watch now

Author Topic: fertility dance.. obando bulacan  (Read 121557 times)

rianne_mallows

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #180 on: May 16, 2012, 10:48:15 pm »
^ok lang naman siguro. pero the sacrifice kasi SHOULD be made by the couple diba. ikaw kung gusto mo pumunta wala naman bawal eh :)

wala naman special announcement. baka kagaya pa din last year yung schedule. 6, 7, 8 am mga mass then after nung 8 am mass parade

isasara daw yung kalsada so lalakarin niyo na lang kung saan kayo ibababa ng jeep

kitakits tomorrow!!!

marygabriellee

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #181 on: May 16, 2012, 11:05:55 pm »
sis rianne, meron din palang 8am mass. thanks for the info.
excited for tomorrow!

ivyn

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #182 on: May 17, 2012, 11:11:39 am »
excited for tomorrow's st claire feast day. maaga kami bukas, last year kasi 5am palang nasa obando church na kami. :)

rianne_mallows

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #183 on: May 17, 2012, 03:49:52 pm »
woo!! dami tao kanina. mas madami kesa last year. yun nga lang parang mas masaya last year. puro naglalakad nakita ko kanina. wala masyado nagsasayaw kokonti lang  :P

lhentweety

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #184 on: May 17, 2012, 04:03:15 pm »
punta po kami bukas sa obando, may sasakyan po kami dala pwede po ba kami mag exit sa mecauyan bulacan ? tapos after po ba nun malapit n po ba ang obando church? ano po ba ang landmark para malaman [textspeak!] malapit na kami sa obando church?

jhoanne11108

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #185 on: May 17, 2012, 04:41:51 pm »
ang hina kasi sis ng tugtog sis ng banda/mosiko kaya tamad ang mga tao sumayaw, pero doon sa simbahan after ng parada grabe todo sayaw mga tao ang saya iba ang feeling :)  bukas ulit :)

ivyn

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #186 on: May 17, 2012, 05:58:41 pm »
hi sis jhoanne11108, what time kayo kanina nasa church? what time ng start ang procession? thanks.

rianne_mallows

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #187 on: May 17, 2012, 06:03:17 pm »
@jhoanne.   oo nga eh. sobra kasi dami ng tao today. hindi siguro naanticipate ng organizers yung dami kaya ang haba ng agwat kada banda. same lang din naman yung bilang nung banda compared last year.



jhoanne11108

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #188 on: May 17, 2012, 06:14:42 pm »
sis ivyn, 7am yung mass na naabutan namin after ng mass procession na. Pero sabi ng announcer sa church tuloy tuloy ang mass kahit may procession. sa hapon meron din kaso mas masaya kapag sasama ka sa procession.

sis rianne, talaga madami ng tao kanina paano pa bukas mas marami pa siguro, sis same lang ba route kanina sa last year celebration nyo?  bukas kaya dun din ang procession?

ivyn

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #189 on: May 17, 2012, 06:17:51 pm »
thanks sis jhoanne, yup sasama kami ni hubby sa procession at syempre sasayaw na din kami kasama ang dasal na sana ay isa kami sa biyayaan ng anak this year. masarap sumunod sa banda kasama ng mga mananayaw para mapasayaw ka talaga  ;D

m0nlin

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #190 on: May 17, 2012, 06:29:19 pm »
dumating kami sa simbahan 4 30am hanggang 7am andun lang kami sa loob ng simbahan todo misa talaga ;D masyado kaming napaaga.bukas ganun parin ba sis ang misa?kasi kung same parin baka 5am ang aattenand naming misa.2 30am gising na kami ni hubby knina hahaha excited.tama 30 mins ang byahe mula monumento gang obando at P17 pamasahe isang tao.ang saya kanina grabe dami tao.bumili kami ni hubby ng itlog inalay namin dun sa tatlong patron tapos may sulat na hiling.bumili rin kami ng panyo ni santa clara at binasa ko yon sa harap ng arko ni santa clara.tapos bili ng sampaguita at inalay din sa 3 patron.ang sinundan naming arko yong kay st.pascual tapos may sumasayaw na lalake ewan kong kagawad ba yon kasi panay kaway din nya sa mga tao  ;D.masaya may kending kending panga eh lolz  ;D.. sumasayaw din ako kaso si hubby nahihiya pero sumasayaw din naman pero mas ako talaga ang sumasayaw  ;D tapos sumayaw yong arko ni st.pascual sa loob mismo ng simbahan at andun talaga kami ni hubby nakahawak sa arko ni st.pascual tapos yong isa kong kamay nakahawak sa tyan ko  ;D  grabe pawisan pero ok lang sobrang saya naman dahil marami ding sumasayaw,at may sigaw pa.kumakatok pako sa arko ni st.pascual  :D  at pinupunas ko yong panyo ni santa clara at lagi kong sinasabi please pakinggan at pagbigyan nyo po ang lahat ng humihiling po sa inyo ng anak please please po.bigyan nyo po kami ng isang malusog na anak.paulit ulit yong dasal ko sabi ko nga wag po kayong makulitan sakin ha  ;D yong pagod nung time na yon hindi ko naramdaman pero nung natapos na nung palabas na ng simbahan dun ko lang naramdaman yong sakit ng paa ko at katawan  ;D bukas balik ulit kami ni hubby ang susundan naman naming arko kay santa clara  ;D

ivyn

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #191 on: May 17, 2012, 06:41:07 pm »
nakakatuwa naman sis monlin, ganyan din kami kaaga last year, naabutan pa nga namin yung novena before ng mass, naka 3 mass kami bago ngprusisyon. ok lang wala kaming naramdamang pagod lalo na nung tapos na at nasa simbahan na, grabe ang pawis talaga namin, hindi mahulugang karayom ang loob ng simbahan, dalangin ko din na sana lahat ng humihiling ay pagbigyan nya na. yung officemate ko nga last year kasama namin dun, after 11 years of marriage nabuntis sya. babalik sya ulit bukas para magpasalamat kay sta clara. sana matupad nadin ang mga hiling nating lahat.

rianne_mallows

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #192 on: May 17, 2012, 06:45:22 pm »
@jhoanne - iba na route ng parade bukas. yung mass hindi ko alam start :-X  tanong ko muna sa mga tita ko

jhoanne11108

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #193 on: May 17, 2012, 06:46:44 pm »
sis monlin, kami naman ni hubby nung una kay st. pascual kami nakasunod tapos lumipat kami kay st. clara kasi nandun yung banda nakakatamad kasi pag walang music eh nakakapagod atleast kung may naririnig ka mapapasayaw ka pa.  Ang sarap ng feeling nung nasa loob ng simbahan na nagsasayaw lahat ng tao, teary eyed pa ko kasi super ang wish namin ni hubby na magka baby.

hindi kami bumili ng itlog eh, bukas buy kami ng sampaguita para ma offer sa 3 saints. saka buy din ako ng panyo ni st. claire.

hindi ko lang alam kung same route din.

grabe sakit din ng paa ko niloloko nga ako ni hubby kasi hindi ko maihakbang sa jeep yung paa ko dun ko lang nadama yung pagod sa layo ng nilakad natin.


makulet

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #194 on: May 17, 2012, 07:12:59 pm »
mga sis, andun din kami kanina ni hubby at tama kayo mga sis sobrang dami ng tao at mawawala talaga hiya mo kakasayaw :) gusto sana namin bumalik bukas kaso d na kakayanin kase bday ko din today.. haist! sana makaya pa namin gumising ng maaga bukas..

mga sis thank you sa mga info. :) sana mageant na mga wishes natin :)

m0nlin

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #195 on: May 17, 2012, 07:44:10 pm »
@sis ivyn oo nga eh yong pawis sa loob na ng simbahan tagaktak talaga yong pawis,eh naka blouse ako nun tapos ang pang ilalim ko long sleeve hahaha pero bale wala dahil ang focus ko yong hiling na mabigyan ng isang malusog na anak ganun din sa iba pang humihiling.wow 11yrs tagal nun,nakakatuwa yong mga ganyan na story tagal hindi magkaanak tapos paghumiling at magsayaw sa obando nagkakaanak na sila.mabubuhayan ka talaga ng loob.sana nga magkaanak na nga tayong lahat.
@sis jhoanne oo nga sis si st.pascual walang banda nagkaroon lang sya nung pagliko yong pagbalik ng dinaanan dun lang sya nagkaroon ng banda,dun na nagsayawan ng lambada,kending kending tapos yong kay santa clara pinong pino.sa jip sakit tuhod ko dahil tagal nakabaluktot from obando to monumento sabi ko nga kay hubby sumusumpong na yung rayuma ko hahaha tawanan kami eh.

angelshines

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #196 on: May 17, 2012, 11:44:37 pm »
First time to attend kanina :) Iba at ang saya ng fiesta sa Obando! Yun nga Lang Mga sis Hindi masyado masayaw nung sa procession since Medyo Hindi ganun karinig yung tumutugtog...dami nga kasi Tao! Ang saya at nakakaiyak yung solemnity ng church! Sana mabiyayaan na tayo ng babies!

sharongabarda

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #197 on: May 18, 2012, 01:22:24 pm »
to sis rianne: mismong monumento bbba and wthats next? may misa at sayaw ba khit hindi fiesta?

m0nlin

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #198 on: May 18, 2012, 01:33:37 pm »
umulan kanina pero sige tuloy parin.ang daming tao ang sumunod sa arko ni santa clara grabe ang haba.ang saya nung nasa loob ng simbahan syempre hawak parin kami ni hubby sa arko kahit kanda ipit ipit na sige parin.may nagbabato ng itlog may isang itlog na pumunta sa arko,agawan kami hahaha.nakuha ng isang babae ang sabi oh sino wala pang anak dyan,ang daming agawan sa itlog yon pala kalahati na lang,sabi ng isa pahawak ate ng itlog promise isusuli ko rin sayo,sabi ko naman ako rin pahawak,paghawak ko kapirasong puti ng itlog na may balat hahaha,sabi ko sige ok lang basta nakahawak ng itlog.tapos maya maya sabi ng babae oh eto kainin mo tong itlog nag share sya ng itlog,kinain namin yong kapiranggot na itlog na yon hahaha.paglingon ko 5 pala kaming babae ang kumakain ng itlog na yon  ;D tapos may kumukuha ng itlog sa arko ni santa clara tapos may nakita akong itlog naka plastic sya sabi ko kay hubby kunin nya yong itlog,nagulat sya ng tumaas sya,kasi binuhat ko sya para umangat para lang makuha yong itlog na yon,may nakuha sya nakalagay sa tray 6 na itlog,sabi ng iba uy ang daming itlog penge naman kami kahit isa,tapos may nagsabi alay din daw yon kay santa clara,kaya binitawan din ni hubby,tawa kami ng tawa kasi sabi nya sisilipin lang daw nya kung may itlog nga sa arko,nagulat daw sya ng umangat sya eh,at natawa naman ako dahil binuhat ko talaga sya na yong kamay ko nasa gitna ng mga hita nya hahahha.sagwa diba hahaha!! kaya pag naaalala ko ngayon natatawa ako,first time lang namin talaga pumunta sa mga ganyan,sobrang saya pala talaga.sulit na sulit!! bukas ulit mga sis  ;D

misisef

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #199 on: May 18, 2012, 02:59:46 pm »
buti pa kayo nakabalik. kami hindi na, kasi me mga pasok na kami. dami nga tao kahapon. masaya pala dun. lalo na ng nasa simbahan,. masarap sana kahit lakad lang sa prusisyon. dun kami kay st. pascual dahil sabi dito dati patron of childless couple sya. kaso nung prusisyon na, hirap magdasal kasi [textspeak!] mga bata sa likod namin kwentuhan ng kwentuhan, mga teenagers pa lang, ang lalakas ng boses. wala ginawa kung di magkuwentuhan buong prusisyon, buti na [textspeak!] nung pabalik na, wala na sila. sana lang dinggin ang prayers namin ni hubby kasi ngayon lang sya sumama sa ganito at kusang-loob, hindi man sya masyadong sumayaw e hindi ko naman sya naringgan ng reklamo e ubod ng reklamador yun, masaya naman sya lalo na nung nagsasayawan sa simbahan at asa harap kami ni san pascual kahit pawisan na sige ang talon ng lahat .masaya naman talaga. gusto ko sana bumalik kaso baka wala naman ako balikang trabaho paano na kami ng baby ko(kung mgkaron na bigla hehe)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close