Hi Mga Sis!!!,
Pasali po, kasi nag iisip kami ng mother ko na magpalending ulit. Nun po kasing highschool ako, nagpalending na din si nanay pero di cya successful, 5-6 kasi un dati, pag umutang ng P500, P600 ang balik, 1 month to pay ang usapan at daily ang paghuhulog.
nagstart si nanay sa 10K na puhunan (this was in year 2000), tapos ang mga pinapautang nya un mga taga palengke, mga may malilit n pwesto ng gulay, etc.
nun una ok, katunayan, isa un tita ko (ate nya) sa mga umutang, tapos pag di kilala ni nanay, may guarantor na kakilala nya. ang ending, un tita ko, may tindahan cya ng mga towels at baby clothes sa palenge, kumuha cya ng 3K that time, di ba daily ang usapan nila, pag sinisingil nya, galit pa sabay sabi ng "[textspeak!] nga akong benta maghapon eh maniningil ka pa!!!" hehehhe as in ganun, galit pa cya ke nanay samantalang cya nagsabi nun. ayun nabankrupt dahil may mga tumakbo at di na nagpakita pa...
ngaun ang plan namin is ATM nga as collateral, kasi dito samin uso yan, dami nga clients dito in fact...gusto ko kahit maliit na loan muna like 3k or 5k para madali lang umikot...
samga nag iisip na pumasok sa ganito, sana magtagumpay tayo...