watch now

Author Topic: Horror Guests  (Read 91054 times)

Purple_Power

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #280 on: March 08, 2016, 08:14:52 pm »
^Paano mo na convince na huwag ipasama sa picture taking yung naka blue na yun? Buti hindi na offend?

gc.garcia

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #281 on: January 26, 2017, 06:01:27 pm »
Mejo off topic my kwento but in a sense mejo may relate.. hehe

This happened in Nov 2015. I had planned to travel to Cambodia then with my bf and eventually extended the invite to my close cousin. I offered naman that I could pay for our accom kase mura lang for me since I worked overseas. Eventually, a month in for our annual vacay, bf backed out since he had to stay since yung mom niya passed away a few months prior to it, so understood na yun na he couldn't go. So what I did was I invited my friend in place and told my cousin about it kase nga I booked the hotel and everything na. So my cousin asked if pwede dalhin bf niya instead which I said ok kase this bf was very mabait sa family namen and had previously nagbantay and talagang naeffort to take care of my younger brother when he was confined to the hospital. So ayun nga, parang days before the trip my friend backed out all of a sudden which kinda pissed me off pero I couldn't get angry kase I understood yung reason niya. So ayun, my cousin nalang asked again kung pwede isama mom ng bf kase daw bago kakarenew lang ng passport, need daw magkastamp kase nareject previously for Australian or Canadian visa daw. So ako nman since there was extra room, ok lang no biggie. The trip went smoothly for a few days up until the 3rd day we were there, kase that day we went and crossed the border to Thailand since it was offered sa hotel na pinagstay namen which we found mura kaso what we didn't anticipate was yung travel time by land from Siem Reap to Bangok. We were stranded in land border for 4 hours dahil sa haba ng pila :o

Ayun lesson learned. We arrived in Bangkok (super traffic dito  :( )mejo padilim na and all we had done was roam the night market. So ayun, yung mom ng bf eh kept complaining the whole time na masakit na daw paa niya and balik na daw kame within an hour of being there and this was after she was done buying all of her angkan ata a ton of pasalubong AGAIN :o Actually, wala naman yun samen eh kase pera ng mom ng bf un, pero kase we had agreed previously na since late ang bus the next day going back to Siem Reap eh mag grab taxi nalang kame and divided yung cost ng fare. So ayun , roam roam na kme, eh hindi pa nga kame nakakikot and nakakabili man lang ng pasalubong ng pinsan ko eh nagiinarte na yung mom ng bf niya kase gusto na daw bumalik, my gosh, paano naman yun eh from Bangkok to border eh atleast 4 hours ang biyahe tapos dadating kame dun madaling araw na. hello? sarado pa border kaya  :o Nagtanong kme gusto mag check in ayaw naman, yun pala ubos na pera nila DAHIL KAKABILI NG NANAY NIYA NG PASALUBONG NG ANGKAN NILA  :o

I think ang pinaka-nakakainis was napilitan kame to go back in the middle of the night by taxi tlaga and when magbabayad na kme ng taxi, me and cousin gave the exact bill we agreed upon tapos sila mag ina kalahati lang ang share kase nga inubos na ng mom ang pera nila, super nakakahiya sa driver kase he made an effort na ihatid kame out of his way tapos ganun, ending I paid for sa kulang nila which was what the %&*$ talaga  >:( ... Ang nakakatawa pa sabe nila hintay nalang kme sa saradong mall sa labas till border opens :o I was like, ha? eh 3 am palang kaya.. magoopen ng 8 or 9 am yung border.. ok lang kayo >:( .... Sa sobrang asar ko, I let go being nice nice and dragged my cousin sa nearby hotel where we checked in. Walang nagawa ang mag-ina kundi sumunod and nung bayaran na eh i told them, please pay for the accom (I would gladly pay but since I paid for their fair eh tlagang I insisted they pay for the accom).. Nagalit yung mom kase pala ang pera naiwan sa kanya eh $100 nalang so ang sinukli sa kanya eh baht which is lugi... Didn't really mind she was pissed kase yung binayad ko sa fair nila eh $$ din naman kase ang tinira ko nalang talaga na baht eh yung bayad sa taxi. Anong ending? Yung mom eh di kame pinansin the next day talaga, mega deadma then nung nakabalik na kme sa hotel, she refused to eat with us at all and nung paalis na kme to go to Pub Street, we really heard their argument na mag-ina in the next room.. as in sigawan with matching hagulgolan sa sobrang galit ata ng mom niya. My gosh ??? ( I remember yung bf went to our room pa na umiiyak, tinawag yung cousin ko to go to their room, I heard the mom shouting na pasensya na kayo (cousin's name) sinira ko ang bakasyon niyo.. The nerve! I was even hearing my cousin back then, asking her calmly and politely what was the problem... Gosh! My cousin even offered to reimburse her the money and on top of it all, yung pinsan ko pa ang nag-apologize for the inconvenience!   >:( Yung bf niya stood aside lang, hindi man lang pinagtanggol cousin ko and inaway pa ata pinsan ko kase daw bakit yung pera nila ang binayad namen sa hotel!  Ang kakapal ng mga mukha nila! Sinumpa ko talaga sila after that scene! >:(

Share ko lang kase  for me, ok fine, mas matanda ka, ikaw ang elderly pero naman, I extended my invite to you, I was a gracious host to you since I paid for the hotel, transpo and food from the hotel for the entire trip, the least you could do naman sana was makisama. Parang konting hiya naman diba? I was so pissed not only because she made the vacay so awkward for us but more on, my cousin was crying her eyes out to me after she came back from their room! >:( Talagang sa Cambodia pa nila dinala issues nila sa pamilya? Jeez ???

Ayun upon check out nung magbabayad na biglang inabutan ako ng PHP 1000 which I politely declined. She insisted with parinig na ahh hindi na, nakakahiya naman so tinaggap ko since napika naman ako haha! I told my cousin next to me, grabe future MIL mo ah.. inabutan ako ng 1k eh yung room bill nila nasa $160++  ::) Kaloka! Natawa nalang ako! Super apologize si bf kase nga hiyang hiya sya saken. Later on I learned, nagpadala relatives nila from states ng allowance nila mag-ina separately for the trip, bale yung money ni bf eh sa mom din pinadala para minsanan tapos yung trip namen yung mom lang pala talaga ang humawak ng pera niya and take note naubos lahat yun kakabili ng pasalubong sa buong angkan nila (Yung dad nya and mga kapatid got atleast 2 shirts or pants or shoes). Isang shirt lang nabili ni bf ni cousin para sa kanya from the entire trip :o Grabe ang nanay niya. Even my mom was very pissed when I told her about it. Sabe niya ang kapal naman ng face tsaka baka ngayon lang nakapag-out of the country! hahah!  ::) Pero grabe lang.. Common courtesy nman sana! Gosh!

Pikon padin ako pag naalala ko  ::)

Sorry ang haba! haha
« Last Edit: January 26, 2017, 06:25:22 pm by gc.garcia »

ayi0119

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #282 on: January 26, 2017, 10:39:46 pm »
^ baka expected nila sagot mo lahat dahil ikaw naginvite.  ;D

BTW, ang tagal nyo sa border, mejo nakakatakot pa naman dun.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #283 on: January 26, 2017, 11:48:53 pm »
^^susko sis may mag-offer lang sa akin ng tulad ng sayo ako na sasagot ng malaking chunk for our food expenses. Kawawa cousin mo sa family ng bf niya kasi walang itlog bf niya. Cousin mo pa ang nag-apologized talaga and wala man lang ginawa bf niya.

ayi0119

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #284 on: January 27, 2017, 12:50:59 am »
bata pa ba yun bf ng cousin mo gc.garcia? Parang dependent pa kasi sya sa mom nya saka wala pang source of income?

gc.garcia

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #285 on: January 27, 2017, 09:33:43 am »
^ baka expected nila sagot mo lahat dahil ikaw naginvite.  ;D

BTW, ang tagal nyo sa border, mejo nakakatakot pa naman dun.

Hi sis :) Prior to trip naman it was very clear what expenses ang sagot ko at ano ang sagot nila. Ok naman nung first few days, nung 3rd day lang talaga sila bumingo! Lol

Malas lang ata sis kase that time dame tourist na ngcrocrossover. Nagpatagal lang yung border patrol. Sobrang bagal talaga ng flow

^^susko sis may mag-offer lang sa akin ng tulad ng sayo ako na sasagot ng malaking chunk for our food expenses. Kawawa cousin mo sa family ng bf niya kasi walang itlog bf niya. Cousin mo pa ang nag-apologized talaga and wala man lang ginawa bf niya.

Ni isang libre sa food sis wala sila inextend. Haha! Bale sama ng loob lang pinabaon nila samen ::) Nagalit talaga ako nung umiyak na yung cousin ko sis, kase this cousin of mine eh strong ang personality so sanay siya sa ganyang confrontations pero when I saw her breakdown talagang nahurt din ako for her kase alam ko nasaktan siya ng sobra that time >:(

bata pa ba yun bf ng cousin mo gc.garcia? Parang dependent pa kasi sya sa mom nya saka wala pang source of income?

Younger siya sa cousin ko ng konti sis pero mas matanda pa saken. 25 na ko. Yun eh pa 30 na ata.. LOL  ??? Wala siya stable job that time sis. Bale umaasa sa allowance from relatives sa states. Buong pamilya ata silang pinapadalhan every month ng iba ibang kapatid ng mom niya dun. Yun source of income nya. hahaha! Dependent talaga sa nanay niya sis kase yung nagpaka mahadera na yung nanay niya eh di niya masaway saway. Balita ko pa pag  ayaw ng nanay niya ang work na inaapplyan niya eh di siya pwede mag-apply dun. Toinks!  ???  Ewan ko dito sa pinsan ko. Maganda and successful naman siya. Di ko gets anong pinakain sa kanya. hahaha! ::)

Naalala ko pa days prior sa trip, my cousin's mom, who's my tita was asking kung pwede sumama din. Di lang natuloy kase ang mahal na ng airfare and late na siya nagsabe. Imagine the horror story if she had been there! World War 3 yun if ever! :o  Yung mom ng cousin ko pa naman ang pinakanakakatakot sa lahat ng tita ko. Mas takot pa ko dun kesa sa sarili kong nanay! Lahat kame magpipinsan sa kanya takot! hahaha! I can't even imagine! LOL

mysterioza_me

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #286 on: January 27, 2017, 09:48:26 am »
^Naiyak na siguro cousin mo out of frustration, sobrang pagpipigil sa sarili niya naiyak siya kasi for sure galit din siya sa ginawa/sinabi ni future MIL wala lang siyang magawa. Hindi niya masagot out of respect. Nakaka-sad na walang ginawa si bf. Sana magising na cousin mo, may pahiwatig na kung anong klase maging buhay may-asawa niya pag yun nakatuluyan niya.

gc.garcia

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #287 on: January 27, 2017, 09:57:29 am »
^Sabe ni cousin nung umiiyak siya eh wala naman sa kanya yung asta ng mahadera niyang MIL kase ganun daw talaga yung ugali nun. Kaya nung naguusap usap sila very calm ang polite padin siya. Ang di lang daw niya matanggap eh yung pag walang kibo ng bf niya the entire time. Yun daw ang naging big deal sa kanya. So ayun sana nga matauhan na siya kase sila padin hanggang ngayon ::) LOL

Sayang ang beauty with matching bonggang personality niya.. hihi

mysterioza_me

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #288 on: January 27, 2017, 10:04:53 am »
Big deal pala sa kanya bakit pinalampas niya, hay nakaka-sad. Sana wag siya magsettle sa tao na sapalagay niya hindi karapat-dapat but anyway buhay at kaligayahan niya yun kaya sino ba naman tayo.

gc.garcia

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #289 on: January 27, 2017, 10:15:27 am »
^Ewan ko ba sis. Clueless din ako. Mukhang talagang tinamaan siya ng pana ni kupido kase nasikmura niya.. Sana lang its not too late when she comes to her senses one day.
« Last Edit: January 27, 2017, 03:18:03 pm by gc.garcia »

aaetfelipe

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #290 on: August 04, 2017, 01:54:32 pm »
So far, wala pa naman akong naging experience about sa horror guest, at sana  hindi magkaroon. Kapag may gathering kami,   immediate relatives  at super close friends lang . Wedding namin was held in Vigan. Since baluarte ni hubby iyon, mostly invited from my side came, kahit pa 2 hours away ang Laoag. 1st bday ng anak namin immediate relatives nalang din. Tapus on his 7th, we didn't threw a party for him, we opted to travel outside the country. I'm having my 2nd baby now, siguro binyag at birthdays same scenario ulit. Ayoko din kasi ma-stress. hehe

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #291 on: September 12, 2017, 07:10:05 pm »
It's my daughter's 7th bday party next week. 4 years din since we last had a party for her. Praying for smooth and relaxed day, no horror guests, and good weather.

lyrahs

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #292 on: September 13, 2017, 04:25:15 pm »
Naghahanda na din ako para sa 1st bday ng baby ko sa November. Kahit sa fastfood gagawin magpapa-RSVP pa din kami kasi maliit lang ang space ng party place. Hopefully walang horror guests. Ang takot ko kasi e may ininvite ako na friend tas etong si friend nagbitbit pa ng hindi namin kakilala. Sana naman walang ganun

plumpolka

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #293 on: September 13, 2017, 04:50:53 pm »
^ yan pa naman uso sa pinas. ininvite mo na nga lang mang-iinvite pa. eto namang ininvite ng na-invite, d man lang mahihiya o makakaisip na nakakahiya ba na di naman nya kilala! hahaha! best is sabihin mo lang kung ilang ang  reserved para sa kanya at kung may +1 man lang.

lyrahs

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #294 on: September 14, 2017, 03:56:13 pm »
^haynako sinabi mo pa!

May naalala pala akong horror guest (na kakilala/ex-officemate ko) sa wedding na napuntahan ko mga 3years ago naman na. Dumating sya sa reception na at isinama ang driver nya sa table namin. I don't have anything against sa driver nya pero sana kung isasama pala nya ang driver nya hanggang sa reception, sinabihan sana nya na magbihis ng maayos kasi isasama sa reception. E si kuyang driver, naka-tshirt, maong na may tastas at tsinelas. E ang mga guests lahat naka-formal! Imagine nung picture taking sa bride and groom, sinama din ni guest si driver nya, si kuyang driver lang ang natatanging naka-tshirt sa lahat ng mga naka-formal na guests.

Etong same horror guest na din na to ang mahilig magsama ng kamag-anak/driver/yaya nya pag may outing kami dati or may mga birthday na pinupuntahan.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #295 on: September 14, 2017, 04:42:18 pm »
Kuripot siguro yan sis haha kasi imbis na bigyan niya ng pang kain yung driver niya, kinaladkad niya na lang dun sa reception. I'm sure nahihiya din yung driver kasi out of place siya dun

kvandenhaak

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #296 on: September 14, 2017, 10:04:54 pm »
Very insensitive to take the driver with sa reception. I bet it's uncomfortable for everyone especially the driver. There should be an app for that...lol!

lyrahs

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #297 on: September 15, 2017, 11:36:35 am »
^Actually sis insensitive talaga sya. Hehe. As in nung paglapit nya sa amin sa table at nakasunod si kuyang driver sinabihan nya na maupo na at pumwesto na. SI kuyang driver nga ang mukhang nahihiya pa.

Nako may naalala pa ako sa same guest na to. Sya mismo nagkwento sa akin. Na-invite kasi kami sa 1st bday ng anak ng dati naming officemate na US based na, umuwi ng Pinas para magbakasyon at mag-celebrate nga ng 1st bday ng anak. Hindi ako nakapunta pero sya nagpunta. Tas nung may reunion kami ng mga ex-officemate, nagkwento sya sa akin ng mga ganap sa 1st bday ng anak ni ex-officemate. Tas sabi nya hindi naman daw sa nang-aano sya pero daw kasi galing na sa US si ex-officemate tas ang handa lang daw sa bday e chicken at spaghetti. Laglag ako sa upuan ko! Juskoday!

Same guest and same occasion na reunion ng ex-officemates (December ginawa). Sinabihan ako na wala man lang daw akong dalang gifts para sa kanila at sa mga bata e galing na daw ako abroad. Nagulat ako dun ha! Expect nya siguro na maka-receive sya ng gifts sa lahat ng nasa reunion kasi karamihan sa amin e mga nag-abroad na at nagkataon na maraming umuwi ng December kaya nag-set ng reunion. Kabog!

DI ko nga iinvite sa 1st bday ng anak ko, baka pintasan lang ako lalo sa jollibee gagawin ang bday ng baby ko.


mysterioza_me

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #298 on: September 15, 2017, 11:54:48 am »
^Hay yan ang reason kaya ayaw ko ng nagpaparty kapag bday ko or even bday ng anak ko. Bumibyahe na lang kami somewhere. Nakakaloka kasi yung ininvite mo na namintas pa.

At sis wag ka papakasiguro. Di porque di ka nag-invite lusot ka na. Yung officemate ko nag-invite ng kapitbahay since may salo-salo sa house nila dahil bday ng anak niya. After a few days yung big party naman sa isang fastfood ang ginanap so dun di na invited ang kapitbahay kasi nagpakain na ng advance ang host. Ang invited lang sa big party mga churchmates/relatives/ officemates. Pero na-shocked si officemate kasi yung mga kapitbahay niya nagdatingan pa din maski di na inimbita. Ang saklap pa pami-pamilya silang nagpunta. Yung bday party ng anak niya naging family day ng kapitbahay hahaha. Halos dumoble yung # of pax sa reservation niya kaya ang laki ng abono niya. Yung ibang bisita nakatayo na and yung mga batang di invited nakipag-unahan pa sa lobo at giveaways.

lonely_dad

  • Guest
Re: Horror Guests
« Reply #299 on: September 15, 2017, 11:56:44 am »
^horror guests talaga  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close