watch now

Author Topic: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5  (Read 110589 times)

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #20 on: December 09, 2011, 01:39:27 pm »
Fffffresent!! :)

Tinapos ko lang muna first class ko, bago pumunta ng GT, kasi alam kong maraming backread ang magaganap. :P

Hay sisses, kakatamad pumasok. :( Buti na lang konti na lang ang work kasi Friday na. Kaso yung isang friend namin ni Hubby na guy, super bad vibes. Puro hmmm... ang react sa mga status ng FB ko at ni baby Lucas. Nakakaasar, sa sobrang pikon ko, binura ko siya sa FB naming tatlo nina Hubby.  >:(

Sisses, ask ko lang. May feeling ba kayo na parang gusto nyo kayo lang ang nasa spotlight or bida during your pregnancy? Pag may umaagaw ng eksena, naiirita kayo? Hahaha. Ganun kasi feeling ko, pero hindi towards lahat ng tao. Yung mga dating taong hindi ko type, mas lalo ko silang hindi type, lalo na pag umaagaw eksena sila ---- like ikakasal din sila and preggy din sila. Pero yung mga taong like ko, okay lang naman, di ako affected. Hahaha. Ang mean ko. Sorry napahaba! :P

Re paninigas : Eeeep, dapat pala watch out na ko diyan. 30 weeks na ko on Monday eh.  :o

^Sis sugarpop, yung placenta ko asa back ng ulo and likod ni baby, so unan nga niya talaga yun.  ;D

^Sis blouie11, thanks sa info! :) Tagal na rin ako di nagdduty kaya kailangan na ng refresher.. :P Ipagpaliban ko ang Divi Christmas shopping, kasi di na talaga keri. Magmalls na lang ako within Cubao area, para walking distance lang from our house.

^Sis jenybasti, wag masyado papagod. :)

blouie11

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #21 on: December 09, 2011, 01:43:44 pm »
mga sis kelan ba start sinusukat ni ob ang fundal height? pag 3rd tri na? iniisip ko pa pano susukatin yung akin kasi naman ang laki ng tummy ko! kala nga nila kambal daw magiging baby ko.. sabi ko hindi kambal siguro sa taba! hehe

bettyboop1322

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #22 on: December 09, 2011, 01:51:04 pm »
^2nd tri pa lang sinusukat na ni OB fundal height ni baby 14, 18, 24, 28 yung last nung 30 weeks ako. may mga malaki talaga magbuntis as in 7 months pa lang parang kabwunan na...

sis kuliglig, may mga negative vibes pala sa paligid mo ha... hehe... easy lang sis, chillax lang kayo ni baby Lucas Ram... halos same ang name ng baby natin Luke Carlyle naman kay baby ko... :D Sis, natawa ako sa spotlight issue mo hehe... kabaliktaran naman sa akin, ako naman nagsususngit na kasi walang tigil mga tao kakabati sa akin at kakatanong kelan lalabas si baby, sabi ko nga sa kanila magsasabit na lang ako ng karatula nakalagay EDD ko at gender ni baby.. ;D

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #23 on: December 09, 2011, 02:02:01 pm »
blouie - mine is sinusukat every checkup ko. nakakaloka kasi nung 21 weeks ako, 15 cm; tapos nung 25 weeks biglang 22 cm. sabi ni OB ako daw ang tumataba. di naman ako sinabihan ni OB na magdiet or anything kasi yung weight ko eh swak pa. ako na lang sa sarili ko ang nagbigay ng initiative na medyo bawasan ng konti yung rice. tapos more and more veggies and fish pa ako. after a week, naglose ako ng 2 pounds. sana lang, ako ang nawalan at hindi si baby.

kuliglig - hehe.. minsan talaga gusto natin tayo ang nasa limelight. ganyan din ako. pero wala naman akong kinakainisan or something. medyo dramatization ako ngayon kasi nabubwisit ako sa work from home ko at balak ko na hindi na magrenew ng contract come january.

kaice - happy bday kay doc!

bettyboop - naku sis! yung mama ko, hinimas si tummy nung isang araw.. sabihin ba namang "baby Gean, ang tagal mo lumabas!" mega react ako.. sabi ko "Ma, wag mo muna palabasin at premature pa yan! baka makinig sa yo!"  ;D

re UTI - ewan kung bakit hindi ako masyadong worried dito. hindi naman cloudy urine ko. walang sumasakit. malakas naman ako uminom ng tubig at hindi naman ako nagsusuot ng masisikip.

re pagtigas ng tyan - eto! guilty ako dito. hindi pala normal yun? haha.. pero sa gabi ko lang to nararamdaman, pag matutulog na kami ni baby Gean. pag tumigas, hinihimas ko tapos kinakausap ko si baby Gean tapos instantly naman nawawala yung paninigas.

re yaya - ayaw ako pakuhanin nito ni mother in law.. haha.. kaya lang, maghahanap talaga ako.

share ko lang mga sis.. para tuloy ayaw kong pumunta sa noel bazaar sa PICC.. haha.. on monday kasi, pupunta kami ng friends ko sa World Bazaar then to Noel Bazaar. bigla kong nakita ito..

http://www.smartparenting.com.ph/home-living/gift-suggestions/50-christmas-gifts-for-everyone-on-your-list

i sooooooo love yung plastic bib sa page 3!!!! hay Lord, temptation to buy!

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #24 on: December 09, 2011, 02:12:30 pm »
Re fundal height > Saken din inistart na magsukat nung 6 months ako. Pero di naman sinasabi saken kung ano yung actual length. Basta normal daw. Dapat pala itanong ko next time.  ;D

Re UTI > Last UTI attack ko, parang months ago na ata. At sana wag na maulit ulit. :(

Re yaya> Eeeeep. Pag wala talaga kami nakitang matino, magwwork at home na talaga ako.


^Sis bettyboop > Talaga? Wooow, ang cute! :) Magka-name halos baby natin! :) Carlyle ---> dahil sa Twilight? Hihi, wala lang nacurious lang ako. :) Ako Lucas kasi sa bible and pati kay George Lucas kasi super Star Wars fan ako. :) Hahaha. Natawa naman ako dun. :D Minsan nga nakakaasar din yung ganun, daming tanong nang tanong. Okay lang sana if genuinely concerned, kaso yung iba para lang may maisama sa chismis eh.  >:(

^Sis princessrio > hehe. I'm glad to know di ako nag-iisa. :) Siguro something hormonal lang to kaya may kinaaasaran ako. Gusto ko sabihin sa mga taong yun, "Ano ba, wag nyo ko sabayan! Moment ko to!" Hahaha! :) Work at home ka sis? Saan? Curious ako, gusto ko rin sana kasi magwork at home eh.

^Sis kaice > Happy birthday to your hubby! :) Wala ba tayong free pens na may name ng meds? tee hee!. Joke lang. :)

jenybasti

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #25 on: December 09, 2011, 02:17:06 pm »
sis blouie11-thanks.sana nga ok naman si baby sab.wala naman akong nafifeel na kakaiba yun nga lang minsang paninigas ng tyan ko pero sabi normal lang naman daw basta gumagalaw si baby. naka 2 sets na ko ng anitibiotics 1st cefalexin tapos 2nd cefuroxime.everyday na nga ako nag bubuko juice.di lang kasi talaga maiwasan kumain ng maalat, which is ngayon eh pipigilan ko na talaga.wala rin naman akong nafifeel regarding nga sa uti di naman ako hirap mag wiwi kaya lang nung pinarepeat ako ng mga labs eh dun nga nakita nung nagpa urinalysis ako.
sis bettyboop1322-chineck ko nga rin yung record nung sa panganay ko @31 weeks 27cm ako nun tapos @33 weeks 33cm naman.nung nagpa ultrasound naman ako last dec.6 just to make sure ng gender ni baby estimated fetal weight naman na nakalagay eh 1734grams and i think normal naman.pero ok lang naman magpa ultrasound ulit makikita ko uli si baby sab :)

graceria07

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #26 on: December 09, 2011, 02:18:26 pm »
ako din nagpacheck kahapon.. 32 weeks based on my LMP., sinukat din pero di sinabi yung FHT
pero pinatigil na ako mag vitamins at mag Anmum.. Vit C at iron na lang daw.
bawal sweets, chocolates ice cream etc... magdiet na daw ako hehe
breech pa din si baby.. papaultrasound ako on my 36th week para macheck yung options sa delivery
pero sana umikot na si baby para normal lang kami.

kaice

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #27 on: December 09, 2011, 02:29:26 pm »
yey! natapos ko na yung video... pero kailangan pa ng konting enhancement

bakit ba sobra kong antukin the past few days? pagod din talaga siguro kasi ang daming rush and deadlines parang all i want to do is sleep :)

UTI - minsan paranoid lang ako kaya ako lagi nagpapaurinalysis pag masakit ang balakang ko plus buko juice talaga and lots of water

paninigas ng tiyan - pag stressed ako, super bilis maglakad, madaming iniisip, parang natritrigger pero i have isoxillan for this at kinakausap ko din si baby kate. actually lahat yata ng gingawa ko eh kinakausap ko siya pag ako lang ha.. baka mapagkamalan akong baliw sa daan :)

attention - naku normal yata talaga yun plus maiinis ka sa mga taong pilit nagbibigay ng pregnancy and baby advices even unsolicited. hehe! mabilis magtampo, nade-depress, etc. kagabi nga umiiyak ako kasi parang ang stressful ng day tapos pagdating sa house mag isa lang ako kasi duty si hubby, nung binati ko siya ng happy birthday eh umiiyak talaga ko kasi i badly need a HUG tapos super galaw ni baby kate, baka na-miss din ang dad nya :) i know this is uncomparable sa mga LDR couples.

depression - the gloomy weather and the season's rush is badly affecting my depression. i feel i'm becoming inefficient and i lack focus and motivation to finish whatever i am to finish. feeling ko manic-depressive sign din sya. i am in the same case as a friend who needs to drink meds to push that little button in the brain to exert effort pero di ko siya pwede i-take since preggy... depression is really hard for pregnant women, at some point eh gusto ko na magbreakdown pero kawawa si baby kate if i wont be conscious of my actions.

yaya - ayoko ng kamag anak! for some reasons, mas mahirap pag kamag anak ang kasambahay plus family related issues cant be put aside. pag umalis sa inyo, ang daming tsismis sa ibang kamag anak even you treated them ok.

princessrio- gusto ko din mag-bazaar pero araw araw may christmas party, kamusta naman haha! pero yung bib nakita ko yan sa Noel Bazaar nung november :) feeling ko lang di pa kailangan haha!

kuliglig - naku madami dito haha! at dumarami na rin ang eco-bag na giveaways, pinapamigay ko kasi maiipon sa house hehe :)

graceria - naku, may mga methods sa ibang thread na pinapagawa para daw umikot though di ko alam kung may scientifc basis ha... may tumutuwad for 10-15 minutes twice a day then meron naman put earphones daw sa lower part ng tummy para hanapin ni baby yung sound and dun pumunta yung ulo nya.. nothing harmful to try naman, at least may chance mag normal delivery :)
ang bilis ng oras at ang bagal ng utak ko.. ang dami ko pang gagawin haha! :)

den.nica

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #28 on: December 09, 2011, 02:30:39 pm »
joining :)

simplyshao

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #29 on: December 09, 2011, 02:34:06 pm »
sis blouie, mga ganun nga sis 2nd tri sinusukat ang FH. Dito sa prenatal book ko nung ika-15th weeks ko nagstart si OB mag sukat ng FH. Nakarecord dito sa book ko ang FH every visit.

Re: UTI, walang symptoms sis khit ako nagulat din kasi nung nagpa-urinalysis ako ayun lumabas n may 50-100 PUS cells ako...after a week urinalysis ulit 26-50 PUS cells...12 days ako on antibiotics...after another week urinalysis ulit 9-12 PUS cells. Then, my OB decided na stop meds n ako tapus 1 week cranberry and buko juice ngyn weekend urinalysis ulit ako. Grabe, 3 weeks n ako paulit ulit ng urinalysis.

Re: Paninigas ng tyan...ako din nakakaranas nyan. Sinabi ko kay OB sabi nya normal dw n tumitigas yung tyan natin lalo n pagmalaki n si baby pero dapat daw hintatagal ng ilang minutes. Maximum of 8 episodes in a day. Pero dapat daw seconds lang to 5 or 10 minutes lang ata. (hindi ko matandaan) Ask ko ulit siya. Kung matigas p din try to relax or higa. Pag matigas p din she gave me a medicine uterine relaxant.
 

bettyboop1322

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #30 on: December 09, 2011, 02:35:35 pm »
sis kuliglig, iba naman ang spell ng name ni Dr. Carlisle Cullen ng twilight.. hehe... pero die hard fan talaga ako ng twilight saga, sana nga EJ (Edward Jacob) lmao!!!  ;D ;D ;D Luke Carlyle name ni baby ako nagbigay kasi sa panganay namin si hubby nagbigay ng name.

sis princessrio, parang yung son ko si mama mo sis... palaging sinasabi sana lumabas na brother nya.. lol... sabi ko di pa pwede kasi nagpapalaki pa sya sa tyan ni mama... :D
mukha super excited ka sis... mga 5 to 6 months pa ni baby magagamit yan plastic bib na yan pag nagstart na sya ifeed ng solid foods... :D

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #31 on: December 09, 2011, 02:49:42 pm »
^Sis graceria, ako rin feeling ko breech pa si baby. Sana umikot na babies natin, para normal! :) Na-try ko din yung earphones sa lower part ng belly, pero yung tuwad thingy hindi pa, although naririnig ko na rin yun. :)

^Sis kaice, ako rin super antok. Kahit 10 hours na ang sleep sa gabi, parang kulang pa rin. Pati nga pala naninigas na rin yung akin pag nagmamadali maglakad, pero nawawala din agad, so hindi ko masyado naiisip. :P Yun dang isip ko pag kamag-anak, tipong may kakalat pang chika kahit okay naman ang pagtrato. Ma-bad shot pa ko sa ILs. :( Super asar talaga pag may nagbibigay ng unsolicited advice, pero yung dating parang nagmamayabang lang. :P Yung iba pa, super mapamahiin... at nangfforce pang gawin mo yung kung anuman. Eeeep!

^Sis bettyboop, onga pala. Kala ko baka natrip nyo lang baguhin ang spelling. :) Hay, super gwapo talaga ng name na Edward Jacob.  ;D Baka paglabas pa lang ni baby, pagkaguluhan na ng mga nurses! :)

^Sis simplyshao, talaga? Hala, pwede pala kahit walang symptoms. Eeep! Parang gusto ko na rin pa urinalysis to make sure.

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #32 on: December 09, 2011, 02:52:57 pm »
bettyboop - oo, excited talaga ako!  ;D pero knowing me naman, for sure mapipigilan ko mamili ng things ni baby.  ;D or kung bibili ako eh isa man lang. haha..

simplyshao - i've yet to tell OB regarding paninigas ng tyan. hindi naman kasi sha matagal at hindi lagi. sa gabi lang pag tutulog na ako. di ko alam kung ano ginagawa ni baby Gean sa tyan ko.

kaice - ako din ayaw ko ng kamag-anak. parang naiilang ako utusan. tapos parang pag maglalakwatsa ang family, dapat kasama sha eh mama ko, gusto pag family, family lang ang umaalis. tapos parang ang hirap magkuwentuhan pag regarding sa pamilya or relatives.

graceria - natanong mo na si OB kung pano gawing cephalic si baby? ako panay ang kausap ko kay baby Gean na pumusisyon sha pag time na namin. tapos pagcheck ko nung last ultrasound ko, cephalic pala sha.. haha.. di kaya naguguluhan ang anak ko sa akin? pero sana maging ok na position ni baby mo. regarding naman sa milk and meds, matagal na ako nagstop ng Anmum kasi nasa healthy side ako. sabi ni OB, mukhang ok naman pinagkakakain ko for baby kaya shift ako sa nonfat hanggang pinatigil ako. ngayon ang meds ko lang eh ferrous sulfate and caltrate.

kuligs - yung wfh ko eh yung pinanggalingan kong company. medical editor ang work ko sa kanila. pero gusto ko na umayaw kaya matinding pag-iisip ang gagawin ko, although pumayag naman si hubby na wag na muna ako magwork starting january kasi malapit na rin naman kabuwanan ko non.


kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #33 on: December 09, 2011, 02:56:25 pm »
^Talaga sis? Super hirap ba ng work? Eeep. :( Sana makahanap ako online jobs na di masyado hassle. Or better yet, pumayag sana company ko na magwork at home na lang ako sa pagtuturo.  ;)

kaice

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #34 on: December 09, 2011, 03:00:30 pm »
princessrio - ako din parang ayaw ko na muna mag work haha! pero di talaga pwede, hanggang lumabas si baby eh papasok pa din ako, dadalin ko na lang yung baby bag sa office ni hubby kasi 2 doors away lang naman yun sa delivery room haha!

baby position - feeling ko naman eh cephalic pa rin si baby kate kasi same area kung saan ko sya nararamdaman :) pero parang nagpanic ako nung last time na di kami nakatulog ng maayos kasi parang tanghali na di ko pa nararamdaman sumayaw... napuyat siguro at bumawi ng tulog hehe! :)

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #35 on: December 09, 2011, 03:17:35 pm »
speaking of UTI hay naku based sa last test ko meron pa din ako..  :'( buong pregnancy ko yata meron although pakonti ng pakonti sa bawat check up.. hindi na ako binigyan ng antibiotics dahil wala ng mareseta saken.. allergic kasi ako sa ammox and all under ammox kaya mahirap ako resetahan.. kaya water therapy lang talaga.

wala naman masakit sa akin.. at sa totoo lang, tummy lang nagbago sakin.. lumalaki :P bukod dun wala na. mag 33 weeks na kami ni baby this Monday and so far as per last check up nung December 6 everything is perfectly fine sa baby ko. :)

cephalic na din position nya.

iristacey

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #36 on: December 09, 2011, 04:17:26 pm »
ako last check up ko last saturday, breech pa rin si baby. kinakausap nga namin ni hubby na magcephalic na siya. :) ginagawa ko din yung maglagay ng earphones sa baba ng tummy pero hindi ko alam if effective. :)

iristacey

  • Guest

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #38 on: December 09, 2011, 05:50:49 pm »
^^ sis ilan weeks ka na? usually umikot pa yan e.. yung SIL ko 36 weeks umikot pa si baby nya.

knack

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #39 on: December 09, 2011, 05:54:25 pm »
ako naman ever since cephalic talaga si baby kaya feeling ko wala ako magiging problema yung sa pagtuwad ngayon ko lang nabasa or narinig yan pero halos araw araw ata ako tumutuwad pag matigas yung tyan ko o masakit o may gas kasi mas comfortable sa pakiramdam at parang na iistretch yung balakang ko... basta maganda sa pakiramdam hehe..

yung mga ka ofice ko pinagleleave na nila ako dahil napakalaki na ng tyan ko parang puputok na daw.. mas malaki pa kasi tyan ko sa mga ibang buntis dito na kabuwanan na.

yung mga friends ko pala last sunday nag lunch kami binigyan ako ng bottle sterelizer na chico mukang ok nman, sino sainyo may chico na sterelizer okey kaya yun? tatagal kaya? sale kasi binili ng 1999.95 pesos hehe yung isang ka office ko nman sabi wag na daw ako bumili ng baby bag sya na daw bibili for me hehe nakakatuwa mga tao dto office buti nalang napakabait kong tao hehe puro good karma...

heto pa good news pala dito office $500 or 15k magbibigay ng bonus yung boss namin sa lahat ng employees dito sa office na my 1 year na,by the end of january daw ibibigay pero feeling namin mga feb pa ibibigay yun kasi last year ganun din ginawa nila mga 28 na ng feb binigay kala namin wala na this year buti nalang meron pa... nakkatuwa lang since annual increase din namin ng sahod ng feb tapos yang 15k pa na dagdag plus yung sa sss maternity ko 20k na makukuha ko after manganak napaka swerte naman ng baby namin dahil parang naka ready na ang pangbinyag nya.... tapos nitong 27 makukuha ko na muna yung 10k from sss tapos pag naka leave ako bayad pa kaya parang may pambili lagi ng diaper at gatas si baby di mauubusan :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close