watch now

Author Topic: Jennylyn Mercado  (Read 205410 times)

mscharming

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #420 on: May 14, 2012, 12:32:42 pm »
^ ipost ko later mga links mga sisters  :)

mscharming

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #421 on: May 14, 2012, 04:09:14 pm »
Jennylyn Mercado denies marriage plans with Luis Manzano, says she's happier to celebrate her birthday this year because of him

Ruben Marasigan
Monday, May 14, 2012 @ 11:46AM | 220 views

Jennylyn Mercado on having Luis Manzano (photo inset) guest in her show despite them being contract stars of two rival networks: "Siyempre masaya at napagbigyan niya kami…ang Showbiz Central. Masaya kami na merong kakaibang maio-offer din sa mga tao. Like, possible rin pala na yung mga tagaibang network ay puwedeng makasama namin dito. So, nakakatuwa."

Bakas sa mukha ni Jennylyn Mercado kung gaano siya kasaya nang mag-guest ang boyfriend niyang si Luis Manzano sa Showbiz Central kahapon, May 13.


Kilig na kilig naman sa kanilang dalawa ang mga taong naroon sa loob ng studio.

"Kasi, nag-guest ako sa kabila," pagbanggit niya sa kanyang pagiging contestant sa Kapamilya, Deal or No Deal na programa ni Luis sa Kapamilya network kamakailan.

"So, dapat bumawi siya dito!" natawang sabi ni Jennylyn nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) at iba pang miyembro ng media matapos umere ang nasabing Sunday showbiz talk show ng GMA-7.

"Siyempre masaya at napagbigyan niya kami…ang Showbiz Central.

"Masaya kami na merong kakaibang maio-offer din sa mga tao.

"Like, possible rin pala na yung mga tagaibang network ay puwedeng makasama namin dito. So, nakakatuwa."

CELEBRATIONS. Yesterday was a very special day for Jennylyn. Bukod kasi sa 5th anniversary special ng Showbiz Central ang episode kahapon, Mother's Day pa. ‘Tapos, may advance birthday celebration din siya sa nabanggit na programa.

Bukas, May 15, ang mismong birthday ni Jennylyn. Unang pagdiriwang daw niya ng kanyang kaarawan na sila na ni Luis. At mas masaya raw siya ngayon kumpara sa mga nakaraang birthday niya.

"Opo," nangiti ang aktres. "Kasi yung last time, iyon pa ang peak na… ano pa ako, may pinagdadaanan pa ako noon," dahil kabi-break lang nila ni Dennis Trillo that time at ang daming mga intriga.

"So, hindi pa talaga ako gano’n kasaya no’n. Ngayon, masaya ako dahil kasama ko si Luis at nandiyan siya para sa akin."

WITH LUIS MANZANO. Paano ba naiba ang pagsi-celebrate nila ni Luis ng kanyang birthday kumpara sa mga nauna?

"Ayoko namang mag-compare. Pero pare-pareho namang may magagandang memories.

"At may magagandang lessons naman akong natututunan sa lahat ng mga napagdadaanan ko. Sa lahat ng mga nakakasama ko.

"So, as much as possible, ayaw ko nang mag-compare. Kasi magiging unfair naman iyon sa iba."

LUIS'S GIFT? Ano ang birthday gift sa kanya ni Luis?

"Wala pa. Ano’ng plano? Magdi-dinner lang kami kasama ang family at saka friends. Yun lang. Simpleng-simpleng dinner lang."

Nung birthday ni Luis, siya ang naging abala sa sa preparasyon ng selebrasyon nito. Ngayon kayang kaarawan niya, si Luis naman ang mag-aasikaso?

"Ay, ayokong mag-expect. Kasi siyempre, magkaiba naman kami.

"At saka ang babae naman talaga ang mas nag-aasikaso ng mga ganyang party. Mas masipag ang mga babae sa mga ganun, e.

"Yung mga boys, hindi mo kailangang mag-expect."

Pero sa pakiramdam ba niya, may inihahandang surprise para sa kanya si Luis?

"Hindi ko talaga alam, e."

[textspeak!]-ano na ang mga regalong natanggap niya kaugnay ng kanyang birthday?

"Wala pa. Wala pa talaga akong natatanggap na regalo. Pero yung Showbiz Central family ko, talagang napasaya nila ang birthday ko."

Halatang medyo kinakabahan si Jennylyn sa paggi-guest ni Luis for the first time sa Showbiz Central. Unang yapak din ito ng actor-TV host sa bakuran ng Kapuso Network.

"Oo. Sobrang kinabahan talaga ako!" sabay tawa ni Jennylyn.

"At saka hindi ako masyadong makapag-isip," patungkol pa niya sa naging one-on-one interview niya kay Luis.

"Hindi katulad ng mga ibang nai-interview ko na may mga pumapasok sa isip ko.

"Pero with Luis, parang may nakaharang na…kapag wala kang nabasa [na questions sa idiot board], wala na akong maisip!" napahalakhak niyang pahayag.

"Hindi naman kami nag-usap bago kami sumalang sa floor. Ini-expect lang niya na isang formal interview iyon. Na ako talaga ang gagawa."

CLOSE WITH ATE VI? Nabanggit ni Luis, natutuwa raw ito na ang mommy niyang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto at si Jennylyn ay maganda ang samahan at laging may communication. Malaking bagay raw ito para sa actor-TV host.

Kusa ba ni Jennylyn na mag-exert ng effort para mapalapit kay Governor Vilma?

"Well, siyempre malaking parte ng buhay ni Luis si Governor Vi [palayaw ni Vilma].

"Ako, siyempre nakakasama namin siya. Kahit papa'no nakakapag-text, nakakapag-usap [kami].

"So, hindi namin talaga sinasadya. Pero siyempre bilang malaking parte ng buhay ni Luis si Tita [Vilma], e, siyempre ano… kailangang marunong ka ring makisama."

At para sa Star For All Seasons na si Ate Vi, may sagot si Jennylyn sa mensahe nitong, "Please take care of my son."

"Aalagaan ko po talaga. At saka, maraming salamat po at ibinigay n'yo sa akin ang tiwala. At sinuportahan n'yo po kami."

HER PLANS? Now that she’s 25, ano ang pangunahing nasa isip niya?

"Mas pagbutihan pa ang trabaho ko. Mas magiging workaholic ako ngayong taon na ito. At sa darating pang mga taon.

"At saka magpu-focus ako sa family ko, sa work ko. And hahabaan ko ang pasensiya ko. Yun!

"Dati, maiksi ang pasensiya ko," nangiting pag-amin ni Jennylyn.

"Medyo…mabilis akong mapagod. Mabilis uminit ang ulo ko.

"Pero ngayon, mas mahaba na talaga ang pasensiya ko."

LUIS'S INFLUENCE. Ito ba ang malaking influence sa kanya ni Luis?

"Si Luis naman kasi talagang ano, e, very positive na tao. So, nakakahawa talaga. Malaking influence.

"Dati, pinuproblema ko pati mga maliliit na bagay na hindi naman dapat problemahin.

"Yung mga intriga, tinatawanan na lang ‘yan. Kung hindi naman totoo, bakit mo pag-aaksayahan ng panahon? Yung mga gano’ng bagay."

MARRIAGE PLANS? May kumalat na tsismis kamakailan na nag-inquire na raw ng tungkol sa pagpapakasal sa Basilica of St. Martin de Tours sa Taal, Batangas si Luis. Ikinagulat daw ni Jennylyn ang tungkol dito.

"Oo nga po, e. Nagulat ako kasi tinext ako ng manager ko, ‘Jen, ano ito, magpapakasal na raw kayo?’

"Hindi totoo. Unang-una, hindi pa kami handa. Pangalawa, marami pa kaming kailangang isipin at marami kaming priorities sa buhay.

"Lalo na ako. Si Jazz [anak niya kay Patrick Garcia], siyempre. At ang pamilya ko.

"Hindi pa ako handing magpakasal. Kaya wala muna iyon."

At wala pa rin naman daw proposal from Luis.

"Wala po. Wala po talaga."

Marami ang nagsasabing bagay nga sila o perfect match ni Luis. May mga umaasa na sana raw ay sila na nga ang magkatuluyan.

"Siyempre, lahat namang ng tao iyon ang gusto, na kung sino ang partner mo sa buhay mo, siya na ang panghabambuhay na makasama mo.

"Pero siyempre, sa tulong na rin siguro ni God at tiwala na rin sa isa’t isa, di ba?

"Depende naman iyon sa pagdadala ng isang relasyon," patuloy ni Jen.

DENNIS TRILLO. Nung kaarawan niya last year nung hindi pa sila ni Luis, at nasa kasagsagan pa ng intriga tungkol sa break up nila ni Dennis ay nagawa pa raw siyang batiin ng huli.

Magkasunod ang birthday nila ni Dennis na ipinagdiriwang naman ang kaarawan tuwing May 12. Ngayon ba ay nabati nila ang isa’t isa?

"Hindi. Ayoko, kasi baka mamaya maging issue pa iyon, e," sagot ni Jennylyn.

Nagkaroon na nga ng isyu ang hindi niya pagtuloy sa Boracay para sa live appearance ng mga Kapuso stars doon nitong Biyernes at Sabado. Totoo bang umiwas daw siya kay Dennis na dapat ay makakasabay niya sa flight patungo roon?

"Ang totoo po kaya hindi ako tumuloy, kasi Lunes pa lang ng gabi, sumama na po ang tiyan ko.

"Kasi nung Sabado po bago ako mag-Party Pilipinas, nag-sprint ako. ‘Tapos parang nagkapilay ako kaya hindi ako masyadong makalakad nang maayos.

"Nalaman ko na napunit pala yung muscle ko sa legs kaya hindi ako makalakad. At saka masakit na masakit ang binti ko.

"'Tapos sinabayan ng high fever. At saka nga yung sakit ng tiyan, yung LBM. Na-dehydrate ako kaya nagkaroon ako ng mataas na lagnat.

"Sabi ni Mama, huwag na raw akong tumuloy ng Boracay kasi mukha na raw akong kamatis. Ang pula-pula ko raw.

"Ang taas nga kasi ng lagnat ko at nahihilo ako. Kaya sabi ko, dalhin na ako sa ospital.

"'Tapos in-admit na nga ako kasi ang dami nang nawalang fluid sa katawan ko. Two days akong na-confine.

"Hindi ko sinasadyang huwag tumuloy sa Boracay. Excited nga ako for that.

"Alam ko naman na kasabay ko sa eroplano si Dennis kung natuloy ako. At okey lang. Wala na namang problema.

"Masaya na naman kami sa kanya-kanya naming buhay. So, I don’t think magkakaroon talaga ng problema," katuwiran pa ni Jennylyn.


Marin

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #422 on: May 14, 2012, 04:42:20 pm »
In fairness ha, malaki naitulong sa career ni Jen ng lovelife niya. I remember halos bago palang siya sa Showbiz Central e siya ang nag-interview kay Vilma Santos.  Tapos ayan nag-trending pa sila when Luis guested. Maganda na nagiging high profile ulit si Jen for good reasons and not for nega issues

simpleann

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #423 on: May 15, 2012, 03:07:12 am »
ang sexy ni jennelyn ngayon and kitang kita na very secure siya kay luis. happy and blooming. i hope sila na talaga till the end :)

billy

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #424 on: May 15, 2012, 08:06:03 am »
Happy Birthday, Jen!

mscharming

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #425 on: May 15, 2012, 08:24:05 am »
HAPPY BIRTHDAY JENNYLYN! will always be here to support you.  :)

mscharming

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #426 on: May 15, 2012, 08:25:45 am »
ang sexy ni jennelyn ngayon and kitang kita na very secure siya kay luis. happy and blooming. i hope sila na talaga till the end :)

yan din ang wish ko sis  :)

strawberry

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #427 on: May 15, 2012, 08:28:10 am »
Happy 25th Birthday, Jen!!   :-*


@mscharming, may store pa ba si Jen sa StarMall? parang naalala ko na may store sya dun before

mscharming

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #428 on: May 15, 2012, 08:39:48 am »
^yes sis meron daw. ewan ko lang kung andun pa. pero sponsor pa din nya ang star mall eh  ;)

strawberry

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #429 on: May 15, 2012, 08:58:12 am »
^oh i see. hindi kasi ako nagagawi ng Starmall altho nabasa ko about her shop

mscharming

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #430 on: May 15, 2012, 09:02:19 am »
^parang sa "finds" daw yun sis eh. hindi pa din ako nakakapunta pero nababasa ko sa forum and may ads siya dati.

mscharming

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #431 on: May 15, 2012, 04:40:28 pm »
Jennylyn, pinagaganda ni Luis

Sa likod ng kampanteng mga ngiti ni Jennylyn Mercado noong mag-celebrate ito ng kanyang 25th birthday sa Showbiz Central last Sunday, kinakabahan pala ito dahil nga ang kanyang special guest ay ang kanyang kare*lasyon na si Luis Manzano.


Inamin ni Jennylyn na kinakabahan siya tuwing alam niyang may mga taong pinapanood sila ni Luis. Nasanay na raw kasi siyang sila lang ni Luis ang magkasama lalo na kapag meron silang mga out-of-town trips.


Pero dahil pina*ngako ni Luis na magge-guest ito sa kanyang show dahil birthday niya, hinanda na ni Jen ang kanyang sarili sa mga mangyayari.


“Ewan ko ba kung bakit ako kinakaba*han kapag alam kong nandiyan si Mats (pet name niya para kay Luis). Kasi hindi ko alam kung ano ang mangyayari.


“Hindi ko alam kung bigla na lang niya ako patatawanin. Nandu’n pa rin ‘yung nakakaramdam ako ng hiya kapag nandiyan siya.


“Pero lagi naman niyang sinasabi sa akin na relax lang ako. Siya lang naman daw iyon. Titigan ko lang daw siya kasi alam niyang guwapo siya! Ha! Ha! Ha! Ha!” sabay tawa ni Jennylyn.


Marami nga ang pumupuri sa kakaibang ganda ngayon ni Jennylyn. May certain glow daw sa kanyang hitsura ngayon na hindi rin niya ma-explain.


“Mas maganda lang siguro ako ngayon kesa noon! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa niya ulit.


“Biro lang ‘yon, siguro mas masaya lang ako ngayon talaga. ‘Yung happiness ko is coming from a certain place sa puso ko. Kaya ‘yun ang nakikita ng maraming tao sa akin.


“Kapag masaya ka naman, makikita sa mukha mo, eh. Makikita sa mga ginagawa mo. Masaya ako kasi merong mga taong nagpa*pasaya sa akin.


“Bukod nga kay Mats, nandiyan ang anak kong si AJ (Alex Jazz), si mama (Lydia Mercado) at ang iba pang mga taong sumusuporta sa atin.


“Nagpapasalamat ako sa mga fans na hindi sila nawala kahit na noong mga panahon na sobrang bagsak ako. Nakabalik ako at narating ko ang kinatatayuan ko ngayon because of them,” ngiti pa ni Jen.

mscharming

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #432 on: May 15, 2012, 04:41:12 pm »
Luis, nangako ng "away" kay Jennylyn

Sulit na sulit ang guesting ni Luis Manzano sa Showbiz Central last Sunday dahil after ng interview ni Pia Guanio kay Richard Gutierrez, agad sumalang ng one-on-one ang actor sa mga tanong sa kanya ng girlfriend na si Jennylyn Mercado.


Then, niratrat siya ng intriga nina Pia, Raymond Gutierrez at John Lapus.

Natanong sa actor ang past relationships nilang dalawa. Naging prangka naman ang da*lawa sa pagsasabing hindi na nila dapat pag-usapan ang nakaraan.


Hanggang bago ma*tapos ang show, hindi pa rin pinakawalan ng talk show si Luis. No wonder, bukod sa nag-trending sa Twitter ang Jen-Luis, hataw rin sa ratings ang SC laban sa The Buzz.


Base sa ratings ng National Urban Philippines (overnight data) mula sa Nielsen Phils., ang 5th anniversary epi*sode ay humamig ng 25.9 versus 23 points ng kalabang programa. Winner din ang GMA show sa urban Luzon at Mega Manila.


Sa pahayag ni Luis, nagandahan agad siya kay Jen nang una niyang makita ang girl sa isang event.

Ang resulta ng pakiki*pagrelasyon niya ay nakakatulog at nagigising siyang may ngiti sa labi.


Nabuko agad ng ina niyang si Gov. Vilma Santos Recto na in-love ang anak niya kay Jen nang ipakilala sa kanya ito. Pati nga ang pagiging single mother ni Jennlyn, hindi problema kay Luis.


Maloko, mapagbiro at mapangbuska, ramdam na ramdam sa pahayag ni Luis ang katotohanang mahal niya si Jen, pero ipinangako niyang mag-aaway sila, pero gagawin ang lahat para matapos agad ang away, huh!


Teka, hindi porke nasa bakuran ng Kapuso Network si Luis ay may chance na silang magsama sa trabaho ni Jennylyn, huh! One time lang ‘yon bilang sukli ng guesting naman ni Jennlyn sa birthday episode ng host-actor sa Kapa*milya Deal or No Deal!

mscharming

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #433 on: May 15, 2012, 04:42:10 pm »
"(Jen) is the epitome of 'alaga'. She is a constant reminder that you are loved." - Luis Manzano

hayy kakainlove sila  :-*

strawberry

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #434 on: May 15, 2012, 05:02:52 pm »
"Luis, nangako ng "away" kay Jennylyn"  -- natawa ako dyan sa sinabi ni Luis nung Sunday. very candid sya

mscharming

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #435 on: May 15, 2012, 05:19:49 pm »
luis is very smart... ang galing galing niyang sumagot at alam mong confident sa sarili at sa love niya kay Jen.

marose17

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #436 on: May 15, 2012, 05:38:08 pm »
Ang ganda ng aura nila pareho kapag magkasama. :) 

sofistikada_1230

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #437 on: May 15, 2012, 07:49:17 pm »
hahai. super kinikilig ako sa kanila :) sana may video ng interview ng SC sa youtube... :)

qmoonlight

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #438 on: May 15, 2012, 10:54:52 pm »
I agree, Luis  is both a good interviewee & interviewer. You will really find time to listen to him when he speaks. And he brings out the best in Jennylyn. That's an epitome of a healthy relationship.
Sana sila na nga.

arlene_fav

  • Guest
Re: Jennylyn Mercado
« Reply #439 on: May 17, 2012, 02:13:00 am »
Ang ganda ng aura nila pareho kapag magkasama. :)

Agree. parang ang light ng chemistry nila. chill lang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close