watch now

Author Topic: bakit kayo nag resign sa job nyo?  (Read 143639 times)

superjuzh

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #240 on: August 04, 2013, 09:57:49 pm »
Bago yung huli kong work sa resort nagtrabaho ako sa isang electronics company. Magpapasko nun kaya sobrang lakas ng deman kaya halos wala kaming rest day. Every 2 weeks ang pakit ng shift pero halos 3 weeks walang off. Malaki nga ang sweldo pero hindi kaya ng katawan ko. Nagresign ako after 3 months hindi pa alam sa bahay namin na wala akong work kaya kahit di na ko napasok araw araw pa rin akong umaalis ng bahay para mag apply good thing after two weeks natanggap ako sa resort kung saan puro rest day naman. Hindi nakakapangsisi kasi magandang work experience pa rin siya for an undergraduate like me at mas malapit pa yun nga lang mababa ang sweldo pero ok lang masaya naman. :)

KVsWahmmy

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #241 on: August 04, 2013, 11:14:13 pm »
Hindi maka-nanay ang rules. I was a new mom then, and laging nagkakasakit anak ko nun (she was about 7-8 months then) And sa BPO job, yung ikaw na may sakit ang hirap na mag-SL, yun pang you have to be absent pa for your kid, pahirapan talaga - may mga naririnig pa akong di magagandang side comments. So I said, ayawan na - anak ko na 'to eh. I always give prior notice naman, I don't miss out on work if I know the yaya can manage. Pero pag sakit na, ibang usapan na yon. So there, I resigned.

Best decision I made ever. I'm now a work-from-home-mom. <3

purple_girl

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #242 on: August 06, 2013, 03:31:13 am »
first job - career growth
second job - nag awol si yaya ni baby

still working sa third company and no plans of leaving yet, although, open pa rin naman given the right opportunity.

janedoe007

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #243 on: September 13, 2013, 05:37:00 pm »
Super stressful, not good for my health na ang level ng stress sa previous company na I worked for.

mitcha15

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #244 on: September 17, 2013, 06:59:59 pm »
1st job-after working for 5yrs, naisip ko Na-stuck Na lang ako sa work. Ang baba na nga Ng sweldo. Inggitera pa un boss sa akin. I'm working at retail sales.

2ndjob-lasted for almost 2yrs, I was candidate for promotion after all the extra work I done Hindi rin natuloy because of favoritism. I applied to go abroad, I was hired kaya fly agad sa new work.

3rdjob-working overseas na, pay is good after finishing my contract I resigned. I was able to get a permanent residency. I asked my husband to come and join me abroad, but my son is left in the Phils. We decided na sa pinas pa rin siya mag-school.

4th job-still here abroad working, now change to different industry. Pay much better, less stress, super slow Ng promotion and trainings. Going 4yrs Na sa work. I'm currently pregnant and once I finished my maternity leave hopefully we can go back philippines and mag-stay Muna for quite sometime to take care of the kids.  ;D

iamyourangel08

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #245 on: September 22, 2013, 10:05:27 am »
1st job ko ok sana yung trabaho kaso walng career growth..feeling ko napakastagnant ng buhay ko..12hrs shift 7am 7pm and minsan hanggang 7pm 7am walang increase sa sweldo..mababait mga co workers mababait amo kaso wala talaga matututunan..minsan naghihintay lang ng mga agents na magpapaconsult sa clinic at manghihingi ng gamot..magisa lang sa ofis buong araw..
(i am also looking for a job wherein i could utilize skills)

2nd job ko (dream job ko) ok mga kasama ok din schedule malapit lang sa bahay namen mga 20mins travel time kaso sobrang stressful ng trabaho sobrang liit ng sweldo (hindi nakakabuhay kahit sarili ko..hehe) and also by that time paalis na din kami abroad..

3rd company (overseas)(malayong malayo sa kinuhang course, pero nakaadjust naman..mabait ang boss ,kaso madami co workers na epal..mababa sahod break even lang sa mga gastos and may isang co worker na napakabastos akala mo siya ang boss..
i got tired..so kahit anung pakiusap ng boss ko to stay e umalis ba din ako..since 1week na lang naman matatapus na din contract ko sa kanila..hehe..luckily after 2 weeks nakahanap ako ng ibang work..

4th company overseas pa din..big company + big salary..ok na sana kaso sobrang stressful din..nagkaanxiety ako dito..ako gumagawa ng lahat pero sa senior ko ang credit..hindi ako pwedeng magdecisyon para sa trabaho dapat lahat iconsult muna sa senior ko ultimo pagreply sa mga email..napakaliit na bagay big deal sa kany..paiba iba ng mood at palagi nakasigaw..im still working here pero already thinking of resigning na din..hanap hanap lang ako ng kapalitna work..

sa lahat ng mga to mga sis i realized na hindi sa laki ng sahod or laki ng kumpanya nakasalalay kung tatagal ka ba sa trabaho..as they say money will always pay the bills pero kung sobrang stressful ka naman sa trbaho mo still it will never make you happy..

bratty

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #246 on: September 22, 2013, 01:07:56 pm »
sa lahat ng mga to mga sis i realized na hindi sa laki ng sahod or laki ng kumpanya nakasalalay kung tatagal ka ba sa trabaho..as they say money will always pay the bills pero kung sobrang stressful ka naman sa trbaho mo still it will never make you happy..

I partly agree. Sa 1st job ko abroad, minimum sweldo pero masaya ako sa work ko, mga kasama at immediate superior. Minsan stressful pero manageable naman. Minalas lang ako sa pinaka-boss ko na saksakan ng gahaman sa pera. Ni-recommend na ako ng ibang colleagues to be officially be part of the company pero mawawalan sya ng kick back sa sweldo ko kaya they just asked me to resign para wala na daw questions bakit di ako ma-absorb.

zira

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #247 on: September 27, 2013, 05:06:14 pm »
1st job - para hindi kami magkasam ni bf sa work and may miss factor pa and to try graveyard shift

2nd job - salary growth and change of skillset

3rd job - work- life balance.

currently on 4th job.

letters_to_cleo

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #248 on: September 27, 2013, 09:43:37 pm »
 nagresign ako from my last job in Asia kahit mas malaki ang pay ko doon kasi gusto kong mamasyal sa Europa. So nung inofferan ako ng work dito, grab na.  So far, nageenjoy naman ako. Stressful ang work pero yung mga bestfriends ko kasi nakabased din dito though magkaiba kami ng countries, so masaya lagi pag may bakasyon. And sinusulit ko ang pamamasyal. Ayun mag-one year na ako sa current company ko, and I am sure na magrerenew pa ako because madami pa akong papasyalan eh haha

sugardrop

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #249 on: November 08, 2013, 08:18:34 pm »
Sa last office job ko, hindi ko na malaman kung sino pakikinggan ko. I have a department head, my former HR head, and then the CEO. Lahat sila they all come to me directly if they have ideas since nasa Marketing ako. May kanya-kanyang gusto ipagawa na minsan conflicting sa instructions ng isa. Di ko na malaman kung sino ba talaga boss ko. Then ni-pull out ako for this year's Nat'l Election to be a ghostwriter and handle all communications and correspondences. Ganun pa din. Nakakayamot lang and nawalan na ako ng gana talaga. I was thinking of a good reason to quit ng hindi ko na tatapusin yung election when I injured my tailbone and had to undergo therapy and be on bed rest for months. Ayun na ang hinihintay kong chance na makaalis. :D Plus, di ganun kaganda trato nila sa ibang employees. When I was still in the HR, I heard complaints na agad on my first week pa lang. Some even said na sana ako na yung makatulong sa kanila. But I was powerless. Pinakamatataas babanggain ko to make those wrong things right. Pati DOLE pinaikot din. Tapos yung mga nagrereklamo, puro salita lang and takot kasi wala daw silang ibang mapapasukan pero abot langit ang mga galit. Stressful lang. Now, minsan na lang ako makakita ng white hair ko, dati ang dami. Haha!

sugardrop

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #250 on: November 08, 2013, 08:21:36 pm »
For my previous jobs, I guess immaturity din talaga. I was so into finding the perfect company when I wasn't even the ideal or perfect employee. But I guess my heart's not really into it. Now I am going to finally pursue what it is that I really want to do. For the meantime, I am freelancing.

jo1

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #251 on: February 25, 2014, 10:03:47 pm »
after 14months in my last job, I urgently needed to leave for two reasons: (1) conflicting commitments and (2) corp culture... i did walk away with a big lesson though -- it can NOT always be about the money ;)

Layla

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #252 on: February 25, 2014, 11:15:27 pm »
Office politics
Low compensation package
I want location independence

Jaguar.Paw

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #253 on: March 03, 2014, 11:49:51 am »
ang layo tska ang trapik! ang liit pa ng sahod. gasolina pa lang talo na. que horror ang trapik sa C5 from Taguig to Libis! di pa ko nakakarating sa office, pagod na ko.

chedz.03

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #254 on: March 06, 2014, 07:26:15 pm »
Usually dahil hindi na ako masaya plus mababa din sahod. Sa ngayon naman, yung happiness is average lang pero masaya ako when it comes to salary but my husband is planning to transfer to another employer in another country so i have no choice in case matuloy but to resign since dependent nya ako.

Choknat

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #255 on: March 07, 2014, 03:15:43 pm »
Nag resign ako kasi hindi ko na kinaya ang ugali ng boss ko. After 3 years, good bye talaga sa company na yon. Itong boss ko na to, mga 1 year palang sya and at the middle of 2013 directly reporting na ako sakanya  >:( Hindi ko nagustuhan kapag nagsasalita sya, manliliit ka talaga sa mga sinasabi nya. Competitive naman ang sahod, masaya naman ako sa mga kasama ko, pero sa boss ko talaga! Hindi ko kakayanin, stress, tapos nanliliit, feeling ko ang t**** ko kapag kausap ko sya. Anyway, okay na ako ngayon, walang pera, pero masaya naman ako! haha :)

azrael

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #256 on: April 21, 2014, 09:32:57 am »
1st Job - toxic na kasi I loved it here sana kaso yung boss ko sinabihan ba naman kami nobody is indispensable. eh di umalis ako. ayun up until now wala na [textspeak!] posisyon na yunbinigay na sa iba na incompetent naman. yung boss ko umalis na din siya after a few months. ha ha

2nd job - hmm toxic to the nth level; ok sana sa benefits saka compensation... he he kayalang ang layo, lagi ako ginagabing uwe. nakakapagod pa kasibpo siya tapos onshore naming is Tokyo. workaholic to the max sila he he bawal mag lunch nyahaha

3rd job - stayed here 6 monthslang ni refer ako ng boss ko sa 1st job ko, but then di ko narin nakayanan kasi hospital siya hirap pala work sa hospital kasi ang negative sa pakiramdam. =( tuwing out na sobrang wow gaan na ng loob mo.. per pag papasok ka na sa work ang bigat na ng pakiramdam he he




lizzete

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #257 on: May 05, 2014, 12:44:42 pm »
Hay sana kagaya nyo ko na nakapag resign na..ayoko din ng boss ko..parang isa lang ang empleyado nya..wala pakielam sa iba..hindi toxic ang trabaho pero since wala nga sya pakielam..wala ka din growth..lage kasama ng sales ..lage nasa labas..hindi ko maintindihan kung ano gusto nya..parang silang 2 na lang ang tao sa mundo..may isa na ko officemate na nagresign..di nakayanan kasi ilan na nga lang kame may favoritism pa..nakakawalang gana..

prettypepz

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #258 on: May 09, 2014, 01:18:49 am »
1st Job - related sa course. 1 month :p. kaloka ang boss na kano, demanding sobra, pati unrelated work pinapagawa sakin, pag hanapin ba naman ako ng games online ng anak nya.. every lunch ganun sya.. tapos kapag may nasirang say printer, ilalagay nya talaga sa table ko para ayusin ko!! omg. nag awol nalang ako haha

2nd job - banking industry - 4 years. I super love the people I work with, travel is fine too minsan lang kapagod pag traffic. Bosses are great, dami ko natutunan sa 3 naging boss ko.. Mga auditor kasi.. But then kahit anong comfortable mo sa work darating yung time na magiging routine nalang. They offered me promotion pero dumating si baby kaya I let go, mas imp si baby. Difficult pregnancy, difficult decision to leave but then... I didn't have any regrets... Im happy I was able to took care of my son since birth.. nakapag pahinga rin ako for 8 months.. now he's 4months old and I'm looking for new work na..

3rd job - eto job offer palang. banking industry din. pinagiisipan ko pa kasi SHIFTING!! hindi ako sanay sa ganun.. but then benefits are great.. lahat ng wala si 2nd job nandito.. plus mas malapit ng konti sa 2nd job. though the position is new,.. hay sana makapag decide na ako.. I love taking care of my baby kaso gusto ko rin naman mabigay kahit papano needs nya... luho sometimes.. :)

budzwhiz

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #259 on: May 09, 2014, 02:26:04 am »
Yung mga ka work kong babae, di ako feel. Edi di ko rin sila feel. Haha. Plastik, talks about me behind my back. Tas yung supervisor ko, although mabait naman, lakas maka damoves e. Ayoko sa ganon. Assistant manager ko naman, nag naname call sakin. Kasama nya yung mga babae na nagtatawanan habang pinaguusapan ako. Manager, grabe kung pumuna. Kahit wala kang ginagawang masama lakas mang sermon. Ang galing manliit. Wala na kong ginawang tama. Badtrip talaga yun. Lahat galit sa kanya. Lol. Wala naman ako naging problema sa trabaho, ayoko lang talaga ng mga nakasama ko. Yung pagpasok ko talaga everyday e  struggle. Mas nakasundo ko pa mga OJT, sa kabilang shift and yung sa ibang departments. Hay sayang. Kung nakalipat sana ako sa ibang dept mas naging okay pa. Issue rin yung sa HR kasi hindi nila tinupad yung pinangako nilang position. Oh well. Thinking about it now, I don't regret a thing. Good luck nalang sa kanila maghanap ng kapalit ko bara bara. Sana may nahanap na sila ngayon. Lol.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close