watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12  (Read 77890 times)

ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #200 on: May 25, 2011, 02:22:12 pm »
Pag maulan sa Friday sa EB punta pa rin ako but I may not stay long nga kasi papaantay ko na lang si M. Ayoko mag drive sa ulan at ayaw ko rin sya mag commute pag maulan hehe.

Marose - sino agent mo sa Manulife?

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #201 on: May 25, 2011, 02:26:12 pm »
ako din wala maisip na contingency plan kasi kesihodang signal number whatever ang bagyo, i'm sure may pasok nun kaya pupunta pa din ako. :)

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #202 on: May 25, 2011, 02:27:22 pm »
ako din may pasok pero what time tayo start? 6pm? baka maaga na lang tayo umuwi kapag malakas ulan :-\

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #203 on: May 25, 2011, 02:31:04 pm »
jai, yup 6pm.

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #204 on: May 25, 2011, 02:33:35 pm »
Ola! Pwede din ako Kahit ano date between May 27 to June 3. Huwag Lang June 4 at party ni bong.

Thank you Sa mga nag reply on ATM card replacement. Issue na Lang ng cheque kasi mauuna ako Kay bong. Ayaw ko na magremit ng pera.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #205 on: May 25, 2011, 02:36:44 pm »
Ok lang din sakin tumuloy sa friday kahit maulan. Pero sana di bumaha sa dona soledad at sa france kung di mas-stress ang asawa ko sa akin. Pag baha kasi lagi akong tumatawag sa kanya para tanong kung makakadaan ako sa baha eh di niya alam kasi di naman niya nakikita ang baha diba. Kaya kami kumuha ng suv dati paradaw di na siya mastress pag nas-stress ako sa baha. Kayo wala na yung suv.

Ok lang sakin magdrive sa ulan pero ayaw na ayaw kong naglalakd sa ulan kasi di ako marunong maglakad sa basa. Laging natatalsikan the back of my legs. At kawawa ang bag ko. Kaya may raincoat ako parati para sa bag ko. Hee.

Rata, i think nabasa ko that you use human heart nature shampoo. Which variant? I want to try kasi organic nga but there are mixed reviews eh.

6pm ang EB. Kung malakas ang ulan, mas safe magpatila diba? Kesa sumugod?

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #206 on: May 25, 2011, 02:53:09 pm »
dadaan lang ulit...naka leave ako since monday kase may abnormal uterine bleeding ako.  I was scheduled to have D&C last saturday kaso nagpa 2nd opinion muna ko only to find out na need ko talaga ituloy.  I was diagnosed for having hyperplasia :( yung kumakapal lining ng cervix, hormonal imbalance daw.  Haaay, 2nd time na 'to.  Sana makuha pa sa gamot na iinumin ko in 5 days.  Pray fro me mga sis :(

Usapang masaya naman, sana matuloy tayo sa Friday wag lang maging super lakas ng bagyo.  Contingency plan, sa next friday kaya June3? para di hassle na magmamadali tayong makauwi lahat at nagwoworry, yun e kung super lakas talaga.

marose, nakuha ko na sa Handicrafts Atbp yung giveaways ko, ang cute kaso masyado palang maliit yung mini stools, pang 2yrs old na pwet lang ang kasya hahahaha

lisa, grabe nga yung baha kagabi sa south. Sobrang baha daw sa harap ng office namin sa zuellig even sa highway daw baha din.

Pia, lapit na bonggang bonggang bday ni papa bong :) di pa din ba nya alam ang surprise mo? :)

ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #207 on: May 25, 2011, 02:55:28 pm »
Lisa - I'm using the moisturising one...Hindi sya ok, medio matigas sa hair haha.  Maganda yung pearl shampoo nila. Yun malambot sa hair.

Naku yung baha dyan sa France, kakatakot pala dyan ano? Yun ang worry namin pag lumipat kami. Pero sabi ng Mommy ko sa church na lang daw kami dumaan pag ganun.

Will be there by 6pm.

Yung susunod nga namin na kuknin na car, nalilito ako between Montero and Alterra. Takot ako sa carjack/kidnap pag Montero.

Luz - naku, sana ok ka! Kelan na D&C mo?

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #208 on: May 25, 2011, 02:59:22 pm »
what contingency? hahaha joke! oo nga, papasok din naman tayo so what the heck, manood na lang tayo ng mga tao sa tapat ng cafe havana tapos...  :-X LOL!!! di ba lia? :P

grabe, hindi biro mag open ng account, sumakit ang kamay ko sa kakasulat. hindi na ako sanay magsulat. panay type type type lang, kaya problema ko din ang pirma ko. madalas nag iiba ;D pero okay na may ITF na ako kay Chloe at may bago na naman akong C/A bwahah adik lang.

luz, i just said a little prayer for you :) hope mag ok ka na soon.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #209 on: May 25, 2011, 03:02:21 pm »
Naku pag maulan sa Friday, delikado kame non kase taga-Marcos Highway ako at hiyang-hiya naman ang baha don sa area namin.

Luz, I hope you are ok. You're in my prayers :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #210 on: May 25, 2011, 03:07:07 pm »
How much pala ang Gerber puffs sa S&R and Rustan's Fresh?

momai

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #211 on: May 25, 2011, 03:07:37 pm »
Luz, said a prayer for you. sana maging ok ka agad.

re TD, how much po ang min na TD sa chinabank and ilang percent ang interest?

thanks

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #212 on: May 25, 2011, 03:11:27 pm »
luz,
sana makuha ng gamot para wala ng d&c...

weng,
hahahaha!
ayaw ko na dun kakainggit mga baklush doon!

basta sibat agad ako sa office sa friday.. ang hirap kasi pag nag start ulan biglang baha kaagad dito sa pasong tamo kakaasar! mas masaya ma-stranded sa mall kesa sa office.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #213 on: May 25, 2011, 03:13:42 pm »
Luz, I hope you're okay..

Hindi pa malakas ang ulan dito samin, paambon ambon palang. Pero for sure, mamaya lalakas to. Kahapon, muntik nanaman kame :( Sana sa friday, hindi naman malakas ang ulan at makikisabay lang ako. Baka kasi mahirapan din ako magcommute, if ever. If plano mang magpalit ng date, ayos lang din basta okay sa lahat. Balitaan nalang dito :)

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #214 on: May 25, 2011, 03:15:21 pm »
Rata, thanks. I will stick with pantene plus opal na munsa siguro for now. Pero pag nakatiyempo ako ng pearl tingnan ko.

We had a montero sport. Trade lang with hubby's friend. His montero for our city plus cash. D kasya stroller namin sa montero but other than that, ok siya. Mas gusto ko yon kesa sa alterra pero ang daming nacarnap na montero nga recently. Wala na samin yung montero, back to the city na, nagsolian sila ng kotse kasi nagaway sila. Sinoli din naman yung cash na dinagdag namin. Now we're thinking of getting a van naman, kia carnival sana kasi 9 seater with trunk sapce pa, mas maluwang kesa sa montero. But we have to sell the city first.

Di ko pa naman na-experience ang baha na mataas sa france. Nung sa alabang kasi ako nagw-work sa sucat ako dumadaan so yung baha sa may manila memorial ang kinaka-stress ko palagi.

Luz, get well soon. Wala naman ako naabutan baha sa highway pero grabe Ang traffic talaga! At puro truck na nung pauwi ako kagabi.

So sa friday kung leave si luz, may sasabay ba sakin? Maui? Tin? Lia?

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #215 on: May 25, 2011, 03:16:15 pm »
Aloha mommies! ayan energized na ako pero gagala kasi kami ni bebe kaya dapat energized hehe :P tang's sale kasi kaya pupuslis ako para mag buy ng spanx at ng chanel bronzer ko, yay! ;D time to use the rebates! ;D

marose, speaking of shu, lam mo ba si regine velasquez, swerte ng mga naging MA nun, pinamumudmod lang naman nya mga shu brushes nya e mygulay times 2-3 ang presyo nun compared to MAC! :o

mommies, thank you super sa tips dun sa declaration chuva. nakupo careful ata dapat ako lalo na at mahilig ako sa semi-extreme sports.

re: banks, nako naalala ko nung nakain ng atm ang BDO bank card ko tapos yung isang teller sinungit sungitan brother ko (cya may hawak ng card), i told my brother to go back to that branch, talk to the manager kahit ako pa ang tatawag and talagang cinomplain ko yung bruhildang teller. stupid naman kasi, sinabi na nga ng brother ko na he needs assistance kung paano gagawin para makuha ang card tapos sinasabi lang sa kanya na kailangan ako daw mismo kumuha, hello as if i can afford to fly back to mnl just to get the atm e pwede naman magpadala ng authorization letter lang.

mama luz! get well soon. youre in my prayers :)

ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #216 on: May 25, 2011, 03:21:09 pm »
Lisa - wow! so super laki stroller nyo? Haha. Yung Kia Carnival, mababa lang kasi so hindi sya pang baha? Yun kasi takot namin din, mga baha.  Lalo na pag may school na.  Ibang klase na kasi mga ulan ngayon.  Yun na nga eh, yung carnap issue.  Ok lang ma-carnap, eh paano pag andun yung kids? Maloloka ako. Wala kaming pang ransom!

Momai - the interest rate usually depends on the period and the amount of your TD.  ;)

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #217 on: May 25, 2011, 03:22:39 pm »
Luz, hugs and prayers for you.

Naisip ko rin dati na baka nga masyadong maliit ang kiddie stools.  Hindi na ko tumuloy sa stools.  Melissa & Doug craft kits na lang.

Nakuha ko na billing letter ko sa Citi for my Amazon order.  I compared sa PDS rate na ini-email sa amin every day.  Not bad ang conversion rate ng Citi ah.  Mas mababa pa nga ng konti.

Maussie, Montero na!  Safe naman parking ninyo sa office at hindi naman kayo malakas gumala-gala, di ba. 

Gusto ko dati pa ng Montero.  Mitsubishi kasi gusto ko, along with Honda.  Lancer ang first car ko.

Weng, ako naman mahilig mag-handwrite.  Kaya mahilig ako sa note pads, note cards and stuff.  Kapag naglilista ako, mas gusto kong isulat kaysa i-type.

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #218 on: May 25, 2011, 03:25:24 pm »
Andito ako Sa mall ngayon.

Tin, do you still want the spiffies?

Kim and Nesz, check na si shades case.
Weng, BB diaper cream check na. Bukas si old town.

Ate luz, I'll include you in my prayers.

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 12
« Reply #219 on: May 25, 2011, 03:27:44 pm »
Pia: ako din spiffies :)

parang tinutubuan ngayon ng butlig si V. sa face.. ano kaya pwede kong ilagay. sabi yaya baka bungang araw.. pwede ba magka bungang araw kahit 24 hrs sya naka A/C?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close