun, half done pa lang yung shoes (prepared naman ako sa ganitong scenario since I've read reviews about them na hehe). Wala pa yung mga accents at yung cover dun sa tapakan. Parang foam pa lang yung nakakabit. Pero in fairness, kuhang kuha ang peg. Mejo makitid din yung entrada kaya ipa-paadjust pa ulit, from size 7, gagawin na daw 7 1/2. Sabi nila, di daw kaya na gawin yung three small flowers na design, suggestion nila is one big flower na lang kasi pag super liit daw ng size, nagninisnis na yung chiffon. Pero nakiusap ako na gawan ng paraan since gusto ko talaga yung tatlo ang bulaklak. Iibahin na lang daw ang tela at gagawin na organza which is fine with me. ;) Let's see na lang if they could deliver it on time sa aming agreed pick up date on Jan20. 
                      Gown delivery naman is scheduled on the 21st as per Ms. Ven. Morning sa QC, then sa afternoon, derecho kaming Cavite. Final fitting na for the entou members at second fitting naman for me. Sana maging okay naman ang finished product. hehe. Wish me luck gurls! :) 
                      Jan22 naman, naka-sched kami to finalize the ceremony songs with Cantico de San Jose chorale. Di na nila kami chinarge ng extra fee na P500 per song request. Wee! Ang condition, mag-provide kami ng minus one for the songs na wala pa sa repertoire nila. So keri na! hehe... Magda-down na din kami sa kanila. Ang kulang na lang, wedding singer/band na affordable for the reception. ;) Pag wala talaga, time to download jazz music for dinner time. ;)

Sorry at napahaba ang kwento. ;) Backread naman ng bongga.

Sis zheng, as per checking sa calendar namin ni h2b, 6months before our wedding eh petics mode kami. LOL. Booked na kasi almost all our major suppliers. May naka-sched pa rin sa amin na bridal fairs. 5months before naman, ariba na ulit. Kina-career namin during that time is photobooth at make-up artists. During this time din namin na-pick up yung wedding rings. At naghahanap na din pala kami ng couturier. Naalala ko pa tuloy na nagkita-kita kami nila sis health.gal at sis ez4gotten for a Divi trip. hehe. Namanhikan din si h2b during this time, at nagbabayad na kami ng dp sa mga suppliers. ;)

Sis cristal, sureness sis. Balitaan ko kayo sa performance ni Eloquente. Next month na yun. hehe... Excited and a bit nervous. 

Sis akin_dc, LOL. Nagdadasal pa nga ako na sana po, more pledges to come. hehe. So far, ang mga nakuha naming pledges are bridal car from my ninang, invitations from h2b's bro, photo/video (half the price) from my bro, photobooth from our college barkada, 2 lechon from h2b's cousin. Di na nga ulit nadagdagan. LOL. Re invites, yep. Tohmoh si h2b mo. Actually, di rin namin ito masyadong priority kaya naghanap talaga kami ng swak sa budget ng Kuya ni h2b. hehe. Kasi nga, itatapon lang din naman yun ng mga guests after ng kasal. Hindi man lahat, pero majority of them will do. 

Sis cerenity, ay sorry, typo error. I mean "pair" LOL. Sa 6pairs of PS na nilista namin, may isang pair dapat na pinaka-ninong at pinaka-ninang daw. hehe. ;) Mexican pala ang magiging hubby mo kaya yun din ang theme ng wedding. hehe. ;)

Sis kiz_me, ah, taga-Alapan pala kayo. Mejo magkalapit lang tayo kasi taga-Malagasang naman ako. hehe. Yung church fee po sa Fatima is 5k. Pero ang inclusions lang is priest, aisle pews, carpet, at nuptial candles. Wala silang choir at florist. 

Sis lanna, yep. Nag-FT kami sa Eloquente, three times. hehe. Nung una kasi, we're eyeing the Carnation package dahil gusto namin ng tiffany chairs. So nag-FT kami. Pero we've decided to let go of the tiffany chairs na lang due to budget restrictions. LOL. Kaya nag-FT din kami for Anthurium. Tapos may final FT din kami during our detailing. So far, okay naman ang relationship namin with our AE. Madaling kausap. ;) Hopefully, they could deliver well during the actual event. Re styling, since magagaya naman nila yung mga binigay kong pegs for the table setup, kahit di na mag-add for styling, di na kami nag-avail. Pero promising din ang packages ng amaranthus huh. And wala ng delivery fee yun if Eloquente din ang caterer mo.

Hamishue too sis katrinac! ;) Kaya naman ako na-stress dear kasi si h2b, mejo may mga misunderstandings kami, a month to go before the wedding. :( Pero soooo glad at naayos naman namin. Kaya happy, happy na ulit at ariba na sa preps. LOL. Salamuch pala sa in-email mong missalette format. Halabshue! Mwah!

Sis chubbycheeks, keri na yun. Buti at may na-contact ka na for the layout. Actually, ako din nag-conceptualize nung invitations. I emailed the details, the pictures, the contents sa friend ko, tapos siya na bahala dun. hehe. Di kasi ako marunong mag-photoshop. LOL. Then yun na yung binigay namin sa FansDigital at sa J-Fav Print Hauz for mass prod. Siyempre, very important ang mock printing. Kasi nakita mo na yung kalalabasan, before magprint ng madami. Mas mahirap na kasi pag madami ng naprint, saka pa lang makikita yung lapses. Re invitation for your dad, I think that's very appropriate. Para wala ng masabi yung ibang tao diba? At least, nabigyan mo pa rin ng invitation ang dad mo. Magpunta man siya or not, that's for him to decide. ;) Congrats sa na-haggle mo kay back-up photog dear! Wee!

Sis lucky_m+d, tayo nga ang may same monogram na D&M. hehe. Tagal nyo na pala sis! Galing! 10 years na! Kami naman, exactly ika-8th year on our wedding day. Super lapit na kaya busy much na kami talaga.

Sis marigie, kaya pa yan dear. Super dami pang caterers to choose from. Sis katrinac gave a list na din dito sa thread. ;) Kami ni h2b, we spent 2 months sa pagpili ng caterer. LOL. More or less, 10 caterers kami nakapag-FT before magdecide on Eloquente. hehe... 

Again, di na ako makahabol sa usapan. LOL. Super buhay na buhay kasi ang bahay. Happy preps guys! :D

Marigie

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #229 on: January 15, 2012, 08:12:43 pm »
Update lang muna mga sis  ;). Nagpunta si h2b sa SMX bridal fair at nakapag-book na kami ng invitation at quartet. Invitation nakuha nya sa east park 14 yung 100 pcs. invitation with save the date na magnetic for 130 pcs for 8,400  ;D. Regarding quartet surprised ako mura ang Phil. Harmonic Orchestra sa lahat for 22,500 lang other quoted him 10k for oot ???. Kaya ok na yung 2. Regarding catering we will try purple dish muna :-D. Sana kayo din may mga na-book na supplier for your wedding sa SMX :D

cerenity_18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #230 on: January 15, 2012, 10:26:21 pm »
michiness- ah i see....ganon din kaya sa church namin kala ko kelangan me pari haha..yup sis mexican si hubby kaya yun narin ang theme namin para mas madali na ring mang hoard ng props from mexico...hehe
congrats sa maraming accomplishments this weekend sis :)

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #231 on: January 16, 2012, 12:26:12 am »
kat sorry super late reply. hehe. nagsisimula ng maging kabute mode. :P sm southmall kami sis. ilang kembot lang kasi yun from our place. re entou gowns, i guess kahit 2 months pwede. :D kami nga kakapasukat lang nung sunday. hehe. re pillows, yes, usually pillows yun. pero some use treasure chest for the coins. ;) like this. http://www.weddingfavours.ca/mm5/graphics/00000011/WS-8638L.jpg. pwede din ganito

http://www.oncewed.com/wp-content/uploads/2009/05/diy-tufted-ring-moss-pillow.jpg
http://www-static.weddingbee.com/wp-content/uploads/2010/11/11/diy-haw.jpg
http://img440.imageshack.us/img440/2435/muscaridesigns2tl2.jpg
http://www.intimateweddings.com/blog/wp-content/uploads/2011/05/Vintage-Tea-Ring-Pillow.png

parang type ko nga yung vintage tea, pero stand for table numbers. hehe.

ylonchar best man is supposed to be the right hand of the groom. ;) taga-pagpasign din sa mga ninong. lol.

tboupt i'm sorry to hear about your ordeal sis. kung mejo imbiyerna ka naman sis okay lang siguro kahit kuya mo na lang. :D

welcome sis dianneloraine! sayang di [textspeak!] nagkita sa fair.

chel don't worry sis. ang alam ko walang bumabagsak dun. not unless sinabi mong shotgun wedding kayo. ;) re rei, budgeted din kami, pero h2b told me na dodoblehin na lang niya hulog kesa ma-stress ako. alam niya sa kanya ko magra-rant pag nastress. lol! re ML, not sure sis. check ko tom. ;)

akin_dc correct! buti na lang nagback-out na. :P

chubbycheeks nakita ko na yung HD projector kanina. maganda nga siya. to think na naka-project pa yun sa wall lang. and YES! nakapag-haggle kami ni papa p sa HD projector kaya isang malaking check na yun off our list. wee! may pm din ako. lol. re stag party, nag-inuman at kwentuhan. at naniniwala ako. lol! kasi naman after work lang sila, as in biglaan lang. GY si papa p di ba, so from 6AM - 12noon lang sila. AFAIK, walang bukas na night club pag umaga. kaya nga night club di ba? lol! understandable naman sis kung hesitant ka pumayag. ;)

cerenity depende kasi sa hirap yun ng drawing sis. pero it range from 100-400 per character. ;) nakasulat sa multiply site niya yung pricelist pati kung ano yung pwedeng ipa-customize with that amount. yung samin is 400 pesos.

juice sis you look so pretty on your wedding day! best wishes to you and your hubby sis. :-*

mich waahh hindi. i love it! i love your map. actually yung mga gusto ko kasi is yung cartoonish vectors. tipong matatakpan na yung ibang kalye. lol. and madali basahin map niyo. promise! sorry if i sent the wrong impression.

sorry mga sis, di ko na kinaya tapusin ang backread. :'( so sleepy and pagod. tom naman. :D

update nag1st fitting na with ms. ven. nagkasya naman sakin yung mock. hehe. tapos measurement taking ng entou. kanina we went to the bridal fair para lang magpa-book ng HD projector. lol. and we got a super good deal from gian and fidji. ;)

lucky_m+d

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #232 on: January 16, 2012, 08:37:08 am »
good morning sisses!!!  ;) daan lang, maya na ko basa..  ;D kwento lang, nasa MOA kami kagabi and may nagpropose sa BON CHON, ang sweet may strings pa(tama ba? un tawag? ;D may violin tsaka yung malaking violin hahahaha!!!) syempre with matching LED proposal :)

faye-tea

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #233 on: January 16, 2012, 08:57:34 am »
^waaah! yesterday nasa moa din kami.. sayang! sana pala nag-bon chon kami para nakita ko.. adik lang!

carmichael18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #234 on: January 16, 2012, 09:38:38 am »

carmichael18 - thank you so much sis! may maisusuggest ka ba na pwedeng bilihan ng mga packed meals na pasok sa banga? hehe! parang wala naman kasing magluluto sa bahay, and for sure, busy lahat mga tao dun. si mama naman, di ko mapipilit mag luto yun, dahil makikisabay sa pag beauty rest sakin yun. haha! sis, sa case nyo, san kayo kumakain. sa reception din ba? and kapag packed lunch? dinadala ba yun sa reception? or kakain talaga sila before reception?


sis my bestfriend is doing crew meals.. and also my tita.. yung sa tita ko 100/meal for lunch & dinner tapos 80/meal kung breakfast.. within manila lang po ito.. pag less 30meals ang order may delivery fee po na 200 pesos. pag 30 and up - free delivery na.. naka microwaveable container at may side na veggies (lunch/dinner) and dessert na brownies...

PM niyo na ang ako for the menu..

chiclet_24

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #235 on: January 16, 2012, 10:26:09 am »
chubbycheeks thank you sis... dami pa nga dapat i book mabuti nlng natapos na ang caterer P/V naman ang huhuntingin ko hahaha

lanna_dyan onga sis eh buti nlng tlaga nabook nanamin sila... yung 780/pax yata kame sis 100-120 pax lang kasi guest namin... though i am thinking of upgrades pero di ko pa sure saan... dapat last novembe rko pa tlaga si nabook nung nag FT kame sa kanila kaya lang Macy suggested na sa bridal  to get freebies... so halos 2 mos na kameng nakapencil book sa kanila... wala si na si MAcy nung dumating kame eh kasi medyo late na yun mga 8 ng gabi na... so si Ms. Kar yung nakausap namin and she's nice too... i like nga rin eh .... ;D
Re: Starbuck frappe cart last party that I attended last year nasa 15k sya for 100 tall frappucinos baka nga i let go ko sya kasi [textspeak!] theme ko vintage-victorian parang alangan sya sa setting  :( pero let see ... ;)

Marigie

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #236 on: January 16, 2012, 11:05:51 am »
@ sis akin_dc - sana lang maintindihan nila diba kaso may mga taong di makaintindi ::) yung mga gusto pumunta para maki-usyoso lang na wala namang silbi at papel sa reception hahahha! I hope you get what i mean sis ;)

@ sis lanna-dyan - kaya nga ako nagpipilit din sa kbyc hahha! Hanggang bridal fair nga kinulit ko si h2b itanong ulit kung pwede sila kaso di talaga eh :(. Kaya masaya ako para sayo ang sarap kaya ng pakiramdam kapag nakukuha mo yung gusto mo ;)

@ sis michiness - Thank you. Eto pa namang catering ang supplier na napakahirap mag-desisyon kasi ang dami mong dapat i-consider :(. Food tasting na ni h2b bukas sana lang masarap ang food nya yung styling ako na maghahanap kahit ako na magbayad ng di alam ni h2b  ;D di rin naman ako mapapakali kasi hahahha! Very busy ka na talaga atl east marami kang na-accomplish this weekened ;)

@ sis cerenity-18 - ganun naman talaga ako sis at alam nila yun sa family namin kahit mga relatives ko oo at hindi lang ang makukuha nilang sagot sa akin. Kailangan noh pera namin ang nakataya dun kaya so dedma sa kanila hahahha! Tutal i seldom see them naman di ako based sa pinas madalang pa sa patak ng ulan ko sila makita hahhaha!

@ sis ez4gotten - yan na ang idea ko sa treasure's chest  :D. Yan ang lalagyan ko ng ring at coins  :D nakita ko yan sa bridal book may gumawa na niyan tapos ang coins na ginamit nya puro US dollar na coins ako ang idea ko naman diyan is 13 coins ng different countries at na-complete ko na sya :D

Question lang: sa bridal fair nakita ni h2b ang henry's and le chef may nakapag-try na ba sa inyo sa kanila? :) Feedback naman mga sis pati sa set-up nila  ;)


princeszheng

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #237 on: January 16, 2012, 11:06:40 am »
Magandang Morning mga BBBs. Nasstress ako sa mga kamaganakan ko haha. Anyways, inisip ko na lang di ko sila kailangan paglaanan ng time, there's more time for them after the wedding preps haha, kaya wedding preps muna ko :D

cerenity_18 pm sent sis

kiz_me1109 sipag mo naman sis, sana ako rin sipagin na ulet magedit ng pics.

lanna_dyan serenatastrings@gmail.com yan ang email add nila

ylronchar hehe ako rin gusto ko surprise :D di pa ko ngpfit pero sana walang makakita pag nagfit ako kundi lola ko lang haha. Ok un, para masurprise ka :D

carmichael18 thanks sa supplier meals sis, very helpful at naliwanagan na rin ako. hehe
 
ReservoirDogs hi, thanks sa time line na rattle tuloy ako dahil di pa namin ayos ang guest list :) Kilala ko yung isang photog na yun na sawa na sa chicken ng mcdo at jollibee hehe. edi burger steak naman lols, ako rin still looking at nagttanong parin kung ano dapat ipakain sa suppliers, I have 15 heads on the day (suppliers) kaya ang bigat rin talaga pag sinama sila sa buffet. Nice idea yung ibang color ng wedding gown sis, ako rin naisip ko yung sa may baba yung tule mejo floral then papatungan ng mas manipis na white para lang my shade ng floral yung wedding gown ko kasi baka mag mukhang debutant gown :( at baka di magets ng lola ko yung iniisip ko kaya nagtraditional na lang ako :D

lucky_m+d di ako makapagrelax ng bongga sis, my mga bumabagabag sakin haha, family issues! Urgh! Text-text na lang tayo, re my couturier sa pembo lang at least malapit ka lang hehe!

cristal28 sakin sis tag-1 copy lang kmi ni h2b ng cenomar kasi requirements lang namin yun for application ng marriage license,wala naman ng ibang pagagamitan kaya tag-1 copy lang kmi hehe. Tawag ka sa pagkukuhanan nyo ng marriage license sis para alam mo talaga kung ilan ang kailangan nila :)

tboupt27 wow magandang idea jan, sali ko jan isama na rin natin yung isa kong friend na aspiring photographer din hehe. E kung papicture tayo after end ng lahat ng 2012 brides then wearing our wedding gowns waah group pic saya!!

akin_dc ako sis kumuha noon pero super pricy :( if may time ka mas okay pa siguro puntahan mo na lang pero pag wala okay narin kasi nagcomply naman sila sa delivery date yun lang sayang rin kasi yung handle fee :( Pwede mo rin naman utusan yung cousin mo to go to census if may time sya hehe, basta alam nya name nyo and names nun both parents pwede na sya na lang kumuha para sa inyo hehe. Suggestion ko lang yan :)

katrinac oo sis, lalo na yung carolina's sa may megamall sis, nagpunta ko dun last week ang dami pala dun hehe. pero right, iba pa rin sa divi hehe.re sa suki card na yan almost 80points na  haha halatang sakitin drug addict :D Ayaw ko sayang ang make up haha, pero I can't promise lols re PS table ako rin ganon na naiisip ko dahil ngfinalize na kmi sa venue na round table na lang at 2 round tables lang daw ang VIP dun, so ayun dun lang sa 2round tables and parents at PS yung mga sabi ng PS bahala sila magwait ng food nila hahaha ang bad ko :D

Judessec paemail po ng address baka bumisita ko sa 21 kay Ate Vanj sis kasi need ko ng suits for male ento TIA Thanks rin sa feedback sa CCME, tinatarget ko na rin sila for brunch while at the hotel for wedding preps (afternoon kasi yung wedding) so brunch na lang siguro since all suppliers naman ay dadating sa wedding in between 9 or 10 :)

marty_0214 congrats sa tawaran blues sis sa florist mo :)

chubbycheeks17 tara na sis, ischedule na ntin yan with lucky m+d kahit dinner na lang tayo after work hehe

mich salamat pala, at least alam ko na on track pa ko haha, akala ko I'm totally lost :D Start na ko DIY esp yung invitation :) sana matapos ko na yung outline and everything!

ez nakuha ko na pala raw file ng prenup pics namin. nagtx kasi sila gian kahapon asa SMX sila sa bridal fair ayun pinuntahan ko na lang din. Wee!!! ambilis grabe hehe, di na nila ko pinaghintay ng matagal :D

Those who are looking for couturier pala Makati based pa-check na lang their website www.joiemarie.com sila yung tatahi sa ento ko :)

« Last Edit: January 16, 2012, 11:16:50 am by princeszheng »

cristal28

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #238 on: January 16, 2012, 11:11:43 am »
hello. mejo browse lang later ako sagot ang kwento. i think dun sa super budgeted or may certain budget sa p/v may kwento ako. nameet ko sila sa picc. yun half ng payment sa package after completion na ng album and or yung video kaya super laking luwag so mga after 1 -2 mos pa yun kaya maiipon pa. later kwento ako baka may interested. work muna (kunyari) haha

chicklet1982

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #239 on: January 16, 2012, 12:20:44 pm »
hi baka meron mga the village patio brides dito makisuyo sana ako if you can share yung package na binigay for 2012 brides...ayoko sana kasi munang pumunta unless sure ako na within our budget range medyo kasi malayo at medyo weekend lang kami nkkagala ni fiancee :D kindly send sana sa irene7650@yahoo.com....will appreciate it so much  :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close