Hi mommies! i'm also from pque... i gave birth march last year at
Our Lady of Peace Hospital sa may San Dionisio, bago dumating ng Kabihasnan kung galing Las PiƱas.. Ito yung hospital na kita sa may coastal road. I highly recommend this kasi kakaiba yung atmosphere, parang hindi hospital...

I had emergency CS pero nasa 40k lang ata binayaran namin, less philhealth na yun, private room...

Actually, aksidente lang pagkaka-discover namin dun.. I changed OB at 37wks, my previous one was from Olivarez... We had a feeling kasi that time na minamadali nya ko ma-CS kasi daw placenta previa ako... Nagkataon lang na we opted for a 2nd opinion, & di naman pala totoo!

So ayun, may nag-refer samin sa OLPH... My OB, DR. Emmanuel Dagala is the head of their OB-Gyn Dept & he is also affiliated with Manila Doctors Hospital.. Kaso nga, practicality-wise, mas mura sa OLPH kesa Madocs so dun ako nanganak at dun ulet ako manganganak for my 2nd baby which is due on sept 8...

sa totoo lang mga sis, hanggat maari ayoko gumastos ng malaki sa panganganak. kasi sayang yung pera, sa bata ko na lang gagastusin. di naman ako maselan. may ma susuggest pa ba kayo na ibang hospital? dyan sa LPDH magkano ba dyan?
gusto ko tuloy lumipat ng ob.
Hi sis stellar!
Pareho tayo, gusto ko din magpaka-praktikal ngayon! Last year kasi, maarte pa ko e, pinilit ko talaga na sa private room kami ni baby...

E dun naman sa OLPH, konti lang ang pasyente, nagkaron pa ng time before ako manganak na solo namin yung semi-private rm na for 2 people kaya may higaan pa si hubby...
Ngayon nga kahit siguro sa ward e ok na sakin basta makatipid, CS na naman kasi ako...

Sabi naman ni hubby, ok din yung ward dun.. Di ko pa lang nakita kasi nga, maarte ako last year!

One of these days e bisita ulet kami don to inquire...