watch now

Author Topic: 2011 BRIDES XIV  (Read 93207 times)

RiaLity

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #700 on: May 06, 2011, 11:24:27 am »
sis carmi, san ang target niyo sa Ongpin? Tumingin na rin kami dun before, may nagustuhan kami 28K kaso sabi ko tingin muna sa iba.

At ano pala ang pakay niyo sa divi, baka makasabit ako dyan haha!

kikay_shopper

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #701 on: May 06, 2011, 11:33:49 am »
Bernes na mga te.. end of week na hehe

share ko sa inyo mga sis ang pinagawa naming plate kay sis zandystar http://www.mywedding.com/jerryandjaivy/custom5.html ;)

bukas we'll get the banns from st.vincent at start na ng tawag sa kasal this sunday 8)
tomorrow din we'll meet na our OTD Claire of Hearts and Smiles.. kinakarir na din namin today ang invites, kasi according to her kelangan 3rd week mapamigay na... kukuha na din ng Baptismal and Confirmation certs si h2b bukas..

postponed bukas ang divi sched namin ng isa kong abay, siguro sa linggo na lang or next week kapag hindi na talaga kinaya..

grabe mga sis, challenge talaga ang pagfifinalized na guests list.. ang dami kasi naming friends :-\

sis rio : share mo sakin ang corset ha? kung san kayo makakabili..

sis lopira : next mo na ang p/v tapos gown..


babsbridda

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #702 on: May 06, 2011, 11:36:25 am »
^sis ang ganda.... love it! how much ang pagawa ng ganyan?

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #703 on: May 06, 2011, 11:45:12 am »
onga kikay ang ganda!!! gusto ko rin niyan!!!

ria: mag canvass kami ng gowns for ento, saka barongs.. tapos buysung ako ng pang DIY ko.. nagpunta kami dati ng tita ko sa ongpin may nakita na akong mga rings dun.. dun sa mga store sa tapat ng simbahan lang.. as low 3500/ pair girl.. tri color pa yun.. white, yellow at rose gold.. kaso manipis lang siya.. pero sana hindi peke yung nakita ko.. yung iba naman, parang may illusion ng diamonds, pero engravings lang siya, mga 6-10k/ pair...

pag wais ka makakaswerte ka sa ongpin.. kasi yung iba sobrang mura pero totoong gold siya.. yung tita ko bumili ng bracelet worth 3500.. nung kailngan na yang isangla nung gipit siya, ang assess ng sanglaan, 7k. doble ng orig price...
« Last Edit: May 06, 2011, 11:49:29 am by carmichael18 »

lopira

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #704 on: May 06, 2011, 11:50:25 am »
ria & karmie - may p/v na kami, yun ang una naming na-booked :P ria, sama ka sa divi tapos derecho ongpin na rin! para ma-meet ko na kayo dalawa ;D karmie sis gusto mo rin try sa bulacan for rings?

so, gowns na lang pala muna kami? pwede ba paki-list ulit ang checklist? :P

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #705 on: May 06, 2011, 11:51:15 am »
grabe ang iniiittt!!! para kong maheheat stroke papasok! dahil dyan aagahan ko na lagi pumasok, mga 9am dapat nasa office na ko..ayaw ko na pumasok ng 11 or 12!! brrrrr

@kikay wow eto ba yung sa may mini? papagawa nga rin kami nyan if ever kunin namin yun na bridal car...si h2b decided na mag mini cooper kami e :D parang yan na ang souvenir namin hihi

Q&A
baka sasakyan..sinabi ko kasi kay h2b na gusto ko pag may baby kami e may sasakyan na kami..ayaw ko ibyahe ang anak ko ng commute commute dahil promise, sobrang hirap nung ganun! naaawa nga ako sa mga baby na binabyahe ng commute kasi siksikan na ang init pa. E mukhang gusto na ni h2b na baby agad so talagang sasakyan ang mukhang mauuna.

usapang divi
sama ko mga sis!!! pareho tayo ng pakay sa divi, mga pang DIY na cord, pang decors, etc.
nakatingin na pala kami sa ongpin, and i think yung mayfair ang madaling kausap and maayos ang designs na mura. pero naghahanap pa rin kami ng rings ni h2b, kasi parang gusto namin yung diamond inside ng matus e hehe.

kikay_shopper

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #706 on: May 06, 2011, 12:09:22 pm »
carmi and bbb : 900 + 100 shipping a week lang ang inantay ko hehe.. i paid her monday tapos ngayon gawa na ;) nauna pa sa cord ni sis eyzel

4g : yup kay minime 8) multiply site ni sis zandystar ;)

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #707 on: May 06, 2011, 12:10:13 pm »
4G - kung keri naman ng budget eh di go ka na sa gusto niyong rings... kami ni h2b, kahit na gusto namin ng sariling bahay, ayoko rin na icommute yung baby namin.. ang hirap magbyahe ngayon.. lalo na kung mula cainta pauwing cavite and vice versa.. o diba kaloka..

mga sis May 28 or 29 ang field trip sa divi.. sino pong sasama?

kikay_shopper

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #708 on: May 06, 2011, 12:12:44 pm »
re question of the day  8)

we have the house na pero kelangan din ayusin muna.. sana makamove-in kami before q4 of this year, para 1st christmas namin with our new house.. tapos kotse na after kasi magiging bulakenyo't bulakenya kami kaya kelangan na ng wheels hehe

re divi : count me in sis carmi ;)

pero mga sis napagusapan sa FB ng slumber party doc chris and tin's place, para makasama natin si sis ruthie.. they're suggeting after sis kaice wedding.. may suggestion ba kayo for the date?
« Last Edit: May 06, 2011, 12:15:55 pm by kikay_shopper »

RiaLity

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #709 on: May 06, 2011, 12:39:33 pm »
sis carmi: go ako dyan! Kailangan ko din kasi maghanap ng ento gowns saka yung rings nga! Count me in! :)

re pag-commute ng baby: yan di ang ayaw na ayaw namin ni h2b, usapan talaga namin dapat may car na before baby. Hindi naman kami nagmamadali magka-baby, siguro in 1-2 years time pa.

nikeljean

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #710 on: May 06, 2011, 01:38:46 pm »
singit post lang!  ;D

q for the d.. samin house talaga!! then after nun car naman.. tulad nyo mga sisses.. ayoko ring magcommute kapag may baby na kami.. i-cocommute ko na lang siya kapag 2 or 3 yrs old na.. para masanay din siya sa buhay kalye!

RE wed plate.. ay! love the plate.. gusto ko rin nyan! ma sight nga ang site nyan..

RE Divi.. naku gustuhin ko man.. may scheduled outing na kami kasi debut ng sister ko ng may 29.. we're going to candelaria, zambales then visit the potipot island!

RE Rings.. kami rin sa ongpin na lang bibili ng rings.. pero may nakita kaming shop sa may ever ortigas.. matagal ng store ng jewelry.. high school pa lang kami nandun na yun.. 6k ang pair.. baka consider din namin yun!

back to work na ko mga sisses!

lopira

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #711 on: May 06, 2011, 01:56:15 pm »
wow dami na kasama sa divi! finalize na natin ang date mga sis! ;D

kikay_shopper

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #712 on: May 06, 2011, 02:00:51 pm »
re wed plate feel free to visite willyouminime.multiply.com  8)

blueflame

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #713 on: May 06, 2011, 02:02:21 pm »
hi sisses! dalaw lang ako...

medyo OT lang po sa topid nyo - sa mga late 2011 bride po, may mga na-book na ba kayong hotels? pag mag-ocular kayo ng hotels within manila area, baka pwede maki-join. TIA!

glitz22

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #714 on: May 06, 2011, 02:15:09 pm »
sis kikay - ganda ng wedding plate!  at type ko yung gown inspiration mo!

naalala ko tuloy na dapat namin meet sina zandystar. h2b ang nag book sa kanila, ang bilis nga nya mag inquire at magbayad dun.  :o
« Last Edit: May 06, 2011, 02:23:35 pm by glitz22 »

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #715 on: May 06, 2011, 02:16:37 pm »
@blueflame kami sis maghahanap pa ng hotel :) baka sa astoria kami mag-ocular pero ala pa sked hehe

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #716 on: May 06, 2011, 02:27:25 pm »
sisters!!! i'm back..pero aalis ako ulit. punta muna sa mga banks para sa kadatungan. sayang ang oras eh di lumarga na ng lumarga para sobrang gamit na gamit ko yung time ko.

went sa may cainta para magpagawa ng invitations. nyak! di nagswak sa budget! kaya lang gustong gusto ko talaga yung invitation na pinapagawa ko. pinapagcanvass ko muna si supplier if she can get papers na lesser value. email ko na lang sa kanya tonight yung mga specs and info ng invitation. sa sunday ko makikita ang draft. pak! pak! kailangan magswak ang budget ko dun sa gusto kong invitation!

OMG! i so love ate fe's work! grabe..kuhang kuha nya yung gowns na prinint ko for my ento! as in kitang kita sa akin ang satisfaction. tomorrow ang first fitting ni MOH dito sa bahay. will post pix tonight sa wedsite.

o sha..sumaglit lang ako at may nalimutan ako dito sa bahay..vhavhavhush!

hoyhoy

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #717 on: May 06, 2011, 02:31:20 pm »
Hi! pajoin lang din..sis Kikay how much yung plate? super nice, like ko din yan  ;D isa lang ba yan or dalawa para parehas front and back meron?

Kami naman, inuna na namin ang car bago ang wedding para pagafter ng wedding kung magkano makokolekta namin sa wedding day, pang down namin ng house, tas sana kung makakakita ng maganda at malapit na house and lot na loanable sa pagibig, pagsasamahin namin yung mga loanable amounts namin.

sa hotel naman, naghahanap hanap na din kami pero di pa kami nag ocular, hopefully pag nakakita na ng gagawa ng entourage gowns at ng hmua.

blueflame

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #718 on: May 06, 2011, 02:33:07 pm »
@ sis 4g - naku! malayo ang astoria sa venue namin. sa manila area kami eh, yun mga within roxas blvd/malate area. yung murang hotel lang kasi hanap ko, di ko keri mga diamond, hyatt and the likes.  :'(

@ princessrio - lagari ka sis ah! go! go! go!

nikeljean

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #719 on: May 06, 2011, 02:44:56 pm »
usapang hotel: samin condo yung rent namin.. sa may ortigas east mansion.. 2 bedroom ito.. 3k per night.. naka-usap ko na rin ang may ari.. matagal pa kasi yung wedding.. kaya as long as open yung unit sa date namin.. go na kami dito.. first come first serve kasi.. baka daw kasi may mag rent ng pangmatagalan e 1 day lang naman namin gagamitin.. kaya priority yung nauna.. kung wala hahanap ako sa iba.. meron ding iba cambridge naman.. kaya lang minimum of 3 days.. 2k/night kaya 6k din yun.. last resort namin sa venue ng reception namin.. sa Largo's Nature Garden.. may room dun si tita Arlene na pwedeng gamitin for wed preps.. 2k lang..  :P 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close