watch now

Author Topic: Sagada Thread 4  (Read 112108 times)

jhandee

  • Guest
Re: Sagada Thread 4
« Reply #560 on: January 21, 2013, 06:39:00 am »

Sis eto yung ginawa namin nung day 1, nag Baguio kami kala namin malapit na lang pa Sagada, ang layo pa pala at ang tagal ng Bus, ordinary sya and pagdating mo ng Baguio depende kung puno na yung bus pa Sagada, nung kami naghintay pa kami ng matagal before umalis yung bus, hindi pala sunod sunod ang byahe from Baguio. Dumating kami ng 5am ng Baguio, nag breakfast lang kami then 6:30am nasa Dangwa na kami umalis kami ng 11am pa at dulo a kami ng upuan yung pang maramihan, pero enjoy naman sa adventure  ;D. Dumating kami ng Sagada mga 4pm-5 na. Matagal kasi ilang stop over din yun, kaya yung iba suggest talaga nila Banaue route from there 1-2 hrs na lang pa Sagada. Nung pauwi namin nag Baguio ulit kami side trip. enjoy sis!


Day 1

2230H: Departure from Victory Liner Pasay

Day 2
0350H: Arrival at Victory Liner Baguio/Taxi to Dangwa Terminal
0400H: Arrival at Dangwa Terminal/Breakfast
0530H: Departure of Lizardo Bus to Sagada
1115H: Arrival at Sagada



sweetczarina

  • Guest
Re: Sagada Thread 4
« Reply #561 on: January 21, 2013, 08:59:49 am »
mga sis, may nakapg try na ba sa inyo na 2nd day ginawa yung Caving sa umaga then Big Falls sa hapon?

carl_13

  • Guest
Re: Sagada Thread 4
« Reply #562 on: January 23, 2013, 08:13:30 am »
^cave connection ba yan sis? you wouldn't want to combine those two activities on the same day
super exhausting


sweetczarina

  • Guest
Re: Sagada Thread 4
« Reply #563 on: January 23, 2013, 08:52:49 am »
^ yes sis.. naisip ko kasi na para isang pagod na lang sana sa isang araw yun.. hehe..

shegothim

  • Guest
Re: Sagada Thread 4
« Reply #564 on: January 23, 2013, 09:40:44 am »
hmm parang ang hirap noon sis kahit gustuhin nyong isang araw lang na pagod pero baka ano pang mangyari sa inyo pag nanghihina na ang tuhod nyo sa paglakad/akyat/baba.

kung sanay naman kayo sa mahabang lakaran at akayatan siguro pwede pero kung hindi wag na lang siguro sis.

sweetczarina

  • Guest
Re: Sagada Thread 4
« Reply #565 on: January 23, 2013, 01:53:01 pm »
naku..ganun ba? nagmamatapang pala kami sa IT namin.. hahahaha!

sige tanungin ko din muna mga kasama ko kung ok sa kanila yung ganung activity na pag isahin na lang...

abbey

  • Guest
Re: Sagada Thread 4
« Reply #566 on: January 23, 2013, 03:11:18 pm »
oo sis. kasi yung cave connection pa lang nakakapagod na. napaomega nga kami at alaxan nung gabi hehe. kaya magdala na rin kayo nun for muscle pain.

pero nakapagpongas falls pa kami nung 2nd day hehe.

Letmeloveu

  • Guest
Re: Sagada Thread 4
« Reply #567 on: January 23, 2013, 09:07:53 pm »
ask ko lang po if marami naman mga rooms for rent sa sagada. Kasi sa nakita namin. Saint joseph resthouse..booked na daw. Mga 10 persons pa naman kami pupunta. Ang target date pa namin sa holy week.

shegothim

  • Guest
Re: Sagada Thread 4
« Reply #568 on: January 23, 2013, 10:06:02 pm »
ask mo sa george guest house or residential inn kung may available room sa holyweek. agahan nyo ang pagbook dahil kung dun pa kayo maghahanap mahihirapan kayo ang dami nyo pa naman.

unwantedP

  • Guest
Re: Sagada Thread 4
« Reply #569 on: January 23, 2013, 11:11:02 pm »
^^oo nga sis pa-book na kayo kasi hindi ganon kadami ang inns in sagada sa volume of people na pumupunta during holy week. i saw some na naka-tent lang outside. George Guest House is malapit lang sa caves and Echo Valley. Pwedeng lakarin. Pinaka-okay yung location nila, magkakadikit lang sila dun nung Residential Lodge. Other side mas tahimik and bundok-feel, yung Rock Inn etc. (street name dun is  "Pátay") ;D

Here's some list to get you started:
http://www.saggas.net/2008/12/list-of-all-accommodations-in-sagada.html

Letmeloveu

  • Guest
Re: Sagada Thread 4
« Reply #570 on: January 24, 2013, 03:59:28 pm »
thanks shegothim and unwantedP, will check it today. Naisip ko nga rin magdala na lang ng tent yung lalake sa tent yung babae sa room. hehe. Di lang kasi regular day yung punta namin dun kaya nag rurush na kami makapag book na and sobrang marami pa tao. Thanks po.

sweetczarina

  • Guest
Re: Sagada Thread 4
« Reply #571 on: January 28, 2013, 02:47:41 pm »
super lamig and fog everywhere.. sad to say, mailap si Sunrise sa Kiltepan Viewpoint..   :(

pero all in all, super saya ng activities.. panalo ang cave connection.. at ang mura ng mga gulay dun..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close