watch now

Author Topic: Annullment thread 3  (Read 176861 times)

sylvester_jmc

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #340 on: January 13, 2013, 09:50:09 pm »
Ito siguro ang reason kung bakit nagkakaroon ng client na sobra magduda.  Nagulat kami before kasi parang natatakot magbitaw ng pera ang client which is not normal for us.  The attorney-client relationship should be based on trust dapat.  Fortunately, we delivered earlier than expected.  Congrats SIS, you know who you are. :)



Question lang.

Pag ang attorney ay di nagpaparamdam for 6 months. Dapat ba huwag mag alala? Dapat mag trust lang na ginagawa parin niya trabaho niya?

To GT Sis , please mag reply ka naman...kahit ikaw nalang mag reply hindi na yung attorney. You know who you are.

jojo2978

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #341 on: January 13, 2013, 11:10:02 pm »
Sorry sis, di ganoon ang ibig kong sabihin.  Pag maghire ng lawyer, dapat ibigay ng client ang trust niya sa lawyer niya.  Kapalit nito, di dapat sirain ang trust na ipinagkaloob ng client.

Dapat pag maghire ng lawyer, alam ninyo kung saan ang law office nila.  If they are doing free practice, kung trustworthy sila, they will tell you saan sila connected.  Syempre dapat makita ninyo ID nila and madali na lang ngayon unlike before, pag sinabi nila name nila, google lang makikita nyo na kung lawyer ba talaga sila or not.

6 months na di nagpaparamdam, matagal na yun sis.  In our case, at any time naman na magtanong, e di sasagutin and kahit walang tanong, naguupdate naman kami ng status ng kaso.

@sis qthyphen i've read your post... nakakalungkot nangyari sa iyo.  usual questions are, ilang months? ilang percent ang chance? It has been our/my practice na sabihin beforehand kung kaya ba or di.  No no na ngayon na magsabi ka maayos mo at this specific time tapos di pala. 

Iniingatan ng clients yung money nila na pinaghirapan baka mabalewala which is dapat lang.  Sa part naman ng lawyer, iniingatan naman yung name kasi sobrang pinaghirapan namin before namin nakuha yung privilege na makapagpractice ng profession.

sylvester_jmc

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #342 on: January 15, 2013, 10:51:22 am »
Thank you sa reply.

 :'( :'( :'( Sana lang importante doon sa attorney yung name niya at huwag niya sirain trust ng clients niya sa kanya. At sa sis natin na nag recommend sa kanya... I hope mag reply ka din naman para hindi naman nag aalala yung mga tao na nagtiwala lalo na alam ko madami naging client yung attorney dito sa GT.

Sa totoo lang kung wala update sa case or di pa umuusad... kahit simple text or email lang na wala pa update...okay na yon pero wala eh.  :(

qthyphen

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #343 on: January 15, 2013, 11:47:14 am »
To all our sisters, sine-share din namin experiences namin dito para din for your own good na malaman niyo din yung bad side na nangyayari about annulment cases minsan, and to learn from our own experiences.. By the way, I've also done my research dun sa attorney na tinutukoy ko ngayon at legal naman na lawyer talaga siya just to let you all know..

sis sylvester_jmc, I think I know who you are talking about, ganyan na din nangyayari sa kin and yung sis na nagrecommend dito hindi na rin nagpaparamdam, before nag galing galing niyang magreply dito at magadvise sa mga nangangailangan ng tulong for annulment and she's basing it on her experience pa na mabilis daw siya na annul nitong lawyer na to, then after all these things, parang lahat tayo na naniwala sa kanila e nakabitin na ang cases ngayon.

to you sis who recommended your lawyer to me, sana din magreply ka sa kin, alam mo kung gaano ang pinagdadaaanan namin dito at di lang basta basta yung binitawan ko na na malaking halaga pinag ipunan ko din yon alam mo ba sana wag niyo na lang kami paasahin sa wala. Nung mga panahon na ng payment ko kay attorney, ikaw ang unang unang nagtatanong agad sa kin ng updates i don't know kung pano mo nalalaman yung payment terms namin pero ngayong ako naman ang humihingi ng update sa inyong dalawa ni wala kayo pakialam.

sis jojo2978, salamat sa mga advise mo..

gusto ko din sana malaman mga sis kung may mapapayo ba kayo na pedeng legal na gawin na to take action on this, ayoko na ng naghihintay sa wall, mag allow pa ko ng isang buwan, kung wall, I will take it to another legal action na.
« Last Edit: January 15, 2013, 11:50:26 am by qthyphen »

sylvester_jmc

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #344 on: January 15, 2013, 12:38:52 pm »
If you know kung saang court sya naka file puede kang mag inquire sa court kung ano na status ng annulment case.

Hi Sis Latte & Sis jojo2978

Pag pumunta sa court kung saan nag file... kahit name lang sabihin pwede na ba yon? kasi wala binigay atty na case number or case title.

Ang hassle naman nito lalo na nasa abroad yung client. hay nako talaga!

latte

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #345 on: January 15, 2013, 08:13:51 pm »
Ay di ko lang alam kung puede na name lang pero try mo lang din by just giving the name. May alam kais ako na ang nangyari naman namatay yung attorney na may hawak ng annulment case ang advise nung kakilala ko na nagwowork sa court puede naman daw na ikaw na mismo ang personal na mag follow up sa court regarding status. Kasi sa totoo lang naman puede naman na personal ayusin or i file sa court ang case na ganyan, basta kailangan lang ng attorney na pipirma sa case. So try mo sabihin sa court yung name ng petitioner baka sakali malaman mo doon kung ano na status.

Goodluck sis. Alam ko mahirap yung ganyan sitwasyon kaya talagang bago ka magbitaw ng pera dapat sure ball. Ang hirap kitain ng pera ngayon. The fact na hindi na nga successful ang marriage tapos kailangan pang gumastos ng malaki para maging legally single eh hindi na madaling daanan mas worse pa na madaya sa pera, hay buhay talaga!

snow25

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #346 on: January 17, 2013, 12:04:46 pm »
^^ sylvester_jmc, nagwoworry naman ako.  Sana di mangyari sa case ko yan. Nakabayad na din ako ng 75% sa kanya.  I really hope na magreply naman sya.

Ang isang pwedeng gawin, ask someone who can visit his law office para personal na makausap.  Ang dami na din pala nyang case na hawak na from gtalk din. 

moonie

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #347 on: January 17, 2013, 11:48:53 pm »
Sorry, pero maraming ding manlolokong lawyer.  Magaling sumingil pero di iniintindi ang kaso ng kliyente at magugulat na lang yung kliyente na natalo na pala ang kaso niya dahil sa kapabayaan ng lawyer.  Better you personally inquire as to the status of your case kung hindi niyo na mahagilap ang abogado niyo. 

@snow25 and qyhyphen
Sino ba yang lawyer na yan at yung gtalker na nagrecommend sa kanya?  Or at least refer us to the gtalker's posts here

sylvester_jmc

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #348 on: January 18, 2013, 01:57:22 pm »
Sis,

As much as possible ayaw ko mag banggit ng pangalan pero if she will not reply sa mga pm ko dito at ym ko sa kanya baka pag isipan ko na. Sa totoo lang, yung mga message ko sa GT Sis natin na nag recommend ng lawyer napaka simple lang. I just want to know bakit hindi sila nagrereply sa friend ko. I was also asking her if she can help my friend to follow up sa attorney pero ayaw talaga sumagot pati mga phone unreachable or nakapatay.

I hope huwag niya or nila sirain yung trust kasi ang hirap ng feeling na helpless at hopeless ka. Tumulong din naman friend ko para maka secure ng client abroad tapos ganito yung mangyayari after magbayad ng almost 80%.

Hindi naman mangungulit ngayon kung mag update man lang kahit wala pa progress. 5 to 6 months binigay ng friend ko allowance para yung attorney mag update pero until now wala tapos nung siya na nag follow up hindi  sumasagot at nagrereply. Ang unfair naman ata nun lalo na never na nag delay ng payments.

To GT Sis ********, I hope nababasa mo ito.

xee

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #349 on: January 18, 2013, 04:11:54 pm »
I know this lawyer and GT sis na pinaguusapan ngayon dito sa thread, I am also a current client at recently nagkaron na uli kami ng usapan about my case. I'm still hoping na magagawan ng paraan na ma annul na din ako ni attorney, after all, I've given naman all my trust to him, lets just wait and see.

I just want you all to know na I will not let anyone or anything na makapag abandon ng case na to, I mean I will fight for my rights and will not let whatever time, money and hope I've given be put into waste. Sisters, sana ganon din kayo na mga medyo nawawalan na ng pag asa, we can work this out and lets fight for our rights okay.

Kay GT sis, hindi na siya nagrereply pa at nagpaparamdam man lang. Kahit man lang words of encouragement wala, we all came to you naman nicely diba at ikaw ang todo suporta pa nung mga times na naghahanap pa lang kami ng laywer and nagrerekomenda ka. Sana lang, alagaan mo yung name mo na ni-build up mo for so long here in girltalk at wag mo hayaan naming lahat na isipin na pinabayaan mo kami ng ganun ganun na lang at nawala ka na lang parang bula. I'm still open for any conversation at waiting lang ako sa reply mo, yun lang.

qthyphen

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #350 on: January 18, 2013, 04:26:02 pm »
Sorry, pero maraming ding manlolokong lawyer.  Magaling sumingil pero di iniintindi ang kaso ng kliyente at magugulat na lang yung kliyente na natalo na pala ang kaso niya dahil sa kapabayaan ng lawyer.  Better you personally inquire as to the status of your case kung hindi niyo na mahagilap ang abogado niyo. 

@snow25 and qyhyphen
Sino ba yang lawyer na yan at yung gtalker na nagrecommend sa kanya?  Or at least refer us to the gtalker's posts here

Hi sis, I will not do any namedrop here in public forum baka kasi hindi allowed sa GT at ma lock pero anybody can pm me about who she is who always giving advises here in GT about annulment at kung sino yung lawyer na lagi niya nirerekomenda, ayoko kasi na mangyari pa to sa mga susunod na pede pa nilang ma engganyo na mag pa annul, kasi para sa kin, ayusin niyo muna kaming lahat na pinapaasa niyo na matatapos ang kaso bago kayo kumuha ng panibagong mapapaniwala ninyo.

sylvester_jmc

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #351 on: January 18, 2013, 04:37:08 pm »
Grabe lang... Ang dami nila pending na client. Dito sa GT lang eh ang laki na ng kinita nung attorney at malamang yung nag recommend.

Sana naman asikasuhin nila yung mga kaso lalo na kung naka file na pala! Ang bilis nila pagdating sa bayaran nag eemail at tawag agad tapos simpleng follow up pahirapan!

shine_26

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #352 on: January 24, 2013, 10:11:26 am »
mga sis,

if ever na sa kasalang bayan kinasal, tas may registration number 'yung marriage contract, need pa ba may notary seal kasi noong nagtatanong kami sa PAO for the assessment ng Annulment need daw muna ng notary seal kasi nga sa Kasalang Bayan sila kinasal?

blue_sky

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #353 on: January 25, 2013, 07:23:45 pm »
mga sis, how long does it usually take para makakuha ng return of summons? My ex-hubby kasi lives in Zamboanga, I know he received the summons na last month (dahil nag-send siya ng pa-galit na email) however wala pa raw nare-receive na Return of Summons yung court in laguna.

from backreading, i learned na may 15 days lang si ex para i-contest yung petition. But let's say hindi siya magko-contest (hopefully), how long will it take for the Court in laguna to know that my ex received the summons and then proceed with the pre-trial?

thanks in advance, helpful gTalkers...

jojo2978

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #354 on: January 26, 2013, 09:16:08 am »
summons is usually sent through registered mail.  so sa return card, makikita doon kailan nareceive or kung nireceive, then saka tatakbo 15days...

relax lang sis, give it a reasonable time. di naman ibig sabihin di siya magcontest, the Office of the Solicitor General will just let it go.  take your time kasi regular process naman to and most of the time naman (exceptional lang ang hindi) the judge grants the annulment kasi anong magagawa nila kung gusto ng maghiwalay supported by valid ground/s.
« Last Edit: January 30, 2013, 03:20:13 pm by jojo2978 »

blue_sky

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #355 on: January 30, 2013, 01:07:18 pm »
thank you for your response, jojo2978... i will be patient then... thanks :)

jazzlawyer

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #356 on: January 30, 2013, 07:57:16 pm »
how do I know if a guy is really annulled as he claims he is?

secure a CENOMAR at NSO.. easiest way  ;D

jazzlawyer

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #357 on: January 30, 2013, 08:04:19 pm »
To all our sisters, sine-share din namin experiences namin dito para din for your own good na malaman niyo din yung bad side na nangyayari about annulment cases minsan, and to learn from our own experiences.. By the way, I've also done my research dun sa attorney na tinutukoy ko ngayon at legal naman na lawyer talaga siya just to let you all know..

sis sylvester_jmc, I think I know who you are talking about, ganyan na din nangyayari sa kin and yung sis na nagrecommend dito hindi na rin nagpaparamdam, before nag galing galing niyang magreply dito at magadvise sa mga nangangailangan ng tulong for annulment and she's basing it on her experience pa na mabilis daw siya na annul nitong lawyer na to, then after all these things, parang lahat tayo na naniwala sa kanila e nakabitin na ang cases ngayon.

to you sis who recommended your lawyer to me, sana din magreply ka sa kin, alam mo kung gaano ang pinagdadaaanan namin dito at di lang basta basta yung binitawan ko na na malaking halaga pinag ipunan ko din yon alam mo ba sana wag niyo na lang kami paasahin sa wala. Nung mga panahon na ng payment ko kay attorney, ikaw ang unang unang nagtatanong agad sa kin ng updates i don't know kung pano mo nalalaman yung payment terms namin pero ngayong ako naman ang humihingi ng update sa inyong dalawa ni wala kayo pakialam.

sis jojo2978, salamat sa mga advise mo..

gusto ko din sana malaman mga sis kung may mapapayo ba kayo na pedeng legal na gawin na to take action on this, ayoko na ng naghihintay sa wall, mag allow pa ko ng isang buwan, kung wall, I will take it to another legal action na.

OMG! may ganitong issue?? sana masolutionan ninyo yan sis.

I dont know if i mentioned this before pero easy wa of processing declaration of nullity is skeptical. Madaming mga nasususpend na judges because nag fifix sila ng mga ganyan.

Eto talaga naalala ko sinabi ko, lawyers ARE NOT in the proper position to tell gano katagal ang process ng declaration of nullity. we're NOT magicians or manghuhula.

yun lang nag POV ko. I have prospective clients na HINDI ko talaga binibigyan ng timeline ang process kasi di namin hawak ang schedule ng court.

yun lang ;)

biancs

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #358 on: February 01, 2013, 07:12:18 am »
me too, same thing happened to me, wala ng paramdam

biancs

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #359 on: February 01, 2013, 07:17:44 am »
hi sis since. 7 years ago na ang nakakaraan ang gagamitin mo na ay ang annullment and pyschological inc as ground. kasi sa batas may tinatawag na prescriptive period yan dapat before natapos ang 5 years after thw wedding nag file ka for nullity of marriage dahil minor ka but since 7 years passed hindi mo na magagamit un.magagrant yan depende sa. petition ng lawyer mo esp walang pagsasama malakaa grouns mo for psych ground

sis bat di ka na sumasagot sa mga messages ko sayo sa facebook at YM, i need update sis.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close