Author Topic: Gardening II  (Read 99966 times)

HoldingOn

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 182
    • Get Paid in $$$ By Completing Tasks Online
Re: Gardening new thread
« Reply #20 on: February 22, 2012, 12:53:02 pm »
^Try mo sis sa Manila Seedling, sabi ng friend ko marami daw choices dun, but I haven't tried visiting the place pa. Yung Parsley ng Kuya ko sa Tagaytay niya nabili :)

yung mga tomatoes ko ayun hindi pa rin nagkakabunga, unsuccessful ako dun. sa sunod bibili ako ng medyo malalaking paso o container. para maganda paglaki nila.

Meron mga tomatoes talaga sis na mahirap mamunga especially ngayong palaging umuulan. Mas mabilis sila mag-bear ng fruits pag tag-init. - sabi ng kuya ko ito ha  ;)

====================

Mga tanim naman ng kuya ko - ampalaya, tomatoes, okra, talong, pechay (pero ito hanggang 2 harvest lang then pinapalitan na niya yung nakatanim), malunggay, monggo (dati pero tinanggal na ito ngayon, nakakatuwa kasi binato lang nila yung monggo beans, ayun, tumubo na), bell pepper (ganun din, binato lang nila yung dried seeds, namunga na), oregano, lemongrass, aloe vera, sampaguita and parsley (bago pa lang ito). Maliit lang space ng pinagtataniman, kaya niro-rotate niya minsan yung mga tanim niya.

https://plus.google.com/photos/102015842788299703035/albums/5711821830972903665?banner=pwa
« Last Edit: February 22, 2012, 01:20:09 pm by HoldingOn »

soumy01

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 113
Re: Gardening new thread
« Reply #21 on: February 22, 2012, 01:29:22 pm »
^ wow sis kakaingit tanim ng kuya mo dami. ganon pala yung monggo, first time ko nakakita ... 
buti pa yung sili niya may bunga yung akin pinuno ng aphids.  :'(
ginagamitan ba niya ng mga pataba tanim niya sis ganda ng bunga ng talong. pano kaya niya nacocontrol yung mga aphids?

best time pala ngayun mag tanim ng kamatis pasummer na.

HoldingOn

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 182
    • Get Paid in $$$ By Completing Tasks Online
Re: Gardening new thread
« Reply #22 on: February 22, 2012, 01:55:39 pm »
^sis, pareho tayo, first time ko lang din makakita ng monggo na plant pa lang, hehe. si nanay ko, ang tagal mapuno yung iniipon niya na monggo, sabi ko dati ibili ko na lang siya sa palengke, ayaw niya, gusto daw niya siya pipitas. haha.  ;D

ginoogle ko pa kung ano yung aphids  :P wala po siya ginagamit na fertilizer or kahit na anong pataba. siguro maganda lang yung lupa. may bukid kasi na katabi yung subdivision nila, dun siya kumukuha ng lupa. yung talong, hindi rin naman nagkaroon ng aphids.  :)

yung ampalaya, yun, medyo nagkaroon ng konting pests (ewan ko lang din kung aphids din tawag dun). kaya yung ibang bunga ngayon eh mabilis magcolor yellow. pinapalitan lang ng kuya ko yung tanim kaya nawawala yung mga pests. niloloko nga namin mga kapitbahay, nausog ata nila, paano kasi, sprout pa lang yung mga ampalaya, kanya kanya na silang label ng name nila, pinapareserve na yung paghingi. hehe.  :D

siguro isang factor din sis kaya bihira magkaroon ng pests is because niro-rotate ng kuya ko yung mga tanim niya. like yung pechay, after ng 2 harvests, eh okra naman tinanim niya. then, after ng 2 harvests eh binalik niya yung pechay.

best time sana magtanim ng kamatis kasi summer na, kaso naman, ngayon kahit summer, umuulan  :(

tama si sis rinel310, very rewarding nga magtanim. ako nga na hindi nagtatanim, nakikipicture lang, everytime umuuwi ako sa kanila every weekend, super excited ako na makita kung ano na namunga sa mga tanim ng kuya ko. hehe  ;)
« Last Edit: February 22, 2012, 01:58:11 pm by HoldingOn »

zidane

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 175
  • ImDis&Dat
Re: Gardening new thread
« Reply #23 on: February 22, 2012, 02:45:04 pm »
oo oregano yun... hehe.. ang bagal nga bumba ng tubig pag naulanan... pero in fairness tagal ng buhay niya khit me baha siya sa lalagyanan... pero namatay na din siya... gusto ko mgtanim ulit... gusto ko din yung harvest harvest effect...hahaha,...kaya tuloy mga games ko sa psp harvest moon, sa fb naman farmville, sa iphone naman zombie farm, basta anything na me harvest ni lalaro ko... ay ot na ata.. hehe
super single forever..

zidane

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 175
  • ImDis&Dat
Re: Gardening new thread
« Reply #24 on: February 22, 2012, 02:47:02 pm »
gusto ko yung pag gusto ko mg gulay pupunta lang ako sa tanim ko para mamitas... o db winner yun...  ;D ;D ;D
super single forever..

HoldingOn

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 182
    • Get Paid in $$$ By Completing Tasks Online
Re: Gardening new thread
« Reply #25 on: February 22, 2012, 02:49:23 pm »
^haha! tama, winner talaga yun. sarap ng feeling  ;D

soumy01

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 113
Re: Gardening new thread
« Reply #26 on: February 22, 2012, 03:03:43 pm »
tama mga sis sarap sa pakiramdam, minsan nga tinitigan ko lang. si hubby naman pag kagising dun nagpupunta tinititigan lang din mga tanim ko hehe.
sarap yung bagong pitas na talbos ng kamote sawsaw lang sa bagoong with kalamansi with prito , malutong kasi pagbagong pitas tapos alam ko pa kung san galing.

gusto ko talaga yung kangkong, maghahanap ako ng seeds nito.

zidane

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 175
  • ImDis&Dat
Re: Gardening new thread
« Reply #27 on: February 23, 2012, 08:38:58 am »
ingit ako sau sis... tagal ko na tlg gusto nito... :(
madalas nga laging daya lang yung tanim ko... :o
ngpapakuha ako ng tanim na (medyo puno na, basta malaki na siya) sa province pag me lumuwas... ng pa dala nako ng kamatis, sili green, sili red.. tigok lahat... hay..nung ng try nga ako nuon ng mongo 2 inches lang ata ang nilaki tpos dead din... san ba kayo kumukuha ng lupa mga sis? me nabibilihan ba nito? yung maganda sana kc dito sa amin puro semento eh... try ko sana mg tanim ng kamatis ulit pero this time from scratch as in seed ang itatanim ko....
super single forever..

ragnamom

  • Newbie
  • *
  • Posts: 29
Re: Gardening new thread
« Reply #28 on: March 03, 2012, 12:51:55 am »
pasali..naghahanap talaga ko thread about pagtatanim ng mga gulay. nagstart din ako magtanim sa mga paso [textspeak!] yung lupa [textspeak!] kinuha kolang sa bakanteng lote dito samin. Siling haba, aloevera at bawang palang natanim ko. Plan kopa [textspeak!] bumili ng mga buto para sa ibang paso ko na wala pang laman. Ang ginawa ko yung bawang kumuha [textspeak!] ako sa ref tapos pinaghiwahiwalay ko lang sya then itinusok ko sa lupa kalahati lang dapat nakalabas saka di sya dapat lagi dinidiligan kasi mabubulok sya, may mgausbong na at nakaktuwa talga. Yung aloevera ko dumami sya kasi itinatanim ko sayung mga maliliit na umuusbong sa tabi ganun [textspeak!] pla magpadami nun.Yung sili [textspeak!] ilubog lang sa lupa usbong na.  Nakakatuwa talaga...Can't wait na mamitas! Yung lupa para mataba sya yung isang pot ko nameejo malaki nilalagyan ko ng mga nabubulok na pag like balat ng prutas mga dahon-dahon nialagay ko dun para mabulok [textspeak!] dinidiligan ko araw araw kahit lupa lang. Araw-araw ko din binubungkal yung mga gilid ng halan para makahinga daw yung lupa . Pwede din naman pong bumili ng organic soil na nakasako. Since taga-calamba po ako mejo madali [textspeak!] po sakin pumunta sa los banos marami halaman dun. If sa Manila di ko  alam bilihan, Nung pumunta kami dati sa Cartimar sa Pasay yata yun may mga halamanan din po dun.

Plan ko magtanim ng mga petsay, kamatis kalamansi. maghahanap ako ng mga seeds ng parsley,lettuce at spinach magtatanung na rin ako kung paano itanim. Gustoko kasi ng mga gulay na yung. Maganda ang parsley para sa kidney bumibili pa kami sa supermaket nun para ilaga at inumin yung sabaw. Sayang di kami matutuloy sa tagaytay bukas plan ko sana  maghanap ng mga buto.

quennna

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1820
Re: Gardening new thread
« Reply #29 on: March 03, 2012, 01:30:55 am »
mukhang gusto ko ulet magtanim ha..
start muna ako sa pechay... good luck sa akin..
dream magkaroon ng garden na pipitasin m lang pag kailangan mo :)

HoldingOn

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 182
    • Get Paid in $$$ By Completing Tasks Online
Re: Gardening new thread
« Reply #30 on: March 03, 2012, 01:34:31 am »
^^hi sis, thanks for sharing experience mo sa pagtatanim, pero medyo marami po textspeak  ;) nakakatuwa naman ang taba ng soil mo. yung kuya ko kasi, pinapatuyo muna niya sa araw yung seeds ng sili bago niya tinanim. by the way, thanks for sharing about parsley. maganda pala sa kidney yun, ngayon ko lang nalaman. may tanim din kuya ko na parsley, masabi nga yan sa kanya.  :)

^goodluck sis. go! kaya mo yan  ;)

soumy01

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 113
Re: Gardening new thread
« Reply #31 on: March 03, 2012, 08:50:55 am »
sis ragnamom ganon pala pagtanim ng bawang, try ko yun. yung sibuyas nagtanim ako. pwede na sahog panglaga yun dahon nila.

nakapagtanim na ako ng kangkong kakatuwa may tubo na.

em_cee

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1127
Re: Gardening new thread
« Reply #32 on: March 03, 2012, 09:41:51 am »

Mga tanim naman ng kuya ko - ampalaya, tomatoes, okra, talong, pechay (pero ito hanggang 2 harvest lang then pinapalitan na niya yung nakatanim), malunggay, monggo (dati pero tinanggal na ito ngayon, nakakatuwa kasi binato lang nila yung monggo beans, ayun, tumubo na), bell pepper (ganun din, binato lang nila yung dried seeds, namunga na), oregano, lemongrass, aloe vera, sampaguita and parsley (bago pa lang ito). Maliit lang space ng pinagtataniman, kaya niro-rotate niya minsan yung mga tanim niya.

https://plus.google.com/photos/102015842788299703035/albums/5711821830972903665?banner=pwa
wow ang galing.  Pwede ba sa pot lang mga yan?
ganun pala itsura ng monggo... diba sa school we plant monggo seeds as a project, mabilis sya tumubo. same ba yun? if i put the seeds in a bigger pot, dadami at tutbo ng monggo ulit?  akala ko toge ang labas nya eh.  mukhang toge kasi or same ba yun? pasencya na, di ko talaga alam. 
Jesus Loves Me!

HoldingOn

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 182
    • Get Paid in $$$ By Completing Tasks Online
Re: Gardening new thread
« Reply #33 on: March 03, 2012, 09:47:29 am »
^Hi Sis, naku hindi ko sure kung ano sagot sa tanong mo, kasi, napansin lang namin yang monggo nung plant na siya. Napagkatuwaan lang ni Nanay ko na magbato ng few monggo dun sa lupa ng bahay sa tapat namin kasi wala pang nakatira, then nakita na lang nila nung malaki na siya. Pero feeling ko, yan din yun. Double check ko. Pauwi naman ako ngayon sa bahay sa kanila, so ask ko rin. Balikan po kita ha.  :)

em_cee

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1127
Re: Gardening new thread
« Reply #34 on: March 03, 2012, 10:08:16 am »
^ sige, thanks! :)
Jesus Loves Me!

ragnamom

  • Newbie
  • *
  • Posts: 29
Re: Gardening new thread
« Reply #35 on: March 03, 2012, 09:19:18 pm »
Sis ano ba yung textspeak? hehe di ko  po kasi alam kung ano yun. pasensya na. Question lang nagtanimakong spinach na nabili ko sa grocery may roots pa sya pero nung nilagay ko sa paso tinangay ng ibon mga leaves as in kalbo. Ganun din yung mga tinanim ko na herbs na nabili ko sa tagaytay basilat mint naubos din ng ibon. I wonder kung sa loob ba ng bahay pinapatubo yung mga yun o sa labas? direct sunlight ba mga herbs or yung di masyadong nasisisikatan ng araw. Gustong gusto ko magtanim ng mga herbs para sa nanay ko.  What do you think mga sis? paano tamang pag-aalaga ng mga hebs at spinach para di kainin ng mga ibon?  Yung bawang na tanimko so far di nilapinapansin hehe

mom_G

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 165
Re: Gardening new thread
« Reply #36 on: March 04, 2012, 06:48:49 am »
^sis, i have not tried spinach pero yung basil and iba pang herbs, indoor yung akin and tumutubo naman.  nilagay ko malapit sa window para exposed sa sunlight.

HoldingOn

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 182
    • Get Paid in $$$ By Completing Tasks Online
Re: Gardening new thread
« Reply #37 on: March 04, 2012, 09:53:47 pm »
wow ang galing.  Pwede ba sa pot lang mga yan?
ganun pala itsura ng monggo... diba sa school we plant monggo seeds as a project, mabilis sya tumubo. same ba yun? if i put the seeds in a bigger pot, dadami at tutbo ng monggo ulit?  akala ko toge ang labas nya eh.  mukhang toge kasi or same ba yun? pasencya na, di ko talaga alam. 
Double check ko. Pauwi naman ako ngayon sa bahay sa kanila, so ask ko rin. Balikan po kita ha.  :)
Hi Sis, sabi sa akin ng Kuya ko, it started daw as togue, so tama ka na same as yung project natin nung elementary, but with this, kailangan sa soil mo siya itanim at hindi sa wet cotton. Then, after niya maging togue, dun na magsstart daw siya na magcolor brown, then saka magkakaroon ng leaves, then yung pod na. Yung pod daw, pag medyo natuyo na, then, thats the time daw na pwede mo na siya iharvest at okay na yung monggo inside. Warning lang, para makaipon ka ng monggo na pangluto, you need a lot of monggo plants! Hahaha. Pero nakakatuwa lang itanim for experience. By the way, binunot na ni kuya yung monggo niya! Naiinip na ata sila. hehe  :P

Sis ano ba yung textspeak? hehe di ko  po kasi alam kung ano yun. pasensya na.
Sis, ito yung mga words typed na parang text message, yung nakashort cut. ;)

I wonder kung sa loob ba ng bahay pinapatubo yung mga yun o sa labas? direct sunlight ba mga herbs or yung di masyadong nasisisikatan ng araw. Gustong gusto ko magtanim ng mga herbs para sa nanay ko.  What do you think mga sis? paano tamang pag-aalaga ng mga hebs at spinach para di kainin ng mga ibon?  Yung bawang na tanimko so far di nilapinapansin hehe
Parsley lang herb namin eh, and outdoor siya nakatanim. Walang ibong sa amin.... now I'm wondering bakit kaya wala? Hmmm....  :)

caterpillar-girl

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1267
Re: Gardening new thread
« Reply #38 on: March 07, 2012, 11:13:30 am »
I'm so happy may ganitong thread! Kakatuwa yung mga gardens nyo! I just started my own mini (as in SUPER mini) herb garden. Nagtanim ako ng basil, oregano and spearmint. Mahilig kasi ako sa tea hehe. I placed them in trays with soil-less mix. Sana tumubo!

Sisses, aside from Manila Seedling Bank, pwede rin kayo bumili ng seeds and gardening materials (like soil-less mix, trays, pots, and even potted plants kung gusto nyo yung potted na kagad. :) sa Harbest, sa may Pasig lang yun. They have everything na and they can teach you how to plant and start your own gardens. Meron din silang seeds for vegetables and fruits, hindi lang herbs.
"Like a bird on the wire / Like a drunk in a midnight choir / I have tried in my way to be free."

quennna

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1820
Re: Gardening new thread
« Reply #39 on: March 07, 2012, 11:32:11 am »
sis, san ang harbest sa pasig?
natuwa naman ako dyan.. :)

 


Latest Stories

Load More Stories
Close