watch now

Author Topic: bf has no time for me  (Read 25228 times)

ettevyvi

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #40 on: April 15, 2012, 09:30:05 pm »
Sis annd, wag ka na magexpect. Relationships end because there's a reason. I don't think, too na dapat ikaw pa nagdala ng gift sa condo nya. Baka magkita pa kayo. And not because a guy is nice doesn't mean he will be on all aspects. :)

meisaia

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #41 on: April 16, 2012, 09:07:14 am »
i wanna answer this question of yours:

"bakit kaya ganun no, tumatagal, lalong sumasakit."

this is straight to the point. sorry kung masasaktan ka or if i may seem too frank to you. anyway, the answer to this question is simple. just look at all the stuffs you're doing. you're not helping yourself to move on. you're still holding on to the thought na "maybe kayo pa rin" "maybe mahal ka pa rin niya" "maybe sa huli marealize niyang mali siya".

sis honestly, this guy... even if he really loves you or even if maging kayo ulit... mali pa rin yung ginawa niya. leaving the girl he loves for a bar exam?? no way. yung pressure or whatever, sorry they sound like excuses to me. lalo na willing kang magcompromise pero he still said no.

no-contact rule sis. paano nia malalaman kung ano yung magandang bagay na nawala sa kanya nung iniwan ka nia kung andyan ka pa rin lagi para sa kanya. friends kayo ng family nia? easy... stop being friends with them. imo, kung ako yung kapatid or whatever nia... maiintindihan kita. syempre ganon talaga ang cycle ng buhay.

now to put it simply, naintindihan ko yung isang friend mo na nagalit sayo. nasasaktan ka kasi you're not helping yourself. habang tumatagal sumasakit lalo cuz you gave him license to hurt you. sabi nga nila, "it is called a "BREAK"up for something." how can you break up kung nakaconnect ka pa rin sa buhay niya? ;)

junetwentythree

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #42 on: April 16, 2012, 09:40:07 am »
^ Salamat sis, meisaia for this no holds barred post. I've been thinking about posting on here for the longest time but I just couldn't formulate something that wouldn't come out offensive. I'm so tired of these "WOE IS ME" posts on here.

To the OP: If you want the honest, brutal truth, you are being ridiculous. You are blind. You are absolutely wasting your time. Deal with it. Then move on.

annd

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #43 on: April 16, 2012, 11:20:00 am »
sa totoo lang, ayoko kasi ng naiiwan ako sa ere, ayoko ng may malabong sagot. sana magkaron ng sagot kung bakit ganito mga ginawa nya, kasi wala naman sya sinabi sakin. di ko na alam talaga.

meisaia

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #44 on: April 16, 2012, 11:51:40 am »
^
sino bang may gusto ng iniiwan sa ere. kahit ako ayoko ng ganon. pero its out of your hands.

sis ayun na nga ang ginawa nia di ba. ayaw mo ng nang-iiwan sa ere so dahil ba dun ikaw yung susunod sunod sa kanya hanggang sa mahanap mo yung sagot mo? ayan na nga yung sagot eh. iniwan ka na niya. atleast di ba, hindi ka nia sinabihan na "maghintay ka muna". mas masakit yun kapag ganun ang ginawa nia.

im really sorry. pero stop living in the idea na "baka may maganda siyang dahilan". you're just feeding the fantasy na hindi niya sinasadyang saktan ka. eto lang ang basic rule ko sa mga ganyan eh. pwede ko siyang pagbigyan kung hindi niya alam na sinaktan niya ako... pero yung fully aware siya na masasaktan ako at tinuloy pa rin niya... nako iba na yun.

i can tell you a lot of things pero sana sis, mahalin mo na muna sarili mo. cliche man, pero hindi lang siya yung lalaki sa mundo. you don't need a guy na magkaron lang ng pressure sa buhay eh ready kang igive up.

what if naging kayo ulit? tapos napressure siya sa work niya... ok lang sayo na ibreak ka niya ulit?

junetwentythree

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #45 on: April 17, 2012, 12:51:08 am »
sa totoo lang, ayoko kasi ng naiiwan ako sa ere, ayoko ng may malabong sagot. sana magkaron ng sagot kung bakit ganito mga ginawa nya, kasi wala naman sya sinabi sakin. di ko na alam talaga.

Welcome to life. You won't always get the answers to everything. You'll need to learn how to deal with it as it is. You need to learn how to walk away.

ettevyvi

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #46 on: April 17, 2012, 03:59:38 pm »
Sis, hindi ba sagot na 'yung iniwan ka nya sa ere? Sagot na wala syang kwentang lalaki? Why do you need to know why when you already have the what? If you do know why, would that change things? Would that change the fact that he is, a j.. you know what I mean.

meisaia is right on, hindi excuse ang bar exams AND ANY KIND OF. He's just making excuses to justify his ****tty behavior.

Walk away NOW. Girls, always remember, NO guy is worth giving up your dignity for. NEVER.

dumpee.o13

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #47 on: April 18, 2012, 02:45:37 am »
^ i totally agree w/ them, sis annd. i thought dun sa last nating pag-uusap e nakapagdecide ka na na ayaw mo muna syang makita at makausap kasi gusto mo nang magmove on, kasi gusto mo na ng bagong buhay na wala sya. pero ngayon baliktad na ulit, sis.. :( i definitely understand what you're going through right now. kahit papano kasi andun pa yung hope mo na magkakabalikan pa din kayo. dumaan din ako sa ganyan, sis. yung tipong iniisip mo na anytime he'll realize na mali yung ginawa nya. lamo sis, kung talagang marerealize nya yan e matagal na kahit pa di ka gumawa ng way for him to realize that. (kahit di mo aminin sis, yung mga ginagawa mo e ginagawa mo dahil may gusto kang patunayan, dahil may gusto kang iparealize sakanya). trust me, i've been there, done that. sa totoo lang, mas marami pa nga akong effort na ginawa compared sayo e' pero di sya bumalik, di nya narealize na ako dapat. i know iba-iba ang isip ng tao, but he bottonline sis, if he really loves you and he wants you in his life, babalik at babalik sya sayo. pero hindi dba? don't you think, you have to give yourself a break? siguro, di mo pa maiisip yan sa ngayon but eventually, you'll get tired. yung tipong ikaw na lang nang ikaw ang nag-eeffort at wala ka naman nakukuha from him. think first of yourself, sis. for me, nakatulong sakin yung experience ko na yan kasi napagod ako at naisip ko ang sarili ko. sana ikaw rin, sis. i really hope you can get through all of those. no one can ever help you move on except yourself. yan ang natutunan ko sa lahat. just pray to have enough strength, sis annd. godbless :)   
« Last Edit: June 01, 2012, 05:40:14 am by dumpee.o13 »

ReservoirDogs

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #48 on: April 18, 2012, 08:58:38 pm »
Sis, on the very first page of this thread, I already said na when the guy leaves a girl, usually yun na yun. I think the only way for you to move on is kapag nagkaroon na ng ibang girlfriend ang ex mo.

As what others have posted, hindi excuse ang bar exams.  I also posted on the first page na ang friend ko got married to her husband who was a law student at that time they got married.  He was studying for the bar exams when they got hitched.  So honestly, crap lang ang excuse na "no time".  I mean why commit to a person if you have no time di ba?

Kung gusto, maraming paraan, kung ayaw, maraming dahilan.

whitelady17

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #49 on: April 19, 2012, 10:49:46 am »
ay sister, may gift ka pa, sweet pero sana wala na lang diba, kasi kung talagang gusto ka niyan kahit walang pera ang guy eh hindi makipag break iyan. Take the case of Prince William and Princess Kate, diba nag break sila before, ano ginawa ng girl?  hindi niya pinakitang affected at malaking kawalan sa kaniya si guy, sinusundan pa rin siya ng mga reporters mas lalo siyang nagpaganda and mas napansin ng maraming tao, alam naman natin ang ending ngayon. Give him time to realize na mahal ka niya at hindi awa ang nararamdaman niya. If you want to congratulate him, text message will do.

Sis, reality check kahit naman pumasa sa Bar exam niya iyan at kahit top 1 pa siya sa batch niya, ano ang kasiguraduhan mo na babalikan ka niya? You have given him all the time in the world para makipagbalikan and yet no improvement. Girl its time to give yourself a break.
and move on ka na. I bet by next year tatawanan mo ang lahat ng post mo dito sa thread na ito

ettevyvi

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #50 on: April 19, 2012, 11:38:18 am »
Siguro, nasasaktan ang ego mo kaya when he's not pursuing you... You feel shattered.

Sis, I could not stress this enough pero tama na na minahal mo sya. It's time for you to love yourself. As in love yourself na hindi mo kailangan sya para lang masabi na may kwenta ka pala. That's why you have to cut the contact now from him. Para makapag-isip ka ng mas maigi. Get away from him already. Hindi na naman kayo, so why expect he'll think about you and be the center of his universe? Hindi na sya invested sa 'yo eh.

Darating ang araw na magsasawa ka sa kakaisip at kaka figure out. But you can't do that if you're clinging with hope. You could always hope that there is a guy better than him, though.

You can't see the bigger picture if you won't step back. Parang painting yan, it doesn't make sense kapag tinitigan mo kasi puro strokes lang. But if you step back, saka mo ma-aappreciate ang kagandahan nya.


Be strong girl, be super strong. :) Kaya mo yan kung mag-fofocus ka sa sarili mo. Break ups suck but that doesn't mean you have to be one. :)
« Last Edit: April 19, 2012, 11:55:00 am by ettevyvi »

sakura_bloom

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #51 on: April 19, 2012, 11:28:23 pm »
^I agree with sis ettevyi! :)

Be strong and postive! :)

iamshiela

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #52 on: April 20, 2012, 12:44:31 am »
ang masasabi ko lang kay sis annd and sa mga actions niya, i really hope you prove to be the exception to the rule.

purplerae

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #53 on: April 20, 2012, 01:16:47 am »
same things happened to me. Binreak ako because kelangan daw niya ng time para mag aral..  engineering course niya. nagumpisa lang away namen dahil sa wala siyang time sakin then bigla siyang nakipagbreak kasi nga mag fofocus siya sa studies niya. At first ganyan din ako, umaasa na sana hindi na lang kami nag away. I also beg na maging kame ulet. Pero ayaw na niya . Dumaan yung ilang months na umaasa lang ako . Sobrang pumayat ako. Tinulungan naman niya ako makapag move on kasi binlock niya ako sa friendster (uso pa friendster eh) nagpalit din siya ng sim . Kaya naging madali sakin. Mabait din family niya sa akin at iniinvite pa ako kapag may event sa kanila (chinese sila kaya mahalaga family sakanila, tinuring na kasi akong daughter ng mama niya since walang anak na babae) pero hindi ako pumupunta . Tinulungan ko sarili ko pero hindi nawawala yung umasa. After ilang months nagka boyfriend ako. Doon siya biglang nagparamdam. Habang tumatagal nagsisisi siya . mag 4 years na kami ng boyfriend ko nayon. Masaya ako kesa sa dati kong relationship. Hanggang ngayon sinasabi niya sakin na maghihintay siya. Nagkakaroon naman siya ng girfriend pero palageng nagbebreak agad kasi hinahanap daw niya yung katulad ko.  Pero sinasabi ko na magiging masaya din siya tulad ko at sana makapag move on na siya

just sharing my experience na halos kapareho ng sa iyo. Shinare ko lang kung ano ginawa ko ..  mabait talaga si god kaya wag ka na sana malungkot. Si god ang bahala sa araw araw natin

dumpee.o13

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #54 on: April 20, 2012, 05:02:29 am »
just sharing my experience na halos kapareho ng sa iyo. Shinare ko lang kung ano ginawa ko ..  mabait talaga si god kaya wag ka na sana malungkot. Si god ang bahala sa araw araw natin

^ nice sis, bandang huli talaga yung mga nang-iwan at nanloloko ang nagsisisi e' hehe' (not pertaining to all pero usually lang. Ü) hope all is well with your relationship sis, goodluck! :)
« Last Edit: June 01, 2012, 06:22:34 am by dumpee.o13 »

meisaia

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #55 on: April 20, 2012, 08:59:27 am »
bakit naman si bf nag-board exam siya pero di niya ako ni-break. :-\

dahil ba board exam yun and mas mahirap ang bar exam? nagdemand din ako ng oras sa kanya nun. lagi rin kami nag-aaway dahil sa kawalan niya ng time sakin. pero hindi niya ako brineak.

what we did? we compromised. ako pa nga gusto makibreak sa kanya kasi hindi ko gusto ng ganong uri ng relasyon pero siya yung nagsabi na magcompromise na lang kami para mawork out namin.

sis, kapag mahal ka niya... hahanap at hahanap siya ng paraan para magstay kayo sa relationship. pero pag ayaw na niya, ayaw na niya talaga.... at hahanap siya ng dahilan na sa tingin niya eh hindi gaano makakasakit sayo. syempre kapag sinabi niyang "hindi na kasi kita mahal", it will break you to pieces, right?

i hope sa paghabol mo sa kanya, magbunga yan ng maganda. para naman kapag tumanda ka, maisip mo na it's worth it.  :)

annd

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #56 on: April 20, 2012, 08:57:11 pm »
Tama kayo. Ayoko na rin naman umasa talaga :) thanks mga friends. If its meant to be, it will be. :)

dumpee.o13

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #57 on: April 20, 2012, 11:39:42 pm »
Tama kayo. Ayoko na rin naman umasa talaga :) thanks mga friends. If its meant to be, it will be. :)

^ yes! so true, wait ka lang. and the right person will come, kahit di mo hanapin e darating sya. goodluck sayo sis =)
« Last Edit: June 01, 2012, 06:25:21 am by dumpee.o13 »

meisaia

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #58 on: April 23, 2012, 08:33:28 am »
Tama kayo. Ayoko na rin naman umasa talaga :) thanks mga friends. If its meant to be, it will be. :)

be strong sis. kaya mo yan. darating din yung time na mawawala yung pain. just help yourself. enjoy being single. pamper yourself, you can try travelling or go into a retreat. im sure makakatulong yun sayo.  ;)

ettevyvi

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #59 on: April 23, 2012, 08:26:14 pm »
Tama kayo. Ayoko na rin naman umasa talaga :) thanks mga friends. If its meant to be, it will be. :)

Yes. Mahirap sa simula, pero pasasaan din at makakarating tayo sa goal ng pag momove on. :) Mahalin natin ang sarili natin completely. Iiyak ang iiyak, magmura kung kinakailangan. Pero we don't have to be crazy. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close