i know na super hirap ng pinagdadaanan mo girl kase nadanas ko na din yan.. super ganyan na ganyan din.. childhood friend ko din.. blah-blah-blah! we've been together for almost 8 years.. super perfect relationship.. buong mundo ko, siya lang..
hindi ko alam kung anong tamang sabihin sa iyo kase talagang kung love na love mo pa din siya, kahit na anong sasabihin ng mga friends mo sayo na pampalakas ng kalooban, pag maiisip mo siya e maiiyak ka pa din..
lahat na lang ng senti songs na maririnig mo feeling mo tumutugma sayo at sa nangyari. pag pupunta ka sa lugar na kasama mo sya, maiisip mo sya and you'll wish he's there with you. tapos kakain ka sa labas, mag isa ka, maluluha ka kase sana kasama mo sya.
as i write this, parang gustong pumatak ng luha ko kase nakikita ko yung sarili ko sayo. naiinis ako. bakit ganon.. pero alam mo, kailangan mo talagang maging malakas.. ang daling sabihin nito para saken pero dati pag ako sinasabihan nito e hindi mag sink in sa utak ko, pero sasabihin ko pa din sayo, kayanin mo girl!
siguro, for one thing, lagi kong sinusumbatan ang DIOS dati, tanong ako ng tanong bakit ganon. sigaw ako ng sigaw sa kuwarto ko ng GOD hindi ko na po kaya. gusto ko na talagang mamatay. hindi ako kumakain. sobrang namayat ako. my mom was also crying with me kase for the first time nakita niya ako na sobrang devastated. i've got pictures pa nga e, nakita ko lang just last monday. grabe! para akong patay na buhay. kase nagkaroon ako ng madaming sakit.. lalong lalo na yung sakit sa dugo, hindi ko inalagaan ang sarili ko kase all i care about that time is to be with him, again. isip ako ng isip. hayst! there.. kawawa talaga..
sabi nila, hindi ka daw talaga makaka-move on kapag hindi ka daw ulit nagkaroon ng bf ulit. pero alam mo, saken lang ha, siguro dapat sa ngayon manahimik ka na lang muna. yun nga, tama yon na maging masaya ka para sa kanya. tapos after non, alisin mo lahat ng mga bagay na makapag papaalala sayo ng lahat tungkol sa kanya. iwasan mo muna makinig ng mga nakakalungkot na songs. tapos be with your family, wag na wag mong hahayaan na mag isa ka.
everything happens for a reason, alam mo na naman siguro yon. Yun pa, mag pray ka lang palagi. may awa ang DIOS sis, makakaalis ka din diyan sa sakit na yan. thankful ako sa kay GOD kase kahit na kung ano-anong pinaggagawa ko, pinagsasabi ko etc. pero nandito pa din ako and sa awa NIYA e hindi naman ako napabayaan. SIYA lang naman ang lakas natin.
since fresh pa naman yan, go lang girl, iyak lang.. pero wag sobra..
again, kaya mo yan. naiiyak na talaga ako.. take care sis, this too shall pass..