kakarelate din ng konti.

back in HS, WALA nanligaw sa akin.
ZERO! naging boyish ako ng konti, lahat ng kaibigan ko, may boyfriend, merong silang mga manliligaw etc. inggit mode ako. kahit sa village namin, wala din, feeling ko pumanget ako. from being cute & adorable little girl to an ugly HS girl. di naman ako mataray, ang bait ko nga e.

wala talagang pumansin sa beauty ko. nung ng prom kami (3rd yr lang kami ngprom), isa lang ang nagyaya sumayaw sakin, barkada ko pa yun! waa..
so come 4th year, nafrustrate talaga ako, bat walang nagkakagusto sakin? ganun ba ako kapangit? (eh bakit merong mga matatanda na nagsasabi na ang ganda ng mukha ng batang eto?) napaparoll eyes na lang ako everytime.
i can't wait na magcollege para maiba environment ko since di nga ako benta nung HS.
so come college, i went to a university in Ubelt area, kinakabahan ako. NBSB ako e, promdi pa.
but to my suprise, bumenta ang beauty ng lola niyo nung umpisa. may mga nanligaw sakin (di naman ganun kadami, pero naoverwhelm ako) . LOL, yung iba paramdam lang, yung iba ligaw talaga. lol. haba ng hair. meron pa akong nauto from different institute (department).
hayys. my first sem was memorable, meron mag 'bestfriend' parehong katext mo. oh diba?
so ayan, di ba ang dali, pipili na lang ako sa kanila.
Unfornunately, yung napili ko need to leave. malapit ng maging kami e tapos nangyari yun, lilipat siya ng ibang school after the 1st sem. Waa. why Lord? eto na yun e, siya na. huminto na rin ang ibang 'admirers'.
after him, may nanligaw ulit, di ko siya type but i still gave him a chance, nung ok na siya sakin biglang he stopped, nalaman ko na lang nakipagbalikan pala sa dating gf. Ano ba yan.
bumalik ang sumpa! Oh my. Laos na ulit ako. huhu 2nd yr&3rd yr. ZERO! puro school at barkada lang. No one courted me. alam mo yun, nobody even said na uy, type ka ni, crush ka ni.. etc. Back to being ugly duckling na naman ang feeling ko. Many of my friends are in a relationship na. inggit mode ulit.
Until the right guy came along in my senior year in college. We know each other since our freshman year pero classmates lang talaga, kaya laking gulat ko when he admitted that gusto niya ako. parang hello??he started to notice me 1st year pa pero intimidated daw siya, parang hirap daw akong ligawan (di naman po ako sosyalin pero back in college, i was in a popular group, nahiya daw siya sa mga kaibigan ko, takot itease etc, baka daw maarte din ako (high maintenance), mayabang, parang siyang baliw! LOL) but after 2 years (ang tagal!) he realized na iba daw pala ako di gaya ng inaakala niya

naging kami naman.
He is technically my first bf. and until now kami pa rin, going 6 years.
hays, when i looked back on those days na naiisip ko na ang pangit pangit ko, natatawa na lang ako, parang anong meron kaya sa panahon na yun, bakit wala? bakit nung first year, ang dami? (kala nila type nila promdi?, pero di pala! LOL)

note, hinde naman po puro ligawan ang inintindi ko sa buhay ko. sideline lang yan. LOL. siguro di din ako nageffort (like nag-aayos lagi) kaya nagkaganun.