hi!
share ko lang din po story ko.
I gave birth last jun 16, nsd, baby girl.
Actually, two days na akong may spotting saka sumasakit yung puson ko, parang pag may mens lang, tapos ang interval nya talaga 8-10 minutes. Pero keri pa naman yung pain, so ok lang. Pero iniisip ko na talaga anytime na malapit na ako manganak, jun 20 kasi due date. Nung ng 5-8 minutes na ang interval (pero natotolerate ko pa din), jun 16 ng morning, ngtext na ako kay Dra. Tinawagan nya ako at sinabi baka daw nglabor na ako. Pinapunta niya ko sa clinic niya, at ayun nga, 2-3 cm na ako, Hindi niya ako pinauwi kasi malayo yung house namin sa hospital, sa batangas kasi ako nanganak.
1pm, naadmit ako, siguro mga 3 pm na yung pain na hindi ako masyadong komportable. Naghahanap na ako ng ok na pwesto, pero kaya pa din naman, hehe. 5pm iniIE ako, 4-5 cm na, sabi ni dra, tuturukan na daw ako ng pampahilab para di na masyado mahirapan. Di ko pa alam kasi kung NSD or masiCS ako kasi, although approx. 2.8 kg lang si baby, super liit daw ng sipit sipitan ko. Usapan namin na try muna inormal, at kung hindi talaga, di saka cs. Mga 7 yun talaga, masakit yung puson at likod ko. Parang dysmenorrhea na 10x yung sakit sa puson at yung hips ko. Parang feeling ko na 1 year akong naglaba ng tuloy tuloy sa sobrang sakit ng likod. Wala pa mandin si hubby kasi andito siya sa manila, kaya sis at mama ko lang kasama ko. Pinapamasahe ko talaga sasapnan ko kasi ang sakit eh.
Mga 7:30 siguro nung tinurok sa akin pampahilab, tapos tawagin na nga lang pag sobrang sakit na. At yung moment na yun talaga. Naman, lalong sumakit yung puson at likod ko. As in super duper. Mayat maya napunta ako sa CR kasi feeling ko napupo ako. Yung pain talaga, dirediretso na. Nakakatawa naman, pero feel na feel ko umupo sa toilet bowl, kasi nawawala yung pain pag andun ako. Di ko din mapigilan ako mapaire. Siguro mga one hour ako ganun tapos nung sabihin ko sa mama na andaming dugo na lumalabas sa akin, ayun tinawag na yung DR. IniIE ako at sinabi na tuloy na nga daw, lalabas na talaga si baby. Hindi ko talaga kung maeexcite ako o kakabahan that time, kasi syempre, di mo alam mangyayari, so pray kang kay God.
Pagdating sa delivery room, pinapush na agad nila ako. Nung time na yun, wala na akong nararamdaman pain sa likod or sa puson. Ang sarap sa feeling pag ngpupush. Wala yung anesthesia. Ang kulit pa kasi may water broke nung nagpupush na ako, nakahiga na ako so parang fountain talaga siya, haha. Masakit lang pala talga ang labor, pero yung actual na ilalabas mo na si baby, feeling ko najejebs lang ako, hehe! Saglit lang nalabas ko na si baby, buti talaga nakaya ko NSD.
2.5kg si baby, grabe, sobrang relief na malabas ko si baby. Kahit gutom ako kasi simula ng maadmit ako, di na ako pinainom ng water at pinakain. Ang saya pa nung marinig mo si baby na umiiyak. Natatawa sina dra sa akin kasi humihingi ako ng malamig na malamig na tubig, nauhaw talaga ako sa panganganak.
Nakakatuwa din lang kasi di ko naramdaman yung pagcut habang nilalabas ko si baby. At yung tahi, siguro kasi groge na din ako, huli ko lang naalala yung tinanong ako kung lalagyan na si baby ng earrings, the rest wala. DI ko alam na tinurukan ako pampatulog, yung pagtahi at yung pakikipagusap ko sa mother ko ng ilabas ako sa delivery, di ko na naalala, natatawa lang sila sa akin kasi proud ko pa daw na sinabing nakaya ng Normal yun pala di ko alam yun.
First baby nga pala to, at naku, super memorable,hehe!