watch now

Author Topic: 2011 BRIDES XIX NA!!!  (Read 78795 times)

blueflame

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #340 on: September 06, 2011, 08:14:12 am »
bibisita lang ang kapit-bahay!  ;D

serendipity02 - sis, we've been to marry me, parang walang wedding ring na less than 20k. pero try mo sa wedding expo this weekend sa SMX. they will be there, baka malaki discounts nila.


kendicute

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #341 on: September 06, 2011, 08:43:57 am »
wala sis. kaya nga eh dami niya comment sis grabe talaga. sabi ko nga sana naman sa wedding mismo eh wala sha masabi kasi mababadtrip talaga ako. alam mo yung pinagpaguran mo tapos ganun lang maririnig mo..

yung ring namin sis tungsten carbide.. kasi gusto ni h2b kakaiba.. yun nga lang hindi na mareresize sa goldenhills namin yun binili.. palitan nalang after 10 years hehe

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #342 on: September 06, 2011, 09:27:52 am »
happy preps sa mga natitirang 2011 brides!!!  :-*

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #343 on: September 06, 2011, 10:14:13 am »
Good morning! Syempre chika muna ko bago pumasok haha.

@serendipity sis try mo rin, kasi yung ring namin napababa ko ng almost 20k lang e sa marry me rin kame. :D pero simple lang kasi ang ring namin at yung bato is super liit lang (sa ring ko lang to)..and yep nasa bridal fair sila this weekend, try mo :)

@kendi naku sis dapat sa big day pag feel mo may maririnig kang nega comment, alis ka agad wag mo kausapin!! As in wag pumayag na masira ang araw mo. Or sabihin mo "hinihingi ko ba opinyon mo?" Haha taray lang.

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #344 on: September 06, 2011, 12:27:10 pm »
hola mga kapatid... late check in today dahil late ang shift namin ngayon. may mainit na meeting daw mamaya hapon/gabi...

sis kendi, award na yang si FFIL... buti na lang hindi kami magkakilala... pag mga ganyan na, tatarayan ko na yan. ang daming suwistyon, wit naman ambag... che! hala sige itay, kumomment ka pa jan nang maawardan ka  ;D

speaking bridal fair, baka po maligaw kami ni h2b sa SMX sa sunday, dahil mangagaling kami sa pergola to make our final payment... nang matapos na yan. hanap na rin ako ng HMUA, sa this time may mabook na kami.

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #345 on: September 06, 2011, 06:14:13 pm »
haller!!!

naku ariba na ako ng buong week.. hehe

monday - nagprint at gumawa ng misalettes, nag-impake ng mga ceremonial accessories at kung ano pang pwedeng i-impake
today - dito ako cavite, nagdala na ng mga damit for our honeymoon - ang bilin ni h2b "sexy na undie" baka raw makalimutan ko eh.. hih ;D done sending emails to my suppliers for their call time
wednesday - kunin ko na mga gowns at barong kay ate fe.. may kasama pang libreng body form.. :) tapos diretso sa sta.clara sa katipunan para mag-alay ng 1 tray na itlog.. please po wag naman umulan..
thursday - relak relak na lang. Uwi sister ko sabay kami papa manicure, pedicure foot spa at kung anik-anik pa
friday - check in na sa hotel!!!

kendi - sa Mankind kami nagpunta.. hehe

nakakainis!!! imbyerna mga readers ko kanya-kanyang dahilan para hindi maka-abot sa ceremony.. ano bang mahirap sa pagiging reader? eh may misalette naman, as in babasahin na lang nila.. hay kaya hanggang ngayon haggard ako sa mga readers na yan...

rjaye_2000

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #346 on: September 06, 2011, 06:40:03 pm »
hello ladies!

eto na pinakahihintay namin ni carmie!  ;D

tuesday - kagabi tumuloy ako sa nirerent namin ng family ko na house sa pasay para ayusin mga gamit ko. ewan ko ba pagkagising ko parang medyo nalungkot ako kasi nagsisink-in na sa akin na mag-aasawa na ko. sabi ko nga kay h2b kanina parang nag-eemo lang ako. sabi nya sa akin ok lang daw na set up muna namin magbf kung mag-aadjust pa ako. tawa lang sinagot ko. kaninang hapon mineet namin OTD para ipasa iyong hard copy ng guest list and para pag-usapan ulit ang programme. haba ng daldalan namin kaya si h2b na lang pumick-up ng TY card sa BA studio.

Agenda for tom eh bumili ng Mompo at oscha tapos pagupit kami sa SM Masinag ni h2b then ocular sa nirent na townhouse.  ;D

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #347 on: September 06, 2011, 08:20:06 pm »
sis rjaye at sis carmie.. lapit nyo na!!

updates:
nagpunta kame ng divisoria to pickup the souvenir and invites niresched sa sat na lang daw, GRRRR!!
after seminar ng sat from 730-12 eh pupunta kame ni BF ng divisoria..hinde ko tuloy masusulyapan ang kasal ni sis rjaye,ang aking bride kapitbahay.. :-[
may ring na kame sa marry me, 21k pero mababawasan pa daw yun sabi ni ate sheh  ;D
for tom, ififinalize ang menu sa kusina ni kambal tapos magddown ng 50% sa HMUA ko
after my leave, lie low na kame ni BF halos tapos naman na lahat, naghihintay na lang kame ng sale para bumili ng bridal shoes and accessories!haha!


kendicute

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #348 on: September 06, 2011, 11:18:15 pm »
award na talaga mga sister.. ewan ko ba kung natetense lang yun hahaha.. ok naman si FFIL ngayon lang hindi.. hahaha..

may blessing mga sister,nalaman nung friend namin na wala na kaming band/string, ano daw naging problem. sinabi namin ok ang banda/string pero wala ng budget haha.. sabi ba naman, tawagan mo na sabihin mo may pang bayad na.. yehey! :) kaya book ko si enrico.. sila [textspeak!] tumugtog nung wedding nila sis tin and doc cris.. :) binigyan ako ng discount dahil sa referral nila.. wee!

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #349 on: September 07, 2011, 07:40:22 am »
^despite sa eksena ng FFIL mo sis eh may blessings pa rin na dumating.. ;D

Periwinkle25

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #350 on: September 07, 2011, 07:44:58 am »
mga sis pasali ako..ofw bride here..naloloka ako kasi yung papa ko, like niya ng traditional way..Nung September 2 lang siya pumayag sa pamamanhikan..wala pa ako dun, 2 weeks before wedding pa uwi ko..Oct 16 target date namin..ayaw ni h2b maghire ng otd.nasasayangan sya..wala pa kami invites kasi ayaw pa ng papa ko pagawa ng invites hanggat wala ako..huhu..wala pa specific time ang wedding..ang meron lang is yung gown ko(preloved kasi) at yung mga damit ng bridesmaids..yung rings namin, ako na bumili..yung reception, like ko sa function hall..pero si papa like niya sa haus lang..nakakastress..sana nagpasked na lang ako ng uwi na mas maaga..

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #351 on: September 07, 2011, 07:48:28 am »
@sis periwinkle, welcome! sis prunella can help you with that! when uwi mo? goodluck sa preps!

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #352 on: September 07, 2011, 07:56:24 am »
gandang umaga!

karmie and rjaye- lapit na!

seren - congrats sa rings... chillax lang sa mga delays! :)

periwinkle25 - i love that color in kinder! welcom! wag ka masyado ma-stress. take your time, make a list of your priorities. church, reception venue, if sa house lang, where to order food. invites, pwedeng DIY then email or tag sa facebook. yung sa principal sponsors and parents lang ang iprint mo. kung ayaw ng papa mo na umandar ang preps while you are not here, make the necessary layouts na so print na agad pagdating mo... your co-2011 brides will be very happy to help you! :)

knedi - nice! may strings na.. usapan pa naman natin yan weeks ago... :)

kendicute

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #353 on: September 07, 2011, 08:18:25 am »
sis seren :) oo nga sis eh..nalaman ko din yesterday na  2 ento na male ata hindi makakaattend, valid naman reason pero dahil masaya ako hindi ko mashado nafeel na may problem na naman.. anyway meron naman magproxy :)

sis kaice.. oo nga sis.. thanks God talaga.. tanggap ko na wala ng strings or band eh. haha.. kinilabutan talaga ako yehey :) 50% na ang napamigay na invites.. dami pa haha..


2nd fitting ko later yey! almost done na daw sabi ni ven :)

sis periwinkle we're here to help sis.. dami mo makukuha na ideas dito :)

happy preps!..

 :-*

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #354 on: September 07, 2011, 11:02:00 am »
mawnin' mawnin' mga sis...

mejo hindi maganda ang mood ng mga tao ngayon dito sa ofc kasi nalaman namin kagabi na tuloy na ang paglipat namin sa graveyard. hindi lang definite kung kelan, pero, it will happen soon. so maraming nagbabajang lumayas, which is really bad kasi specialised ang team namin. bakit ba kasi maraming epal sa mundo  >:(

anyway... congrats sis kendi... tuloy na ang banda. oh diba. kaya naman, positive lang tayo - chill lang. kahit bad trip, chill lang. something will good will happen after.

welcome sa bahay ng mga makukulit, sis periwinkle. october na wedding mo sis? i suppose meron ka nang mga options and may mga nabook na kayo, right? i think kaylangan nyo nang ifinalise kung saan and ano ang gagawin nyo, para hindi ka rin ngarag. ok lang din naman na walang OTD, basta you have someone to oversee everything as they happen on your big day. may friend ako na hindi na naghire ng OTD, so sya lahat ang nag-asikaso, from suppliers to details, then i was her "OTD" as in nireceive ko lang yung mga suppliers sa reception, inayos ang details according to how she wanted them, coordinated, etc. turn over nya was just 3 days before her wedding. ok naman sya. pero hands on talaga sya and she had all the time she can have. hindi naman po sa nananakot, but i just want you to see the situation. i'm used to organising events myself but i still ought to have an OTD, just because i want someone to make everything happen the way i want them too. hindi naman kasi pwede na habang nimmake-upan ka sa hotel eh nagtatawag ka ng kung sino-sino, or you receive calls from your suppliers asking you what they need to do in case something happens. IMO lang dear. btw, how many guests are expecting? you can tell papa na hindi biro magpakain ng 50-100 na guests, at hindi rin naman kung saan saan lang nakaupo ang guests na parang birthday party lang. you can tell him na mas convenient pa rin kung magpapacater kayo. If kayang iaccommodate ng house, either nyo or ni h2b or ni papa, ang ganong karaming guests, keri lang na dun na lang, tipid pa sa venue. ikaw na ang heredera   ;D

sis rjay and karmie, magsitigil na nga kayo sa isang lugar... :p

sis seren, lagare mode na teh...

updates:
 - ipapalaminate ko na yung mga STD namin mamayang lunch break nang maumpisahan na mamayang gabi
 - napinturahan na ni h2b yung isang topper namin. isang kulay na lang, done na sya.

Periwinkle25

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #355 on: September 08, 2011, 03:06:08 am »
thanks bunches mga sis..haist, i just explained ky papa na need talaga umusad ang preps at mukhang nkaintindi kaya mraming na-accomplish si h2b today..and dahil matiyaga, siya na umaasikaso..if i know, tipid mode siya kasi mauubos savings niya.. :P

sis serendipity- thanks sis..by oct 2, Id be home na..yay! congrats sayo, almost settled na lahat..

sis kaice - thanks sis.i think im gonna do what u suggested..actually, nakagawa ako ng DIY invitation na boarding pass inspired ..yun na lang itatag ko sa mga friends ko and relatives sa fb...

sis kendicute- thanks sis, supernice ng ideas dito..hope maging ok na kau nila FFIL=)

sis mafiapenguins- thanks sa payo sis..iniisip ko kung kanino ko idedelegate yung OTD.guest sa function hall? baka 200-250 sis..kasi si h2b, medyo malaki yung family..tapos marami akong sets of friends..marami rin kaming ninong and ninangs..kasali yung nung bata kami tapos pulitiko si papa then like ko kunin mga elem teachers ko..hehe..hindi ako heredera..anak ng makalumang tatay kaya dugong barrio girl ang nananalaytay sakin.lol...puede naman sana sa bahay at plan namin pa-cater kaso magulo dahil baka gawing fiesta sa barrio..lol.. kaya i insisted na sa function hall yung 1st reception at lunch, 2nd reception sa bahay at 4pm..tapos dahil makalumang pamilya kami, may pasayaw pa ng gabi..lol..then may 3rd reception pa kay h2b's haus kasi part ng tradition na dapat dadayo din side ko dun sa kanila..

UPDATES: - hot pink, light pink motif=)

-photo/vid: napareserve na ni h2b plus my discount kasi kilala niya  then hmua ko is yung wife nung photog..pareho silang professional in northern luzon kaya kampante ako=)

-wedding gown and accessories: nabili na ni h2b ng 14k..ai just saw it from the net and sya nakipagcommunicate.. malapit lang samin yung may-ari..ayoko kasing magpagawa kasi wala ako dun kaya like ko yung gawa na kahit preloved para kita ko kung ok..tipid na rin..si MIL ang nagbayad=)

-cakes:plan namin, 4 one layer cakes then may cupcake tower; care of my aunt..
 
souvenirs- spoon and fork na may engraved names namin- order din daw online, di pa ako kampante

flowers-si SIL and MIL na daw bahala

venue and reception-settled na kasi umoo na yung papa ko..

catering services- hanap pa daw si h2b ng mas ok kasi dun sa function hall lang naman.. magpapaluto na lang daw si papa kasi may mga kakilala syang cooks at mgbibigay ng 50k ang inlaws para dun..nagpaalaga kasi si h2b ng 6 na baboy kina lolot lola ko tapos ibibigay pa nung lolo ko yung baka niyang isa..lol..barrio fiesta sabi eh..2nd reception, me and my friends na lang magdedesign..

rings ..two toned sya..i bought here in Saudi

invites, di pa maayos kasi  di pa complete principal sponsors, mga dress ng bridesmaids na tinatahi pa lang, shoes na jan ko na bibilhin.. ano pa kayang kulang mga sis?pacensya napahaba post ko, naexcite ako sa dami ng natapos this day=)
« Last Edit: September 08, 2011, 03:48:03 am by Periwinkle25 »

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #356 on: September 08, 2011, 06:44:58 am »
back to work!! ang panget lang ng katabi ko, grrrrr....

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #357 on: September 08, 2011, 07:20:47 am »
periwinkle - basta if you need any help, nandito kaming lahat for you! kaya yan! aja!

seren - ang wrinkles... haha! wag mo na sila isipin mga echoserang frog lang yan na naiinggit dahil happy ka haha! :)

gandang morning to everyone! :)

karmi & rjaye... nakakatulog pa ba kayo haha! :)

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #358 on: September 08, 2011, 07:53:54 am »
^gandang morning pretty preggy! saw your pics online, ganda ah!

may cold war kasi kame nitong katabi ko, dedma na lang at syempre may kahalong parinig na rin!hahaha!

sis periwinkle -- dame ka na pala naachieve eh, galing ah!  ;D

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIX NA!!!
« Reply #359 on: September 08, 2011, 08:42:35 am »
mawnin' mawnin mga kapatid...

grabe, pass out ako kagabi. nakakaloka, antok na antok ako. after ofc, derecho ako sa supplier ko ng tela para bumili ng para sa rush na boxes ni ms chi. after that, dinner, tapos uwi na. pagdating ko sa bahay, naggayak lang tapos plakda na. i was watching PBL, tapos hindi ko na alam kung anong nangyari... stressed sa thought na lilipat na kami ng graveyard?   ???

anyway, magpapaalam po ang Guina, dahil baka mag MIA na naman ako. may production po yung team namin. AVP lang naman pero matindihan meeting at madugong shoot at storyboard ang gusto ma-achieve ng boss; isa pa, malaki ang nakasalalay dito - as in life and death situation na  ;D windangan na naman - talaga naman sumabay pa

sis periwinkle, im glad na okay na pala halos lahat. yung 200-250 guests mo ba, sabay-sabay? kasi kung ganun, i suggest you really get someone to be your OTD. pwedeng friend/s or family member/s na sanay na sa events who can be at the reception earlier (siguro simula ng preps mo, sila na yung nasa reception) to oversee things. you also need someone to man the "registration" table, where your guests will ask kung saan yung table nila. re food, keri lang ang pista sa barrio style. eh kaso hindi lang naman yun. plates and silvers pa, baso, at kung ano ano pang anik anik. it's gonna be tedious if you still have to worry about your china and silvers, plus tables and chairs. keri lang din naman ang buffet style, but i think have someone serve as your butlers for the VIP table. i feel that you dad will understand this, since i think hindi naman na bago sa kanya ang ganitong keme since he is in the political scene, especially if you are expecting guests from his or other offices. mamaya, biglang dumating si mayor, si gov or si vp, im sure he would want it to be classy din. i suggest you ask your dad what his plans really are, para hindi rin stressful on your end.

sis kaice, kamusta naman ang buntis... laki na ng tummy mo ah...

sis seren, que ver na sa echoserang frog... inggit lang yan :p

update:
 napalaminate ko na kahapon yung mga std namin, sana makuha ko na sila ngayon. sabi nila ittext na lang daw nila ako kung ready na sya earlier today, pero ang estimated time na okay na sya eh mamayang pang hapon. eh since nasa the block naman ako until 730, keri lang
 busy mode muna para sa TPR... ber season na, so ayan na po ang iba pang q4 brides. nagpalabas na rin nga promo para maagang makuha yung mga orders ng mga kekeme. dahil jan, malamang madagdagan yung nasa as is where is namin :p

will try to drop by once in a while, baka lurker mode lang...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close