watch now

Author Topic: FUN RUNS  (Read 110473 times)

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #80 on: August 01, 2011, 08:23:23 am »
Nice PR sis!
Kami 330am palang nasa MOA na kami, alam kasi namin na punuan ang parking.
Pagbaba palang namin ng car nagpaulan na kami agad.
Yup ansarap tumakbo sa ulan, di nakakadehydrate, haha...
Natapos ko 10km with PR 1:18.

Disappointed lang si hubby kasi daming rules & regulations ang nalabag sa mismong event.
I guess you still got your 21k finisher's medal.

Nice Pr sis, ako kasi gumaganda mga PR records ko sa events na ma ulan. Kainis lang kasi nawala na ang sunvisor cap ko, huling ginamit ko pa naman iyon kahapon at least hindi natatamaan ang mata ko ng rain water, ewan ko ba saan ko nailagay iyon nawala, Adidas pa naman iyon original pa. broken hearted ako
kami kasi sis nag check-in along adriatico na hostel, kamusta naman db kung galing pa ng a Antipolo, baka wala na kaming tulog noon, sobrang tamang decision lang talaga ang ginawa namin may dala nga akong payong eh, ang taxi driver gusto niya kami ibaba sa may intersection pa lang papuntang MOa, hindi ako pumayag sabi ko nagtitipid ako ng kilometer kaya hindi ako maglalakad. ang payong namin iniwan ko doon sa may 21k finisher tent, buti pumayag si kuya na magpaiwan ako doon ng gamit kasi talagang mga 10 second na lang takbuhan na.

Yup got the medal, kaso sis nakaka inis, ang medal pinamimigay lang na parang magic flakes, eh knowing Runrio eh isinusuot mismo sa finisher ang medal, badtrip talaga, tapos wala na kaming loot bags, doon nagkaubusan daw. hello tama ba naman iyon.

Anyway SL muna ako today, mag rerecover muna at masakit ang mga paa ko tee hee!.

+aeon_flux+

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #81 on: August 01, 2011, 11:29:48 am »
layo pala pinanggalingan nyo..wag ka na mabroken hearted sis, buy ka nalang ng bagong sunvisor.
pagaling ka sis ha.
ako uminom nako agad ng gamot kagabi, feeling ko magkakasipon ako e.
ngaun ok na naman pakiramdam ko, chineck naman ako ni hubby kninang morning, wala naman daw ako fever.

marami nga nakapayong kahapon habang nasa race, mga ayaw mabasa, hehe..
tapos meron ako nakita na girl, binalikan yung payong nya sa damuhan malapit sa seaside.

nakita ko nga yung mga medal inaabot nalang na nakaplastic pa,
dahil siguro ayaw ng staffs na mabasa yung medals, baka kalawangin.

disappointed lang si hubby sa event kasi kahit na di nakapasok sa cut-off time, me medal parin.
e kaya nga di kami nag 21k kasi alam namin magiging linient yung organizers,
na strict sila sa cut-off time, swerte mo nga sis me Milo medal ka na.
tapos maraming di nakasuot ng Milo singlet.
dami din complaints sa fb page ng Milo/RunRio na yung ibang 42k runners, pang 21k medals yung nareceive nila
masyado siguro sila naoverwhelm sa medal, hehe..

Sa sobrang frustration tuloy ni hubby kinukulit ako na magjoin kami sa provincial Milo marathon.
Gusto nya makabawi at magkamedal ng Milo.

mommeeganda

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #82 on: August 01, 2011, 09:18:08 pm »
first time to join sa fun run on sun NBA fit fun run. may free 30slots for our company buti naka reg ako agad. goodluck to me 5k agad.. wala na slot for 3k... excited nako lolz!!  ;D

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #83 on: August 02, 2011, 11:16:14 am »
okay na ako sis, nag SL ako kahapon, ngayon okay na ang tuhod ko, konting pain na lang, hindi na ako paika ika maglakad, may sentimental value lang kasi sa akin ang sunvisor na iyon, suot ko kasi iyon noong first ever run ko eh, kaya nakaka sad lang talaga.

Dami nga hindi naka singlet eh kung alam lang namin naku hindi kami nag milo singlet, dami naka payong parang eng eng eh basa na rin naman sila eh, nag effort pa mag payong. Hinahabol ko talaga ang cut off, at least below 3 hours pa rin ang record ko, ayos na iyon sa Milo medal ko. Super happy ako, kasi last 2k drag ko na ang left knee ko. Super naluha ako pagka cross ko ng finish line. Sobrang priceless talaga ng feeling.

Nice Mommeeganda, good luck sa run mo sa weekend, mag hydrate ka at sleep ng early this week.

+aeon_flux+

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #84 on: August 02, 2011, 12:01:50 pm »
@ whitelady17

buti naman sis ok na tuhod mo.
priceless talaga sis ang feeling pag nakakatapos ka ng 21k, lalo na pag nabebeat mo yung previous PR mo.
buti nalang di pako naccramps during race, at wag naman sana mangyari.
pic mo siguro sis yung napost sa FB na priceless pic, lumuluha sa finish line, winning momentang dating, hehe...


@ Mommeeganda

Good lucksis sa 1st fun run mo.
Just be prepared nalang for the event.
Im sure after mo matapos ang 5km, mabibitin ka, hehe...

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #85 on: August 02, 2011, 12:16:06 pm »
meron ba sis? anong caption kaninong account? hindi ko pa nakikita eh. hahaha naka compression tights ba? kasi kung oo baka ako na nga iyon lol. para ma check ko tee hee!

+aeon_flux+

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #86 on: August 02, 2011, 12:28:48 pm »
wait sis hanapin ko lang, kahapon ko kasi nakita yun.
not sure kung naka compression tights sya.

sis sali ka rin ba sa axn run philippines?
may registration site kasi sya sa runnr bgc.
september pa yung sched nya.
search ko kasi website di ko pa mahanap.

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #87 on: August 02, 2011, 12:41:43 pm »
hahaha, sana ako or sana hindi ako lol. Hinahanap ko nga ang AXN run na iyan eh wala akong makitang details dito sa net. sige mag se search rin ako

+aeon_flux+

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #88 on: August 02, 2011, 12:54:00 pm »
sis, mukhang di ikaw yung nasa pic, naka nike sunvisor...eto yung link

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=241472479218586&set=a.220735684625599.61523.199412780091223&type=1&pid=810838&id=199412780091223

ako din search mode parin ng axn site.
Php850 lang ang reg ng 21k.
maganda sis yung quality singlet.
timing chip nya sinusuot sa calf/shin.
may kasamang baller id rin.
limot ko na kung may finisher's shirt/medal.
kumuha na kami ng reg form, submit nalang this sat pagkakuha ng nba fit singlet.
baka sa axn nalang kami pa reg, di na sa run rizal.

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #89 on: August 02, 2011, 01:08:20 pm »
hehe hindi ako iyon sis. mukhang marathoner siya eh. 22521 bib number ko :D naghahanap pa nga ako ng photos namin eh. wala pa akong mahanap lol

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #90 on: August 02, 2011, 01:34:52 pm »

+aeon_flux+

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #91 on: August 02, 2011, 02:26:33 pm »
yun o!, tnx sis sa paghahanap..

di ko napansin na marathoner pala yung nasa pic.
malamang pag 1st time ko mag marathon mapapaiyak din ako.
june this year palang ako nagstart mag jog/funrun e.
kaya matagal pa bago ako mag 32k, tapos 42k, tapos duathlon, tapos triathlon.
taas ng panagarap ko, wahahaha!
need muna matuto magswim.

sa R.O.X BGC pala namin nakita yung reg ng AXN Run Philippines, hindi sa RUNNR.

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #92 on: August 02, 2011, 02:47:34 pm »
welcome, ako nga eh gusto ko mag ultra marathon, eh tamad akong mag training lol expensive kasi ang bike eh kaya baka hindi na muna sa triathlon

check ko kay pogs kung type nya ang AXN run na ito, mas malapit ng konti sa amin.

+aeon_flux+

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #93 on: August 02, 2011, 03:10:41 pm »
uu sis, ortigas lang naman sya.
nakatakbo nako dati sa ortigas pero 10k lang.

ultra marathon? 100km ba un sis? di ko na papangarapin yun, haha...
nagcheck ako ng bike sa R.O.X., 75k ang pinaka cheap for triathlon.
pero masarap talaga karirin ang mga funruns.
aside kasi sa nag-eenjoy ako, it helps me to lose weight.
di na nga lang ako nakakapagtrain lately kasi panay ang ulan.

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #94 on: August 02, 2011, 03:27:14 pm »
pangarap ko magawa ang Bataan Death march run eh, kaso kamusta naman, kailangan kasing laki ako ng nasa Biggest loser para may ma burn ako, ayokong himatayin sa kalye lol. Hindi na kasi kami sabay tumatakbo ni Pogs eh, sa Libis siya ako sa Makati super strict kasi iyon pag tumatakbo kami kaya tumitino ako. Hindi ko kayang i maintain ang pace ko kung mag isa lang ako. hehe maganda iyan sis at least may mga target tayong events


+aeon_flux+

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #95 on: August 02, 2011, 07:23:50 pm »
si hubby din mabilis ang pace, kaya lately ginaya na kita, nagpapaiwan na lang din ako.
kahiya din kay hubby e, di nya nakukuha yung target pace nya dahil sakin.
kaya before the event dami na nya sakin reminders, kwentuhan nalang kami after the race.

hmm...wala na bang ibang parating na funruns?
unsure pa rin ako for 2nd Intramuros Funrun by the Mapuans.
Sa NBA Fit si hubby nalang muna ang tatakbo.
May takbo na naman ako sa Aug 21 & 28, both for 21k category.


mommeeganda

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #96 on: August 02, 2011, 09:04:17 pm »
Nice Mommeeganda, good luck sa run mo sa weekend, mag hydrate ka at sleep ng early this week.

hi sis..yup thanks excited na sana makaya ng powers ko.. naku may insomia pa naman ako but ill try my best to sleep a lot just for that hahaha...

mommeeganda

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #97 on: August 02, 2011, 09:05:34 pm »
@ Mommeeganda

Good lucksis sa 1st fun run mo.
Just be prepared nalang for the event.
Im sure after mo matapos ang 5km, mabibitin ka, hehe...
[/quote]


super looking forward na ko sis..thanks po!

OD

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #98 on: August 02, 2011, 11:34:20 pm »
sis sossy, hehe baliktad tayo, im praying for the rain, mas masarap tumakbo ng umuulan, hindi masyado nakakapagod, at hindi masyado nakaka dehydrate kasi malamig. mas pabor ang ulan sa mga long distance runners, lalo na sa mga mag 42 tom.

Have a safe and happy run tomorrow everyone  ;D

that's a novel idea, ma-try nga. I've always thought of running when its raining sort of masochistic.

whitelady17

  • Guest
Re: FUN RUNS
« Reply #99 on: August 03, 2011, 08:34:54 am »
that's a novel idea, ma-try nga. I've always thought of running when its raining sort of masochistic.

sis OD its fun to run under the rain, also be careful kung may lightning, huwag ka na munang tumakbo, delikado sa open spaces eh.

sis Aeon, masyado kasing competitive si Pogs eh, kayang kaya nya amg sub 2 sa 21k hala paano naman ako kung karirin ko ang pace niya baka sa hospital ang bagsak ko. Kapag kasama ko siya sa run feeling ko siya si Chinggay ganun ka terror mag coach LOL, pero ayos lang tumitino naman ang takbo ko kasi alam ko na pag sumabay siya sa pacing ko siya naman ang napapagod kasi hindi siya sanay sa mabagal na pacing. Sis RU 2 21k k rin ba? baka puwede na tayong mag pacing na dalawa tee hee! kailangan ko lang naman ng ka pacing para maging steady ako eh tendency kasi nag rerelax ako sa run so nagiging lakad. hopefully mas gusto ko magka roon ulit ng bagong PR. sa Aug 28 kasi hindi pa ako sure, meron kaming Adination run niyan sa Greenbelt eh.

Open pa ba ang Intramuros run? Mura ang fee nila hah. kaso mabato kasi doon sa area diba? parang ang hirap takbuhan
« Last Edit: August 03, 2011, 08:41:22 am by whitelady17 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close